Kabanata 20

1232 Words
“Lumalim ang gatla sa noo ko ng huminto sa mismong harap ko ang isang pares ng itim at makintab na sapatos. Wala sa sarili na nag-angat ako ng mukha upang sanay alamin kung sino ang taong nakatayo sa harap ko. Subalit ganun na lang ang labis na pagkagimbal ko ng sumalubong sa aking paningin ang seryoso ngunit madilim na mukha ng taong tinatakasan ko. Para akong tanga na natulala sa mukha nito na halos may dalawang dangkal lang ang layo mula sa aking mukha. Ilang beses pang kumurap ang aking mga mata, nagbabakasakali na namalikmata lang ako at mamaya ay maglaho na lang ito sa aking harapan. “I’m glad to see you again, Amethyst Davis?” Ani ng baritono na tinig nito dahilan kung bakit bigla akong nahimasmasan. “S**t! Hindi lang basta ako nito natunton kundi maging ang pangalan ko ay alam na rin nito. Nang gumalaw ang ulo ng lalaking ito ay kaagad na kumilos ang kanyang mga tauhan at nagmamadali na lumapit sa akin. Pinaikutan ako ng mga ito at batid ko na isang maling kilos ko lang ay siguradong pagtutulungan nila ako. “T-Teka! Anong binabalak niyong gawin sa apo ko!?” Nahintakutan na tanong ni Lola kaya bigla akong natauhan at natigil ang pinaplano kong gawin. Hindi ako pwedeng makipagsapalaran, kailangan kong isa alang-alang ang kaligtasan ng aking lola. “La, huwag kang mag-alala dahil magkaibigan kami ni Mr. Walker.” Nakangiti kong pahayag bago isang makahulugang tingin ang binigay ko kay Heussaff. Tila naunawaan naman niya ang ibig kong mangyari kaya nakahinga ako ng maluwag ng sumenyas siya sa kanyang mga tauhan, kaya kaagad namang umatras ang mga ito at lumayo sa akin. Marahil ay naisip ni Heussaff na hindi ako basta makakatakas dahil nasa poder niya ang aking Abuela. Wala akong magawa kundi tanggapin ang katotohanan na nasukol ako nito. “In my office.” Matigas na utos nito sa akin ngunit natigil ang paghakbang nito ng magsalita ang lola ko. “Señorito, maari ko bang malaman kung ano ang kasalanan ng apo ko sayo?” Seryosong tanong ng aking Abuela, gustuhin ko man na pigilan ito sa pagsasalita ay hindi ko magawa dahil wala ako sa tamang posisyon. Lalo na at nakikita ko sa mukha ng aking lola ang labis na pag-aalala. Parang hinampas ng maso ang dibdib ko ng pumihit paharap dito si Heussaff kaya natataranta na pumagitna ako sa kanila bago tinapǐk ang kaliwang balikat ng binata. “May hindi lang kami pagkakaunawaan ni Mr. Walker lola kaya kailangan naming mag-usap”- “ninakaw niya ang semilya ko.” Hindi na ako natapos sa pagsasalita ng biglang sumabat si Mr. Walker. “Semilya?” Wala sa loob na tanong ko habang ang lahat ng katulong ay awang ang bibig na nakatitig sa mukha ko. Matinding kahihiyan ang naramdaman ko at wala sa sarili na pumihit ang katawan ko paharap kay Heussaff ngunit ang magaling na lalaki ay walang pakialam na pumanhik ng hagdan hanggang sa pumasok ito sa loob ng library. “Abay, siraulo kang bata ka! Ano ang pumasok sa utak mo para magnakaw ng semilya!” Galit na bulyaw sa akin ni lola sabay batok sa ulo ko. Batid ko na hindi alam ni lola ang ibig sabihin ng semilya dahil isa itong matandang dalaga na kailanman ay hindi pa nagka boyfriend. Parang gusto kong lumubog sa aking kinatatayuan dahil halos wala na akong mukha na maiharap sa mga taong nasa paligid ko na walang tigil sa pagtawa. “Ouch! La! Hindi totoo ‘yun! Wala akong ninanakaw sa baliw na ‘yun!” Nakasimangot kong sagot ngunit nadoblehan lang ang batok nito sa akin. “Umayos ka Amethyst! Hindi kita pinalaking bastos!” Galit na sermon sa akin ni Lola, “ Sorry na po.” Ani ko sa mahinang tinig. “Kailangan mong humingi ng tawad kay Señorito, at kung kinakailangan na ibalik mo ang semilya n’ya ay gawin mo!” Nanggagalaiti na sabi ni lola bago ako nito tinalikuran. Mabilis kong tinalikuran ang mga katulong na wala ng tigil sa pagtawa, nag-iinit na ang buong mukha ko at makailang ulit akong umusal ng dalangin na sana ay lamunin na lang ako ng lupa. Mabilis ang mga hakbang na pumanhik ako ng hagdan at sinundan ang magaling na lalaki. Walang paalam na basta ko na lang binuksan ang pinto at saka padabog na isinarado ito na kulang na lang ay magibâ ang pintuan. “Tell me, what do you want?” Mapanganib kong tanong sa kanya, umangat ang tingin nito at napako sa aking mukha, isang nakakalokong ngiti ang lumitaw sa sulok ng bibig nito. “Simple lang ang gusto ko, Amethyst, ibalik mo ang sperm ko at ligtas kayong makakaalis ng lola mo dito sa mansion ko.” Ani nito sabay lagok ng alak mula sa maliit na basong hawak nito. Eh, gago pala ‘to! Paano ko ibabalik ang sinasabi nitong ninakaw ko gayung siya ang nagputok nito sa loob ko!? “Siraulo ka ba!? Do you think ay nakikipag lokohan ako sayo!?” Napipikon kong sabi habang naka tiger look. “Kung hindi mo kayang ibigay ang gusto ko, eh walang problema sa akin, then stay here and be my bed-warmer.” Ani nito na parang akala mo ay nagrerequest lang sa akin ng isang walang kwentang bagay. Nainsulto ang pagkatao ko sa sinabi nito at pakiramdam ko ay umakyat na yata ang lahat ng dugo ko sa utak. “Anong palagay mo sa akin? Prostitute!?” Galit kong bulyaw, mabilis kong tinawid ang aming pagitan, umangat ang paa ko upang tadyakan ito ngunit mabilis niyang naiatras ang kanyang swivel chair kaya sa lamesa tumama ang paa ko. Hindi ko ininda ang sakit ng paa ko dahil mas nangingibabaw ang galit ko para sa lalaking ito. “Amethyst, hindi mo na ba ako naalala?” Seryosong tanong niya sa akin, “siraulo ka! Sa tingin mo ba ay makakalimutan ko ang pagmumukhang ‘yan? Maisip ko nga lang ang mukha mo ay naninindig na ang balahibo ko sa katawan! Kapag nalumpo kita sigurado hindi mo ako makakalimutan!” Galit kong sagot bago dinampot ang isang makapal na libro at buong pwersa na ibinato ito sa kanya. Mabilis niya itong nailagan kaya kinuha ko ang pagkakataon na ‘yun para makalapit dito. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko ngunit nasalo lang ito ng kanyang palad at saka mabilis na pinilipit ito sa aking likod. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako makapalag ng ipitin niya ang katawan ko sa ibabaw ng lamesa gamit ang kanyang katawan. Ramdam ko ang nakabukol nitong kargada sa tapat ng puwetan ko. Nandidiri na nagpumiglas ako ngunit wala pa ring nangyari. “Listen, kung gusto mong manatiling buhay ang lola mo ay susundin mo ang lahat ng gusto ko, maliwanag?” Ani nito bago marahas na binitawan ang braso ko. Pinukol ko ng isang nakamamatay na tingin ang likod nito, ngunit pagkatapos ng ilang hakbang ay huminto ang kanyang mga paa. “I’m expecting you at nine thirty.” Ani nito ng hindi humaharap sa akin, nagpatuloy na ito sa paghakbang at tuluyan na niyang nilisan ang library. Naiwan akong nakatulala sa kawalan hanggang sa hindi ko na namalayan na lumuluha na pala ang mga mata ko. “Huh, bahala na...” tanging ito ang lumabas sa bibig ko bago nanlulumo na napaupo na lang ako sa upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD