Kabanata 21

1113 Words
“Ano bang problema mo at hindi ka mapatahan d’yan sa isang tabi?” Naiinis na tanong ni Lola habang nakasunod ang tingin nito sa akin. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong pabalik-balik ng lakad sa harap nito. Marahil ay nahihilo na siya sa akin kaya hindi na ito nakatiis na sitahin ako. Natigil ako sa paghakbang at pumihit paharap sa aking abuela. Ngunit hindi naman ako mapakali sa aking kinatatayuan. “S-Sorry La, iniisip ko kasi kung iihi ba ako o magjejebs.” Nakangiti kong sagot, marahil ay napikon na ito sa akin at kahit nahihirapang kumilos ay dinampot niya ang tsinelas at mabilis na ibinato sa akin. “Ay bastos kang bata ka, lumayas ka sa harapan ko at akoy hilong-hilo na sa’yo!” Galit na sigaw niya sa akin, natatawa na mabilis akong pumasok sa loob ng banyo upang maligo. Sa totoo lang ay hindi ako mapakali dahil iniisip ko pa rin kung ano ang tamang gawin sa mga nais mangyari ng lalaking ‘yun. Hindi ako makapaniwala sa nais niyang ipagawa sa akin, I can’t imagine na gagawin niya akong parausan? Iniisip ko pa lang ay nandidiri na ako. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago mabilis na tinapos ang paliligo. Ten thirty na ng gabi nang marinig ko ang mga hilǐk ni Lola, tanda na malalim na ang tulog nito. Maingat na bumangon ako at pilit iniiwasan na huwag gumawa ng anumang kaluskos. Walang ingay na lumabas ako ng silid namin ni Lola, subalit, pagdating sa salas ay nadatnan ko ang mga ilang katulong na masaya pang nagkukwentuhan. Mukhang wala pang balak na matulog ang mga ito, napabuntong hininga ako ng wala sa oras dahil problema ko kung paano malusutan ang mga tsismosang kasambahay. Napilitan tuloy ako na umikot sa likod bahay. Medyo madilim ang likuran ng bahay kaya kamuntikan pa akong madapâ. Huminto ako sa tapat ng silid na ginagamit ni Heussaff at parang magnanakaw na inakyat ko ang pader at walang hirap na narating ko ang veranda ng silid ni Heussaff. Kung babae lang ang damuhong ito pwede na kaming magtanan at gawin ang sinaunang panahon. Nakasimangot na binuksan ko ang pinto sa may veranda at nagdadabog na pumasok sa loob ng silid. Napatda ako sa aking kinatatayuan dahil sa tanawin na tumambad sa ‘king paningin. Ang magaling na lalaki ay nasa gitna ng kama habang nakasandal ang likod nito sa headboard at tanging puting brief lang ang kanyang suot. Nakahantad ang maskulado nitong katawan na halatang alaga sa gym. Sa totoo lang ay nakakainggit ang katawan nito dahil marami siyang masel sa katawan. “Bakit ba ang tagal mo!?” Irritable niyang tanong sa akin, bakas sa mukha niya ang labis na pagkainip habang ang mga mata nito ay matalim kung makatingin. Pagkatapos sabihin iyon ay dinampot niya ang laptop na nakapatong sa kanyang mga hita at inilagay ito sa gilid ng nakabukas na lampshade. Pasimple kong ibinaling ang tingin sa ibang direksyon dahil pakiramdam ko ay bigla yatang uminit ang buong silid gayung bukas naman ang aircon. Walang pakialam na umupo ako sa paanan ng kanyang kama sabay hawi ng buhok ko patalikod. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay ramdam ko ang malagkit nitong mga titig sa akin. Nagkunwari akong walang epekto sa akin ang kanyang presensya, ngunit ang totoo ay nagsisimula ng tumaas ang tension sa loob ng katawan ko. At halos mabingǐ na rin ako sa lakas ng kabôg ng dibdib ko. “Tol, baka pwedeng pag-usapan na lang natin ‘to? May iba pa namang paraan para maayos ang gusot sa pagitan nating dalawa. Alang-alang sa Lola ko ay ako na ang nagpapakumbaba sayo.” Ani ko at lakas loob na lumingon dito habang nakapaskil sa mga labi ko ang isang ngiti ng pakikipagkaibigan. Mataman siyang nakatitig sa mukha ko at ang mga tingin nito ang mas lalong nagpapalakas ng kaba sa dibdib ko. Wari moy may mahika na umaalipin sa aming dalawa dahil lumapit siya sa akin habang magkahinang ang aming mga mata. Para akong estatwa na nakatanga lang sa mukha nito, hanggang sa hindi ko na namalayan na gahibla na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Kulang na lang maduling ang mga mata ko dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha na halos magdikit na ang aming mga ilong. Ilang sandali pa ay dahan-dahang bumaba ang mukha niya niya sa mukha ko ngunit kusa namang lumayo ang aking ulo dahil naalala ko na hindi kami talô. “Putcha, Pare ilayo ko nga sa akin ang mukha mo, naninindig ang balahibo ka sayo- hmp!” Hindi ko na natapos ang sanay sasabihin ko ng mabilis na kinabig nito ang batok ko. Tuluyang naglapat ang aming mga labi. Nilamukos niya ng halik ang mga labi ko na kulang na lang ay matigpal ito. “S**t!” Napamura ako ng wala sa oras ng pwersahan akong hinila nito at walang hirap na naihiga sa gitna ng kama. Mabilis siyang pumatong sa ibabaw ko, pinilit kong manlaban ngunit sadyang malakas siya kaysa sa akin. “Ipaparanas ko sayo kung paanong maging isang ganap na babae sa mga kamay ko, hanggang sa ma-realize mo na isa kang babae na nakalaan para paligayahin ako!” Matigas niyang sabi ngunit hindi na ako makapagsalita dahil kasalukuyan kong pigil ang aking paghinga. Hindi ko akalain na ganito ka-agresibo ang lalaking ito kaya nanghalikan niya ako kanina ay napindot ko na ang maliit na spray ng pampatulog at sigurado ako na mabilis itong humalo sa hangin ng aircon. Nakita ko na kumunot ang noo ni Heussaff na tila nagtataka sa kakaibang ikinikilos ko. Hindi ko na ito pinansin pa dahil kasalukuyang kinakap ng kamay ko ang basang panyo mula sa king bulsa. Nagimbal ako ng malaman ko na nawawala ang panyo sa bulsa ko, marahil ay nahulog ito ng akyatin ko ang pader. Kinabahan akong bigla ng maabot ko ang hangganan ng pagpipigil sa aking hininga at para na akong isang bomba na anumang oras ay sasabog. Wala na akong nagawa pa kundi pakawalan ang hangin sa dibdib ko dahil kinakapos na ako ng oxygen sa katawan. Napasinghap ako at pilit na lumanghap ng hangin. Namumungay na ang mga mata ni Heussaff hanggang sa tuluyan itong bumagsak sa ibabaw ko. Okay na sana dahil nakatulog na s’ya katulad ng plano ko kaso ang problema ay kusang bumagsak ang talukap ng aking mga mata hanggang sa tuluyan ng lamunin ng kadiliman ang aking kamalayan.” Ang balak ni Amethyst ay patulugin si Heussaff sa oras na ipagpilitan niya ang nais nito. Subalit hindi naman niya inaasahan na kasama pala siya nitong makakatulog ng dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD