Derrick
Fùcking shìt!
Talagang hindi umubra ang paki-usap ni mom kay dad at talagang pinalayas ako and the worst thing is I've been cut-off totally as in wala talagang ni kahit isang kusing ako'ng natanggap sa parents ko.
Tinry ko kontakin si Ate Denise pero wala, hindi niya nakikita ang mga chat ko.
Kinailangan ko pa'ng mangutang sa pinsan ko'ng si Brion para may maipang-down sa apartment na tutuluyan ko.
Buti mabait ang driver namin dahil siya ang nagrekomenda sa lugar na ito.
Bakit ko pa kasi pinatulan si Miranda, sabagay hindi rin naman ako lugi sa ganda ng katawan niya at sa galing niyang umindayog sa ibabaw ko pero fùcking shìt ano ba'ng sinasabi ko.
Luging lugi ako dahil napalayas lang naman ako sa bahay namin at ang isa pa hindi ko maitindihan kung bakit magre-resign bigla ang secretary ni Dad na nanay ni Miranda.
Sabi ni Miranda sa'kin ay okay lang naman daw kahit fling lang, hindi rin naman daw siya serious.
She just wants to have fun 'yon ang sabi niya kaya hindi ko maintindihan na sinasabi ni Miss Marina na sinaktan ko ang damdamin ng anak niya.
Galit na galit talaga sa akin si Dad dahil kapamilya na din ang turing namin kay Miss Marina.
Bata pa lang ako ay siya na ang secretary ni dad kaya gano'n na lamang ang galit nito sa akin.
Hindi bale oras na makabalik si Ate Denise panigurado naman na makakabalik ako ulit sa mansyon.
Sa ngayon ay i-eenjoy ko muna ang life.
Ano'ng akala ni dad mahihirapan ako, no way.
Madiskarte ata 'to, sa looks ko pa lang siguradong walang makakatanggi sa akin.
Pero may isang babae na hindi umuubra ang charm ko.
Mapagbigay din, ang sarap din magluto, lagi ko nga siya'ng kinukulit at pinupuntahan para makikakain sa kanya pero ang target ko talaga ay makain din siya.
Ilang beses ko na siya'ng inakit pero wala pa din, mabait siya kung sa mabait pero kapag sinisumulan ko na siya'ng akitin ay hindi talaga umuubra.
Masyado'ng bossy ang personality ng babaeng yan, hindi man lang ako makanakaw ng kiss kahit isa sa pisngi
Baliwala sa kanya ang six pack ko'ng abs.
Kaya lagi ako'ng nagbabad sa gym, buti na lang bayad na ang membership ko para sa isang taon kaya walang problema.
Akala nga ni Farah ay gym instructor ako pero hindi ko na siya kinorek pa, nakakatamad mag-explain kung bakit niya ko naging kapitbahay.
Although lagi niya ko'ng sinusungitan eh lagi naman ako'ng welcome sa unit niya.
Nung una ay pahingi-hingi lang ako ng kape sa kanya hanggang sa unti-unti ay nakiki-kain na ko, kung pwede nga lang sa unit na niya ko tumira eh ginawa ko na kaso talagang may pagka-masculine eh, matigas ang personality niya na mapagbigay naman pero okay lang yan sa ngayon, pasasaaan ba ay makukuha din kita.
It will be my biggest flex kung mailalabas ko ang soft and feminine era niya at alam ko'ng soon na 'yon.
At ngayon nga ay two months na kami magkapit-bahay.
Kung akala ni dad ay nahihirapan ako eh the joke is on him.
Akala niya siguro ay magmamakaawa ako sa kanya, lalo pa ngayon na lihim ako'ng tinutulungan ni Ate Denise.
Nabuwelo lang daw siya dahil hindi pa daw nahupa ang galit ni dad kaya mag-chillax daw muna ko.
Aba talagang chillax ako kahit hindi niya sabihin.
Hmm nagugutom na ko.
Mai-text nga si babe.
Me: Hi babe, good morning, gising ka na ba? Ano almusal natin?
Farah: Tigilan mo, kagigising ko lang, wala ako sa mood, ang aga aga!
Me: Ang init ng ulo ng babe ko, tara drive-thru tayo sa mcdo libre kita!
Ang tagal naman mag-reply ni babe...
Farah: Siguraduhin mo lang ah, sige labas ako after five minutes.
After five minutes ay lumabas na ko ng unit pero hindi pa siya nalabas kaya kinatok ko na ang pintuan niya.
Thud thud thud
Tagal naman.
Thud thud thud
Binuksan niya ang pintuan.
"Ano ba sisirain mo ba yung pintuan ko, sinabi ko'ng five minutes 'di ba?"
Lumabas na siya at ni-locked ang pintuan niya.
Sinusungitan na naman ako ng babe ko, kailangan na naman ng lambing.
"Babe, akin na yung susi ng kotse mo, ako na ang magda-drive." Agad naman niyang hinagis sa akin ang susi at nasalo ko naman.
Talaga naman gustong-gusto niya ipinagda-drive ko siya, eh siya kaya kailan niya ko ida-drive.
Sabay na kaming bumaba hanggang sa makarating sa parking, syempre inunahan ko siya.
Pinagbuksan ko siya ng pintuan ng kotse.
"Pasok na babe."
Inirapan niya ko pero pumasok din naman siya sa front passenger seat para maupo na.
"Sa susunod babe, sa puso ko naman ikaw pumasok," sabay sara ko ng pinto.
At umikot na ko para maupo naman sa driver's seat.
Pero pagkaupong-pagkaupo ko pa lang ay agad niya ko'ng kinurot sa tagiliran.
"Ano ba'ng problema mo babe," ang reklamo ko sa kanya.
Kunwari pa siya na lagi niya ko'ng kinukurot pero ang totoo siguro gusto lang niya ko tsansingan pwede naman yung gitnang baba ko na lang ang hawakan niya kahit kurutin at pisilin niya pa ay okay na okay lang.
"Yung pinto ang lakas lakas ng pagkakasara mo kanina!"
Yun lang pala, akala ko naman kung ano na!
"Sorry na babe, papalitan ko na lang, gusto mo bagong car bilhan din kita." Ang sabi ko na may kasama pa'ng kindat sa kanya.
Tumawa naman siya ng nakakaloko.
"Ikaw, ibibili mo ko ng bagong kotse, baka puti na ang uwak bago pa mangyari 'yon, hay naku gutom lang yan, dali na paandarin mo na at magbreakfast na tayo!"
Hay naku talaga si babe, walang kabilib-bilib sa akin.
"Bahala ka, ayaw mo'ng maniwala!" Ang sabi ko pa sa kanya bago ko paandarin ang kotse niya.
Tahimik lang kami sa loob ng kotse niya hanggang sa makarating na kami at maka-order sa drive-thru window.
Ini-abot ko ang black credit card na pinadala sa akin ni Ate Denise sa crew, buti talaga may ate ako na maasahan, sa wakas makakabawi na ko kay babe, hindi na niya ko tatawaging buraot.