Kabanata 2

1974 Words
HUMINGA muna ng malalim si Analie bago kumatok, nakatikim na siya kanina pagbalik niya sa mesa niya ng sermon mula sa head nila na si Mrs Leziah. Ngayon naman haharapin niya ang kanilang bagong Boss, nanginginig ang tuhod niya sa kaba sapagkat ito ang unang beses na mapapagalitan siya tapos sa Boss pa nilang bago. Nasa tabi niya si Mrs Leziah magkasalubong kilay at masama ang tingin sa kanya. Napalunok siya nang biglang bumukas ang pintuan, niyuko niya ang ulo sa sobrang kahihiyan at kabang nararamdaman. "Goodmorning, Sir!" bati ni Mrs Leziah sa kanilang boss. "So, she is Analie right?" tanong ng lalaking familliar ang boses sa kanya. "Yes, Sir, as her leader, I'm very sorry, Sir." Hindi siya umangat ng tingin yumuko lang siya at pinaglalaruan ang kanyang mga kamay. "Ms Sigura, l assume you know what you will do next–" "Y-yes Sir," mabilis na sagot niya at 'di pinatapos ang lalaki. Napangiwi siya ng sikuhin siya ni Mrs Leziah sabay bulong, "Umayos ka." Napatango siya at hinintay ang isasagot ng Boss nila. "You do?" may himig ng panunukso na tanong ng lalaki. Tumango-tango siya. "Yes, Sir. I should pass my resignation letter–" "WHAT?" malakas na tanong ng lalaki kaya hindi niya maiwasang mapaangat ng tingin. Napa-atras siya ng makilala ang kaharap. "He is the stranger in the stock room, so, he's my new Boss? Patayin mo na lang ako!" namumutlang bulong niya sa sarili. "I-ikaw?" nabubulol na bulalas niya. Ngumisi ang lalaki. "Yes." Umiling-iling siya saka nagbaba ng tingin, wala na talaga, katapusan na niya. "You know her, Sir?" Bago pa man makasagot ang lalaki ay, "No! Hindi niya ko kilala, I'm very sorry, Sir, for being irresponsible don't worry, you won't see me tomorrow, i will sent my resignation letter–" "Don't! Did I tell you that I fired you? Did l?" putol nito sa sinasabi niya. "N-no but–" "No buts," mala haring turan nito. Nagbaba siya ng tingin saka napakagat ng ibabang labi. "Ano ba 'tong gulo pinasok ko?" Sa isip-isip niya. "Mrs Leziah right?" baling nito kay Mrs Leziah. "Yes, Sir." Napa-angat siya ng tingin ng marinig niya ang yapak papalapit sa kinaroonon niya. "Starting tomorrow, Ms Sigura will be my P.A, if you have any objections then tell me," seryoso turan ng lalaki at ang mata ay na sa kanya. "I have no objection, Sir, but what will happen to your secretary?" Bumaling ang lalaki kay Mrs Leziah. "Find her a new position, if she refuse then fire her." Nakita niyang nakalunok si Mrs Leziah sa narinig, kitang-kita niya ang takot at paghanga sa mga mata ng babae. Habang siya pinigilan niya lang ang sarili matumba sa kinatatayuan dahil sa kaba at panlalambot ng kanyang mga tuhod. "Leave us alone, and tell my secretary what I told you a while ago," makapangyarihang utos nito. Napatango lang si Mrs Leziah at wala man lang sinabi, tinapunan siya nito ng tingin bago lumabas. Napa-atras siya ng lumapit ang lalaki sa kanya. Sa gulat ay nawalan siya ng balance at dahil nanghihina na kanina pa ang mga tuhod niya hindi na niya kinaya napapikit siya at hintay ang pagtama ng katawan sa matigas na tiles ngunit napamulat siya ng kanyang mga mata nang... "Starting this day, all you need to do is stay by my side understand?" puno ng mapang angking bulong ng lalaki sa kanyang tenga. Napatulala na lamang siya, ramdaman niya ang mainit na hininga nito sa tenga niya, ang mahigpit pero puno ng ingat na pag yakap ng braso nito sa kanyang maliit na bewang. "Sandali!" pigil niya nang kunin ng lalaki ang suot niyang salamin. "Why?" malumanay na tanong nito. Umiwas siya ng tingin, pakiramdam niya umiinit ang pisngi niya sa sobrang hiyang nararamdaman. lto ang unang beses nakaramdam siya ng kakaibang attraction sa isang lalaki at ito din ang unang beses na may yumakap sa kanyang ng ganito kahigpit pero puno ng pag-ingat. "You are more beautiful without this," rinig niyang puri nito sa kanya. Napakagat siya ng ibabang labi at pilit na abutin ang kanyang salamin na hawak-hawak nito. Sa wakas ay na abot niya ngunit napaurong siya ng mapansin magkalapit na ang kanilang mga labi, mabilis na tumayo siya ng maayos saka iniwan ang lalaki. *** NAKATULALANG, napaupo siya sa kanyang mesa at pilit pinakalma ang sarili ngunit hindi niya mapakalma ang kanyang puso na animo'y merong karera sa loob ng kanyang dibdib. "Hoy!" "Ay kabayo!" gulat na bulalas niya nang bigla siyang tapikin ni Jade sa pisngi. "Magugulatin ka pala," natatawang anito. Napaiwas siya ng tingin. "Ano kailangan mo?" Umupo ito sa gilid niya. "So, kamusta? Pinagalitan ka ba ni Sir?" tanong nito. Napayuko siya. "Si Ma'am Lez lang nagalit sa akin–" "Aha! So, totoo 'yong narinig ko?" nakataas kilay na bulalas ng babae at tumingin sa kanya gamit ang mapanuring mata. "Ano narinig mo?" nagtatakang tanong niya. Hinila nito palapit ang kanyang inupuan rito. "Kanina habang nasa loob ka pa ng opisina ni sir lumabas si Mrs Leziah nauna siya hindi ba? Kaya nagtaka ang lahat tapos biglang pinatawag si Evon, iyong secretary ng new Boss natin," panimula ng kaibigan niya. "Oh, tapos?" interesadong tanong niya nang tumigil ito. "Ayon paglabas ni Evon mula sa office ni Mrs Leziah hindi maipinta ang mukha ng babae," humahaba ang ngusong dagdag ni Jade. "Aba, bakit?" nalilitong tanong niya. "Dahil hindi naman ako chismosa, sinundan ko siya," sagot nito. Napangiti na lamang siya minsan talaga may pagkamarites talaga itong kaibigan niya. "Oh tapos? Anong nangyari?" tanong niya. "Dumiretso si Evon sa banyo, tapos narinig ko siyang umiiyak sabay sabing, bakit? Bakit? Ako lang dapat ang pwedeng lumapit sa kanya!" dagdag ng kaibigan na ginaya pa ang expression at kung paano sinabi ni Evon ang mga katagang binitawan pero sa mahinang boses lang sa takot na baka mapansin sila ng iba. Tumawa siya, baliw talaga 'tong kaibigan niya. "Sino ba tinutukoy niya?" mamaya ay tanong niya. "Hmm, sino pa kundi iyong bago nating Boss narinig ko kasi na may gusto dun si Evon sa lalaki dahil daw na meet niya iyon minsan at saka nasa magazine lagi ang boss natin," mahabang paliwanag ni Jade. "Ah gano'n ba–" "At heto pa ang matindi!" putol nito sasabihin niya. Sa gulat ay napaatras siya. "Ano 'yon?" nakangiwing tanong niya. "Narinig ko 'yong pangalan mo best!" "Huh? Aba, bakit?" Lumayo ito ng kaunti sa kanya at matagal siya nitong tinitigan. "May namamagitan ba sa inyo ng bago nating Boss?" seryosong tanong nito. "Huh? Wala ah!" mabilis na sagot niya. "Talaga?" nakataas ang kilay na tanong ni Jade. "Talaga! Sa itsura kong ito nagugustuhan ako ng tulad niya, hindi maari 'yon," naiilang na komento niya. Tumango-tango ang kaibigan. "Oo nga naman pero bakit pinauna niya pinalabas si Mrs Leziah? At bakit sinambit ni Evon ang pangalan mo na para bang galit na galit siya sa 'yo? Ano ba pinag-usapan niyo ni Mr C.E.O?" Umiwas siya ng tingin. "Baka kuni-kuni mo lang 'yan–" "Aba'y, Analie Sigura, ako nga'y tigilan mo, akala mo ba 'di ko nahalata na may tinatago ka," seryosong sabi ng kaibigan. Bumuntonghininga siya. "Wala akong tinatago sa iyo, nagulat nga lang din ako nang sabihin niya kay Ma'am Leziah na ako na daw ang magiging P.A s***h secretary niya mula bukas–" "WHAT?" napatayong bulalas ni Jade. Napahawak siya sa noo at hinala paupo ang kaibigan. "Huwag ka ngang sumigaw pinagtitinginan na tayo," malumanay na saway niya. "Talaga sinabi niya iyon?" nanlalaki ang matang tanong nito. Tumango siya. "Oo, sinabi niya." Nilagay ng babae ang kamay sa baba. "No wonder parang namatayan si Evon at mukhang galit na galit siya sa iyo kaya mag-ingat ka alam mo naman ugali noon." Bumuntong hininga siya. "Alam ko, sisikapin kong iwasan siya." "Pero talaga bang wala namamagitan sa inyo? Hindi mo siya ex?" Umiling iling siya. "Hindi, alam mo namang NBSB ako diba." Natawa ito. "Oo nga naman pero nakapagtataka lang kasi, bakit ka naman niya gusto maging sekretarya eh, nariyan naman si Evon." "Iyon din ang gusto ko itanong." "Pero imperness makakasama mo ang isang hot at gwapong si Sir araw-araw, kung ako siguro sa sitwasyon mo ganado talaga ako pumasok araw-araw kaya 'di nakakapagtaka ganun na lang ang inggit ni Evon sa iyo," parang nangangarap na sabi ni Jade. "Ewan," sagot niya. "GAGA! Ba't pakiramdam ko imbis na maging masaya ka eh para namang namatayan ka riyan, grasya si Boss, grasya alam mo ba 'yon?" nakapamewang na pahayag ng kaibigan. Napailing na lamang siya. "Baka naman disgrasya," pabulong na tugon niya. "Ay ewan, ma-iwan na muna kita, may tatapusin pa ako," mamaya ay pamamaalam ni Jade sa kanya. Tumango lang siya at nilagay ang siko sa desk niya, wala naman siya masyadong kailangan gawin ngayon. ***** KINABUKASAN maaga siya pumasok sa opisina dahil maaga siya nagising, pagdating niya sa floor kung saan ang kanilang opisina ay mapansin niya na may tao sa loob ng office room ng lalaki dahil may ilaw na roon. "Siguro hindi siya umuwi...ang sipag naman niya kung gano'n," pabulong na komento niya at umupo sa kanyang upuan at nag umpisa nang buksan ang mga email baka may bago. Mamaya ay bumukas bigla ang pintuan ng office ng boss nila, napa-angat siya ng tingin kaya't nagkasalubong ang mga mata nila ng lalaki. Nauna siyang umiwas ng tingin sapagkat kay bigat ng paraan ng pagtitig nito tila ba binabasa ang laman ng isip niya. "G-goodmorning, Sir," nautal pagbati niya nang lumapit ito sa mesa niya. "Morning," maikling sagot nito. "Ano po maipaglilingkod ko?" mahina ang boses na tanong niya nang tumigil ito sa harap ng desk niya. "Nag-agahan ka na ba?" tanong ng lalaki na 'di niya inaasahang itatanong nito. "Po?" nalilitong tanong niya. "Sabi ko kumain ka na ba?" ulit nito. Bago pa man siya sumagot ay nauna na ang kanyang sikmura tumunog kasi ito senyales na hindi pa siya kumakain sa sobrang lutang niya kanina makalimutan niya mag agahan. "l see, let's go," biglang sabi nito. Napa-angat naman siya ng tingin. "Po?" Bumuntong hininga ito. "Iyan lang ba lagi maririnig ko mula sa 'yo puro po?" medyo may himig ng inis na tanong nito. "Sorry po," maagap na hingi niya ng tawad. Napakamot ng batok ang lalaki. "Hay, stop using "Po" when you talk to me, just call me Gel or birth–" "Ay hindi po 'yon pwede," mabilis tanggi niya. Tumaas ang kilay ng lalaki. "At bakit naman?" Siya naman ang napabuntonghininga. "Dahil Boss kita kaya dapat lang na igalang kita." "Oh? Okay but if tayong dalawa lang don't use "Po" or "Sir" on me, okay?" malumanay na sabi nito. Nalilito man ay tumango na lamang siya. "Ikaw po masusunod." "Good, so let's go," sabi nito saka biglang pumunta sa gilid niya at hinawakan ang kamay niya at hinala siya patayo. "Teka, saan tayo pupunta, Si–l mean, Gel?" nahihiyang tanong niya. Ngumiti ang lalaki lumabas tuloy ang biloy nito sa magkabilang pisngi pero mas gusto niya ang napakagandang mata nito. "Kakain," sagot nito habang hila-hila siya sa korridor. "Pero–" Lumingon ito sa kanya. "Huwag ka nang tumangi nagugutom ka din diba? Nagugutom din ako, so, kumain tayo ng sabay kaysa naman magutom ka at magutom din ako." "Ahmm–" "Oo na 'yan," parang batang putol nito sa pagtanggi niya. Napangiti siya at tumango nagulat siya ng tumigil ito sa paglalakad. "Wow, mas lalo kang gumaganda pag nakangiti ka," puri nito nakinamula ng pisngi niya. "S-salamat," nauutal na sagot niya. "Kaya ngumiti ka lagi ha?" nakangiting sabi nito. Tumango siya. "Okay, Gel." Napatitig ito sa kanya at napailing nakita niyang namumula ang pisngi at tenga nito. "Nahihiya ba ito sa kanya?" tanong niya sa sarili habang minamasdan ang lalaking nakahawak sa kamay niya habang tinatahak nila ang daan palabas sa malaking building na pagmamay-ari ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD