CHAPTER 2: HATE

1701 Words
Pagkagising ko pa lamang kaninang umaga alam ko na hindi talaga 'to ang araw ko. Dahil unang-una, late na ako nagising. Pangalawa, natapon pa ang kape ko, at pangatlo, tumakbo ako papasok sa eskwelahan na pagka laki-laki para lang maunahan ko ang professor namin. Hindi ko naman ini-expect na may susunod pa pala. Expect the unexpected, ika nga nila. "We meet again, Miss coffee," seryosong sabi niya, kaya naman napa-angat ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko namalayang nasa harap ko na pala siya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at kitang-kita rin ang iritasyon at galit sa kanyang mga mata. Dinig na dinig ko na rin ang mga bulungan ng aking mga kaklase. "Ang pogi niya grabe." "Pero bat ang dumi naman ng suot niya?" "Kahit madumi siya, cute pa rin siya ano ka ba!" "Malalaglag yata yung panty ko!" "Girl, nakakahiya ka wala bang garter yang panty mo?!" "Tapakan mo ako ng pagmamahal!" "Harot mo, manahimik ka!" Ilan sa mga bulungan nila. Ano ba dapat ang kailangan kong sabihin sa kanya? Hihingi ba ako ng tawad? Pero kasalanan din naman niya, kung tumitingin siya sa dinadaanan niya e' di sana na-iwasan niya ako, hindi sana kami magkakakabungguan at hindi sana siya mukhang dugyot ngayon 'di ba? Pero, dahil mas kita naman na mas lugi siya e’, ako na ang hihingi ng dispensa. “Mr, I’m so--,” di ko na tuloy ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita ang aming guro na nasa unahan pa pala. Akala ko umalis na siya e’. Tumikhim muna ito bago nagpatuloy. “Mr. Villareal please introduce yourself first to the class, then pumili ka na ng mau-upuan mo,” utos niya pa dito sa lalaking hanggang ngayon e’ nakatingin pa rin sa akin na parang pinag-aaralan ang buong pagkatao ko. “I’m Ethan Shawn Villareal.” May mga bulungan na naman akong naririnig. “Hala! Villareal siya.” “I heard na isa sila sa pinakamayamang pamilya dito sa siyudad a’.” “Pogi na, mayaman pa.” A’ magiging kaklase ko pala ang isang ‘to na Ethan Shawn Villareal daw ang pangalan. Nilibot niya ang kanyang mga mata sa aming room at dahil nga sa sobrang malas ko ngayong araw, ang nag-iisa na lang na bakanteng upuan ay 'yung mismong nasa tabi ko pa. Kaya kahit halatang ayaw niyang umupo sa tabi ko ay no choice siya, alangan namang tumayo lang siya maghapon sa room 'di ba? Nang maka-upo na siya ay bumalik na sa pagtuturo si Ma’am. Mamaya na lang siguro ako magso-sorry pagkatapos ng klase, para naman walang abala. Pasalamat nga siya at ako pa ang hihingi ng sorry e'. Habang nagkaklase kami ay ramdam ko pa rin ang titig niya. Grabe, nakakailang! Hanggang kailan ba niya balak akong titigan ng ganiyan. Hindi ako lalo makapag focus dahil sa gagong 'to. Nang hindi ako makatiis ay nilingon ko na siya. "Bakit ka ba nakatitig d'yan," mahinang bulong ko dito na may halong inis. Hininaan ko lang dahil baka mahuli kami ng terror na Prof at sa detention kami mapunta. Inaalagaan ko rin ang grado ko. Hindi niya naman ako sinagot at tinignan lang ako ng napakasama. Kung nakakamatay siguro ang titig, kanina pa ako nakahandusay dito. Pasiring niyang inalis ang tingin sa 'kin at ngulat na lamang ako ng bigla siyang nagtaas ng kamay. Napatingin si Ma'am dito pati na rin kaming magkakaklase. "Do you have something to ask, Mr. Villareal?" tanong ni Ma'am dito. "Ma'am, my seatmate is so noisy. I can't focus on my study," he said that makes my jaw drop. Kitang-kita sa mukha ni Ma'am na hindi niya nagustuhan ang kan'yang narinig. Sinong maingay ako ba? E' sino pa ba namang ibang seatmate, Addi? 'di ba ikaw lang naman talaga ang seatmate niya? “Miss Havier, is that true?!” galit na tanong ni Ma’am. Ayaw na ayaw kasi niya na kapag nagtuturo siya ay may mag-iingay at hindi ka makikinig sa kanya. “Ma’am, of course not! Ako nga po ang hindi makapag-concentrate kasi kanina pa siya nakatitig sa akin e’,” sumbong ko rin. Totoo naman a’! kanina pa siya nakatitig sa 'kin. E’ ako nga bumulong lang tapos magsusumbong na siya na ang ingay-ingay ko daw! I cannot. “Why would I stare on you?!” Tanong pa niya sa ’kin. Kaya nagbulungan na ang mga kaklase namin. “Oo nga naman, bakit naman tititig sa kaniya si baby Ethan ko.” “Feeling maganda.” “Scholar lang naman siya.” “Pathetic b*tch.” “Nagpapapansin lang ‘yan kay Ethan, I'm sure.” Ilan sa mga bulungan nila o kung matatawag pa bang bulong ‘yon dahil rinig na rinig ko naman. Grabe, ang sakit nila magsalita. Anong feeling maganda, maganda naman talaga ako a’. At ba’t naman ako magpapansin sa bwisit na ‘to aber! “Aba! Malay ko sayo,” inis na sagot ko sa kanya, sinasadya niya yun alam ko, para mapahiya ako. Namumuro na talaga sa ’kin itong lalaking ‘to e’. Sasagot pa sana siya kaso nga lang ay naunahan na siya ni Ma’am na magsalita. “Kayong dalawa, lumabas kayo ngayon sa classroom na ‘to!” sigaw niya sa ’min. “But--” “Per--” Magrereklamo pa sana kami kaso sumigaw na naman siya ng pagka lakas-lakas. “Now!” sigaw niya ulit, kaya naman dali-dali ‘kong inayos lahat ng gamit ko dahil baka atakihin siya sa puso at kami pa ang masisi. Bagsak ang balikat kong lumabas ng room kasunod ang bwisit na lalaking ‘to. Dahil sa kanya sa kauna-unahang pagkakataon napahiya ako sa klase, napag-chismisan ako, napagalitan ako ng teacher at worse napalabas pa ’ko ng room. Sigurado akong magkakaroon ng malaking epekto ‘to sa grades ko. Hindi na matutupad ang pangarap kong maka-graduate ng matiwasay. Sigurado akong galit na galit na sa’kin ang mga babae sa room dahil akala nila na nagpapapansin lang ako dito sa lalaking ‘to. Nakakainis talaga. This is the worst day ever! Tumigil ako sa paglalakad ng makalayo na kami sa room, humarap ako sa kaniya. “Alam mo, kasalanan mo ’to!” inis na sigaw ko sa kan'ya. Ngumisi lang siya at nagkibit-balikat na lalo kong kinainis. “Well, I just retaliated for what you did to me earlier,” nakangisi pa ring sabi niya. Umawang naman ang labi ko sa sinabi niya. Dahil lang dun, ganito na yung ginawa niya. Kasalanan din naman niya ‘yon ’no! “Dahil lang dun ha?! Kasalanan mo rin naman yun a', kung sana tumingin ka sa dinadaanan mo hindi mo ’ko mababangga at hindi kita mababangga 'di ba?!” galit na sigaw ko sa kan'ya. Ang babaw niya grabe. “Kung yun lang din naman ang pinuputok ng buchi mo, well sorry po. Happy na may sorry ka na, nakaganti ka pa,” sarkastiko na sabi ko. Hindi naman siya nakapagsalita kaya iniwan ko na siyang nakatayo dun. I hate him so much. Napagdesisyunan kong pumunta na lang sa library para naman may matutunan pa rin ako ngayong araw. Lahat ng effort ko nasayang lang, dahil nauna nga ako sa professor namin pero napalabas naman ako ng classroom. Pagpasok ko sa library ay nakaramdam agad ako ng lamig. Ang library dito ay sobrang lawak at sobrang dami din ng libro, pero minsan lang magkalaman ng tao. Ang kadalasang makikita mo lang dito ay ang mga nakasalamin na estudyante o ang mga 'nerds' kung tawagin. Nang makapili ako ng librong babasahin ay naghanap na ako ng mau-upuan. Pinili ko ang nasa pinaka tago para walang istorbo. Dito na lang muna ako magpapalipas ng oras at papasok na lamang ako sa room pag tapos na ang klase ni Ma'am Santos, ang professor na nagpalabas sa 'min. Mahigit kalahating oras din akong nagbasa ng mapag desisuyunan ko ng bumalik sa aming room dahil sigurado akong wala na si Ma'am doon. Papasok na sana ako sa room nang may humarang sa 'kin na tatlong mga babaeng kaklase ko. Sila daw kuno ang 'Queen bee's' ng school. Si Hailey, Elliana at si Darcy. Kinakatakutan sila hindi dahil mukha silang clown, kinakatakutan sila dahil ang mga pamilya nila ang ilan sa mga major stock holders. Kaya malakas ang loob nilang mag reyna-reynahan kasi alam nilang isang sabi lang nila, kaya ka na nilang patalsikin sa school. And worse, kung hindi ka man nila patatalsikin, pahihirapan ka naman. "Excuse me," saad ko dahil nakaharang sila sa daraanan ko. Marami na rin kasing mga taong nakapaligid sa 'min kaya gusto ko ng umalis at pumasok sa room. Pero hindi sila tumabi at tinaasan lang ako ng kilay. "Who do you think you are, para utusan kami?" maarteng tanong sa 'kin ni Hailey. "Hindi ko naman kayo--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol ito ni Elliana. "Just shut up, di*wit," sabi niya. Ako ba yung tinawag niyang di*wit. E' kung sampalin ko kaya 'to ng back to back para makita niya ang hinahanap niya. 'Kalma lang self, yung scholarship mo delikado. Isipin mo ang Mama mo,' pagpapakalma ko sa sarili. "Akala mo ba palalampasin namin ang pagpapa-pansin mo kay Ethan babe," tanong naman sa 'kin ni Darcy at dinuro-duro pa ang balikat ko paatras. Dinig na dinig ko na din ang mga sinasabi ng tao sa paligid namin. "Ayan kasi masyadong papansin si ate mo girl." "Kawawa naman siya." "She deserves it." "May bago na naman silang biktima." "Buti nga sa kanya, dapat kasi alam niya sa'n siya lulugar." "Akala mo naman papatulan siya ni Ethan. Asa pa siya!" "Hindi naman ako nagpapan--" sa pangalawang pagkakataon ay na bitin na naman ang sasabihin ko dahil muntik na akong buhusan ng malamig na strawberry shake na hindi ko alam kung saang lupalop niya nakuha. Pero may malaking taong humarang sa harap ko kaya siya ang nabuhusan. "Oh my Gosh," bulalas at nanlalaki ang matang sabi ni Hailey. Bakas talaga ang gulat sa mukha niya pati sa mga kasama niya. Lalong lumakas ang bulungan ng mga tao sa paligid at mas dumami ang mga taong nakiki usyoso. "Patay sila." "Hala ka!" "Ang lagkit nun sigurado." "Bakit niya ginawa yun?" Sino ba kasi 'to? Bakit ganiyan ang mga reaksyon nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD