EP3. Drive Thru

1114 Words
Farah Ngayon nga ay nasa tapat na kami ng drive-thru window. "Ano'ng gusto mo babe?" "Kahit ano!" Ang sagot ko sa kanya. Bahala siya mamili at wala ako sa mood at gutom na ako at hinayaan ko lang na siya ang mag-order habang busy ako sa pag-scroll sa cellphone. Nagulat pa ko ng inabot niya sa cashier ang isang black credit card. Wait, bakit may gano'n card siya. Alam ko mga mayayaman lang ang may gano'n na card. Duda na talaga ako dito sa lalaking 'to eh baka may kabit 'to na bakla at binigyan siya nun. Bahala siya kung 'yon ang diskarte niya sa buhay eh sino ba naman ako para i-judge siya basta ang mahalaga makikinabang ako ngayon dahil ililibre niya ko. Ini-abot niya sa akin ang happy meal box. "Oh yan na babe sabi ko sa'yo bibilhan kita ng car, ayan na agad, hot wheels pa!" Binuksan ko ang box, may laman nga na toy na hot wheels na color green, spin king ang design na nasa plastic pa pero hindi ako bata para matuwa kung ano man ang pakulo niya. "At ano naman ang gagawin ko dito, nakakain ba 'to?" At binato ko yun sa may likod ng kotse. Bwiset na lalaki na 'to, lakas talaga mang-trip. "Napakamainipin mo naman babe, heto na oh!" At inabot na nga ng crew mula sa drive thru window ang order niyang mga pagkain. And wow, ang dami niyang order. Dalawang brown paperbag lang naman ng pagkain ang ini-abot ng crew. Mukhang bumawi talaga ang mokong! Agad ako'ng dumukot ng fries para kainin. At hindi pa pala tapos, dahil may inabot pa siya na dalawang iced coffee at dalawang hot coffee. "Ano'ng trip 'to Derrick bakit ganyan ang inorder mo'ng drinks, hot and cold?" Ang tanong ko sa kanya. "Parang ikaw yan babe, ganyan ka sa'kin 'di ba, hot and cold!" "Derrick, hindi ako natutuwa ah!" Dahil 'yon ang totoo, sino ba naman ang matutuwa sa itsura ko ngayon. Halos hindi na ko makagalaw dahil bitbit ko ang mga pagkain sa kandungan ko at hawak naman ng dalawa ko'ng kamay ang mga drinks dahil hindi naman pwede na si Derrick ang humawak nun dahil siya ang nagda-drive. Bakit ba kasi nag-drive thru pa kami eh pwede naman mag-dine in, ngayon ko lang naisip. Ako pa tuloy ang nahirapan ngayon. "Babe, kailan ka ba matutuwa sa akin!" Ang tila reklamo niya. "Tignan mo nga itsura ko ngayon, sino'ng matutuwa, kung itapon ko kaya 'tong hot coffee diyan sa pantalon mo." Ang sagot ko sa kanya. Pero imbes na matakot siya ay ngumisi pa siya ng nakakaloko. "Ikaw babe ah talagang sa pantalon ko talaga, gusto mo siguro yung nakikita mo noh, kita mo ba yung bumubukol babe?" Aba talaga naman, ang kapal talaga ng mokong na 'to. Humanda ka talaga sa akin mamaya, makakatikim na naman siya ng kurot sa tagiliran. Pasalamat talaga siya nanghihinayang ako sa pagkain. Bahala siya sa akin ang dalawang iced coffee na 'to ilalagay ko na lang sa ref pagdating sa bahay. "Bilisan mo na kaya mag-drive para makabalik na tayo at gutom na ako!" Ang utos ko sa kanya. "Yes, ma'am!" Ang sarcastic na sagot naman niya sa akin. At sa wakas nakabalik na kami at nakapag-park na siya. Pero ang mokong ay tila wala atang balak na tulungan ako sa pagbitbit ng mga food and drinks na hawak ko. Binuksan niya ang kotse at talaga ready na siya maglakad para iwan ako. Kaya sinigawan ko siya. "Derrick!" Napalingon naman siya at agad na lumapit sa akin na kumakamot sa may ulo niya. "Sorry babe, nandiyan ka pala!" "Sige, umakyat ka na at umuwi ka sa unit mo, akin na lahat 'to, hindi kita papakainin!" "Hindi mo naman talaga pinapakain sa'kin yan," ang nguso niya sa bandang dibdib ko sabay kuha niya sa akin ng dalawang brown paper bag na may mga laman na pagkain. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya dahil alam ko'ng double meaning 'yon. "Aba, nagsisimula ka na naman ah, tandaan mo hindi pa ko nakain!" Ang pagbabanta ko sa kanya "Ano ba sinasabi mo babe, dirty minded ka na naman, ito'ng pagkain ang sinasabi ko, akin nga yan pati mga drinks ako na din ang magbibitbit, ayaw ko'ng nahihirapan ang babe ko!" Buti naman talagang dapat siya ang magbitbit ng lahat ng 'yon pero wait ano'ng sinasabi niya na hindi ko siya binibigyan ng pagkain. Oo, sinusungitan ko siya pero hindi ko siya pinagdadamutan pagdating sa foods. Masyado na nga siya'ng feel at home sa loob ng apartment ko eh. Alam na alam na nga niya kung saan ang lagayan ng mga kape ko. Taga papasok nga siya minsan ay dumidiretcho siya sa may ref ko para buksan 'yon. "Wait a minute, ano'ng sinasabi mo na hindi kita pinapakain, sige nga i-explain mo baka gusto mo'ng tuluyan ma-ban sa loob ng apartment ko!" Ang demand ko sa kanya at medyo umiinit ang ulo ko sa sinabi niya. "Babe masyado mo naman niliteral ibang pagkain yung tinutukoy ko!" Kinindatan niya ko sabay takbo. "Manyak!" Ang sigaw ko pa sa kanya habang pinapanood siya na nagmamadali makalayo sa akin dahil alam na naman niya na makakatikim na naman siya ng kurot ko. Bwiset talaga. Relax lang ako naglakad, nagmamadali pa siya eh akala naman niya makakapasok siya agad sa loob eh nasa akin kaya ang susi pero wait baka dalhin niya 'yon sa loob ng apartment niya. No way, ayokong pumasok sa loob nun at baka kung ano ano pa'ng makita ko. Kahit tapatan lang ang unit namin ay never pa ko'ng pumasok sa loob nun kahit minsan na sinasabi niya na kapag may kailangan ako like kung maubusan ako ng kape ay welcome na welcome daw ako sa unit niya. Nakakatawa lang. Talaga ba? Eh siya nga yung laging walang kape eh at paano naman ako manghihingi sa kanya. Nagmadali na ako sa pag-akyat at medyo nahimasmasan naman ako ng makita ko siya sa tapat ng unit ko na naka-smile. "Tagal mo naman babe, muntik ko ng ipasok 'to sa loob ng apartment ko eh!" Ang sabi niya sa akin. "Hahaha..." I laugh sarcastically at pagkatapos ay inirapan ko siya bago ko ipasok ang susi sa loob ng door knob. Binuksan ko na ang pintuan pero ang bwiset na si Derrick ay parang nang-aasar pa, nanatili lang siya'ng nakatayo at naka-ngiti sa may labas. "Ano pa'ng hinihintay mo pasok na at kakain na tayo!" Ang asar na sabi ko sa kanya. "Yes, papakain na siya, ahhhh.." Bago pa niya maituloy kung ano man ang dirty joke na gusto niya'ng sabihin ay nakurot ko na siya sa tagiliran dahil kanina pa ko nanggigigil sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD