"Nag-enjoy ka ba?" Tanong ko kay Ethan, habang patuloy na tumitingin sa paligid namin, ang plaza ay mas naging maganda dahil sa mga pa-ilaw na nakapaligid dito at mas maraming tao na din ang mga namamasyal. Nakaupo kami ngayon sa isa sa mga benches dito sa plaza at nagpapahinga. "Of course, I enjoyed the place, especially the food," he answered. "Buti naman," sabi ko. "Dahil, hinding-hindi na ulit 'to mauulit, mamumulubi ako sa'yo, ang lakas mo kumain," dagdag na sabi ko at tumingin sa kan'ya , natawa naman s'ya dahil do'n. "Well, i like eating a lot," natatawang sabi n'ya pa sa'kin. "Kwento ka naman tungkol sa sarili mo," request ko sa kan'ya, dahil bukod sa wala na kaming mapag-usapan, ay gusto ko rin madagdagan ang kaalaman ko tungkol sa kan'ya. "In one condition," sagot n'ya nama