HILA-HILA siya ng lalaki hanggang makarating sila sa opisina nito, nakayuko lang siya dahil sa hiyang nararamdaman, pigil niya ang sariling maiyak sa sobrang hiya at sakit nadarama. Ito ang unang beses na may nagsaboy sa kanya at may nag-insulto pa, masakit 'yon lalo pa't hindi naman totoo.
"Get in."
Napa-angat siya ng tingin ng marinig ang seryosong boses ng lalaki. Napuno ng pagkalito at pagkagulat ang kanyang mga mata ng tumigil sila sa isang pintuan.
"B-bakit?"
Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at tumigil sa kanyang dibdib ang tingin nito kaya napatingin din siya sa kanyang dibdib at mabilis na tinakpan ito ng napagtantong litaw na litaw ang kulay pula niyang bra.
"Huwag mo ako titigan!" saway niya at tumalikod at akmang aalis pero hinawakan siya ng lalaki sa braso.
"Get in," sabi ulit nito.
Hindi siya lumingon. "A-ano gagawin natin riyan?" kinabahang tanong niya.
Narinig niyang tumawa ang lalaki. "Natin? No, ikaw lang, get in at maligo ka sa loob."
Namula siya na halos mag kakulay na sila ng kamatis kung wala lang ang lalaki baka napapadyak na siya sa hiya at sa inis sa sarili. Napakagat siya ng labi at tumango, binitiwan siya ng lalaki, papasok na sana siya sa loob ng banyo nang mapagtantong kung maliligo siya nasaan ang mga pamalit niya?.
"W-wait, Gel. Wala akong pamalit pwede bang umuwi na lang ako?" hindi makatingin na tanong niya.
"Don't worry, someone will deliver your clothes later, so get in."
Labag man sa loob niya ay pumasok na siya sa loob ng banyong iyun. Napahanga siya sa ganda at laki ng banyo. Dumeritso siya sa shower pero natigilan siya nang mapagtantong wala pala siyang tuwalya, tumungo siya sa gilid kung saan merong maliit na kabinet sigurado naroon ang mga towels. Nang makuha niya na ang towel, inamoy niya iyun, nag babakasaling maamoy niya ang lalaki mula roon, ewan ba niya ba't iyun ang pumasok sa kanyang isipan. Mabilis na humakbang siya papasok sa shower room at binuksan ang tubig, nilagay niya sa katamtamang temperature lang. Habang pumapatak ang tubig mula ulo niya, pumatak din ang luha sa kanyang mga mata.
"Paano kung simula pa lamang ito? Paano kung mapalapit pa ako sa kanya at hindi na kaibigan ang turing ko kundi isang lalaking aking iibigin," bulong niya habang pumapatak ang tubig sa kanyang mukha ng siya'y tumingala.
***
PAGKATAPOS niya maligo ay natili siya sa loob ng banyo, hinintay ang pagkatok ng lalaki at ibigay sa kanya ang damit na sinasabi nitong binili nito. Siempre babayaran niya ang lalaki pag nakabihis na siya. Mamaya pa ay may kumatok mabilis na tumungo siya sa pintuan at binuksan iyun ng kunti tanging ulo lang niya ang nilabas niya. Sumalubong sa kanya ang seryosong mukha ng lalaki at binigay sa kanya ang isang paper bag.
"S-salamat, babayaran na lang kita mama–"
"Don't, hindi na kailangan," putol nito at tumalikod.
Napabuka-sara na lamang ang kanyang mga labi at 'di makapaniwalang napatitig sa lalaking humakbang pabalik sa mesa nito. Sinira na niya ang pintuan at napa sandal siya roon. Bumuntonghininga siya at sinilip ang laman ng paper bag, nagpalaglag banga niya nang makita ang isang dress na ang kulay ay sky blue hanggang taas lang ng tuhod niya ang haba noon hula niya. Long sleeve pero luluwa dibdib niya pag sinuot niya iyon dahil may bukas sa harap ng dibdib niya malaki. Napalunok siya ng makita niya ang pair of panties and bra kakulay iyun ng damit at may cycling din. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Ito ang unang beses na may bumili ng ganitong mga bagay para sa kanya, heto din ang unang beses na may nag-alala at may tumulong sa kanya, si Gelbirth lang. Kauna-unahang lalaking lumagpas sa pader na nilalagay niya sa pagitan ng mga taong gusto makipaglapit sa kanya at ng mga taong nakapaligid sa kanya. She closed her eyes and take a deep breath bago niya ini-isa-isa palabasin ang nasa loob ng paper bag. Napalunok siya nang ma-isuot na niya ang pares ng panty and bra. Tinitigan niya ng mabuti ang sarili sa salamin, litaw na litaw ang hubog ng kanyang katawan ng mga sandaling iyun dahil sa ganda ng bra at panty. Natawa siya dahil dumalas na ata ang paghanga niya sa sarili, sana'y magawa niya din ipakita sa iba ang tinatago niyang ganda ngunit wala siyang lakas ng loob.
Sinuot na niya ang dress na kulay sky blue, saktong-sakto ito sa kanya hanggang above the knee ang haba noon kaya 'di na din siya masyado nailang. Parang ayaw niya lumabas, iniisip niya kasi kung ano ang magiging reaksyon ni Gelbirth. Parang naiihi siya sa kaba, nagtataka nga siya dahil ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang sunod-sunod na pagkatok.
"Ana? Are you okay? Bat 'di ka sumasagot?" nag alalang usisa ng tinig mula sa labas.
"A-ayos lang ako," sagot niya at natarantang pinagpapasok ang mga damit niya sa paper bag.
"Sigurado ka?" tanong ulit ng lalaki.
Sa pagkakataong ito ay pinupulot na niya ang panty niyang nalaglag sa sahig at dahil sa kataranta niya naapakan niya ang sabon, malakas natili ang kumawala sa kanyang labi.
"ANA? s**t! WHAT HAPPEN?" natarantang tanong ng lalaki.
"Aray!" daing niya at hinawakan ang balakang.
Buti na lang hindi na basa ang sahig, 'di niya lang alam kung bakit may sabon rito. Masama ang pagbagsak niya dahil masakit talaga ang balakang at paa niya buti na lang 'di napano ang ulo niya.
Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang malakas na tunog, nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa pintuan na ngayon ay bukas na. Bumukad sa kanya ang lalaking pawis na pawis at mabilis ang hakbang na lumapit sa kanya.
"What happen? May masakit ba sa iyo?" sunod-sunod na tanong nito at walang sabing binuhat siya.
Hindi siya makapagsalita sa pagkagulat ang panty na hawak niya kanina ay hawak pa din niya at ang kamay niya ay nasa leeg na ng lalaki kaya 'di siguro nito napansin ang hawak niya. Nag-iinit ang pisngi niya sa hiya, kanina bra niya ang nakita nito, parang 'di na niya kakayanin if pati panty niya.
"Hey, Ana?" pukaw nito sa kanya.
"A-ayos lang ako, Gel," mahinang sagot niya at pasimpling niyukom ang mga kamay para itago ang panty niya.
Matagal siyang tinitigan ng lalaki na tila ba pinag-aaralan nito ang kanyang mukha. Napaiwas siya ng tingin hindi niya makaya ang bigat ng titig nito nang mga sandaling 'yon, 'di niya alam if matutuwa siya o maawa sa sarili sa inabot niyang kahihiyan at kung ano-ano pa.