Kabanata 8

1364 Words
NAPATINGIN si Analie kay Gelbirth na hindi mawala-wala ang ngisi sa mga labi, matapos ng eksena nila kanina paglabas nila sa restaurant ay dumiretso na sila sa kotse ng lalaki at nakita niya na lamang ang sariling nakaupo na sa front seat habang lalaki ay nasa driver seat. Hindi niya mawari kung ano ba dapat ang maramdaman niya ng mga sandaling iyon sapagkat napagtanto niyang mali ang ginawa nila, kakilala niya pa lang sa lalaki pero hinahayaan niya itong halik-halikan siya and worst he even touches her boobs at muntik na niya ibigay rito ang sarili niya kung wala lang may tumawag rito. Parang gusto niyang katusan ang sarili sa pagiging tanga niya at pagiging marupok niya. Buntonghininga siya at binalik ang tingin sa lalaki, hindi niya na malayang napatulala na pala siya kanina sa kawalan. “Ano klaseng gamot ka ba, Gel? Bakit ganun na lamang ako karupok pagdating sa iyo, hindi pa kita lubusang kilala pero bakit ganun? Parang nahuhulog na ata loob ko sa iyo…ang masama pa alam ko namang walang pag-asang matugunan itong damdamin ko sa iyo, dahil magkaiba tayo ng mundo, ako’y isa lamang ordinaryong sekretarya mo.” Bumuntonghininga siya nang mapansin na para siyang tanga kinakausap ang lalaki sa isipan niya. “May problema ba?” Napa-angat siya ng tingin. “Huh?” Kumunot-noo ng lalaki. “Sabi ko may problema ba? Kanina ka pa kasi sulyap nang sulyap sa akin tapos panay buntonghininga mo,” giit ng lalaki. Napakurap-kurap siya at napa-iwas ng tingin. Kung ganun ay napansin pala nito ang ginagawa niya. Tumingin siya sa lalaki na ngayon ay nakatuktuk na ang mga mata sa kalsada. “Sino ba naman kasi ang hindi mamomoblema kung papasok ka sa isang sitwasyong alam mo ipapahamak mo lang ang sarili mo,” gusto niyang sabihin pero pinili niyang itikom na lamang ang bibig. “Tanga ka rin kasi self, bakit hindi ka marunong humindi? Bakit hindi ka tumangi, mas naganib ka tuloy, pumayag-payag ka pang tulungan siya,” sermon ng isang bahagi ng utak niya. “Paano ba naman ako makatanggi kung ganun na siya ka-desperadong matulungan siya,” sagot naman niya. “Ana, hey.” Kumurap-kurap ang kanyang mga mata ng marinig niya ang boses ni Gelbirth. “Habit mo ba talaga iyan?” Kumunot naman ang noo niya sa tanong ng lalaki. “Ang alin?” Natawa ito ng mahina. “Iyong laging tulala at tila ba may sariling mundo.” Nagbaba siya ng tingin. “Bakit ako?” mamaya ay tanong niya. “What do you mean?” nalilitong tanong ng lalaki. Inangat niya ang kanyang mukha at tumingin sa lalaking sumulyap sa gawi niya. “I mean bakit ako ba ang pinili mong dalhin at ipakilalang girlfriend mo?” lakas loob na tanong niya. Hindi umimik ang lalaki nakatitig lang ito sa kanya, tamang-tama rin kasi ang pagtingin nito sa kanya dahil tumigil ang kotse. Mamaya pa’y bumuntonghininga ang lalaki. “May problema if ikaw?” Siya naman ngayon ang hindi naka-imik at ibinaba niya ang tingin sa suot niyang sapatos. “May magagalit ba kung gagawin kitang girlfriend ko?” Napatingin siya sa lalaki. “Wala naman…” “Iyon naman pala, so ano pinoproblema mo?” “Kasi naman baka imbis matuwa ang lola mo baka magalitan ka pa o baka ma-disappoint lang siya kung ako ihaharap mo.” “At bakit mo naman nasabi iyan?” may bahid ng inis na tanong ng lalaki. “Kasi hindi ako maganda at lalo hindi mayaman tulad mo,” mahina ang boses na sagot niya. Tumingin siya sa lalaki, bumuka-sara ang labi nito pero walang salita ang lumabas hanggang sa tumunog ang cellphone nito. Inilagay nito ang ear phone sa kabilang tenga at may pinindot habang siya ay binaling na lamang ang tingin sa labas ng bintana. Ilang saglit pa ay nagulat siya nang bigla na lamang lumiko ang lalaki kaya’t hindi niya maiwasan tumingin sa gawi nito at natigilan siya nang mapansin niyang ng iba ang mukha nito, kung kanina ay maaliwalas at hindi maalis ang ngisi sa mga labi nito ay iba ngayon. Madilim ang mukha nito at tikom na tikom ang bibig na animo’y hindi mo mabiro. Kinabahan man ay binuka niya ang kanyang labi. “Ahmm…s-saan tayo pupunta, Gel?” Akala niya hindi siya papansinin ng lalaki pero nagulat siya nang… “Were going to my house,” sagot nito habang ang mga mata ay nasa daan. “Pero akala ko ba may pupuntahan tayo ngayon?” hindi niya maiwasang ibulalas. “Yes, meron nga pero may unexpected changes kaya’t change of plan tayo, I will explain to you later, for now we need to hurry,” seryosong sagot ng lalaki. Hindi na siya umimik at hinayaan na lamang ang lalaki sa kung anong pinaplano nito after all ito naman ang master mind. *** HALOS malaglag ang banga ni Analie sa kakabuka sa bumungad sa mga mata niya, papasok na sila ngayon sa isang napakalaking gate at tanaw niya mula sa kinaroonan niya ang malapad na garden na halatang alagang-alaga sapagkat maganda ang porma at may mga magagandang bulaklak doon. Higit pa roon natatanaw niya rin ang napakalaking bahay ay hindi na ito bahay mas tamang sabihin isang malaki at napakagandang mansion. Buong buhay niya ngayon pa lang ata siya nakapasok sa ganitong lugar, hindi niya maiwasang makadama ng excitement. Pagtigil ng kotse ni Gelbirth sa may tapat ng napakalaking pintuan ay napakurap-kurap siya nang makita ang mga maids na nakatayo sa may pintuan. Lumingon siya sa katabi, hindi niya alam kung ano ba dapat ang sabihin niya rito. Hindi niya inaasahang ganito kayaman ang lalaki na tila na ito buhay prinsipe. Dahil sa nalaman parang bigla siyang nalungkot at nanliit, ibig sabihin lang kasi nun, mas malabo na ang pag-asang makakaroon sila ng relasyon ng lalaki, lupa siya langit ito. Napahawak siya sa kanyang noo nang bigla na lamang may pumitik roon. “Aray!” daing niya sabay himas sa may parting iyon. Tumingin siya kay Gelbirth na ngayon ay nasa labas na pala at hindi niya man lang namalayang lumabas na ang lalaki at binuksan na nito ang pintuan sa gilid niya. “Mabuti naman at nagising ka na, mukha kasi nanaginip ka ng gising,” natatawang giit ng lalaki. Hindi niya maiwasang mapangiwi dahil ang bilis nito magpalit-palit ng mood daig pa ang babae. “There you are again, tulala parang hindi sapat ang pitik sa noo, ang halik ko kaya baka mas effective iyon para magising si sleeping beauty.” Ngumisi pa ang lalaki at pinasok ang ulo sa loob ng kotse kaya’t napa-atras siya pero hindi siya masyado nakalayo dahil mabilis ang kamay nitong pumulupot sa may bewang niya. “K-kalahi mo ba si flash?” namumulang tanong niya. Kumurap-kurap ang mga mata ng lalaki at mamaya pa’y natawa ito habang siya’y parang nalulusaw na kandila sa pagtawa ng lalaki. “What made you say that?” nakangiting tanong ng lalaki. “Teka nga para atang ginagawa na akong clown ng lalaking ito ‘a,” reklamo ng utak niya. Napabalik siya sa katinuan ng maramdaman niya ang mainit at malambot na bagay na dumampi sa labi niya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto niyang hinalikan siya ng lalaki at mayroong nanood sa kanila, walang iba kundi ang mga katulong at iba pang kasamahan nito sa mansion. Napakapit siya sa balikat ng lalaki at napapikit ng pinalalim pa nito ang paghalik sa kanya, pakiramdam niya tila humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya sa kakaibang pakiramdam na pinalasap nito sa kanya. “Let's go, we need to hurry.” Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang pagbulong ng lalaki sa tenga niya, dahan-dahan niya minulat ang mga mata niya at bumukad sa kanya ang nakangising mukha ng lalaki bago pa man bumuka ang mga labi niya’y inalalayan na siya nito palabas sa kotse at wala siyang nagawa kundi sumunod rito. “Ano kayang change of plan ang tinutukoy ng Boss niya at dinala pa siya nito sa mansion nito?” iyon ang mga katanungan sa utak niya habang tinatahak nila ang daan papasok sa napakalaking mansion habang nakasunod sa likuran nila ang mga alalay ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD