Nangangalumata na pumasok ako sa loob ng dining area. Alas diyes na ng umaga, at tanging ang lola Isay ko lang ang nadatnan ko dito sa kusina. Mukhang nagpapalambot ng karne ng baka ang lola ko dahil nalalanghap ko ang amoy ng niluluto nito. Kapag mga ganitong oras ay abalâ ang lahat ng katulong sa kanilang mga trabaho, habang ang lola Isay ko naman ay naghahanda ng mga lulutuin niya para sa pananghalian. Katuwang nito ang mga baguhang kusinera.
“Oh, anong nangyari sayo? May sakit ka ba?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Lola, lumapit siya sa akin at sinalat ang leeg ko. “Hm, okay ka naman, pero, bakit ang tamlay mo yata ngayon at halos hindi na maipinta ang mukha mo?” Nagtataka na tanong sa akin ni Lola, habang sinisipat ng tingin ang mukha ko. “Good morning, La.” Bati ko kay lola saka pinilit na ngumiti dito, pero, sa tingin ko ay nagmukha lang akong creepy. Kaya naman mas lalo pang lumalim ang gatla sa kulubot niyang noo. Wala kasing buhay ang boses ko na parang akala mo ay nagdadalamhati.
Pagkatapos sumagot ay maingat na hinila ko ang upuan at nanghihina na umupo dito. Lalo lang sumama ang mukha ko ng tuluyang lumapat ang pang-upo ko sa upuan.
Paano ko ba sasabihin kay lola na ang masakit sa akin ay ang pribadong bahagi na nasa pagitan ng aking mga hita?
Napakawalang hiya talaga ng lalaking iyon dahil tinotoo nito ang kanyang sinabi. Hindi niya tinigilan ang akin hanggang sa namula na ito ng husto. Pakiramdam ko ay isa akong lalaki na pinagkaitan ng tadhana. O, di kaya ay isang nakakadiring kaluluwa na tinanggihan ng langit at itinapon sa lupa!
“Darating ang panahon at makakaganti rin ako sa herodes na ‘yun!” Anya ng isang matigas na tinig na hindi ko namalayan naisatinig ko na pala at malinaw itong narinig ng aking Abuela. “Ouch! La, naman, bakit ka nambabatok?” Reklamo ko habang hinihimas ang nasaktang ulo. Kanina pa pala nito nailapag ang mainit na kape sa harap ko ng hindi ko man lang namalayan.
“Umayos ka, Amethyst! Kaya ka kinakarma dahil puro kasamaan ang tumatakbo diyan sa utak mo.” Sermon nito habang naglalakad pabalik sa kanyang niluluto. “La, wala po akong ginawang masama, nadala lang ako doon sa binabasa kong libro.” Pagsisinungaling ko dito para maalis ang anumang hindi magandang bagay na iniisip nito para sa akin.
Medyo naging maayos na ang pakiramdam ko ng makahigôp ako ng mainit na kape.
“Ahm, La, bakit wala yata si Maylene? Kanina ko pa hindi napapansin ang presensya n’ya sa paligid.” Nagtataka na tanong ko kay Lola sabay higop sa mainit na kape. Hininaan muna niya ang apoy ng stove bago pumihit paharap sa akin. Mas lalo akong naguluhan ng lumungkot ang ekspresyon nang mukha ni Lola.
“Naaawa nga ako sa batang iyon, maging ako ay nagulat din, dahil bigla na lang siyang sinisante. Hinahanap ka nga ni Maylene kanina para sana magpaalam daw sayo, ang kaso hindi ka namin mahagilap.” Lumalim ang gatla sa noo ko at labis akong naguguluhan sa mga nangyayari. Sa pagkakatanda ko ay tatlong araw pa lang si Maylene sa kanyang trabaho. At base sa obserbasyon ko ay maayos magtrabaho si Maylene, higit sa lahat ay mabait din ito.
Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko ang imahe ni Heussaff. Malakas ang kutob ko na may kinalaman ang lalaking ‘yun. Marahil siya ang nasa likod sa nangyari kay Maylene.”
Seryoso ang mukha na tumayo si Amethyst at walang paalam na lumabas ito ng kusina. “Ano bang problema ng batang ‘yun? Ni hindi man lang inubos ang kanyang kape.” Umiiling na tanong ng kanyang lola Isay, sabay dampot sa tasa ng kape at siya na ang umubos nito.
“Nagtataka na sinundan ng tingin ng mga katulong ang bawat kilos ko na ngayon ay kasalukuyan akong umaakyat sa mga baitang ng hagdan. Pagdating sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Heussaff ay walang salita na binuksan ko ang pinto. Balewala na nag-angat ng mukha si Heussaff at tumitig sa akin ang seryoso nitong mga mata.
“Yes, Sweetheart, may kailangan ka?” Kalmado niyang tanong, ngunit para sa akin ang datǐng nito ay parang nang-aasar. Malaki ang mga hakbang na tinawid ko ang aming pagitan saka walang pakundangan na hinaklit ang kwelyo nito. “Anong ginawa mo kay Maylene?” Tiǐm bagâng na tanong ko sa kanya, lumalim ang gatla sa noo nito at nagmukha itong inosente na kunwa’y walang alam sa tinatanong ko.
Umakto pa ito na tila hinahanap sa kanyang isipan kung sino ang taong tinutukoy ko. Ilang sandali pa ay tila may bigla itong naalala.
“Pinalayas ko na, bakit nalulungkot ka ba, dahil wala ka ng laruan? Then we can play if you want.” Anya na sinundan ng isang matamis na ngiti. Nanginig na yata ang buong laman ko kaya marahas kong hinigit ang hawak kong kwelyo nito palapit sa akin. At ngayon ay gahibla na lang ang layo ng aming mga mukha.
“Napakasama mo, pati ba naman ang inosenteng tao ay hindi mo pinalampas?” Bumitaw ang isang kamay ko sa kwelyo ni Heussaff at umangat ito sa ere. Nang akmang susuntukin ko na sana ito sa mukha ay hindi ito natuloy. Dahil mabilis na lumapat ang mga labi nito sa bibig ko. Kasunod nito, naramdaman ko ang kamay niya sa batok ko, makapugtông hininga ang halik na iginawad niya sa akin. Buong lakas na itinulak ko siya sa dibdib palayo sa akin. Matalim ang tingin na tumitig ako sa kanyang mga mata habang pinupunasan ang labi ko gamit ang likod ng kamay ko.
“Pag-aari na kita, Amethyst, kaya tigilan mo na ang pakikipaglandian mo dyan sa mga babae. Hindi pa ba sapat ang ginawa ko sayo para matauhan ka? O baka naman nakukulangan ka pa sa ginawa ko sayo?” Seryoso niyang tanong habang nakapaskil ang isang pilyong ngiti. Napalunok ako ng wala sa oras at ewan ko ba kung bakit bigla akong naduwag sa lalaking ito. Tukso naman na pumasok sa utak ko ang imahe kung paano niyang inangkin ang aking katawan. Nang maalala ko ‘yun ay nanginig na ang lahat sa akin pati na yata kaluluwa ko.
Kinabahan akong bigla ng kumilos ang mga paa niya palapit sa akin. Parang hinampas ng maso ang dibdib ko at sa isang iglap ay nagmukha akong aso na bahag ang buntot sa harap ng tigre.
“H-Huwag ka ngang lumapit sa akin!” Di magkandatuto na sabi ko habang patuloy na humahakbang paatras ang mga paa ko. Nang mga sandaling ito ay nagmukha akong tanga dahil ng makita ko na kumilos ang kanyang mga kamay ay kumaripas na ako ng takbo palabas ng kwarto nito.
Kahit anong tapang ko, kung ang gagamitin naman niya laban sa akin ay ang libog nito? Siguradong dehado ako, di na baling matawag na duwag huwag ko lang makasiping muli ang lalaking ito dahil talagang hindi ko na masikmura!”