Chapter Two

2755 Words
Chapter Two KYLA NAGULAT ako sa sinabi niyang iyon tungkol sa biro ko kanina na baka hindi pa siya tuli. Ngayon ay tila mas nagkaroon ako ng ideya kung anong klaseng lalaki nga ba siya. Sa una ay para siyang basang sisiw na kasasalta lamang sa isang lugar. Para syang mahiyain kanina dahil na rin sa mga tingin ng mga kasamahan ko sa kanya na hindi matanggal tanggal. At mas lalo na noong hindi ko siya pinapansin at pinipilit kong huwag matuon ang atensyon ko sa kanya. Nahahalata ko naman na natatakot siya sa akin at hindi niya alam ang kanyang sasabihin sa tuwing ako ay nagsasalita. Hindi niya lang talaga alam na ako rin naman ay nangangatog na ang tuhod sa tuwing titingin siya sa akin kapag nakikipag-usap ako sa kanya. Hindi niya alam ang pagsubok na pinagdaraanan ko sa tuwing nagtatama ang aming mga mata. Nang sabihin niyang "Tara na mismo sa CR at ikaw na mismo ang mag-check ng style," ay halos mapalundag ang dibdib ko dahil sa pagkabigla. Natitiyak ko na narinig ito ng babae at ang anak niya na ngayon ay tinitingnan lamang kami habang hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso na. Upang maging light lang ang sitwasyon ay humagalpak na lamang ako ng tawa. Yun bang tawa na napipilitan lamang at parang gusto lang ibahin ang usapan o kaya naman ay ang sitwasyon. "Sis masyadong halata ang kaplastikan ng tawa mo," komento ni Lance sa akin habang nakataas ang kanyang kanang kilay. Hindi na ako nakasagot dahil parang halata nga talaga. Imbes inirapan ko na lamang siya at itinuon ang pansin sa babae at ang anak nito. Sasabihin ko na sana sa kanya na hindi kami pwedeng magsagawa ng circumcision kung wala ang doktor ngunit nakita kong paparating na si Dr. Gamboa na siyang nakakasama namin sa mga medical mission at oplan tuli sa mga barangay ng San Lorenzo. Although hindi siya sa OPD pero pwede rin naman siyang magsagawa nito. Wala kasi si Dr. Ben na siya naming kasama sa OPD. Tumayo naman ang mga kasamahan kong girls at bumati kay Dr Gamboa. "Good morning Doc," "Good morning," kumaway pa ito sa amin at ngumiti. "Louisa, ask him dali," senyas ko. Agad namang tumalima si Louisa sa senyas ko sa kanya. "Ahm Doc, available ka ba this first hour? May magpapacircumcise po kasi," nahihiya pang tanong ni Louisa kay Dr Gamboa ngayon ay napahinto sa paglalakad papasok sa pasilyo papunta sa kanyang opisina. Tinignan niya muna ang kanyang relo at saka ibinaling ang tingin sa aming grupo. "Kailangan ko ng kahit isang assistant. Dalhin niyo na lamang sa akin ang pasyente after 15 minutes," wika ni doc saka nagpatuloy sa paglalakad. "Sinong gustong mag assist kay Dr Gamboa?" Tanong ko naman sa grupo at saka sila nagtinginan. Walang gustong magpresenta kaya naman isa-isa silang tumingin kay Caloy. Gets ko naman kaagad ang gusto nilang sabihin kaya naman hinarap ko si Caloy na ngayon ay mukhang alam na rin ang ibig nilang sabihin. "Alam mo na siguro ang ibig sabihin nito," seryosong wika ko sa kanya. Hindi na siya kumibo pa at saka siya kumilos pabalik sa station ng aming department para maghanda. Pumipihit naman ang ulo ko habang sinusundan siya ng tingin sa kanyang paglalakad paalis mula sa kanyang pwesto kanina. Nang marealize ko na nakatitig pala ako sa kanya ay binawi ko agad ang tingin ko at napukaw pa ako sa sinabi ni Lance. "In fairness ha. Ang ganda ng porma at hulma ng puwet niya," pumalakpak pa ito ng tatlong beses kaya naman napukaw na rin ang atensyon naming magkakasama. Nawindang ako dahil hindi lang pala ako ang nakatingin sa kanya kundi pati na rin ang aking mga kasamahan. Nagkunwari na lamang akong may pinulot na piraso ng papel sa likod ng aking upuan para hindi masyadong halata na pati ako ay napalingon talaga sa pagalis niya. Well, nice alibi. Ibinalik ko naman ang buong atensyon ko sa babae at ang kanyang anak para kunin ang impormasyon nito. Nang masiguro kong kumpleto na ang impormasyon at maayos ang kanyang records ay tumayo na ako at nagpaalam sa babae upang ibigay kay Caloy ang records at siya na mismo ang magbibigay nito kay Dr Gamboa. Pagpasok ko sa aming station ay halos gusto kong umatras at gustong bumalik sa aking kinauupuan dahil sa aking nakita. Nakatalikod si Caloy sa akin at nakaharap sa may bintana. Hindi niya suot ang pang-itaas niyang damit at tanging ang pang-ibaba lamang ang suot niya. Nagbubuhos siya ng alcohol sa kanyang likuran saka ito pinapahid at minamasahe. Parang nag slow motion pa ang mga pangyayari sa aking mga mata dahil napakaganda ng tanawin na aking nasisilayan ngayon. Pati pala likod niya ay sexy. Ang bawat paggalaw ng mga muscles doon ay tila ba nagdadala sa akin sa ibang mundo. Gusto ko nang lumabas ulit pero huli na ang lahat dahil lumingon na siya sa akin. Kung sa likod niya pa lang ay nagdala na sa akin sa kakaibang mundo paano pa kaya kung humarap na siya sa akin? At ayon na nga, gusto kong lamunin na lamang ako ng lupa o kaya naman tangayin na lamang ako ng hangin dahil hindi ko magawang humakbang papunta sa kanya para iabot ang records dahil sa napakagandang hubog ng kanyang katawan. Iyon bang hindi masyadong batu-bato pero may mga bakas ng na-dedevelop na abs sa abdomen at muscles sa kanyang dibdib. Iyong hindi pinaghirapan sa gym at pinaghirapan lang dahil sa puspos na pagtatrabaho. May pagka moreno siya at dagdag ito sa pogi points niya para sa akin. Wala namang ekspresyon ang mukha niya habang nakatingin lamang siya sa akin na ngayon ay naestatwa sa aking kinatatayuan. Ayaw ko namang magpahalata na matigas ako sa tanawin kaya naman imbis na lumabas ako ay naglakas loob na lamang ako lumapit sa kanya upang i-abot ang records ng batang magpapatuli. Habang papalapit ako sa kanya ay nakatitig lang siya sa akin at patuloy pa rin sa paglalagay ng alcohol sa kanyang kamay saka ipapahid sa kanyang leeg papunta sa kanyang dibdib pababa sa kanyang tiyan. "Mukhang hindi ka naman naligo at parang alcohol ang gusto mong pampaligo sa katawan mo," komento ko sa kanya habang papalapit sa may pwesto niya. Yung mga mata ko, parang school principal na magchecheck ng uniforms ng mga bata. At dahil di siya nakaproper uniform at naka-topless ay gusto ko na lang mamalo ng pwet. Hmp. "Nangangati po kasi ako sa bagong uniform ko at hindi lang ako sanay," wika niya habang patuloy na nag bubuhos ng alkohol sa kanyang kamay saka ipapahid naman sa kanyang braso. Parang napakalakas niyang tingnan. Yun bang siya yung bida sa mga pelikula na kung saan ang lalaki ay magiging lobo tuwing kabilugan ng buwan. Parang kapag ang braso niya ang yumakap ay kumportable ka na at wala ka ng ibang hahanapin pa. Teka nga, bakit parang pinupuri ko na naman siya? Eh kanina lamang halos gusto niya na akong dalhin sa CR para ipakita ang kanyang Birdie. Well hindi rin naman ako magpapatinag sa kanya dahil ayoko talagang may lalaking kinakayankayanan lamang ako. Sa pagkakaalam ko ay natatakot sa akin ang mga lalaki kung kaya't ilang taon na rin akong single. Ewan ko kung positive ang mga sinabi ko. Pero sa puntong ito ay feeling ko ay positive nga. "Oh heto ang record ng bata na mag papatuli. Ikaw na lang ang magbigay kay Doc Gamboa," saka ko naman iniabot sa kanya ang records ngunit bago ni abutin ito ay nagsuot muna siya ng pang-itaas. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya dahil wala din naman akong magagawa kundi tumingin na lang talaga. "Sige po ako na ang bahala. Salamat," saka niya naman inabot sa akin na ang records. Pagkakuha niya nito ay agad na rin akong naglakad palabas ngunit napahinto ako nang magsalita siyang muli. "Ah Miss Kyla, gusto ko nga pala kayong yayain mamaya pagkatapos ng duty natin. May alam akong masarap na kainan dito sa malapit. Kaya iti-treat ko kayo," halata namang nahihiya pa siya sa akin. Wow naman. Ililibre niya pa talaga kami sa kanyang first day. Pero sa tono ng kanyang mga sinabi ay parang hindi ako taga dito sa San Lorenzo. May mga kainan pa ba dito na hindi ko man lang na ta-try para sabihin niyang may alam siyang kainan dito na masarap? "Wow thank you ha? Pero saan iyang sinasabi mong kainang masarap? " Alam kong may tunog na pagiging sarcastic ko ang aking tanong pero pinipilit ko pa ring hindi ipahalata iyon sa kanya. "Basta po ako na ang bahala. Sige po at pupuntahan ko na si Dr Gamboa at baka naghihintay na iyon sa akin," nagsimula na siyang maglakad palapit sa akin at sa pintuan. Binalak ko talaga ang maunang lumabas pero siya itong mauuna sa akin kaya naman nagpumilit akong maunang lumabas mula sa pintuan ngunit dahil nakisabay siya ay nagkabungguan kami sa may eksaktong labasan. Yung bungguang iyon ng aming mga balikat ay tila ba nagbunga ng isang electric shock sa aking katawan. "Ano ba yan, mag ingat ka naman," pagtataray ko sa kanya dahil sa sobrang lakas ng impact ay napasandal ako sa may hamba ng pintuan at idinadaing na ang medyo masakit kong balikat. "Ay sorry po. Hindi ko naman po sinasadya nakisabay po kasi kayo agad sa akin kaya hindi ko rin talaga alam," mukha namang sincere ang kanyang pagkakasabi nito dahil na rin sa kanyang seryosong mukha. Teka bakit ba ako biglang bumibigay at bakit tila ba nawawala ang pagka tigre ko sa kanya. Kyla, back to attitude. Tumindig ako ng matuwid at saka siya tiningnan sa mata. Napaka itim ng kanyang mga mata at tila ba nanunuri ang mga iyon at may kakaibang kuryenteng dumadaloy mula sa kanyang mga titig. Ngunit kailangan ko itong paglabanan kaya naman tinaas ko ang kanan kong kilay. "Sorry pero ang alam ko kasi ay ako ang mauunang lalabas," pagtataray ko sa kanya. Pinili na lamang niyang hindi kumibo dahil kung kikibo pa siya ay natitiyak kong makapagsasabi na naman ako ng hindi maganda. Pero later on ay feeling ko, ako ang unang makokonsensya. Binigyan niya na ako ng daan upang sa ganon ay ako na ang unang makalabas ng pintuan kaya naman hindi ko na ito pinalampas pa. Alam kong tinitingnan nya lamang ako habang naglalakad paalis pero wala akong pakialam. Kung ngayon ay iniisip niya na maldita ako puwes nagkakamali siya dahil ngayon pa lang ay sobra-sobra na ang pagsubok na pinaglalabanan ko. Sa totoo lang ay namamawis na ang kilikili ko dahil sa sobrang tense na nararamdaman ko. Pagbalik ko ay masama ang tingin sa akin ni Lance na para bang sinasabi niyang napakatagal kong magbigay ng records kay Caloy. "Ano?" tanong ko sa kanya habang siya ay patuloy lamang sa pagtaas ng kilay sa akin. "Yung totoo nagbigay ka ng ba ng records o gumawa ka na ng record sa loob?" itinuro turo niya pa sa akin ang ballpen na hawak niya na para bang tumututok ng patalim. "Alam mo ikaw, ang sama talaga ng nasa isip mo," "Girl, ang tagal mo naman kasi sa loob," aniya. "Lance gusto ko na talagang gupitin yang dila mo kaysa sa mahaba mong invisible na buhok," namaywang pa ako sa harapan niya. MABILIS lumipas ang oras at malapit nang mag-aalas singko. Dahil pang umaga lang ang duty namin ay uwian na rin namin ng 5:00 P.M. Katulad ng sinabi kanina ni Caloy, niyaya niya kaming kumain sa isang restaurant na ngayon ko lang talaga nakita. Sign ito na hindi ako masyadong naglalalabas dahil na rin siguro sa kabusyhan ko sa business ko during weekends. Kaya naman nagsisi na ako sa impression ko kanina na minaliit niya ang pagiging residente ko dito sa San Lorenzo. Kaunti lamang ang tao ngayon dahil hapon na pero nasisigurado ko na masarap pa rin ang ulam nila dito dahil mukhang mamahalin ang disenyo ng building nila. At dahil mukhang mamahalin ang building na ito ay mukhang mayaman din ang manlilibre sa amin. Taga saan nga kaya siya? halos medyo kakilala ko na ang lahat ng mga taga San Lorenzo dahil halos lahat dito ay nakilala ko na sa mga medical missions. Hindi ko man sila makilala by name Pero masisiguro kong kilala ko sila by face. Sa halos taon taon naming pagkakaroon ng medical missions ay hindi ko na talaga masasabi kong ilan sa kanila ang mga nakilala ko lalong lalo na ang mga kabataan at mga magulang na minsan ay nagiging close ko na rin talaga. Nag-order kami ng mga pagkain pero nilimitahan ko lang talaga ang order ko dahil nahihiya talaga ako sa kanya. Malay ko ba kung talagang pinili niya lang dito para itreat kami at maging komportable kami. Gusto kong magtanong tungkol sa kanya pero nahihiya ako kaya naman hinayaan ko na lang at bahala na siya kung mag open siya sa amin bilang isang team. "Wow naman Caloy siguro big time ka in real life," masayang wika ni Lance dahil napag senyasan din namin kanina na baka big time na itong binatang ito noong una kaming pumasok sa restaurant na ito. "Hindi naman po. Wala din naman kasi akng pinag kaka-gastusan ngayon dahil nag-iisa lang ako sa buhay," sagot niya habang iniisa-isa niya kaming tiningnan sa mata. Wala namang nais na magkomento pa sa amin dahil sa narinig naming wala sa kanya. Ibig sabihin mo na lang siya ng mga magulang? Ibig sabihin mo naman lang siyang kamag-anak dito sa San Lorenzo? Hindi ko rin talaga ma-imagine ang sarili ko na wala ang mga magulang ko at ang aking kuya na siyang nagiging gabay ko sa lahat ng pagkakataon. Although malaki na ako at kaya ko nang mabuhay ng sarili ko pero hindi ko pa rin talaga kaya kung tutuusin. At dahil natahimik kaming lahat ay mabuti na lamang quick ang utak ni Lance. "Okay, let's eat each otherrr," sigaw niya. Nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi niya. Ganito siya lagi kapag kakain lalo na kapag may pogi siyang nakikita Minsan sasabihin niyang, Let's Eat One Another. Halata naman ng pagkagulat ni Caloy sa narinig niyang sinabi ni Lance. Isa-isa kaming nag appear na magbabarkada dahil tila ba mayroon kaming kasamang walang kamuwang muwang. Habang kami ay kumakain ay kinuha nila ang number ni Caloy at maging si Caloy ay kinuha rin ang number ng mga kasama ko. Nanatili naman akong walang kibo at nagpatuloy lamang sa pagkain. "Sis, ikaw hindi ka magbibigay ng number o hindi mo man lang kukunin ang number niya?" Mausisang tanong ni Lance sa akin. Kahit kailan talaga pahamak ang baklitang ito. May mga pagkakataong hindi ko alam kung kakampi ko nga ba siya o kaya ay kontrabida sa buhay ko. Pero isa lang ang masasabi ko, best of friends talaga kaming dalawa no matter what. "Ah kasi lowbat ang phone ko. Makikitawag na pala ako sayo mamaya dahil papasundo ako kay kuya Kiel," Okay let's lie for a while. Kailangan ay magpakipot din naman ako. Ayokong ako ang unang kukuha ng number niya, kaya gusto ko siya ang kukuha ng number ko sa akin mismo at hindi sa iba. So I promised to myself na kapag nag-text siya sa akin pero hindi niya naman hiningi ang number ko mismo sa akin ay hindi ko siya i-entertain. Oh diba meron pa akong nalalaman na oplan pakipot kahit na Jowang Jowa na talaga ako to the highest level. Pagkatapos namin kumain ay ayokong ilabas ang cellphone ko para tawagan si Kuya Kiel. Kaya naman nakitawag na lamang ako kay Lance dahil nasa kanya rin naman ang number ng aking kuya. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko siya makontak. Siguro ay nakikipag-inuman na naman iyon sa kanyang mga barkada. The subscriber is cannot be reached. Please try again later… Nakailang ulit pa ako ng tawag sa kanya pero hindi siya sumasagot. "Paano ba yan sis, walang susundo sayo. E di matiyaga kang pumila sa paradahan," wika ni Lance nang iabot ko sa kanya ang cellphone niya. "Ako na lang po ako maghahatid sa iyo, nakamotor naman po ako," Nabigla pa ako sa pag offer ni Caloy na ihatid niya ako sa amin. At the back of my mind gusto kong ipagsigawan na gusto kong mag patid sa kanya pero sinasabi ng isipan ko at nang pakipot kong utak na hindi pa pwede ngayon. So this is my second oplan pakipot "Ah eh, no thanks. Magcommute na lang ako. Baka makaabala pa ako," tanggi ko sa kanya. Hindi naman siya nakakibo sa aking pagtanggi sa kanyang offer. Bigla naman akong nakonsensya dahil para siyang napahiya sa aking mga kasamahan. "Ano ba naman yan sis tumanggi ka pa, nagmamagandang loob na nga itong bata," sumingit naman si Lance. So wala akong nagawa. Failed ang ating 2nd oplan pakipot. Di bale, babawi ako. I promised to myself na hinding hindi ako bibigay sa mga the moves ng lalaking ito. Sabihin niyo nang assumera ako pero sige assuming talaga ako. End of Chapter Two.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD