PAGDATING nila sa parking lot ay binuksan ng lalaki ang driver seat. Hinawakan niya ang braso nito kaya't napatingin ito sa kanya na nagtatanong ang mga mata.
"Ako na lang magdri-drive, magpahininga ka na lang po sa likod-"
Naputol ang iba pa niyang sasabihin nang pinitik ng lalaki ang noo niya kaya't na pahawak siya roon.
"Bakit?" nalilitong tanong niya.
"Umikot ka na, ako na magdri-drive-"
"l insist, sir, hindi po maganda tingnan ipagdri-drive mo po ako, ako dapat gumawa noon-"
"Marunong ka?" putol nito sa sasabihin niya.
Napa-angat siya ng tingin at tumango. "Oo naman po..."
"l see...saan ka natutu?"
Nagulat siya sa tugon ng lalaki kaya't matagal niya ito tinitingan. "Well, ahmm...naging delivery girl kasi ako bago ako pumasok sa kompanya niyo, ahmm halos lang ng trabaho pinasukan ko hehehe, mapa-cashier, sales lady, crew sa mga fast-food chains and kung ano-ano pa na pwede pagkakitaan." Ngumiti siya sa lalaking seryoso nakatingin sa kanya.
Narinig niyang napabuntonghininga ito. "Umikot ka na, ako na lang magdri-drive dahil hindi mo alam ang daan sa pupuntahan natin," giit nito at pumasok na sa loob at umupo sa driver seat.
Napatitig siya sa lalaki at nagbaba ng tingin saka humakbang paikot sa kabila. Walang imik na binuksan niya ang front seat at umupo roon. Mamaya pa ay pina-andar na ng lalaki ang makina ng kotse.
Habang nasa daan ay wala silang imikan. Nahihiya naman siyang magtanong kung saan sila pupunta dahil nga't sabi nito saka niya na lang malalaman pag nandun na sila. Napatingin siya sa labas ng bintana kay ganda ng panahon ng mga sandaling iyon, kay linaw ng langit at kay ganda ng sinag ng araw. Parang gusto niyang buksan ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin pero nahihiya siyang sabihin iyon sa lalaki.
"Nagugutom ka ba?" basag nito sa katahimikan.
Napalingon siya sa lalaki at pinasalop ang mga kamay bago pa man bumuka ang labi niya para sumagot ay nauna ang tiyan niya.
"l see, mukhang gutom ka nga, mas maigi kung kumain muna tayo, malayo layo din ang lalakbayin natin..."
Napatingin siya sa lalaki. "Ahmm saan pala tayo pupunta? M-may business trip ka ba?" hindi makatiis na tanong niya.
Sumulyap sa kanya ang lalaki at napahininga ito ng malalim. "Actually, pupunta tayo sa home town ko, kung saan ako lumaki at pinanganak..."
"Bakit?" gulat na tanong niya.
Narinig niyang natawa ng mahina ang lalaki. "Pinatawag kasi ako ng lola, naisipan kong dalhin ka dahil paniguradong kukulitin ako noon pag wala akong pinakilalang girlfriend--"
"P-pero bakit po ako?" may bahid na inis na tanong niya.
"Galit ka ba, Ana?" malumanay na tanong ng lalaki.
Nagbaba siya ng tingin at pinaglaruan ang kamay. "H-hindi pero kasi..."
"Huwag ka mag-alala, ngayon lang ito at wala may makaka-alam sa opisina, kahit ngayon lang tulungan mo ako, Ana...may sakit kasi si Lola, ayaw ko naman sumama loob dahil na isabi ko na sa kanya magdadala ako ng babaeng ipapakilala ko sa kanya."
Natahimik siya pero napa-angat siya ng tingin ng hawakan ng lalaki ang kanyang kamay.
"Huwag ka mag-alala mabait si Lola, and hindi kita pababayaan...so, please help me, Ana," pakiusap ng lalaki.
Napalunok siya, heto na naman ang damdamin niyang hindi niya mapigilan na pumayag sa favor na hinihingi ng tao sa kanya.
"Okay..." aniya at tumingin sa bintana.
"Thank you, Ana."
Hindi na siya lumingon sa gawi ng lalaki kaya't hindi niya na saksihan may sumilay na pilyong ngiti sa mga labi nito.
Tumigil ang sasakyan ni Gelbirt sa isang restaurant sa gilid ng highway. Nauna ito bumababa akmang bubuksan na niya ang pintuan ng bigla itong bumukas at bumukad sa kanyang paningin si Gelbirt na nakangiti. Lumabas tuloy ang mga biloy nito sa magkabilang pisngi. Napa-iwas siya ng tingin ng madama niyang lumakas ang t***k ng puso niya lalo pa ng hawakan ng lalaki ang kamay niya at inalalayan siya pababa.
"S-salamat."
"You're welcome, darling," nakangiting sabi ng lalaki at inakbayan siya.
Napa-atras siya sa gulat at napakurap-kurap. "May masakit ba sa iyo?" nag-alalang tanong ng lalaki.
Umiling-iling siya, hindi niya talaga makakaya mapalapit pa rito dahil baka magkasakit na talaga siya sa puso. Napasinghap siya ng hapitin siya ng lalaki sa bewang palapit rito.
"Relax, hindi kita kakainin not for now..." bulong nito at ginaya siya papasok sa loob ng restaurant.
Napakagat siya ng ibabang labi nang bumukad sa kanya ang menu ng restaurant halos wala siyang maintindihan tanging presyo lang ang pumapasok sa utak niya.
"May nagustuhan ka ba?"
Napa-angat siya ng tingin nang marinig niya ang boses ng lalaki. "Ahmm kung ano na lang sa iyo, iyon din ang akin," nahihiyang sabi niya.
Narinig niyang natawa ang lalaki ng mahina at inabot ang kamay niya sa mesa dahilan para magsitayuan ang balahibo niya sa katawan at binawi ang kamay ngunit ayaw siyang bitiwan ng lalaki.
"Namumula ka na naman, oh, darling, are you trying to seduce me?" pabulong na tanong nito at tinitigan siya na tila ba nilalasing siya nito sa pamamagitan ng pagtitig nito sa kanya.
"H-hindi sa gano'n," nakayukong sagot niya.
Natawa naman ang lalaki kaya't napa-angat siya ng tingin. Hindi niya talaga mawari kung bakit parang masayahin lagi ang lalaki 'pag magkasama sila. Hindi kaya siya ang nagsisilbing laruan nito? Natutuwa ba ito sa tuwing namumula siya sa pagkahiya? Napa-iling-iling siya, hindi maganda maghusga siya kung wala naman siyang sapat na ebidensya.
Napa-angat siya nag tingin nang mailagay na ng Waiter ang mga pagkain sa mesa nila. Napahininga siya ng maluwag ng makitang steak at kanin ang na order nila. Kinabahan pa naman siya kanina baka hindi pamilyar sa kanya ang pagkain na i-seserve at hindi niya alam kung paano iyon kakainin. Nang umpisa na siyang sumubo na hindi tumingin sa gawi ng lalaki dahil paniguradong mahihiya lang siya.
"Do you like the food?"
Napa-angat siya ng tingin ng marinig niya ang boses ng lalaki.
"Yes, thank you..."
Ngumiti ang lalaki. "That's good, finish it then we will try their famous dessert here," naka ngiting sabi nito.
Napatango na lang siya wala naman siyang maisasabi. Mamaya pa ay natapos na silang kumain, tamang-tama din dahil dumating din ang dessert na sinasabi ng lalaki. Napatitig siya sa ice cream na nasa harap niya. Maganda ang pagkadisenyo at sigurado siyang masarap din ang lasa nito.
"Try it," utos ng lalaki.
Napalunok siya ng laway at kinuha ang kutsara na nasa gilid niya at sumandok na ng ice cream. Napapikit siya ng lumapat sa kanyang labi ang lamig ng ice cream at ang kakaibang sarap na lumapat sa kanyang dila na halos mapa-ungol siya.
Napamulat siya nang kanyang mga mata nang marinig niyang napatikhim ang lalaki.
"Ang sarap!" hindi niya maiwasang sambitin at sumandok muli sa pagkakataong ito ay pinuno na niya ang maliit na kutsara.
Napatigil siya sa pagkain nang dumukwang ang lalaki at inangat ang kamay at bago pa man siya makapagsalita ay naramdam niya ang hinlalaki nitong lumapat sa gilid ng labi niya. Napakurap-kurap siya ng dinala ng lalaki sa mga labi nito ang hinlalaking ginamit nito sa pag pahid ng ice cream na naiwan sa gilid ng labi niya at sinubo iyon.
"Masarap nga, especially if it's serve using your lips..."
Napababa siya ng tingin at hindi ng komento pa. Kinagat niya ang ibabang labi nang maramamdaman niyang umiinit ang kanyang pisngi.
***
PAGLABAS nila sa restaurant ay hinawakan ng lalaki ang kamay niya kaya napatingin siya rito, ngitian siya ng lalaki.
"Ngayon pa lang sanayin muna ang sarili mong magkalapit tayo, Ana, dahil pagdumating tayo sa pupuntahan natin, hindi ito maiiwasan, nasayin mo din ang sarili mong tawagin ako gamit ang pangalan ko or better yet call me love or darling."
Napatitig lang siya sa lalaki at walang masabi dahil sa gulat. Napakurap-kurap siya ng nilapit ng lalaki ang mukha sa mukha niya at bago pa niya namalayan lumapat na ang labi nito sa labi niya.
"And try to response to my kiss, darling," bulong nito ng mabitiwan na nito ang labi niya.
Pakiramdam niya tumigil ang paghininga niya ng mga sandaling iyon sa mga pangyayari.
Narinig niyang natawa ng mahina ang lalaki at ginawaran muli siya ng smack na halik sa labi.
"Why so cute, l can't stop myself from wanting you..." bulong nito sa tenga niya bago binaba ang labi at hinalikan ang kanyang leeg.
Napakapit siya sa may braso ng lalaki sa ginawa nito. Pakiramdam niya parang lumulutang siya sa eri at tila ba nauubos ang lakas niya sa ginawa nito sa kanya. Hindi niya din mawari kung bakit tila hindi siya nakakaramdam ng pagkadisgusto sa mga ginawa ng lalaki sa kanya imbis she find herself enjoying his kisses and touch.
Dahil ba ngayon lang may gumawa sa kanya ng ganito? O dahil may gusto na siya sa boss niya. Kung alin man sa dalawa, isa lang na sisiguro niya, wala na siya ngayong kawala lalo pa ngayon may unexpected road trip sila.