“THIS is not what I signed up for.” Sa labas kung saan nagbibenta ng tickets ang staff ng charity event ay napakapormal ng mga ito. Hindi siya makapaniwala na iba pala ang madadatnan niya sa loob.
It says there is a show. Wala namang ibang nandoon kung hindi isang reggae band na tumutogtog. Bukod doon ay puno ang buong function hall ng mga upuan na tila isinet-up pa na parang bar. Sa isang gilid ay nakaliya ang mga bartender na nagmi-mix ng iba’t ibang drinks at ibinibigay ito sa umuorder na customers. In general ay may kadiliman ang buong lugar at naliliwanagan lamang ng mga makukulay na LED lights.
“Olive!”
Napalingon siya sa kaliwa at nakita si Kaye na papalapit sa kaniya.
“Mabuti at nakarating ka!”
“Where’s the show?” Walang inhibisyon niyang tanong sa babae. She was expecting a more relevant show about street children and the abandoned.
Itinuro nito ang reggae band na nasa stage. “That’s the show.”
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. She paid two thousand pesos for the show that she expects.
“Is this really for the charity?”
“Oo naman!This is designed for young people like us who wanted to have fun but at the same time wants to help too. Come on, I’ll show you your seat.”
Napailing na lang siya habang iginigiya siya nito patungo sa mga bilugan na mesa na nasa kaliwang bahagi ng bar. Pumili doon si Kaye ng isang mesa na bakante pa.
“What do you want to drink?” Tanong sa kanya ni Kaye.
Sa totoo lang ay hindi niya alam ang sasabihin. Alam niyang tinatanong siya nito kung anong gusto niyang alak na iinumin pero wala naman talaga siyang alam sa mga alak na alak na iyan.
“Kahit ano na lang.”
Mabilis naman kausap si Kaye. Umalis ito at ilang sandali lang ay may waiter na nag-aabot sa kanya ng inumin. Kulay asul iyon at may lemon pa sa gilid ng baso.
She took a sip of the drink and winced. Ito ang unang pagkakataon na makakainom siya ng ganitong alak. Malayong-malayo ang lasa nito sa mga wine na naiinom nila sa kumbento.
Nakailang inom na rin siya nang lumapit muli si Kaye sa kanya.
“Kaye! Pwede bang pag dumating si Kristel, dito mo siya paupuin?” Kanina pa kasi siya nabuburo sa upuan na iyon. Sa pagkakaalam niya ay inimbita rin ito ni Kaye.
“I’m sorry, Olive. But Kristelcan’t come. However, I have assigned this seat to someone you know para naman may kausap ka.”
Sa isang iglap ay may lalaking umupo sa harap niya. He was wearing a business suit and really gorgeous.
Ipinilig niya ang ulo. Ang bilis naman yata niya tamaan ng alak na iniinom niya. The man suddenly looked like someone significant from the past.
Great! Kahit dito sa bar ay sumisingit pa rin sa utak niya ang imahe ni Rafa. Akala niya ay sa panaginip lang siya dinadalaw nito.
“Kumusta, Ollie?”
Wow...pati boses pareho ah.
But wait...did he just call her Ollie? Isang tao lang ang tumatawag sa kanya noon.
It’s only Rafa.
Sinulyapan niya muli ang mukha nito. He was smiling down at her.
“Rafa?”
“Hi Ollie. It’s been awhile.”
Napaupo siya nang maayos. Why the heck is he in the same table as hers? “Anong ginagawa mo rito?”
“I was invited.” He sipped from the glass on his hand. “You?”
“I was invited too.”
“I’m happy to see you. Look, Ollie, about last time—”
Mabilis siyang umiling. “It’s already in the past. Hindi na kailangan pag-usapan pa natin.” Sa totoo lang ay hindi rin kasi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Nahihirapan pa rin siyang alalahanin ang tagpong iyon nilang dalawa.
“But I wanted to talk about it.”
“Wala akong masasabi.”
“I heard you left convent. You won’t be in this place if you’re still a nun.”
“I have my own reasons for leaving.”
“Was I part of it?”
Hinarap niya ito. Pero hindi niya sinagot ang tanong. “Did you plan this?”
“Plan what?”
“This meeting.”
“I don’t know what you’re saying.”
“Okay. I...I better leave—” Naputol ang sasabihin niya sana nang bigla siyang nahilo.
“Are you okay?” Narinig niyang tanong ni Rafa. Pero pagkatapos noon ay wala na siyang marinig pa. Unti-unti ring lumalabo ang paningin niya.
Napahawak siya sa mesa at nasulyapan ang asul na inumin niya.
O crap...This is very bad...
“TAPOS kana?” Hindi siya halos makagalaw sa kinatatayuan. Natatakot kasi siyang baka konting galaw lang niya ay may masagi siyang hindi dapat masagi.
She couldn’t believe herself. She’s on a beach handcuffed with Rafa—who’s still taking a piss inside the comfort room of the cottage.
She already sensed danger when Kaye came to her that day in her office, pero nagtiwala pa rin siya.
But do you really want to be away from Rafa? Pinagalitan na naman niya ang atribidang utak niya. Paano naman kasi ay may himig ng katotohanan ang sinasabi nito.
Nang matapos umihi si Rafa ay naghugas ito ng kamay. Natagalan din ito sa pagsasaayos ng sariling damit. Wala kasi naman talaga siyang planong ilapit ang kamay niya sa pantalon nito upang tumulong.
“So what are we going to do now?” Tanong ni Rafa sa kanya. Nakaupo na sila sa may receiving area ng cottage.
“Ewan ko. Ni hindi ko nga alam kung saan tayo. Naku! Pagkaalis ko dito humanda iyang si Kaye!”
Umiling si Rafa. “I know Kaye. Hindi ito gagawa ng makasasama sa atin. I just know she’s up to something that’s why she’s doing this.”
“Kahit ano pang plano niya, hindi pa rin mabuti kailanman ang kumidnap ng tao.”
“But would you believe me if I say I consider this a blessing?”
Uminit ang mukha niya sa sinabi nito. “I know where you are heading. Like I said, I’m not ready to talk about it.”
She was about to stand when she remembered the cuff. She groaned sitting down again.
“Can’t you see? He led us here, Ollie.”
“Hindi tayo nakakasiguro.”
“Sigurado ako. You and I will always be unfinished business.”
Napasinghap siya sa sinabi nito. “Then what do you want me to say? Na mahal kita kaya ako hindi nag-madre? ‘Yan ba ang gusto mong marinig? Ha?!”
“Only if it’s true. Dahil kung totoo...ako ang pinakamasayang tao sa buong mundo.”
He was staring at him like he did many years ago. It never changed. Sigurado siya. “Can’t you love someone else? Bakit ako pa?”
Ipinakita nito ang palad na mayroon peklat. Iyon peklat na siya ang dahilan noong maliliit pa sila. “I can’t forget you. You’re part of my system. But more than that it’s because you’re such a beautiful person, inside and out. You always make someone’s day better.”
Hindi na niya mapigilan ang pag-agos ng luha. Hindi pa rin kasi nagbabago ang sagot nito.
“Isang umaga sa classroom natin noon. Nakita kitang hinahawakan ang puting rosas sa upuan ko. I thought it was you who always give me those white roses. Kaya pumayag akong makipag-eyeball. But I was wrong. And you were with that Rica. Then I realized we’renot meant to be.”
“I went at your date with Phillip to make sure you’re safe. I didn’t go there to have a date with Rica. It just so happen na nandoon din siya.”
“What?”