Derrick James Buenavista
Damn, I was so wasted last night.
Sobrang sakit ng ulo ko, isabay mo pa ang sermon ni daddy kaya nagka-doble doble na, pakiramdam ko ay parang binibiyak na ang ulo ko.
Ang aga aga naman manermon nito, talagang nag-abala pa siya puntahan ako dito sa loob ng kwarto ko.
Naka-upo ako ngayon sa kama habang si dad naman ay hindi mapakali pabalik-balik ng lakad sa may harapan ko.
Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli niya'ng pasok dito sa kwarto ko, ngayon lang ulit kaya masasabi ko na talagang galit siya.
Sa totoo lang hindi ko masyado iniintindi kung ano ang sinasabi niya dahil talagang masakit ang ulo ko.
"Putang-ìnà, nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko!" Ang muling sigaw ni dad.
Habang si mommy naman ay nasa may pintuan lang ng kwarto ko na nakatayo at nakatingin lang.
Baliktad ang personality ng parents ko, mas chill si mom kaysa kay dad.
Si Dad ay masyadong HB, dala siguro ng pagiging businessman niya samantalang si mom naman ay tahimik lang.
Although nakontra din naman si mom kapag nasosobrahan na si dad ng pagalit sa'kin pero kapag sinabi ni dad wala din nagagawa si mom kung hindi ang sumunod sa kagustuhan ni dad.
Mas may nagagawa pa nga ang Ate Denise ko.
"Dad, ano ba'ng sinasabi mo ang aga aga pa, I need more sleep." At muli ako'ng humiga sa kama.
"Need more sleep pala ah, lumayas ka dito at matulog ka hangga't gusto mo pero huwag dito sa pamamahay ko ng dahil sa katàrantàduhan mo eh nag-resign lang naman ang pinagkakatiwalaan ko'ng sekretarya for more than twenty years dahil sinaktan mo lang daw ang damdamin ng nag-iisa niya'ng anak na dalaga!"
Dahil sa mga sinabi ni dad ay napabangon ako, kilala ko si dad kapag sinabi niya ay ginagawa niya talaga.
Wala pa naman ngayon si Ate Denise nasa abroad at walang magtatanggol sa'kin.
Gusto ko'ng matawa sa sinasabi ni dad na dalaga daw baka dala na, super wild kaya ng anak ng sekretarya niya.
Grabe nga kung sumakay sa'kin parang wala ng bukas, halatang sanay na sanay.
"Dad, wala ako'ng pinapaasa, yung anak ng sekretarya mo ang chat ng chat sa'kin, pinagbigyan ko lang!"
"Dencio, parang sobra naman ata na palalayasin mo ang anak natin, makinig ka muna kay Derrick baka naman talagang inakit lang siya ng anak ni Marina." Ang pagtatanggol sa akin ni mom.
"Inakit o hindi, hindi dapat pinakielaman ng magaling na anak natin ang anak ng sekretarya ko, parang pamilya na din ang turing natin sa kanya tapos bigla bigla na lang nag-resign dahil sa kàgàguhan nito, oras na para turuan ng leksyon ang tàrantàdo na yan!" Ang sagot ni dad kay mom na parang wala ako sa harapan nila.
------
Farah Mae Mendez
Idinilat ko ang aking mga mata.
Hay ang sarap talaga matulog, napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa kwarto ko. Mag-a-alas diyes na ng umaga.
Yung mga ibang tao ay abala na sa trabaho, samantalang ako ay babangon pa lang.
Kaya kahit anong pilit sa akin ni Ava na magtrabaho sa CORZ Tech ay ayoko talaga.
Pakiramdam ko nga ay talaga inaamo-amo na niya ko para pumayag lang ako biruin mo sabi pa niya ay hindi ko na daw kailangan dumaan sa interview!
Ang lupet talaga ng friend ko, nakabingwit ba naman ng mayaman at poging jowa, sana all 'di ba?
Pero kahit ano'ng pilit niya ay ayaw ko talaga, hindi ko trip.
Ayoko lang talaga kasi ang set-up na araw-araw napasok sa opisina at makihalubilo sa iba-ibang tao na kalimitan ngayon sa kanila ay mga walang common sense.
Like konting pagluwag lang sa pagkakabit ng ethernet cable sa likod ng mga PC nila ay sa'kin pa din i-aasa ng mga hinayupak na empleyado na yan dahil wala daw silang internet, kung di ko pa alam eh panay peysbuk at insta lang naman ang ginagawa nila sa office.
Magrereklamo-reklamo pa na tambak kuno sa trabaho na akala mo talaga ay inaalipin, ako pa ang lokohin nila mas lamang ang pag-scroll nila sa soc med nila kaysa sa pagtratrabaho kaya hindi sila mabuhay sa isang araw na walang internet.
Pero hindi lang naman 'yun ang dahilan, isama mo na din ang hassle na pagba-biyahe eh malamang kung napasok ako sa opisina eh hindi ako makakabangon ng ganito ka-late at hindi ako makaka-kumpleto ng walong oras na tulog sa isang araw.
Okay na ko sa mga sideline ko online, malaki din naman ang kinikita ko at ang pinakamahalaga ay hawak ko pa ang sarili ko'ng oras.
Konting tambay lang sa sites ng freelancer jobs ay magkakapera na agad ako, actually mahina na nga ang kita ko ngayon compared sa dati, nung talamak pa ang mga sѐx scandal sa internet.
Before infiltration talaga ang ginagawa ko, kaya ko'ng mag-retrieve, magbura or mag-wipe out ng mga files basta nakakonek sa internet.
Karamihan sa mga client ko noon ay mga celebrity, politician at kung sino pang mayayaman na gusto ipabura ang mga bad image nila tulad ng mga black propaganda pero ang kalimitan ay mga tungkol pagbubura ng mga sѐx scandal sa internet but those days are over.
Nauso na kasi ang mga Social Media Manager ngayon na nagko-control na ng mga social media account ng mga sikat na personality,
What a joke?! Talagang masasabi mo na halos lahat ay palabas na lang talaga, sa panahon ngayon hindi mo na alam kung ano ang tunay at hindi.
Pero wala ng magagawa, mabilis umusad ang technology at unti-unti hindi na nila need ang serbisyo ko, madami na din kasing techy person ngayon because of fùcking A.I.
Brrrt, brrrt, brrrrt...
Nag-vibrate ang cellphone ko, alam ko na kung sino ang nagtext.
Derrick: Hi babe, good morning, gising ka na ba? Ano almusal natin?
Hanep talaga ang lalaking ito, akala mo may patago na breakfast sa'kin.
Hindi ko na masyado tanda pero I think almost two months ko na siyang kapitbahay.
Paano ko nga ba siya nakilala?
Two months ago...
Thud thud thud......
Hay naku, sino na naman ang istorbo na 'to, busy ako at may kino-convert ako na mga files, yun kasi ang sideline na nakuha ko sa online, 'di bale konti na lang ay matatapos na ko.
Tumayo ako saglit para tignan kung sino ang istorbo na nakatok.
Pagkabukas ko ng pintuan ay whoa...
Ang landlady ko lang naman na si Manang Edna at may kasama siya'ng lalaki, hmm cute siya ah, bagong tenant siguro?
"Ah, Farah iwan ko muna sa'yo si Derrick, naiwan ko pala yung susi eh ako na lang ang baba para hindi siya mainip sa pag-aantay, siya nga pala ang uupa diyan sa tapat," sabay alis nito sa harapan namin at bumaba na sa may hagdanan.
Nasa third floor kasi ang unit na inuupahan ko, talaga naman matanda na 'to ginawa pa ko'ng yaya ng magiging bago niyang tenant.
Wala naman na ko'ng nagawa kung hindi ang papasukin ang bago ko'ng magiging kapitbahay at mahirap na baka ma-bad shot ako sa landlady ko, ilang beses na nga ako'ng pinaparinggan nun na ako lang daw ang hindi niya tinataasan ng renta dito dahil loyal daw ako sa kanya, aba dapat lang limang taon na ata ako'ng tenant dito.
"Pasok ka na, para hindi ka daw mainip," ang anyaya ko sa lalaki, sa totoo lang ay nakalimutan ko agad ang pangalan niya.
At pumasok naman talaga ang mokong na 'to sa isip-isip ko.
Pinaupo ko muna siya sa aking maliit na sala, at syempre pakitang tao tayo'ng mga pinoy 'di ba, hindi sapat na paupuin lang ang bisita, dapat alukin din ito ng makakakain.
Ang galing din naman ng timing ng lalaking ito, gumawa kasi ako ng egg sandwich kanina eh, bale dalawa ang ginawa ko yung isa kinain ko na at ito'ng isa ay reserved ko pang-snack ko mamaya.
"Gusto mo ba ng egg sandwich?" Ang alok ko sa kanya.
"Sure, tamang-tama, gutom na din ako!" Ang agad na pagpayag niya.
Ay grabe siya?! Hindi ko akalain na talagang tatanggapin niya ang alok ko, more kasi sa atin mga pinoy eh tumatanggi muna sa umpisa, kailangan makadalawa or makatatlo'ng alok ka muna bago mo mapilit, pero ang lalaki na ito ay go agad!
So, wala ako'ng nagawa kung hindi i-abot sa kanya ang egg sandwich na supposed to be ay memeryendahin ko.
Pagka-abot ko sa kanya ay pumunta muna ako sa kusina ko para kumuha ng tubig sa may ref.
Syempre inalok ko siya ng pambara ay dapat bigyan ko din siya ng panulak kaya kumuha ako ng isang basong tubig at ng bumalik ako sa sala ay nagulat ako dahil naubos na niya agad ang sandwich.
Mukhang may pagka-pàtày gùtom lang ang peg ng lalaking 'to ah!
Hindi ko pa man inaalok sa kanya ang tubig ay tumayo na ito at kinuha na niya mula sa kamay ko ang baso.
Nilagok niya ang isang inuman lang ang tubig. Pagkatapos ay ibinalik niya sa akin ang baso at tumingin siya sa akin.
"Thank you, babe."
So, cut the story short gano'n kami nagkakilala bigla bigla na lang siya sumulpot sa harapan ng unit ko kasama ang landlady ko, at tinawag niya agad ako'ng babe, pero sorry siya hindi ako basta basta nadadala sa mga ganyan, baka gusto lang niya makalibre lagi ng pagkain kaya inuuto niya ko.
Hinayaan ko lang siya kung ano ang gusto niyang itawag sa akin, 'dun siya masaya edi sige pagbigyan hanggang sa medyo naging close na kami, tropa tropa mga gano'n lang.
Nakakaawa naman kasi eh pero minsan feeling ko drama na lang niya para makakain siya ng libre pero naisip ko na lang swerte pa din ako kasi ako yung nagbibigay 'di ba? Paano kung ako naman ang nangailangan ng tulong may tutulong kaya sa'kin kaya hinayaan ko na hanggang sa nakilala na niya din yung ibang friends ko, si Ava at Ben.
Sabi nga ni Ava eh bakit di ko daw bigyan ng chance?!
Hay naku, wala naman mapapala sa mga ganyan klaseng lalaki, ano puro kapogian na lang paano kami mabubuhay kapag nagkataon, ano puro tawa na lang?!
PRESENT
Derrick: Hi babe, good morning, gising ka na ba? Ano almusal natin?
Me: Tigilan mo, kagigising ko lang, wala ako sa mood, ang aga aga!
Derrick: Ang init ng ulo ng babe ko, tara drive-thru tayo sa mcdo libre kita!
Wait, totoo ba 'tong nababasa 'ko, ililibre niya ko! Inulit ko pa talaga ang pagbasa ng text niya at baka naduduling lang ako or whatever pero 'yon talaga ang message.
Whoa, aba siyempre libre payag ako!
Me: Siguraduhin mo lang ah, sige labas ako after five minutes.
At hindi nga siya nagbibiro, at talagang inilibre niya ako ng breakfast.
Saan naman kaya kumuha ng pera ang mokong na 'to?!