"I'm sure na nandito s'ya para bawiin ang talagang kan'ya." "Sa wakas, tapos na ang maliligayang araw ng malanding 'yan." "Mas bagay naman talaga sila." "They are so perfect together." "True, maganda at pogi, hindi pogi at feelingera." Rinig kong mga bulangan ng mga tao sa paligid ko, habang naglalakad ako papunta sa room, hindi ako sigurado kung ako ba talaga yung pinaparinggan nila, dahil sa 'kin sila nakatingin. Hindi ko na sila pinansin pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad na parang walang naririnig. At kamalas-malasan namang nakasalubong ko pa sila Elliana, at may kasama sila, isang taong hindi ko inaasahang makikita ko pa ulit. Si Gabriella, ang ex girlfriend ni Ethan. "Hindi na pala natin s'ya kailangan hanapin, because she's already in front of us," sabi ni Elliana, ng nas