Kabanata 3

2060 Words
DAHIL maaga pa wala pa masyadong tao pero bukas na ang Cafe shop na pinasukan nila ng kanyang Boss. Nang nasa daan sila kanina habang nakasakay sa kotse ng lalaki hindi niya maiwasan mapa-isip kung bakit siya iniyaya ng lalaki. Kung bakit tila ba close na agad sila. Hindi niya alam kung ikakatuwa niya iyun o hindi. Pagdating nila sa tapat ng Cafe shop na ito kanina, hindi na niya hinayaan hawakan ni Gelbirth ang kanyang kamay baka kung may makakita sa kanila at kung ano ang isipin. She keep her distance from him na lang para na rin kapakanan niya. "Hey beautiful, natulala ka," nakangiting puna ng lalaki at hinaplos ang pisngi niya nakina-atras niya sabay kurap. "Ahmm, sorry," nakayukong hingi niya ng tawad. "Nahihiya ka ba sakin? O 'di kaya takot ka ba sa akin, Ana?" may bahid ng pagsuyong tanong nito. He called her Ana, hindi niya alam pero kakaiba ang dating noon sa kanya, ito lang kasi ang kauna-unahang taong tumawag sa kanya ng Ana. Kung anuman ang intention ng lalaki, biyaya man ito o sumpa. Handa siyang harapin 'yon, sapagkat gano'n naman ang buhay, kailangan mo makipagsapalaran para makuha mo ang iyong hinahangad. "Mukhang malalim talaga iniisip mo ah?" napabuntonghininga komento nito. Mabilis ng angat siya ng tingin. "Wala po, pasensya na minsan talaga nawawala ako sa aking sarili." Ngumiti ang lalaki kaya lumabas ulit ang biloy nito sa magkabilang pisngi. "Gano'n ba? Huwag mo masyadong problemahin kung anuman ang problema mo, lilipas din 'yan." Mabilis na tumango siya. "Okay, Gel." Nagulat siya ng masambit niya ang pangalan ng lalaki na hindi man lang kumurap. Mukhang gano'n rin ito dahil matagal siya nito tinitigan. "May nagsabi na ba sa 'yong kakaiba ang ganda ng boses mo?" seryosong tanong nito. Siya naman ngayon ang napatingin sa lalaki. "Ahmm...wala, bakit?" Ngumiti ito na siyang pinagtaka niya, bakit kaya pag siya ang kaharap ng lalaki eh palangiti ito? Hindi kaya pinagtritripan lang siya ng Boss niya? "Kung gano'n ako pala ang una," malapad ang ngiting sabi nito tila ba tuwang-tuwa sa nalaman. Tumango lang siya, na-w-weirduhan siya sa kinikilos nito pero 'di na siya ng komento. Akmang tatayo ang lalaki nang pigilan niya ito. "Ako na lang mag-o-order, Gel." Napatitig ito sa kanya, minsan naiisip niya parang may tinatagong lungkot ang mga mata ng lalaki natinatapunan lang ng ngiti nito. "No, it's okay. I can manage, umupo ka lang diyan," malumanay na tugon nito. Napatango na lamang siya at sinundan ng tingin ang lalaki. Nang tumingin siya sa labas nagkasalubong ang mga mata nila ni Evon nakatayo ito sa labas ng salamin. Masamang-masama ang tingin nito sa kanya na tila ba gustong gusto siyang sukurin ng babae at hilahin ang buhok niya kung wala lang mga tao at ang Boss nila. Napalunok siya pero hindi siya ng patinag, ngitian niya ang babae pero inirapan lang siya nito at nagmartsa paalis. "Who is she?" tanong ni Gelbirth na bagong dating bitbit ang tray na may lamang cake at kape. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba ang totoo o hindi napatingin lang siya sa lalaking nilagay ang kape at cake sa harap niya na tila ba isa itong waiter. "Don't worry, you can tell me everything, your secret will be safe," pabirong dagdag ng lalaki at umupo sa harap niya. Bumuntonghininga siya. "Siya po iyong secretary niyo po talaga sana," panimula niya at pinag laruan ang tinidor sa cake. "Oh? So, what happened?" interesadong tanong nito. "Mukhang galit siya dahil pinalitan mo siya at naiinis siyang malamang ako iyong kapalit niya," mababa ang tinig na sumbong niya. Natawa ang lalaki. "In short naiinggit siya sa iyo–" "Sir–este, Gel, hindi naman po kasi magandang tingnan kung pabigla-bigla mo na lang po ako niyaya kumain tapos bigla mo na lang akong ginawang secretary mo–" "Ginawa pa nga lang kita secretary ko, ganun na reaction niya, how about if i will make you my wife, himatayin kaya siya?" seryosong sabi nito at deritso tumitig sa mga mata niya. "Huh?" gulat na bulalas niya. Tumawa ito. "Don't mind me, just eat your food and drink you're cafe, lalamig na 'yang kape mo." Tumango siya at kahit nahihiya ay pinilit niyang sumubo at humigop ng kape. Pagkatapos nilang kumain ay nagtalo sila ng lalaki. "Ako na lang po magbabayad ng kinain ko, Gel," pamimilit niya naka upo na siya ngayon sa front seat. "No need, ako naman nag-aya, kaya libre kuna," sabi ng lalaki sabay iling. "Pero–" "No, more buts," putol nito at pinark na ang kotse sa harap ng malaking building na pagmamay ari nito. Parang ayaw niya bumaba sapagkat nakakasiguro siyang marami na ang mga tao ngayon sa loob. Marami na ang mga matang titingin sa kanila at huhusga. Pumikit siya at pinakalma ang sarili, baka nagiging paranoid lang siya, pilit niyang pinapalawak ang kanyang pag intindi sa mga bagay-bagay. Pagkamulat niya ng kanyang mga mata nagulat siyang nasa harap na niya ang lalaki, nagkatitigan silang dalawa. Pakiramdam niya biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Ito ang unang beses na merong lumapit sa kanya ng ganito kalapit at ang lalaki pa. Ngumiti ito at minasdan siya, hindi siya gumagalaw o huminga sa kaba na baka magtama ang kanilang mga labi. Napakurap-kurap siya ng alisin nito ang kanyang salamin at nilagay ng lalaki ang daliri sa kanyang mga mata pababa sa ilong at sa labi. "A-ano ginagawa mo?" habol ang hiningang na tanong niya. Ngumiti ang lalaki. "I can't stop myself from admiring you, every minute and every second...hmmm what kind of drug are you, Ana?" pabulong na tanong nito sa tenga niya. Napakagat siya ng ibabang labi ng maamoy niya ang kakaibang bango ng lalaki. Iyong bangong nanaisin mong makulong sa kanyang bisig, huminga siya ng malalim at nilagay ang dalawang kamay sa dibdib ng lalaki at tinulak ito ng marahan. "B-baka malate tayo," mahinang sabi niya. Bumalik ang tingin ng lalaki sa kanya, halos nakayakap na ito kung titigan sila sa labas baka iisipin ng ibang tao naghahalikan sila o may milagro silang ginagawa. "You're cute," nakangiting komento nito at napakurap siya ng marinig niya ang pag-alis ng seat belt niya. Inalis 'yon ng lalaki na hindi man lang niya nararamdaman, bumalik na ito sa pag upo sa driver seat at pumikit. Siya naman ay pilit pinapakalma ang puso niyang nagwawala. *** PAGDATING nila sa loob ng opisina marami ang matang nakatingin sa kanila ramdam niya iyon. Nasa likuran siya ng lalaki nakayuko at sumunod rito na tila ba ginawa niyang shield ang lalaki ng babakasaling ang lalaki na lang ang pansin nila hindi na siya. Pag sakay nila sa elevator na silang dalawa lang bigla siyang nilingon ng lalaki. "Are you okay?" nag-alalang tanong nito. Nag angat siya ng tingin. "Ahmm...opo." Kumunot noo nito. "Are you sure? Namumutla ka," sabi nito at humakbang palapit sa kanya kaya napa-atras siya. "Ayos lang po talaga ako," maagap na sagot niya at sumiksik sa elevator para 'di maabot ng lalaki. Narinig niyang bumuntonghininga ang lalaki pero 'di na umiimik. Nakonsensya siya tuloy paano kung magalit ito sa kanya, ano gagawin niya? Napahawak siya sa noo at tinampal iyun. Pagkabukas ng elevator na unang lumabas ang lalaki habang siya nasa likuran pa rin nito napatigil siya sa paghakbang ng makitang wala na ang mesa niya ang mga gamit niya sa dating pwesto ng mga ito. Mabilis na lumapit siya sa dating pwesto ng mesa niya at puno ng pagtatakang tumingin sa paligid at nagbabakasaling makita niya ang kanyang mesa. "Come with me, nasa office ko ang mesa mo, starting today doon ka na, para mas madali kitang makita," seryosong sabi ng lalaki nasa gilid niya. Narinig niya nagbubulungan ang mga tao sa paligid niya pero wala doon ang atensyon niya kundi sa lalaking kaharap niya. Seryoso ang mukha nito habang nakapamulsa, ang tingin ay nasa kanya lang na tila ba sinasabing makuha siya sa tingin. "Pero–" "Let's go," putol nito sasabihin niya at nauna lumakad. Napatitig siya sa likuran ng lalaki at 'di makapaniwala sa mga nangyayari, kay bilis at halos 'di matanggap ng utak niya. Napakurap-kurap siya ng hawakan ng lalaki ang kamay niya at hinila papasok sa opisina nito. Nahagip ng mata niya ang kaibigang si Jade nakatayo sa gilid at laglag bangang nakatingin sa kanya. Nagbaba siya ng tingin dahil sa paraan ng tingin ng mga tao sa paligid niya. *** NANG nasa loob na sila binitawan na ng lalaki ang kamay niya habang siya nakatayo lang at 'di alam ang gagawin at sasabihin. Umupo ang lalaki sa upuan nito at sumenyas na lumapit siya kaya humakbang siya papalapit sa lalaki. "Malayo ba bahay mo rito?" tanong nito nakinagulat niya. Tumango siya bilang sagot pero 'di siya tumingin sa lalaki kundi sa mga paa niya. "Masakit ba paa mo?" nag alalang tanong nito. Umiiling siya. "H-hindi po." Bumuntong hininga ito. "Then look at me, Ana." Ngunit hindi niya ito sinunod kaya nagulat siyang nang nasa harap na niya ang lalaki napa-atras siya sa gulat pero kaagad din naman siya nito hinapit sa bewang papalapit rito. Sa gulat ay nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa lalaki, nababasa niya ang kapilyuhan sa mga mata nito. "A-ano ginagawa mo?" habol hiningang tanong niya at iniwas ang tingin. Nilapit nito ang mukha sa kanya kaya napa-atras siya pero hindi naman siya maka-alis sa kanyang pwesto dahil nasa bewang niya ang bisig ng lalaki. "Look at me, Ana," bulong nito sa kanyang tenga. Bago pa man siya makasagot ay may kumatok sa pintuan kaya binitiwan siya nito nagmamadali siyang tumalikod at lumabas sa opisina ng lalaki dumeritso siya sa banyo. Hiningal na tumitig siya sa salamin ng banyo, kitang-kita niyang namumula ang kanyang pisngi. Napahawak siya sa kanyang dibdib bumibilis nanaman ang t***k noon animo'y merong karera. Napa-ayos siya ng tayo ng biglang bumukas ang pintuan ng banyo at niluwa roon si Evon. Masama ang tingin ang ipinukol nito sa kanya kaya nagbaba siya ng tingin at akmang aalis na sa banyo para makaiwas sa babae ngunit nang dumaan siya sa gilid ng babae bigla siyang hinatak ng babae papalapit rito at binuhos sa kanya ang malamig na milk tea na hawak-hawak nito. "Ayan para naman magising ka sa panaginip mo at kabahan ka naman sa kalandian mo!" nang iinsultong ika nito at tinalikuran siya. Hindi siya makapagsalita sa gulat, pakiramdam niya bumigat ang mga mata niya at nararamdaman niya na lang na unti-unting pumapatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Ang sakit-sakit ng dibdib niya ngayon lang may nagsabi sa kanyang malandi siya. Hindi naman siya nangangarap at lalong hindi siya malandi bakit iyon ang tingin ng babae sa ka kanya? Binuksan niya ang gripo at naghilamos siya nanlalagkit kasi ang kanyang pisngi at ang ulo, marumi din ang kanyang uniform hindi niya alam kung kaya pa niya lumabas sa itsura niya para siyang nabasang sisiw. "Ano gagawin ko ngayon? Wala pa naman akong dalang damit," pabulong na tanong niya sa sarili. Bumuntonghininga siya at humugot ng maraming tissue at pinunas iyun sa nabasa niyang damit at dahil puti ang suot niyang uniform bumakat tuloy ang kanyang bra, kulay pula pa naman iyun. Napakagat labi siya at pabalik-balik sa loob ng banyo 'di alam ang gagawin. Huminga siya ng malalim at nag-isip, napahawak siya sa noo ng maalalang nasa mesa niya ang cellphone pati na din ang wallet paano siya ngayon makakatawag kay Jade para tulungan siya? Napahawak siya sa bibig ng biglang bumukas ang pintuan ng banyo at bumukad sa kanya ang mukha ng Boss niya. Kumunot noo nito at matagal siyang tinitigan napayuko siya at mabilis na tinakpan ang dibdib gamit ang dalawang braso. Humakbang ito palapit sa kanya dahilan para umatras siya ngunit. "Don't move," seryosong utos nito at hinubad ang suot na coat at pinasuot sa kanya. Habang inaayos ng lalaki ang coat nito ay tahimik nakamasid lang siya, seryoso ang mukha nito at naka-igting ang bagang na tila ba hindi mo mabibiro kaya napalunok siya. "Who did this?" mahinahong tanong nito pagkatapos nito maayos ang coat at umatras. Umiwas siya ng tingin, akala niya pipilitin siya ng lalaking magsalita pero nagulat siya ng hawakan siya nito sa kamay at hinala palabas sa banyo. "Gelbirth, isa ka bang biyaya sa buhay ko? O isang sumpa?" Gusto niyang itanong habang hila-hila siya ng lalaki patungo sa opisina nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD