Kabanata 5

1022 Words
DINALA siya ng lalaki sa labas at ma-ingat siya nilagay sa isang mahabang sofa sa loob ng opisina nito. Pasimple niya niyukom ang mga kamay at tinago iyon sa kanyang likod sa takot na baka mapansin ng lalaki at magtanong ito, kung bakit ganun ang kaniyang asta. "Do you want me to call a doctor?" seryosong tanong nito. Napa-angat siya ng tingin at mabilis na umiling. "N-no, hindi na kailangan, ayos lang ako." Kahit ang totoo sumakit talaga balakang at paa niya ngunit ayaw niya naman abalahin ang lalaki. Napapikit siya at napakagat ng kanyang ibabang labi ng maalalang, 'di niya dala ang paper bag, ano ngayon gagawin niya sa panty niya? Saan niya itatago? Wala naman siyang bulsa. "Gel..." tawag niya sa lalaki na ngayon ay nakatayo sa gilid niya. "Yes?" sagot nito. "Ahmm...pwede ba pakikuha ng paper bag sa loob? Magpahinga lang ako saglit if ayos lang," malumanay na pakiusap niya. Matagal siyang tinitigan ng lalaki bago ito tumango at tumalikod, pasimpleng tiniklop niya ang kanyang panty na kulay pula rin at ginawa na parang panyo para 'di nito mahalata. Mamaya pa narinig niya ang pag sira ng banyo at ang tunog ng yapak ng lalaki kaya mabilis na tinago niya ang hawak. Binigay nito sa kanya ang paper bag, nakaagad naman niya inabot. "Salamat," aniya at mahinhin na ngitian ito. Tumango ang lalaki at tumalikod kaya mabilis na inangat niya ang kamay at pinasok sa loob ng paper bag ang panty ngunit natigilan siya nang... "I think, ihahatid na lang kita sa inyo, para makapag pahinga ka—" Napakurap-kurap ito, gano'n din siya, paano ba naman naabutan nitong nilalagay niya ang kanyang under wear sa loob ng paper bag. Buti na lang ang dulo na lang nito ang nahagip ng mata ng lalaki, mabilis na pinasok niya sa loob ang lahat at sinara ang paper bag at tinago sa likod niya. "Buti pa nga umuwi na lang ako, pero 'di mo na ako kailangan ihatid, Gel," aniya para mawala ang tensyon sa pagitan nila. **** KINAUMAGAHAN napatitig siya sa dress na ibigay ni Gelbirth sa kanya kahapon. Maraming nangyari kahapon na 'di niya inaasahan tulad na lamang ng pagbuhos sa kanya ng Milk tea ni Evon at pagtulong sa kanya ni Gelbirth and he even buy her clothes at nagpupumilit ito kahapon maihatid siya, iyun tuloy ang mga mata ng mga tao sa kaopisina niya at sa labas ay 'di maalis sa kanila. PAGDATING niya sa floor kung saan siya nagtratrabaho ay nagulat siya ng makita niyang nagkakagulo ang mga kasamahan niya sa trabaho. Kaya lumakad siya palapit sa mga taong nagtitipon-tipon. Nagulat siya makita si Jade at si Evon na nasa sahig, hawak-hawak ni Jade ang buhok ni Evon habang namimilipit sa sakit si Evon. "Bruha ka! Akala mo 'di ko malalamang ikaw ang ng buhos ng milktea kay Analie! Ano karapatan mong saktan ang kaibigan ko? Kakalbuhin kitang bruha ka!" galit na galit na angil ni Jade at 'di binitiwan ang buhok ni Evon kahit anong hila ng mga kasama nila sa trabaho sa babae. "Huh! Bagay lang 'yon sa kanya, akala mo kung sinong inosente na hindi makakabasag ng pinggan 'yon pala may tinatagong kalandian at si sir lang pala ang gusto—" Napatigil ang babae sa pagsasalita ng binitiwan ni Jade ang buhok nito dahil sa biglaang pagbitaw ng babae ay bumagsak si Evon sa sahig ng napakalakas. "Ah gano'n? Nahiya naman ako sa 'yo, sino nga iyong kasama noong nakaraang araw? Ah isang matandang negosyanteng nagbibigay sa iyo ng pera para ipa-retoke mo riyan sa mukha mong mukhang kabayo!" Si Jade habang nakapamewang pa. Nagtawanan ang iba, nanlilisik ang mga mata ni Evon na akmang susugirin si Jade pero nakita siya nito katayo sa gilid kaya ngumisi ito sabay tumayo at nilapitan siya. "Nandito na pala ang feeling Cinderella," wika nito at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Akmang hahawakan nito ang pisngi niya ng tinabig 'yon ni Jade. "Kung siya si Cinderella ikaw naman iyong magkukulam, masaya ka na?" Nanginginig ang labi ni Evon at nanlilisik ang mga mata nakatitig kay Jade na nakataas kilay. Mahirap talaga kalabanin ang kaibigan niya malakas ito at hindi mo matatalo kung sagutan lang din. Tumalikod si Evon at nagmartsa paalis mamaya pa lumingon si Jade sa kanya at hinawakan siya sa kamay at kinaladkad. "Teka, Jade—" "Tumahimik ka riyan!" utos ng kaibigan niya at tuloy-tuloy sa paglalakad. Tumigil sila sa may bakanteng silid, napayuko siya nang makitang magkasalubong ang kilay ng kaibigan panigurado, sermon na naman aabutin niya rito. "Bakit hinayaan mong awayin ka ng gagang 'yon? At bakit umuwi ka ng 'di ako kasama kahapon? Paano kung may gawin na masama sa 'yo si Evon? Lastly bakit naka-dress kahapon? Ano ba talaga ang namamagitan sa inyo ni sir Gelbirth, ha, Analie?" usisa nito at pabalik-balik ng lakad sa harap niya. "Sorry, Jade. Wala namamagitan sa amin ni sir magkaibigan lang kami, l think—" Binatukan siya ng kaibigan kaya napahawak siya sa ulo pero 'di siya ng reklamo. "Magkaibigan ka riyan! Baka kamo ka-ibigan, naku, Analie! Ang mga tulad ni sir ay 'di dapat iniibig magkaiba kayo ng mundo at paniguradong mahihirapan ka makibagay sa mundo niya," seryosong sabi nito. Tumango siya. "Alam ko, wala talaga may namamagitan sa amin ni sir, baka gano'n lang talaga siya sa kanyang secretary." Napameywang si Jade. "Aba! Kung gano'n eh, mas maigi kung mag-ingat ka, huwag mo hayaan mahulog ka sa tulad niya, masasaktan ka lang Analie. Kakilala mo pa lang sa kanya, malay mo kung gusto ka lang niyang paglaruan. Ayaw ko masaktan ka kasi importante ka sa akin, naiintindihan mo ba? Mula ngayon guard your heart, okay?" malumanay na habilin nito. Ngumiti siya. "Oo, Jade." Ngumiti na din ito at ginulo ang buhok niya. "Mabuti kung gano'n." Lumapit siya sa kaibigan at yumakap rito, natigilan ito sandali pero yumakap din pabalik sa kanya mamaya. "She won't feel lonely as long as she has Jade." Kung anuman ang pakay ni Gelbirth sa kanya pakikipagkaibigan man o hindi, isa lang nakasisiguro niya, magiging matatag siya at matutung alamin kung saan siya na babagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD