CHAPTER 4: TRIP

1503 Words
"Pagkatapos ng klase bilhan mo 'ko ng lunch ah," utos sa 'kin nitong lalaking 'to habang nasa classroom kami at nagkaklase. Tumango na lamang ako kahit labag na labag sa loob ko. Dahil naka pagbitiw na ako ng salita, ang pangit naman kung babawiin ko na lang 'di ba. Masakit 'yon sa ego. Tatlong araw na ang nakalipas matapos kong magdesisyon na maging slave n'ya nang isang linggo. At sa tatlong araw na 'yon ay masasabi kong mas kilala ko na s'ya. Napag-alaman kong ang lalaking 'to ay isang dakilang heartbreaker, certified casanova, parang damit lang ang babae sa kanya kung magpalit s'ya. At sigurado akong 'di na siya virgin. Dahil ng minsang utusan niya 'kong bilhan s'ya ng pagkain at dalhin ito sa condo n'ya ay kitang-kita ng dalawa-dalawang virgin na mata ko ang ang mga gamit na condom sa basurahan niya. Nakakaloka mga mare! Sa tatlong araw na 'yon ay unti-unti na 'kong nasanay sa mga masamang tingin ng mga babae sa 'kin at sa mga sinasabi nila. Alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi totoo ang mga 'yon. Nakinig lang ako nang maigi sa professor na nagtuturo sa harap namin, pero itong katabi ko halatang bagot na bagot at tamad na tamad. Kaya sobrang unfair na kapag tinatanong s'ya ng mga professor ay nakakasagot s'ya na sobra pa sa inaasahan nila. Dahil din do'n kaya mas marami pang mga babae ang nahuhumaling sa kaniya. Nang tumunog na ang school bell, tanda na lunch break na, kaya nagpaalam na kami sa professor namin. Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay as usual pinag-kaguluhan na naman itong 'nuknukan ng gwapong katabi ko'. "Baby, sa 'kin ka sasabay mag-lunch ngayon, 'di ba?" "No, sa 'kin siya sasabay, 'di ba, Babe." "You two shut up, wag na kayong umasa, dahil ako ang sasabayan niya." "Me." "Ako." "I'm the one he will choose for sure." Napailing na lang ako dahil mukhang mag-aaway na 'tong mga babaeng 'to. Sino naman kayang pipiliin nitong kumag na 'to? "Sorry ladies, but may sasabayan na 'kong mag-lunch," kunyaring malungkot pang sagot ni Ethan. Narinig ko naman agad ang mga reklamo ng mga babae. "Ako ang nauna, tapos s'ya ang pinili mo." "Kakalbuhin ko s'ya!" "Who's that f*****g bi*ch." "Sasabunutan ko 'yon sino ba kasi s'ya ha?!'" Nakakatakot sila grabe. Makaalis na nga dito. Aalis na sana ako papuntang cafeteria para bumili ng pagkain ko at ni Ethan, kaso biglang hinila ni Ethan ang kamay ko, kaya napatigil ako sa paglalakad. "Her," sagot n'ya sa mga babaeng nasa harap n'ya na ikinagulat naming lahat. Tumingin naman ng napakasama sa 'kin ang mga ito, parang pinag-iisipan na nila kung pa'no nila ako papatayin sa isip nila. Kaya naman pilit kong binabawi ang braso ko kay Ethan pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagka-kahawak n'ya dito. Tingnan ko s'ya ng napakasama, pero ang gago parang wala lang. "Bitaw," I mouthed to him. Hindi n'ya pa rin ako binitwan sa halip ay hinila n'ya ako palabas ng classroom. Kaya narinig ko ang malakas na reklamo ng mga babae kanina. "Bakit siya e' mas maganda naman ako sa kanya." "Ako naman ang nauna sa kanya a.'" "Why did you choose that b***h over me?!" Nang makalayo na kami sa classroom, saka niya na lang niya ako binitawan. "Gago ka ba, bakit mo ginawa 'yun?!" Inis na inis na sagot ko sa kaniya. Lagot na naman ako nito oh. "Nothing, ayaw ko lang na may kasabay mag lunch ngayon," parang wala lang na sagot n'ya. Hindi na ako sumagot at tinalikuran ko na lang siya dahil baka sumabog ako at masapak ko 'tong lalaking 'to. Makakain na nga lang para mabawasan ang init ng ulo ko. Madami na 'kong kaaway ng dahil sa buwisit na gagong Ethan na yun. Nang makarating ako sa cafeteria ay ang masamang tingin agad ng mga babae ang sumalubong sa 'kin. Gaya nga nang sinabi ko, nakasanayan ko na 'yun kaya dedma na lang ako sa kanila. Umorder lang ako ng salad at buko shake sa counter, pagkatapos ay humanap na ako ng table at nagsimula na 'kong kumain. Grabe napaka sarap talagang kumain, sana kapag nakahanap ako ng boyfriend ay yung pwede kong maging food buddy. Napatigil naman ako sa pagkain nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko namang tinignan kung sino ang nag-text sa 'kin. Agad din namang sumama ang mukha ko ng makita ko na si Ethan lang pala ang nag-text. Binigay ko sa kan'ya ang number ng hiningi nya 'to, para daw hindi na s'ya mahirapang sabihin sa 'kin ang mga utos niya. From: G*gong Ethan Where's my lunch?! To: G*gong Ethan Bumili ka mag-isa mo! Pagkatapos kong mag-reply sa kanya ay tinago ko na agad ang cellphone ko at nagpatuloy na sa pagkain. Naramdaman ko pa na nag-vibrate ulit ang cellphone ko, pero di na 'ko nag-abalang tignan pa 'to. Istorbo lang talaga siya sa buhay ko e'. Pagkatapos kong kumain ay bumalik na 'ko sa classroom, pero wala si Ethan do'n. Hindi ko na s'ya hinanap dahil baka tinamad na naman siyang pumasok. Matalino naman s'ya e' kaya hindi na 'yun problema para sa kanya. Hanggang sa mag-uwian ay hindi na pumasok si Ethan, sa aming mga klase. Siguro, ngayon nakikipag-date na naman sya. Nag-ayos na agad ako ng mga gamit at diretso na 'ko sa library para gawin ang assignment ko, mas gusto ko kasi na galing sa libro ang sagot kaysa sa internet. Pagpasok ko sa library ay agad kong hinanap ang librong gagamitin ko at sinimulan ang aking gagawin. Nagtagal ako sa library kaya hindi na 'ko nagtaka ng paglabas ko ay madilim na ang kalangitan at mga ilaw sa hallway na lang ang nagsisilbing liwanag sa daan. Sobra na ding tahimik dahil nag-uwian na ang mga estudyante. Binilisan ko ang aking paglalakad dahil pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. "Tulungan mo 'ko please kung sino ka man," sabi ko agad pagkasagot ko ng tawag. Natatakot na 'ko, wala na pa naman akong makitang ibang tao dito. ["Nasaan ka!?"] agad naman na sagot ng tao sa kabilang linya, hindi ko na matukoy kung sino siya dahil natataranta na 'ko at nagkakagulo na ang sistema ko sa sobrang kaba. "Nasa school pa 'ko, parang awa mo na tulungan mo ko," nagmamakaawang sabi ko sa kausap ko. ["Okay, I'll be there, I promise,"] sagot nito at tsaka pinatay ang tawag. Tatakbo na sana ako palayo, kaso may humawak sa braso ko at tinakpan ng panyo ang aking ilong. Hindi ko alam kung ano yung nasa panyo, pero dahil sa amoy na yun ay unti-unti akong nahilo at nawalan ng malay. 'Kung sino man ang taong 'yon. Sana tuparin niya ang sinabi niya. . .' ~ Pagmulat ng mata ko ay isang 'di pamilyar na silid ang sumalubong sa 'kin. Sobrang dilim dito. May nakita akong mga lumang bus na may tatak ng pangalan ng school, kaya sigurado akong nasa school pa rin ako. Sino ba ang nagdala sa 'kin dito? Tatayo na sana ako kaso 'di ako makagalaw, do'n ko lang naramdaman na nakatali pala ang paa't kamay ko sa upuan na inuupuan ko ngayon. Pinilit kong tanggalin ang mga tali sa kamay ko kaso lalo lang itong humihigpit kapag sinusubukan ko. "May tao ba dyan!? Tulungan nyo po ako pakiusap!" Nagmamakaawang sigaw ko, kahit alam kong imposible nang may makarinig sa 'kin dahil gabi na at siguradong nagsi-uwian na lahat ng tao sa school. "Parang awa nyo na po!" "Tulungan nyo po ako!" Wala ng tigil ang luha ko sa pag-agos, unti-unti na rin akong nawawalan ng boses at ng pag-asang may magliligtas pa sa 'kin ngayon. 'Lord, please help me' dasal ko sa aking isipan. "Tulong!" Malakas na sigaw ko ulit, sa abot ng aking makakaya. Susuko na sana ako, ngunit may narinig akong mga katok sa pinto ng kwarto. Kaya nabuhayan ulit ako ng pag-asa. Thank you Lord, may mag-lalabas na rin sa akin dito. "Addison, are you there?!" Tanong ng tao sa kabila. "Oo nandito ako, please parang awa mo na tulungan mo 'ko!" nagmamakaawang sagot ko. "Ilalabas kita dyan, j-just calm down, okay?" sagot nito at nakarinig na ako ng mga kalabog galing sa labas, mukhang sinusubukan na niyang buksan ang pinto. Ilang sandali pa akong naghintay bago niya nabuksan ang pintuan. Pumasok siya agad at agad din akong nilapitan. Hindi ko maaninag ng masyado ang mukha nya dahil malabo na ang paningin ko dahil sa aking mga luha, pero pamilyar siya sa 'kin. "Are you okay?" Agad na tanong nya nang malapitan na 'ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Hindi ko alam kung bakit lalo akong napa-iyak ng tuluyan ko ng makilala kung sino s'ya. Ethan. "Hush, you're safe now," pagpapatahan n'ya sakin habang pilit pinupunasan ang mga luha ko. How weird dahil ng pinangko niya 'ko ay maramdaman kong, sa wakas ligtas na 'ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD