CHAPTER 5 - White house

1109 Words
"What the! Gabu, joke ba 'to?" Kulang na lang ay iluwa na ng mukha ko 'tong mga mata ko sa gulat! Sinong hindi kung paggising mo, bigla mong madidiskubre na tinangay ka na pala sa isang ISLA nang wala kang kamalay-malay! Take note, sobrang layong isla na maski ikaw hindi mo kilala at hindi mo alam kung ilang kilometrong layo ba sa Pinas! "Relax Darl, this place is nice." Nice? What a word? "Anong pakahulugan mo sa salitang 'nice' ha Gabu? Jusme! Hindi na 'to pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas! Hindi ko na nga matukoy kung nasa Asia pa ba tayo! Europe! O kung saang parte na ng mundo! Then you will just tell me to relax and believe that this place is nice? " Call me paranoid or anything you want! Pero hindi ko naman kasi akalaing sa ganito kalayong lugar pala nakatira si Gabu! Paano na lang ang mga naiwan ko sa Pilipinas? "Why are you so angry? Aren't you happy that you're with me now?" Anong klaseng tanong iyan? "Of course I am! Kaya lang kasi, masiyado itong malayo! Paano ang pamilya kong naiwan sa Pilipinas? Si Mama? Si Papa? Ang mga kapatid ko? Si Brina at higit sa lahat, 'yong taong pakakasalan k---" I instantly stop after realization hit me. Shit! Bakit ko ba iyon nasabi? "So that's the reason ha?" Halata ang pang-uuyam sa tinig nito. "Hindi Gabu, don't get me wrong. What I mean is---" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla na lang siyang sumigaw. "What you mean is, all you care involves about that f*****g bastard! Gusto mong magpakasal? Then go! Go and leave now! But I assure you Darl. Once you step outside of this Island, you wouldn't see me anymore again." May diin at pagbabanta sa bawat salita niya na ng mga oras na iyon ay mistulang mga batong nagpabigat sa dibdib ko. Sa pagharap ng likod niya sa direksyon ko at unti-unting paglaho ng katawan niya sa kawalan ay isa-isang bumagsak ang mainit na tubig mula sa aking mga mata. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa sinabi niya, at the same time takot. Takot na hindi ko na naman siya makikita. Ang tagal kong hinintay ang araw na ito, ang araw na muli ko siyang makakausap at makakasama. Hindi ko yata kaya kapag nalayo ulit siya sa'kin. "Babalik na ho ba tayo madam?" Tanong sa'kin ng isa sa mga bodyguard niya kanina. "Hindi." Dahil sa sagot ko ay iginaya na ako nito papasok sa sasakyang sumalubong sa'min pagkababa namin sa pribadong rotor plane ni Gabu kanina. Habang binabaybay namin ang daan ay lumilingon-lingon pa ako sa paligid. Nagbabaka-sakaling makita si Gabu ngunit hindi ko na nakita maski anino nito. May iba pa bang daan dito maliban sa tinatahak namin? Halos inabot yata kami ng isang oras sa daan bago namin narating ang isang...white house? Isa itong napakalaking gusali na mistulang palasyo ang desinyo sa ibabaw ng patag at pinaka mataas na parte ng isla. Puting-puti ang kulay nito at walang kahit na anong bahid ng dumi o mantsa sa paligid. Sa bukana pa lang ay mababanaagan mo na ang karangyaang nakakubli sa loob nito dahil sa ganda at nakamamangha nitong anyo. "Maligayang pagdating sa MilGab Paradise." Mula sa malaki at malapad na tarangkahan ng palasyo ay lumitaw ang isang manikin? Isang manikin na kamukha ng mga prisesa sa Disney Animation. Maganda ito, balingkinitan ang katawan, mahaba ang natural na dilaw at alun-along buhok, maputi at higit sa lahat, sobrang amo ng mukha. Hindi kaya nasa Disney Island ako? But wait, tagalog siyang magsalita! "Sino ka? Saka bakit Pilipino ka magsalita?" Eh hindi naman siya mukhang Pilipina! May Pinay bang blonde ang buhok? "Ako si Mary Anne Alcantara Brouch, kalahating Pilipina, kalahating Italiana, maari niyo po akong tawagin sa bansag na Mary at ako ang nag-iisang kanang-kamay ni Mr. O. Ikinagagalak ko po kayong makilala, Binibining Milky." Mary? As in, virgin Mary? At ano raw? Kanang-kamay? Seryoso ba siya? Iyang ganda niyang iyan? I think she's lying. Saka ba't ang lalim niya naman yatang magtagalog? "Mary, huwag mo sanang mamasamain ha. Kaya lang, para kasing hindi kapani-paniwala. Ayos lang kung aaminin mong, girlfrien----I mean, kasintahan ka ni Gab---ay hindi, Mr. O pala. Ayos lang, don't be shy. Ayos lang talaga." Ayos nga ba talaga? "Hindi niyo ho kailangang mag-ngitngit sa galit. Wala ho kaming relasyon ni Mr. O, maliban sa pagiging kanang-kamay ko sa kaniya." Kampante nitong sabi habang nakangiti ng maaliwalas. Mukha namang nagsasabi nga siya ng totoo. Pero paano nangyaring kanang-kamay ni Gabu ang mala-anghel na babaeng ito? Hindi kaya nagha-hallucinate lang ako? "Tuloy na ho kayo sa loob." Iginaya niya ako sa loob at ganoon na lamang ang pagkamangha ko ng makita ko na ang kabuuan ng buong palasyo. Well, palasyo nga siya...literal. Kung nanonood ka ng mga Disney Animations gaya ng Cinderella, Snow White, Sleeping Beauty at iba pa, maiintindihan mo ang mga pinagsasabi ko. Kulang na lang ay tumulo ang laway ko sa ganda, gara at talaga namang mala-prinsesang ambience ng lugar. Masiyado itong malaki at malawak na kahit yata tumira ako rito sa loob ng ilang buwan ay hindi ko pa malilibot ang buong bahagi nito. Mayaman na ako sa lagay na ito ngunit nabibighani pa rin ako sa desinyo at wangis ng palasyong ito. Palasyong pinuno ng mga mamahaling kasangkapan at napapalamutian ng maraming ginto. Paniguradong bilyong-bilyong halaga ang ginastos para lamang maitayo at mapaganda ito ng ganito, at hindi ako makapaniwalang kay Gabu ang napaka gandang gusaling ito. "Ang lugar na ito ay dinisenyo ng pinaka magaling na arkitekto sa kasalukuyang kasaysayan. Dekada ang binilang bago ito tuluyang nabuo at limpak-limpak na salapi ang inilaan upang maisakatuparan ito. Lahat ng ito, para sa nag-iisang prinsesa ni Mr. O. Handog niya ang palasyong ito sa babaeng ninanais niyang maging reyna." Nag-iisang Prinsesa? Ninanais na maging Reyna? Pakiramdam ko ay sinukol ng libu-libong pana ni Robin Hood ang puso ko ngayon. May minamahal ng babae si Gabu? Sino? At ganoon ba talaga siya kahalaga para rito na mantakin mong magpatayo pa talaga siya ng palasyo bilang handog? Award ha. Hindi man lang ako na-inform na dapat pala nagbaon ako ng panyo. Nanahimik na lamang ako at palihim na ikinikubli ang lahat ng kirot at sakit sa dibdib ko. "At ngayong narito na siya, tiyak akong labis ang tuwa na namumutawi sa kaniya." Narito na? Luminga-linga pa ako sa paligid para makita kung may iba pa ba kaming kasama. Kaso mukhang kaming dalawa lang naman yata ang tao sa lugar na ito. Wala ba ditong mga katulong? Nabalik ang tingin ko sa kaniya ng marahan itong tumawa. Pati halakhak niya ang seksi ngunit mahinhin! "Ikaw ang tinutukoy ko, Ms. Milky." Weh? 'Di nga? "Ako? Paanong----seryoso?" Ako ang babaeng mahal ni Gabu? Ako ang prinsesang tinutukoy ng manikin na ito? Ako ang gusto ni Gabung maging reyna? Shoot! Magpapatawas na talaga ako sa albularyo bukas na bukas! Pakiramdam ko kasi nae-engkanto na ako! "Maniwala ka Ms. Milky, ganito ka kamahal ni Mr. O. Mula noon, hanggang ngayon." Mahal ako ni Gabu? Noon pa man?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD