CHAPTER 3: GUILT

1659 Words
Kahit mag-isa lang si Mama ay pinalaki niya kaming dalawang ng kapatid ko ng maayos at binigay niya ang mga pangangailangan namin. Hindi siya kailanman nagkulang sa 'min. Pinalaki niya kaming may takot sa diyos, puno ng pagmamahal at marunong tumanaw ng utang na loob. Kaya naman nakokonsensya ako ngayon dahil kanina pa bahing ng bahing itong kasama ko. Siya yung sumalo ng shake na dapat ay para sa akin. Pati ako ay nagulat ng makita ko ang mukha niya. Kaya pala gulat na gulat sila Elliana. Si Ethan pala 'yun. "Ang b*bo mo naman kasi e'," sabi ko sa kanya, napatigil naman siya sa pag-aalis ng mga dumi sa damit niya gamit ang tissue at inis siyang napatingin sa 'kin. "Niligtas na nga kita e', sasabihan mo pa akong b*bo. 'Di ka ba marunong magpasalamat man lang," inis na sabi niya bago ako irapan at nagpatuloy sa pagpupunas. Nandito kaming dalawa ngayon sa garden, nagulat na lang kasi ako dahil bigla siyang humarap sa 'kin at hinila ako papunta rito. Hindi na ako nakapalag nun dahil hindi ko pa napo-proseso ng maayos ang lahat ng nangyari kanina sa utak ko. "Sorry naman, joke-joke lang ano ka ba. At saka, bakit mo ba kasi ginawa yun?" tanong ko sa kanya. Napatigil naman siya saglit sa pagpupunas at sumulyap sa akin ng bahagya pero nagpatuloy din kaagad. "Nothing. I just feel guilty, nalaman ko kasi na scholar ka," sagot niya at bumahing na naman. Ngayon ako naman ang nakakaramdam ng guilt. Ang bilis niya naman kasing magkasakit e'. Sabagay kaninang umaga mainit na kape ngayon naman malamig na shake. Kawawa naman siya, kaya lalo akong nakokonsensya e'. Dahil technically may kasalanan din ako sa lahat ng nangyari sa kanya. May magnet yata 'tong lalaki na to sa mga inumin e'. "Wala ka bang pambihis?" Tanong ko ulit. "Sa tingin mo magtitiis ako ng ganito katagal kung meron, ang lagkit-lagkit kaya," sarkastiko na sagot niya. Barado ako dun a'. Tumahimik na lang ako dahil masakit mabara, charot. Tumahimik ako dahil nag-iisip ako kung mag-papasalamat ba 'ko o hindi. Sa huli, napag desisyunan kong magpasalamat na lang. "Thank you," sinserong sabi ko sa kanya. Kakalimutan ko na lang ang mga kasalanan niya sa 'kin kanina dahil niligtas niya naman ako, palalampasin ko na 'yun. "Anong thank you, that's not enough," sagot niya, bago bumahing na naman. Kaya napalayo ako ng konti sa kanya dahil baka mahawa pa 'ko. "E' anong gusto mong gawin ko, lumuhod sa harap mo at sambahin ka," pabalang na sagot ko. Ngumisi naman siya ng maloko, kaya lalo siyang pumog--, nevermind. "Pwede naman kung gusto mo," malokong sagot niya. "Asa ka," sagot ko at inirapan siya. Tumingin-tingin muna ako sa paligid at saka siya nagsalita. "I want you to be my personal slave for one week," sabi niya kaya umawang ang labi ko sa gulat. E' gago pala to e'! Di ko naman sinabi sa kayang 'Ethan, iligtas mo 'ko'. Tapos hindi siya makuntento sa isang thank you, ang gusto niya pa maging alalay niya ako ng isang buong linggo. May saltik ba s'ya?! Narinig ko naman ulit ang sunod-sunod niyang bahing, kaya nakonsensya na naman ako. Pride o konsenya? Pero dahil pinalaki ako ni Mama na marunong tumanaw ng utang na loob, ay papayag na ako. Tutal, isang linggo lang naman. At isa pa, ako yata si Addison Raine Celestine Havier na walang inuurungan. "Okay, deal," sabi ko sa kanya na ikinagulat niya. "Pero isang linggo lang ha. Walang labis, walang kulang isang linggo lang" dagdag ko pa. Sumilay naman ang isang ngiti sa labi niya at mabilis na tumango. "Deal, simulan na natin ngayon," sabi niya at tumayo. Kaya napatayo rin ako. "May klase pa tayo 'di ba?" Tanong ko sa kanya. "Oo," maikling sagot niya na sinabayan pa niya ng isang tango. "Ikaw na lang muna, may klase pa ako. Ang dami ko ng cutting sa araw na 'to kotang-kota na 'ko alam mo namang scholar ako," sabi ko sa kanya. Siguradong sobrang laki na ng mababawas sa mga grade ko nito. Pero sigurado akong mahahabol ko pa 'yun. Tutal ngayon lang naman 'to at sisiguraduhin kong hinding-hindi na 'to mauulit pa. Pagkatapos nito magpo-focus na ulit ako sa pag-aaral ko. "Akong bahala sa 'yo, promise," sagot niya. Anong siya na ang bahala? Tapos sa huli ako ang kawawa, gano'n? "Ano ba kasi ang gagawin natin?" tanong ko ulit. Habang naglalakad kami papaalis sa garden, nakasunod lang ako sa kanya. Sabi niya siya bahala sa 'kin e', kapag ako nalagot sa mga professor namin at least may sisisihin ako kapag nagkataon 'di ba?! "We'll buy new clothes," sagot niya sabay bahing. "Saan naman tayo bibili ng damit mo aber!?" Tanong ko, dahil wala naman akong alam na bilihan ng damit dito sa loob ng eskwelahan e'. "Baka lalabas po tayo ng eskwelahan, at pupunta tayo sa department store," sarkastiko ang sagot niya. Kanina pa sya a' kundi siya masungit sa 'kin, sarkastiko naman. "Pa'no tayo makakalabas ng gate? Ang alam ko isa sa mga rules dito na bawal lumabas ng school kapag hindi pa uwian." "Well, there's always an exception," saad niya na tila nagyayabang. Nagkibit-balikat na lang ako at patuloy na sumunod sa kanya. Mabuti nga ay oras pa ng klase ngayon, kaya walang estudyanteng pakalat-kalat sa labas. Kung hindi panigurado na pag chi-chismisan at lagot na naman ako. Dumiretso na siya sa parking lot kaya sumunod ako. May pinuntahan siyang kotseng mukhang mamahalin, kulay pula ito, sobrang kintab at halatang laging nililinis. Sumakay siya sa driver seat kaya sumakay naman ako sa passenger seat. "Ano ako, driver mo? lumipat ka nga dito sa harap!" Utos pa niya sa akin, kaya wala akong magawa kundi ang bumaba at lumipat sa harap. Hindi ko alam kung anong klaseng hokus pokus ang ginawa niya sa guard at pinalabas kami nito. Basta sinabi lang niya sa guard ang apelyido niya at agad na kaming pinag-buksan ng gate nito. Walang nagsasalita sa 'min kaya sobrang tahimik sa loob ng kotse. Wala naman akong sasabihin, kaya bakit ako magsasalita 'di ba? Halos kalahating oras din bago kami makakapunta sa pinaka malapit na mall sa school. Nag-park muna siya sa parking lot. Pagkababa niya ay agad akong sumunod pero hindi ako natabi sa kan'ya. Sobrang dumi na ng suot niyang damit. At hindi ko na rin matukoy kung ano talaga ang amoy nito dahil naghalo na ang amoy ng kape at shake. Mabuti nga sa damit lang siya natapunan kanina ng shake e'. Dahil kasi sa tangkad niya, sa damit lang niya ito umabot nang binuhos ito ni Elliana. Kung sa 'kin yun siguradong nanlalagkit na ako ngayon, mula ulo. Pinagtitinginan kami ng mga tao ng pumasok kami sa loob ng mall. Siguro tumitingin sila sa 'kin, dahil nakasuot pa 'ko ng school uniform. Iniisip na siguro nila na 'itong batang 'to, nag-cutting classes para lang mag-mall'. Si Ethan naman hindi ako sigurado kung pinagtitinginan siya, kung dahil sobrang dumi na ng suot o dahil kahit madumi ng suot niya ay hindi maipagkakaila na malakas pa rin ang dating niya. Ilang minuto pa kami naglalakad-lakad bago siya pumasok sa isang men's department store. Ang arte niya grabe, ilang department stores na ang nadaanan namin, pero ngayon lang siya nakapili. Nakakapagod kaya mag-lakad sa pagkalaki-laking mall. Ilang minuto pa kaming nag ikot-ikot bago siya makapili na damit niya, pero sa huli ang napili niya lang ay isang plain v-neck t-shirt. Sinuot n'ya na muna ito sa fitting room bago kami pumunta sa counter at bayaran 'to. Lalabas na sana kami, pero bago pa kami makalabas ay may humarang na saming maganda at matangkad na babae. Para siyang isang model. Lumapit siya kay Ethan at parang ahas siyang kumapit sa braso nito. "Babe, why didn't you answering my texts and calls?" Maarteng tanong niya pa. Hindi naman kaagad nakasagot si Ethan at parang inaalala niya kung sino ito. "Sorry, Angel, i was quite busy lately," malambing na sabi n'ya at nagbigay pa siya dito ng isang matamis na ngiti sa babae. Malayong-malayo sa pakikipag-usap niya sa akin. Bakit kapag sa 'kin siya nakikipag-usap ay kung hindi sarkastiko ay masungit o di kaya naman ay lagi niyang binabara ang sinasabi ko. Parang nairita naman itong si 'Angel' sa sagot ni Ethan. "Who the f**k is Angel, i'm Stacy," inis na sabi niya. Nagulat naman si Ethan pero agad siyang nakabawi sa pagkakagulat. "But you look like one," pambobola niya dito. Kaya agad na napalitan ng kilig ang iritasyon sa mukha ni Stacy. "I know right," pabebeng sagot pa nito. Dito pa ba talaga sila mag-lalandian sa harap ko?! Tumikhim naman ako kaya napatingin silang dalawa sa 'kin. "Do we know you, Miss?" Maarteng tanong sa akin ni Stacy. Hindi ko siya sinagot at humarap ako kay Ethan. "Mauuna na 'ko may date ka pa yata," sabi ko sa kanya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na akong naglakad papalayo sa kanila. Wala naman sa usapan namin na maging third wheel ako 'no! At hindi kailanman sumagi sa isip ko maging isang third wheel. Mas pipiliin ko pang mag-aral kaysa manood ng landian. Iyang si Stacy na 'yan sigurado akong masasaktan lang yan kay Ethan. Halata namang inuuto lang siya ni Ethan e', nagpapa-uto naman siya. Sa gwapo ni Ethan, sa tingin ko hindi siya yung tipo ng lalaki na stick to one sa isang babae, sigurado akong maghahanap yan ng iba't ibang putahe. Lahat naman ng lalaki ganon, hindi makuntento sa isa. Parang si Papa lang. Napangiti naman ako ng mapait ng maalala ko na naman si papa. 'Wag mo na ngang alalahanin yung tao na yun Addison, iniwan nya kayo, kaya dapat wala ka nang pakialam sa kan'ya,' paalala ko sa sarili. Ipinilig ko ang ulo ko at nag patuloy na lang sa paglalakad. Magko-commute na lang ako pabalik sa school, tutal pwede pa naman akong makahabol sa afternoon classes ko. Isa pa, lunch time pa rin naman ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD