NANG pinakawalan ni Gelbirth ang kanyang labi ay kaagad na binaon niya ang mukha sa may dibdib ng lalaki dahil alam niyang marami nanood sa mainit na halikan nilang dalawa. Narinig niyang natawa ng mahina ang lalaki at niyakap siya. “Wala na sila,” mahinang bulong nito sa kanya. Kaagad naman siya ng angat ng tingin at nagulat siya ng pisilin ng lalaki ang tungki ng ilong niya. “Nakakagigil ka talaga,” komento nito. Napangiwi siya at nag-iwas ng tingin. “Saan pala tayo pupunta?” mahinang tanong niya ng pakawalan siya ng lalaki at hinila siya nito palabas na sa mansion. “Hindi ba’t sabi ko, it’s a surprise,” nakangiting sabi nito at nilingon siya. Nagbaba siya ng tingin at hinayaan na si Gelbirth na hilahin siya. Pagdating nila sa labas ay napabuka-sara ang labi niya nang makita niya,