"May lugar ka bang pangarap mong puntahan?" Random na tanong ko kay Ethan, wala kasi kaming klase ngayon. Ilang araw na rin ang nakalipas ng mangyari yung sa 'min nila Gabriella, nag-transfer na pala s'ya dito at kaklase namin s'ya. Laging masama ang tingin nila sa 'kin, pero hindi nila ako malapitan dahil laging nasa tabi ko si Ethan. At dahil din sa nangyari ay medyo na bawas-bawasan na ang mga hater ko. Nag-isip muna s'ya bago sumagot. "I think in France,"sagot n'ya. "How about you?" balik na tanong n'ya sa 'kin. "Sa Enchanted kingdom," mabilis na sagot ko. "Matagal ko na kasi talagang pangarap makapunta do'n, bata pa lang ako. Masyado kasing busy si Mama kaya, 'di n'ya kami masamahan do'n," sabi ko pa. "We'll go in Enchanted kingdom then," sabi n'ya sa 'kin, na ikinaawang ng labi