Kabanata 24

840 Words
“La, sige na po, sumama ka na sa akin, hindi mo na kailangan pang magtrabaho sa bahay na ‘to. Kaya kitang buhayin at ibigay ang lahat ng gusto mo.” Halos magmakaawa na ako sa aking Abuela para lang mapilit ito na sumama sa akin, paalis sa mansion na ‘to. Subalit, sa nakikita ko sa ekspresyon ng mukha ng aking lola ay mukhang hindi na magbabago ang desisyon nito. “Ilang beses ko bang uulitin sayo, Amethyst, na halos dito sa bahay na ‘to ako tumanda. Alam ko na sasamâ ang loob mo sa akin, pero, Apo, hindi naman ang pagiging katulong dito ang gusto ko, kundi ang mga taong halos kasabay ko ng tumanda dito. Mas mainam na maiwan na ako dito at ikaw na lang ang umalis, bata ka pa at malayo pa ang mararating mo. Masaya ako dahil nakapagtapos ka ng pag-aaral. Kung gusto mo talagang umalis ay nauunawaan ko, Anak. Sa edad mong ‘yan marami ka pang kailangan na matuklasan sa mundo.” Malumanay na pahayag ng lola ko ngunit ang tinig nito ay may bahid lungkot. Nakaramdam ako ng lungkot, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa lola ko ang totoong kalagayan namin sa mansion na ito. Ayoko naman na mag-alala ito. Matanda na ang lola ko para bigyan ng problema. Iniingatan ko na huwag masaktan ang lola ko, dahilan kung bakit hindi ko sinasabi sa kanya na ginigipit ako ng kanilang amo. At ngayon ay hawak ako nito sa leeg dahil nasa poder nito ang nag-iisang tao na mahalaga sa akin. “Pero La?” Wala akong balak na sumuko at kahit magalit pa ito sa akin ay patuloy ko pa rin siyang kukulitin. “Lola Isay, is Right, hindi ka ba naaawa sa lola mo? She’s too old para magpalipat-lipat pa ng tirahan. Ang bahay na ito ang naging tirahan niya sa loob ng maraming taon. Malaya siyang gawin ang lahat ng gusto niya dito dahil bahay na rin niya ito. Come on, Amethyst, don't be selfish.” Nanigas ang katawan ko ng marinig ko boses ni Heussaff. Para akong natuklaw ng ahas nang biglang sumulpot sa likuran ko ang magaling na lalaki. Kalaunan ay naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ko ng marinig ko ang sinabi nito. Huh? Ako? Selfish? Eh siya? Anong tawag sa ginawa niya sa akin kung matino siyang tao? Mas lalo lang nagpupuyos ang kalooban ko dahil sa lalaking ito. “Wala kang karapatan na manghimasok sa usapan namin ng lola ko.” Matigas kong saad habang matapang na nakatingin sa mukha ng magaling na lalaking ito! “Amethyst! Hindi ko inaasahan ang ugali mong ‘yan! Masyado mo na akong pinapahiya sa harap ni Señorito Heussaff. Ngayon din ay humingi ka ng sorry sa kanya!” Galit na utos sa akin ni Lola, nanginginig na ang katawan ko dahil sa matinding pagpipigil na huwag upakan ang lalaking ito sa harap ng lola ko. “Hindi ko kailangan na humingi ng tawad sa lalaking ‘yan lola. Kung sino man sa aming dalawa ang dapat na mag sorry ay s’ya ‘yun.” Matatag kong sagot, subalit hindi ko inaasahan ang isang malakas na sampal mula sa aking Abuela. Hindi makapaniwala na tumitig ako sa mukha ni Lola dahil ito ang unang pagkakataon na napag buhatan niya ako ng kamay. “Nadidismaya ako sa ugali mong ‘yan, anak, masakit para sa akin na mali yata ang pagpapalaki ko sayo, walang ibang dapat sisihin dito kundi ako.” Parang sinaksak ang puso ko ng marinig ko ang mga sinabi ni lola. Ako ang kauna-unahang tao na tu-tutol sa sinabi nito. Dahil para sa akin ay walang makakapantay sa sakripisyo ng lola Isay ko. Mula sa puso ko ay isa siyang bayani dahil nagawa niyang itaguyod ang isang bata na hindi naman niya kadugo. Sa pagtalikod ng aking Abuela ay siya namang pagpatak ng mga luha ko habang nakatitig sa likuran nito. Tuluyang naglaho sa paningin ko ang bulto ng aking Lola Isay habang ako ay parang tuod na nanatili lang sa aking kinatatayuan. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago nag-angat ng mukha. Galit na nilingon ko si Heussaff habang siya naman ay nanatiling kalmado na nakatitig lang sa mukha ko. Sa nakikita ko sa kanya ay parang balewala lang sa dito ang nangyari sa amin ni Lola, dahil wala akong nakikita na anumang ekspresyon sa mukha nito. “Now, satisfied?” Nang-uuyam kong tanong dito, ilang segundo na naghinang ang aming mga mata. Subalit, isang buntong hininga ang narinig kong sagot nito sa akin. Tahimik na humakbang ang kanyang mga paa, ngunit, pagdating nito sa tapat ko ay saglit siyang huminto. “I’m expecting you in my bed tonight.” Ito ang narinig ko mula sa kanya bago tuluyang nilisan ang kusina. Laglag ang panga na naiwan akong mag-isa, hindi makapaniwala sa ugaling nakikita ko sa lalaking ito. Ngayon ko napagtanto kung anong klase siyang tao, bukod sa masama na ang ugali nito ay wala pa itong puso’t balunbalunan!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD