EP4. He And His Stupid Jokes

858 Words
Farah "Yes, papakain na siya, ahhhh.." Bago pa niya maituloy kung ano man ang dirty joke na gusto niya'ng sabihin ay nakurot ko na siya sa tagiliran dahil kanina pa ko nanggigigil sa kanya. Kung maka-aray naman siya ay akala mo talaga ay binubog ko na siya. Agad siya'ng pumasok sa loob ng apartment ko at inilapag na sa kitchen counter ang dala niya'ng mga food and drinks. Pero nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. Hinubad lang naman niya ang suot niyang t-shirt. Kitang kita ko na naman ang magandang hubog ng katawan niya. Ibinaladra na naman niya ang kanyang six pack abs. Ahh ano ba yan sakit sa eyes, nakaka-miss tuloy ang hmmmp, bwisit! "Babe, tignan mo pulang-pulang yung kinurot mo!" Ang turo niya sa tagiliran niya at tama nga siya namumula 'yon pero wala akong pakiealam. Titignan lang pala niya yung part na kinurot ko eh talagang hinubad niya pa yung t-shirt niya, pwede namang itaas na lang. "Kiss mo nga babe para mawala ang sakit at pamumula" ang sabi pa niya. Ang landi talaga ng mokong na 'to! Paano ko naman siya paniniwalaan kung lagi siyang ganyan. Nilapitan ko siya at inagaw ang t-shirt sa kamay niya. "Tigilan mo ko Derrick, hindi ka mamatay sa kurot ko, isuot mo ulit 'tong t-shirt mo!" Ang utos ko sa kanya. "Ang gulo mo naman babe, inagaw-agaw mo sa kamay ko yung t-shirt ko tapos ipapasuot mo lang pala ulit, akala ko pa naman ipapasunod mo sa'kin pahubad 'tong pants ko!" "Hahaha," nagpakawala ako ng pekeng tawa sa mga pinagsasasabi niya. Dumakot ako ng fries at isinalpak ko sa bibig niya. "Gutom lang yan babe, oh yan kumain ka na!" Ang sabi ko habang pilit ko pinapakain sa kanya ang french fries. "B-babe naman eh!" Ang reklamo niya pero tinanggap din naman ng bibig niya at agad din niyang nginuya. Hindi ko na siya pinansin, kinuha ko ang dalawang iced coffee at ipinasok 'yon sa ref. "Babe gusto ko yung iced coffee," ang request niya habang isinusuot niyang muli ang kanyang t-shirt. "Tumigil ka, hot coffee ang inumin mo!" Ang sabi ko habang sinasara ko ang ref. Bumalik ako sa kitchen counter at sinimulan ko ng ilabas ang mga pagkain sa brown paper bag. "Sige na, hot coffee na nga lang ang iinumin ko baka sakali lalo ako'ng maging hot sa paningin mo!" Ang sabi niya sabay kuha ng isang hot coffee, tinanggal niya ang takip nun at sinimulan na niya'ng ilagay ang sugar at creamer. Hindi talaga siya makausap ng matino, lagi siya'ng ganyan. He and his stupid jokes. Ang dami naman ng pagkain na 'to. May chicken and rice, spaghetti, burger, nuggets, pancake, lahat tig-dalawang order pwera lang dun sa french fries na pang barkada ang size. Wow, talagang bumawi talaga ang buraot kaso ang dami naman masyado nito, 'di bale pwede naman ilagay sa ref kapag hindi nakain at initin na lang kung hindi makain ang iba. "Ano'ng gusto mo'ng kainin?" Ang tanong ko sa kanya habang hawak ko ang french fries at nagsimula na ko'ng kainin ito. Ngumuso na naman siya sa bandang dibdib ko, double meaning na naman, hindi man lang maka-usap ng matino ang hinayupak na 'to eh! Kaya ini-abot ko na sa kanya ang fries. "Ano fries lang ang kakain mo," ang sabi ko sa kanya habang kinukuha ko ang pancake at 'yon ang napili ko'ng kainin. "No," ang sagot niya at pagkatapos ay binitawan na niya ang fries at kinuha din ang isang pancake. "Gusto ko din ng pancake and then share tayo sa fries," kumuha ulit siya ng fries pero nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. Sa akin lang naman niya sinubo ang french fries na kinuha niya at sumakto naman 'yon sa bibig ko dahil nakanganga ako dahil isusubo ko na sana ang pancake pero nauna niya'ng isubo ang fries kaya no choice ako kung hindi nguyain 'yon. "Derrick!" Ang reklamo ko sa kanya habang nginunguya ko ang french fries. Tumawa naman siya. "Ikaw unang gumawa sa'kin niyan babe, ginaya lang kita." Ang natatawa pa din na sabi niya. Kainis talaga siya pero natatawa din ako sa mga pinaggagawa namin para kaming mga baliw. Hanggang sa naubos na ang tawa niya at nawala na din ang ngiti ko sa labi at sabay na kami kumain. Nauna siya'ng matapos sa pagkain ng pancake at tsaka ininom ang coffee niya. "Babe, bakit hindi mo nilagyan ng sugar at creamer yung coffee mo?" Ang tanong niya sa akin. "Tinatamad ako eh," ang sagot ko sa kanya. "Eh di ako maglalagay para sa'yo," ang suggest niya at akmang kukunin ang coffee ko pero naunahan ko siya at inilayo sa kanya ang kape ko. "Ano ba ang kulit mo, huwag mo'ng pakiealam ang kape ko," ang suway ko na naman sa kanya. Ano ba 'tong lalaki na 'to ang kulit kulit talaga. "Gulo mo talaga babe, sabi mo tinatamad ka, pagsisilbihan ka nga ayaw mo pa, akin na nga lang 'tong sugar at creamer." At kinuha niya ang sugar at creamer packets at inilagay niya sa bulsa niya. Napailing-iling na lamang ako sa ginawa niya. Sa isip-isip ko buraot talaga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD