LIHIM na tinatago ni Analie ang pagkamanghang nadarama habang inaakay siya ng dalawang katulong patungo sa library, iyon kasi ang habilin ni Gelbirth, dalhin raw siya ng dalawa sa library dahil may aasikasuhin lang ito. Hindi naman na siya nagtanong kasi naisip niya wala naman siya sa posisyon para gawin ang bagay na iyon. "Nandito na po tayo, kung may kailangan po kayo ay tawagin niyo lang po kami gamit po ang intercom sa may gilid," giit ng isang babae sa tantiya niya'y kasing edad lamang niya. Tinuro pa nito ang tinutukoy nitong intercom. Tumango siya sabay ngiti. "Sige, salamat." Tumango ang babae at akmang tatalikod na pero nagulat siya nang bigla na lamang siya hawakan ng kasama nito sa braso. "May kailangan ka?" malumanay na tanong niya. "Ano kasi…kaano-ano mo po si senyorito?