NASA loob ng isang stock room si Analie inutusan kasi siyang kunin niya ang record ng sales nila last month kaya tumungo siya dito kahit ang totoo hindi niya naman ito trabaho pero hindi niya lang talaga kaya ibuka ang labi niya at sabihin ang salitang "No" dahil sakit niya 'yon she can't say no to other people even sometimes they abuse her kindness pero ano magagawa niya? Hindi niya talaga kaya humindi.
Bumuntonghininga siya dahil kapag nalaman ito ng kaibigan niyang si Jade panigurado sermon na naman ang aabutin niya. Napatigil siya sa pag abot ng files nang makita niya ang repleksyon niya sa isang human size na salamin na 'di niya alam kung bakit na roon. Lumapit siya at minasdan ang sarili, suot-suot niya ang isang long sleeve na may kalakihan sa kanya, napatingin siya sa palda na suot, mahaba ito hanggang tuhod niya at ang huli niyang tinitigan ay ang kanyang mukha. Suot-suot niya ang salamin na mula pa noong college siya, malaki iyon na halos masakop ang buong mata niya. Napakagat labi siya sapagkat naalala niya ang sinabi ng kaibigan niyang si Jade.
"28 ka na next month, dalawang taon na lang mawawala ka na sa kalendaryo pero kahit nobyo eh wala ka, alam mo ba kung gaano kahirap mag-isa? Kumain ng mag-isa, tumawa ng mag-isa at umiyak ng mag-isa at lalo na ang mamatay ka nagwala man lang iiyak, wala man lang nakakamiss sa pagkawala mo kaya Analie, bilang kaibigan mo na mahal na mahal ka please lang best, maghanap ka na ng lalaki ha?"
Napatingala siya sabay kurap-kurap mula pagkabata pangarap niya magkaroon ng buong pamilya dahil 'di niya 'yon nararamdaman. Ibang tao ang nagpalaki sa kanya. Oo sa ampunan siya lumaki kaya nga para sa kanya ang pinaka asam-asam niya talaga ay magkaroon ng buong pamilya, mister na mahal na mahal siya at mga anak, pero kailan pa kaya?
Inayos niya ang suot na salamin at inalis iyon, hindi naman ganun kalala ang diperensya ng mga mata niya, sinusuot niya lang 'yon dahil naging near sighted siya pero makakakita naman siya kahit wala iyon. Hinawakan niya ang leeg pababa sa bewang sabay posing na parang isang kandidata sa isang Miss universe.
"Bakit kaya ayaw nila sa akin? Maganda naman ako," aniya sabay hawak sa kanyang mukha.
"Sexy din," dagdag pa niya sabay hila sa magkabilang gilid ng suot niyang long sleeve dahilan para lumitaw ang kanyang kurba.
"Wow! Malaki pala boobs ko!" namamanghang bulalas niya at binitawan ang magkabilang gilid ng suot niyang long sleeve, nilagay niya ang kamay sa magkabilang dibdib saka hinawakan iyun.
"Malaki nga!" tumatango-tango pang ika niya at tumagilid.
Bumababa naman ngayon ang pansin niya sa kanyang pwet na malaki ang umbok, napansin niya iyon ng tumagilid siya.
"Hehehehehehe, kamusta ka?" nakangiting bati pa niya sa sariling pwet.
Tinapik tapik niya ito. "Alam kong nagtatampo ka sa akin dahil mahirap nga naman maupo ng matagal pero diba iyon naman ang obligasyon mo?" kausap niya sa pwet niya nang wala siyang marinig na tugon ay binalik niya ang tingin sa repleksyon niya sa salamin at ngumiti ng malapad.
"Ayaw ba nila sa tulad ko? Nakatago ang ganda? Mas gusto ba nila 'yong halos wala ng maitago? Pero 'di ako comfortable sa mga maikling damit," komento niya habang napailing.
Nag posing ulit siya sabay hampas sa pwet. "Ah!" ungol pa niya sabay kurap-kurap na tila ba isang high school students na nagpapansin sa crush niya.
~Meanwhile~
NAKAPAMULSA si Gelbirth habang tinatahak ang daan patungo sa kanyang bago office, his father give him a position of a C.E.O on their company, hindi na siya nagulat bukon sa first born siya, he is capable enough to be the new C.E.O of their company and no one can complain about that. Napatigil siya nang marinig ang boses ng isang babae sa isang pintuan kung saan nakalagay ang mga important files nila. Napakunot noo siya at napa-isip meron ba itong kausap? At ano ginagawa nito sa loob ng isang stockroom kung saan ang mga important files ay naroon. Hindi kaya isa itong spy? Mabilis ang hakbang niya palapit sa pintuan at walang pag dalawang isip na binuksan 'yon akmang magsasalita siya nang makita niya ang babae. Nakaposing ito sa harap ng isang salamin at kinakausap ang sarili, napasandal siya sa pintuan at tahimik pinapanood ito. Muntik na siya tumawa ng malakas nang hawakan nito ang dalawang dibdib.
"Weird girl," mahinang komento niya at nagbaba ng tingin.
"She has a nice pair of breasts, huh." Sa isip-isip niya habang minamasdan ito na sa ngayon ay tumagilid at ang masunod nitong ginawa ay 'di niya inaasahan, she just slap her butt tapos kinausap pa talaga ng babae. Napalunok siya at napaiwas ng tingin sa nasaksihan.
"Is she out of her mind? Doing those things in front of him? Seriously?" reklamo ng utak niya.
Napabuntonghininga siya nang mapatalon ito sa gulat nang makita siya. Napa-ayos siya ng tayo at tumingin sa mga mata nito na nanlalaki habang nakatingin sa kanya at bumuka-sara ang bibig nito at tinuro siya.
"S-sino ka?" na-u-utal na tanong nito na ang mukha ay namumutla.
Umayos siya ng tayo at akmang sasagutin ang babae nang may marinig siyang yapak at boses mabilis ang hakbang na lumapit siya sa babae at hinapit ito sa bewang sabay takip sa bibig nito.
***
PAKIRAMDAM ni Analie tumigil ang pagtibok ng puso niya nang makita ang isang lalaking nakasandal sa pintuan, parang gusto niya na lang ilibing ang sarili sa lupa sa kakahiyan pero mas hindi niya inaasahan ang masunod nito ginawa, sa bilis ng hakbang ng lalaki sa isang kisap mata lang ang braso nito ay nasa bewang niya habang ang isang kamay nito ay nasa bibig niya.
"Don't make a sound they might found out na nandito tayo, ayaw mo naman siguro mapag-usapan hindi ba?" pabulong na sabi ng lalaki.
Napakurap-kurap siya at mabilis na tumango, mamaya pa tumahimik na sa labas kaya tinapik niya ang kamay ng lalaki na nasa bibig niya senyales na bitawan na siya nito.
"Okay, okay wait," ani nito at inalis ang kamay sa bibig niya.
Tinulak niya ito papalayo pero 'di siya nito binitiwan tumingala siya at tinignan ito ng masama.
"Bitawan mo na ako Mr!" mahinang aniya pero puno ng diin.
Inalis nito ang braso at tinaas ang dalawang kamay at lumayo sa kanya pero kaagad din na pabalik na halos muntik na tumama ang mga labi nila.
"A-ano ginawa mo?" habol hininga tanong niya ng yumuko ang lalaki at tumapat ang mukha nito sa mukha niya.
"I think sumabit yung I'd mo sa butones ng pantalon ko," sagot nito at akmang ipapasok ang kamay sa pagitan nila.
"Huwag!" mabilis na pigil niya.
Napatitig sa kanya ang lalaki kaya napaiwas siya ng tingin. "Bakit?"
"A-ako na lang," mahinang aniya.
Baka ano pa ang makapkap nito at sa pagkakataong iyon panigurado hindi na niya kakayanin ang kahihiyan mararamdaman.
"Okay," pang sang ayon nito.
Yumuko siya at kinakap ang i'd at para makita kung ano ang nangyari at nakita niyang sumabit nga talaga ang I'd niya sa pantalon nito. Hinila niya iyon pero hindi maalis at sa inis niya hinila niya iyon ng todo dahilan para ma-out balance siya, napapikit na lamang siya.
Pagmulat niya sa kanyang mga mata sumalubong sa kanya ang kulay kapeng mata ng lalaki 'di niya alam pero tumibok ng mabilis ang puso niya.
"Oh! l got it!" bulalas nito.
Napakurap kurap siya naiwan siyang nakahiga sa sahig habang ang lalaki ay nakatayo sa harap niya, inabot nito ang kamay na ibig sabihin ay tutulungan siya nito maka bangon pero hindi niya tinanggap bumangon siya at mabilis na kinuha ang salamin sa gilid at lumabas sa silid na 'yon at tumakbo ng tumakbo.
"Nakakahiya ka self! Sana hindi na kami magkita ng lalaking 'yon baka kung ano pa ang magawa ko sa sarili ko," pabulong na pahayag niya at tinahak ang daan patungo sa mesa niya.
HABANG, napangiti na lamang si Gelbirth sa inasta ng babae. Nagpamulsa siya at akmang lalabas na sana sa silid na iyun nang mapansin niya ang isang kulay pink na panyo. 'Di niya alam pero lumapit siya sa kinalalagyan niyon at kinuha, tingnan niya ito ng mabuti, halatang babae ang may ari dahil sa amoy pa lang at meron din iyong pangalan.
"Analie," basa niya.
Napa-angat ang gilid ng labi niya. "Her name is just like her appearance, simple but beautiful," komento niya.
Napakurap-kurap siya nang marinig ang tunog ng telephono niya, kinuha niya iyun mula sa bulsa pero binalik din ka agad ng makita ang pangalan ng caller, his ex. Ayaw niya makausap ang babae, malaki ang kasalanan nito sa kanya na kahit lumuha pa ito ng dugo 'di niya ito mapapatawad.
***
IMBIS na sa mesa niya siya tumungo ay nakita niya na lamang ang sariling nakayo sa harap ng malaking salamin sa bathroom ng kompanya. Pulang-pula ang mukha niya, nahiya na ang kamatis sa pag kapula nito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi at pumadyak-padyak sa sahig.
"Bakit? Bakit? Why? Ba't pa sa akin 'to nangyari, huh?" sunod-sunod na tanong niya sa repleksyon niya sa salamin.
Bumuntonghininga siya at napatulala iniisip niya kung ano mangyayari sa kanya pag nagkita ulit sila ng estrangherong 'yon. Ililibing na niya talaga ng buhay ang sarili pag nagkataon. Napakurap-kurap siya ng bumukad sa kanya ang magkasalubong na kilay ng kaibigan niyang si Jade.
"B-bakit?" kinakabahang tanong niya.
Hindi kasi maganda ang mangyayari 'pag nagalit ito sa kanya baka matigok talaga siya ng wala sa oras.
"Anong bakit? Kanina ka pa hinahanap ni Ma'am Lez sa akin! Saan ka ba pumunta na bruha ka ha?" nakapamewang na tanong nito sa kanya.
Napaiwas siya ng tingin at napakagat labi.
"A-ano kasi–"
"SABIHIN MO NA!" sigaw nito sa mukha niya.
Na halos mapatalon siya sa gulat, ito ang sinasabi niya parang dragon ba naman ito magalit ang kaibigan niya.
"Hindi ba't may pinakuha sa iyo si Ma'am?" mamaya ay tanong nito gamit ang mahinahong boses ng pansin ata na tahimik siya.
Mabilis na tumango siya pero natigil siya ng maalalang wala siyang bitbit.
"Eh nasaan na? Para ibigay mo na sa kanya."
Gumiwi siya at alinlangan ngitian ang kaibigan. "Ano kasi–"
Nanlaki mata nito. "Nawala mo?"
Mabilis na umiling-iling siya. "Hindi, hindi."
"Eh ano?"
Natahimik siya, paano niya ba sasabihin? Ipagtatapat ba niya ang nangyari sa kanya sa stock room? Pero baka aasarin lang siya ng kaibigan o 'di kaya pagtatawanan siya nito dahil hindi kapani-paniwala ang kwento niya.
"Natahimik ka? Sabi ko nasaan na?" tanong ulit nito.
"Kailangan 'yon ni Ma'am Lez dahil request 'yon ng bagong C.E.O natin, na anak ng dati nating boss–"
Nanlaki ang mata niya. "Huh? May bago tayong Boss?"
Binatukan siya ng babae. "Loka! Ini-announce ni Ma'am kahapon 'di mo narinig? Hay, minsan talaga nagtataka ako kung bakit nakipagkaibigan ako sa 'yo."
Nagbaba siya ng tingin. "Sorry, Jade–"
Hinampas nito ang likuran niya. "Ano ka ba huwag ka ngang magdrama riyan binibiro lang kita."
Napatango siya. "Ah hehehe gano'n ba? Ahmm…'yong pinapahanap ni ma'am, Jade, hindi ko nakita," pagsisinungaling niya.
Bumuntonghininga ang babae. "Mukhang wala akong magagawa para iligtas ka."
Nagtatakang tumingin siya sa kaibigan. "Ililigtas saan?"
Tumingin ito sa kanya. "Saan pa? Edi sa sermon ni Ma'am Lez or worst baka ikaw ang unang makakatikim ng sermon ng bago nating Boss."
Bumilis naman t***k ng puso niya sa kaba.
"Strict ba siya?"
Ngumisi ang kaibigan niya. "Malalaman mo mamaya."
Naiwan siyang nanghihina ang tuhod sa kaba kaya napahawak siya sa lababo ng banyo para huwag matumba. Ini-imagine niya ang mukha ng bagong Boss nila, kung anak ito ng Boss niya baka may edad na rin, baka tulad ng ibang may edad banot ito at malaki ang tiyan. Kulubot na ang mga balat at baka amoy lupa na at saka sabi sa study mabilis talaga magalit ang mga lalaki pag tumatanda na ganun din kaya ang case sa bagong boss niya? Malalaman niya talaga mamaya.