Farah
Pilit ko'ng iminumulat ang mata ko'ng antok pa.
"Ahhh!" Daing ko sabay hawak sa aking ulo. Tanda na masakit ito.
Pagkadilat ko ng aking mga mata ay nalilitong inikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid.
"Nasaan ako?"
Sa tanang buhay ko kagabi lang ata ako nalasing ng ganun. Halos hindi ko na alam kung bakit ako napapunta dito.
At ang mas lalo'ng nagpagimbal sa akin ay nakahubad ako sa ilalim ng kumot.
Sinilip ko pa sa ilalim kung talagang nakahubad nga ako.
"Fùck! Anong ginawa ko?" Mangiyak ngiyak ko'ng sabi sa aking sarili.
Napansin ko naman ang tila may nakasulat sa aking kana'ng kamay. Napapagitnaan ito ng hintuturo at hinlalaki.
Inilapit ko ang aking kamay palapit sa aking mukha para maaninag kung ano ang nakalagay doon.
"Oh, my God!"
Hindi ito basta-bastang sulat lamang. Isa iyo'ng tattoo hugis puso at sa loob nito ay may nakalagay D & F at sa ilalim nito may nakalagay na 4-ever.
D & F 4-ever?
"Fùck!" Napa-upo ako sa kama at agad ko'ng binasa ng laway ang kaliwang kamay ko at ipinahid sa tattoo at ikiniskis iyon.
"Please be fake, please be fake!"
Halos mag-makaawa ako sa pagdadasal na sana ay peke lamang ang tattoo.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng bahagya iyo'ng nabura.
Muli ako'ng humiga sa kama at pinagsaklop ang dalawa ko'ng kamay ng may makapa ako'ng bagay sa kaliwang palasingsingan.
Agad ko ito'ng tinignan.
May nakasuot na wedding ring.
Hindi ko na alam kung ano'ng mararamdaman ko. Naghalo-halo na.
Pagkalito.Kaba.Takot.
Muli ko'ng inikot ang paningin sa kabuuan ng silid.
Sa istilo ng kabuuan nito ay masasabi ko'ng nasa loob ako ng isang hotel room.
Biglang bumukas ang pinto sa kabilang gilid. Sa tingin ko ay banyo iyon.
Lumabas ang lalaking bagong ligo dahil kita ko na basa ang buhok nito at wala ito'ng saplot pang-itaas at may nakabalot lang na tuwalya sa bandang bewang nito.
Ngumiti ito sa akin.
"Good morning wife." Ang malambing na bati nito sa akin.
"No, no, no!" Ang sambit ko while shaking my head in disbelief.
Akmang lalapit ito sa akin pero agad ako'ng tumayo habang nakabalot pa rin sa katawan ko ang kumot.
"Tang-ina Derrick hindi ako nagbibiro ah! Anong nangyari kagabi?" Ang tanong ko sa kanya at hindi ko na maalala kung pano ako napapunta dito
"We just got married." Ang tila cool na cool na reaksyon niya na hindi ko man lang nakitaan ng kahit ano'ng pagsisisi sa mukha niya.
"Hindi ako naniniwala sa'yo! Bakit wala ako'ng maalala? Bakit ako nandito? May nangyari ba sa atin? Saka nasaan ang mga damit ko?" Ang sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"Huwag mo ng hanapin yun at pinatapon ko na dahil nasukahan mo kagabi, saka mag-shower kana din at naamoy ko pa yung suka diyan sa katawan mo. Ayun yung mga paper bag, ayan ang suotin mo."
Nilapitan ko naman ang dalawang paper bag na tinuro niya at tinignan ang mga laman.
May bra at underwear at meron isang dress at chineck ko ang isa pang maliit na paper bag na sandals naman ang nakalagay.
"Hindi ako nagde-dress ayoko nito at saka bakit mo na lang basta tinapon ang damit ko, lalong lalo na yung jacket ko" Ang naiinis ko'ng turan sa kanya.
Bumuntong hininga naman ito.
"Oh sige kung ayan ang gusto ng wife ko ipapahanap ko yung jacket mo pero hindi ko mapa-promise ha baka kasi nakuha na ng garbage truck collector eh, don't worry ibibili na lang kita kung hindi na maibalik." Ang may paglalambing na sabi nito sa akin na tila ba ako ay sinusuyo.
"Tigilan mo ang kakatawag sa akin ng wife, hindi tayo mag-asawa." Ang naiinis ko'ng suway sa kanya dahil naririndi na ako sa paulit-ulit niyang pagsabi sa akin nun.
Umiling-iling lamang ito at kinuha ang kanyang cellphone at kinalikot na tila ba may hinahanap.
Tinapat niya sa mukha ko ang cellphone at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang ang sarili ko at si Derrick sa video kung saan kaming dalawa ay nagpapalitan ng singsing at ang mga tao sa paligid ay panay ang hiyawan, pilit ko'ng inaalala kung saan ang lugar na yun ng saglit na may mahagip na video at pinidot ko ang pause para makita kung ano yun at nakita ko ang tarpaulin na nakalagay - KASALANG BAR YAN
Fùck, I'm screwed.