SA ILALIM ng puno ng Narra nakaupo sina Gelbirth at Analie habang tinatanaw ang mga trabahador na nagtatrabaho sa pinyahan. "Ano oras ba ang uwian nila?" basag ni Analie sa katahimikan. Tumingin naman si Gelbirth sa gawi ng babae. "Mamayang 5, bakit?" amused na tanong nito. Napatango-tango si Analie. "Ganun ba, wala naman. Na itanong ko lang, ang sarap panoorin ang araw mula rito ano? Pinanlano mo ba ito?" nakangiting tanong ni Analie. Matapos kasi nila kumain ng pinya kanina at ang live kissing scene nila ay niyaya ni Gelbirth si Analie na tumungo sa may bandang dulo ng taniman ng pinya kung saan tanaw ng dalaga ang mataas at malaking puno ng Narra. Nais sana tanungin ng dalaga ang binata kung bakit siya nito niyayang tumungo roon ngunit hindi niya na lamang isakatuparan dahil baka i