NANG lumakas na ang pagbuhos ng ulan ay hinila siya ni Gelbirth at hawak kamay silang tumakbo patungo sa may direksyon kung saan natatanaw niya may isang maliit na bahay na yari sa may kahoy. Pagkatigil nila sa harap ng maliit na pintuan ng bahay ay mabilis na tinulak ni Gelbirth iyon para makapasok sila at mabuti na lamang hindi iyon nakakadena. “Ayos ka lang ba?” nag-alalang tanong ni Gelbirth sa kanya pagkapasok nila sa loob. Basa na ang suot niyang summer dress at panigurado pati panloob niya ay ganun rin. Ngumiwi siya dahil ngayon ay nakadama na siya ng lamig kahit pa nasa loob na sila ng maliit na bahay. Suminghot siya dahil tila ba sisipunin siya sa lamig. “I’m sorry, mukhang hindi na kita dapat–” “No, it’s okay. Masaya akong sumayaw tayo kanina sa gitna ng ulan lalo na ng kina