“NO. Not this one. Hanapin mo ulit doon sa Filipinana section. Green yata ang kulay no’n.”
“Fine!”
“What?”
“I mean, Yes Sir.”
Napipikon na si Olive sa ilang ulit na pabalik-balik niya sa mga bookshelves dahil na rin sa utos ng pinakamabait niyang master. Ano pa ba ang tawag sa taong nagbibigay sa kanya ng orders dahil isa raw siyang slave?
And so ‘The great Rafa’ won over her this time.
Ilang linggo ding tahimik ang mundo niya dahil pinipilit niyang hindi pansinin si Rafa. And it actually worked. Masaya na sana siya kung hindi lang sa larawang iyon.
He demanded to be her master for three days. Iyon ang kapalit ng picture.
Pretty gruesome. Pero wala siyang magagawa. Ayaw niya ng away kaya titiisin na lamang niya ang kung anumang gusto nitong mangyari.
Pagkakita sa libro ay bumalik ulit siya sa mesa nito.
“Eto na po ang aklat.”
“Good. Ito na nga iyon.”
Ngayong naibigay na niya ang gusto nito, magbabasa muna siya ng nobela. Gusto niyang makapagrelax naman dahil kanina pa siya stressed dahil kay Rafa.
“Where do you think you’re going?”
She rolled her eyes in dismay. Sobra na talaga ito. Kung maaari lang niyang hampasin ito ng mga librong pinakuha nito kanina ay ginawa na niya. Pero siyempre hindi niya magagawa iyon.
“Mag-si-CR. Sasama ka?” She made sure that he would note sarcasm in her voice.
“Hindi na. Baka pagsamantalahan mo lang ang kahinaan ko. Wala akong magiging witness.”
Argh! The nerve!
“Mabuti naman at naisip mo iyan. Who knows, I could lock you up in a cubicle and throw a grenade in there. And then... ” Inilapit niya ang mukha rito. She made sure he would look into her eyes. “BOOM! You’re dead.”
Pero hindi man lamang ito natinag sa kinauupuan nito. Bagkus ay inilapit pa nito ang mukha sa kanya. Now she can smell his fresh breath fanning her face. Sigurado siya na kaunting galaw lamang ay magsasagi na ang mga ilong nila.
Isang ngiti ang namutawi sa mapupulang labi nito. “Ang cute mo talaga kapag nagagalit.”
Parang nag-short circuit yata ang utak niya at hindi man lang niya magawang magsalita. Her eyes were set on his as their gazes were locked on each other.
Kaagad siyang umatras nang marinig ang bell ng librarian. Mabuti na lang at hindi sila ang tinutukoy nito na maingay. Halos nasa dulo na kasi sila ng library kaya hindi sila napapansin nito.
Tinapunan uli niya ng sulyap si Rafangunit wala na sa kanya ang mga mata nito. Nakatuon na ito sa mga libro at tahimik na nagbabasa.
Kaagad siyang tumalikod at mabilis na naglakad palayo rito. Bumalot sa puso niya ang tinding kaba. That wasn’t the first time their eyes battled with death glares but that was the first time she felt so strange.
Bwisit ka talaga Rafa! May araw ka rin!
“PAKIHAWAK.” Sabi ni Rafa sa kanya habang inilalagay sa braso niya ang mga dala nitong libro. May dala pa siyang sariling libro kaya ngayon tuloy ay halos magkanda-ugaga na siya sa pagbuhat ng mga ito.
Kagagaling lang nila sa library at pabalik na sa classroom nila. Malapit na kasing magsimula ang afternoon classes.
“Ano ba? Ang bigat nito!”
“Sandali. May ipapakita ako sa’yo?”
“Don’t start with me, Rafael Montaner.”
“This will be quick.”
Sa dulo ng pasilyo ay may mga estudyanteng babae na nag-uusap. Sa tingin niya ay mga mas nasa lower years nila ito. Nang makalapit na sila sa mga babae ay agad itong binate ni Rafa.
“Hi, girls! Kumusta kayo?”
Bakas sa mga mukha ng babae ang pinaghalong gulat, saya at excitement. Mukhang tuwang-tuwa ang mga ito nang batiin ni Rafa.
“OMG, si Rafa!”
“Hi, kuya. I crush you!”
“I can’t believe this is happening!”
Matapos kausapin ni Rafa ang mga babae ay bumalik ito agad sa kanya.
“See that?”
“At sa tingin mo ba nakakadagdag ng kagwapuhan ang pagiging hambog? Duh!”
“Bakit nagseselos ka?”
“Sila pagseselosan ko? Mas mabuti pa nga ay doon ka na sa kanila. Mas masaya pa ‘yon dahil wala nang nambubwisit sa akin.”
Naningkit ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. “Teka Ollie, baka nakakalimutan mong ako ang master mo for three days. You’re my slave so you have to endure everything.”
“Oo na.” She looked away and murmured to herself. “Kung di mo lang hawak ang litrato ko baka nasuntok na kita.”
“May sinasabi ka?”
“Wala! Ang sabi ko po, medyo mahangin talaga. Sa tingin ko bagyo na ito.”
Iniwan na niya ito at mabilis na naglakad palayo nang marinig niyang tawagin si Rafa ng isang babae.
“Hi Rafa!”
Mabilis siyang napalingon sa kinaroroonan ni Rafa. May isang babaeng lumapit rito.
“Hi, Rica!”
Hindi na siya nagtataka kung bakit maraming lumalapit na babae kay Rafa. May histura naman kasi din ang mokong.
“Busy ka ba? Gusto ko kasing magpaturo ng basketball. Magbabasketball daw kami sa PE. Eh di naman ako marunong.”
Tinitigan niya ang mukha ng babae. Kung hindi siya nagkakamali ay mas bata ito sa kanila nang isang taon. Grabe talaga itong si Rafa. Kung sino-sino na lang ang ini-entertain. Playboy talaga!
Maglalakad pa sana siya palayo nang maramdaman ang bigat ng mga aklat sa kamay niya.
Hayh!
Mabilis niyang binalikan ang kinaroroonan ni Rafa at ibinigay rito ang libor. “Para ka ring libro mo, Rafa. Pabigat sa buhay ko.”
“Wait, Miss, sino ka ba?” Nakataas ang kilay na tanong ni Rica.
“Mag-research ka kung hindi mo pa ako kilala. At isa pa, hindi ko naalalang may basketball ang girls ng mga Grade 9. Volleyball ang pinapalaro sa amin dati.”
“Sino ka ba? Kung makaasta ka, para kang kung sino!”
“Aba’t—”
Kaagad siyang kinabig ni Rafa upang tumahimik.
“Ah, sorry Rica medyo busy ako eh. Sa susunod na lang ha.”
“Pero tuturuan mo talaga ako? Promise ha?”
“I’ll see what I can do.”
Pagkasabi ay kaagad siyang hinila ni Rafa palayo sa babae.
“Teka, chill lang. Ang init ng ulo mo. Papangit ka niyan, sige ka.”
Imbes na makatulong ay niloloko pa siya nito. He’s really a certified devil in disguise.
“Excuse me. Kesa naman sa tulad mong hambog. Pinapakita mo talagang maraming girls ang hibang sa’yo?”
“Do I smell jealousy here?” Nakangising sagot nito. Hindi niya mainitindihan kung saan nanggagaling ang mga ideya nitong walang kwenta.
“Mahiya ka naman sa balat mo? May standards ako sa lalaki ano. At hinding hindi ka papasa.”
“Talaga lang ha? Naniniwala pa naman ako sa kasabihang ‘the more you hate, the more you love’.”
“Dream on, Rafa.”
“Dream of me, Ollie.”