Chapter One
KYLA
TODAY is Monday, August 30, 2021.
Abala ang lahat dahil sa pag-aayos ng aming department dahil may darating daw na bagong nurse na makakasama namin sa Out Patient Department.
Naku, huwag lang sana siyang maldita kung babae siya, hindi ko siya uurungan sa sabunutan. Baka maging pasyente siya kung nagkataon. Hep hep, hindi ko pa sure kung babae siya. Kung lalaki naman, sana lang ay straight na. Ayaw ko nang madagdagan ang kaingayan ni Lance sa OPD. Baka magkaroon pa siya ng kaututang dila at kapag nagkataon ay baka mapagbuhol ko pa ang mga dila nila at ang mga lawit nilang dalawa.
And kung straing man, sana gwapo at achievable maging jowa. Syempre, kailangan ko na talagang maghabol dahil 28 years old na ako sa earth, napag-iiwanan na ako ng mga kumare ko.
Ano ito? Sila na lang ang masaya? Ninang ninang na lang ang ganap ko sa mundo? Kung may award lang talaga ang pagiging ninang ay ako na ang hahakot ng mga medalya at parangal. Sa tuwing may mga salu-salo at magkakasama kami ay puro na lang “Ninang, Ninang, Ninang,” ang naririnig ko. Wala man lang akong naririnig na “Mama, Mommy, Nanay,” o kaya naman ay “Honey, Babe, Love, Mahal.”
Nilalagnat na ang kalamnan ngunit wala pa ring jowa na mag-iinject nito. Nakaka stress naman ang ganito.
So, ang dalangin ko lang talaga ay sana straight guy, pogi at achievable maging jowa.
“Sis, may bago raw tayong makakasama dito. Ang nakakaloka ay hindi naman sinabi ng HR kung guy or bruha ang bagong iyon. Nakakaintriga,” wika ni Lance na sobrang naiintriga sa bago naming makakasama.
Naglalakad kami papasok sa ospital. Magkasabay kaming pumasok dahil gusto naming magchikahan lagi.
“Naku, huwag lang naman sanang mas bruha sa akin o kaya naman ay mas kurba pa sayo. Dahil kung nagkataon ay baka maging impyerno ang OPD,” natatawa ko pang wika habang nagta-time in sa may biometrics area.
“Sana naman FAFA ang mapunta sa atin, para hindi ako literal na napapasubo sa tuwing Christmas Party para lang manalo ang Department natin sa mga labanan,” napapairap pa siya.
“Seryoso ka talaga? Kailangan mo talagang pahinain ang pwersa ng ibang department para lang sa games ng SLMC?” natatawa akong lumingon sa kanya.
“Syempre half meant. Trip ko kasi talaga yung si Isagani, pero mas trip ko si Paeng, napaka bad boy ng looks, parang pag tinitignan ako ay gusto na lang akong ibalibag,” super-exaggerated pa ang kanyang ulo sa paghawi ng invisible hairs niya.
“Ang haba ng hair mo sis. Parang gusto ko na lang magremake ng Tarzan para iyan na ang gamiting baging na lalambitinan niya,” kunwari ay naapakan ko pa ang long hair niya.
“Of course i*********e, Mahaba talaga ang hair ko at kung mag-end ang taon and hindi ko pa nagiging jowa ang isa sa kanila, well, magpapa-inject na talaga ako ng virus ng COVID at magkakalat ulit ako sa Pinas,” namewang pa siya.
“Gaga ka talaga. Last year nga lang nasugpo, gusto mo na naman bumalik. Ayaw ko na malock-down. Please lang,” umirap lang ako sa kanya.
“Oo nga pala, kailangan nating mag-ayos ayos sa OPD dahil syempre may bago, baka maculture shock naman siya hindi ba,”aniya.
“Naku Lance, huwag ka na lang maging balat sibuyas. Magpakatotoo tayo sa kanya. Saka lang tayo maglilinis kapag may bago o kaya naman may bisita? Napaka plastic lang ng dating nun sis,”
“Eh di huwag. Dagdagan natin ang gulo doon. Tara,” hinila niya ako para mabilis kaming makarating sa opisina.
Pagdating namin ay dinatnan naming naglilinis ang mga kasama naming juniors.
“Ate, may bago pala tayong makakasama. Kaya pinaglinis kami,” wika ni Mariel na ngayon ay nagwawalis.
“Naku, huwag kayo masyadong mag-effort. Dudumi rin ito mamaya pagdating ng mga pasyente,” sabi ko saka nagbaba ng bag ko.
Pasado alas syete na pero wala pa rin ang bagong kasama namin.
“Naku, wala pa yung bagong kasama natin. Pasado alas syete na. Mukhang may problema sa Tardiness ang makakasama natin,” ani Louisa na ngayon ay nag-aayos ng mga files.
“Huwag ka masyadong excited girl, baka madisappoint lang tayo kung chaka iyon or maldita. Halata ka masyado,” sabad naman ni Lance na ngayon ay nagreretouch sa may gilid habang nakaharap sa salamin niyang laging nasa table niya.
Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng aming station at saka nito iniluwa ang aming HR na si Ma’am Felissa Gregorio kasama ang… OH MY GOSHHH, so freakin’ hot, gorgeous, handsome and shocksa, mukhang sexy pa ang guy na kasama niya.
Pasok Moira: AT TUMIGIL ANG MUNDOOOOO….
Parang tumigil ng mga five seconds ang mundo dahil natulala lang kami at nakatuon ang atensyon sab ago naming makakasama.
Bigla namang parang napindot ang remote sa PLAy BUTTON nang marealize naming lahat na nakatitig lang din ang lalaki sa aming lahat, isa isa.
“Everyone, siya si Mr. Dimapilis, siya ang bagong makakasama ninyo dito sa OPD. Be good to him. Enjoy your first day,” tinapik pa nito ang balikat ng lalaki saka umulis si Ma’am Gregorio.
“Salamat po,” pahabol ng lalaki saka tumingin sa amin.
Napahilot pa siya sa batok nang isa isang lumapit ang mga kasamahan ko para makipagkamay sa kanya.
“Hi I am Lance,” halos hindi matanggal ni Lance ang kanyang tingin sa lalaki at patuloy sa paghahand-shake dito.
“Lance, bitawan mo na, may nakapila,” sita ko sa kanya dahil kung hindi ko iyon gagawin ay hindi niya talaga bibitawan.
Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit sa lamesa ko at hinayaan lang sila na makipagkamay. Ayaw kong ipahalata na pati ako ay halos tumulo ang laway nang makita siya seconds ago.
“Hi, ako si Mariel, I am twenty four,” inipit pa nito ang mahabang bangs na nakakaharang sa mukha nito.
“Caloy po,” pakilala nito sa sarili habang nakangiti sa mga kasama ko.
“Louisa naman ang pangalan ko,” ito namang isa ay halos gusto nang halikan ang lalaki dahil halos magkadikit na silang dalawa.
“Carlito po. Carlito Dimapilis,” pakilala niya.
Wew. Old school ang name. Pero Greek god ang fesss. And well, parang may magandang body built. Parang scanner ang mga mata ko habang pasimpleng napapatingin s akanya.
Nang matapos na ang pagpapakilala ng lahat ay siya na mismo ang lumapit sa akin par asana magpakilala.
“Hi ma’am, Caloy po,” iniabot niya pa ang kanang kamay para magpakilala.
Hindi ako lumingon sa kanya pero inabot ko na lang ang kamay niya para makipagshake hands.
“Hello, Kyla,” simpleng wika ko saka binawi agad ang kamay ko at nagpatuloy sa ginagawa ko.
Natetense ako. Sana hindi niya naramdaman ang panginginig ng mga kamay ko kanina nang makipagkamay ako sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit ko binawi kaagad.
Tumalikod na siya at tila naghahanap ng mauupuan.
Mula sa peripheral view ko ay nakikita ko na parang gusto niyang magtanong kung saan siya pwedeng magstay.
“Ahm gusto mo dito sa tabi ko? Magmomove na lang ako para naman makita mo ang view sa labas,” iniusog pa ni Lance ang chair niya para magkaroon ng espasyo ang lalaki.
“Ayo slang po,” sagot nito.
Ang tables kasi namin ay naka letter L. May kanya kanya lang kaming space at computer set. Ang gara nga ng SLMC, para kaming mga call center agents pag titingnan.
Kaya naman ibinaba na niya ang shoulder bag sa may table na tabi ni Lance at naupo doon.
Itinigil ko na ang pagmamasid sa kanya at nagpatuloy sa mga gagawin.
“Guys, kilos na, magbubukas na tayo for Eight O’Clock checkups,” utos ko sa mga kasamahan ko.
“Yes, ate,” ani Mariel.
Kanya kanyang retouch na ang mga kasamahan ko samantalang si Lance ay panay ang interview sa aming bagong Hottie Nurse.
“So, ilang taon ka na,” panay naman ang tapik nito sa tuhod ng lalaki.
“28 po,” sagot nito.
Oh Well, answered prayer na ba ito? Magka edad pa talaga kami ha?
“So, single ka ngayon?” mukhang si Boy Abunda kung umasta si Lance. Nakakainis. Kanina lang ay guto niyang jowain si Gani or si Paeng. Ngayon naman ay parang may bago na siyang target.
“Naku wala pa po sa isip ko iyan,” nakangiti niyang sagot.
“Lance, kilos na. Tatanghaliin tayo,” pangiistorbo ko sa interview portion niya.
“Kayo na lang naman ang hinihintay ko sis. Kanina pa ako nakaupo. Ineentertain ko lang ang bago nating kasama dahil first day niya dito. Welcome naman natin siya with warm and love,” halos gusto na akong pandilatan ni Lance pero tinitigan ko lang siya na para bang sinasabi sa kanya na:
“Kilalang kilala kitang baklang ulikba ka. Kaya huwag ako sis,”
Pero ang sinabi ko ay:
“Work time na kasi kaya kilos kilos na sis. Tara na, mukhang may mga tao na sa labas,” wika ko saka kinuha ang mga forms at lumabas na ng nurse’s station ng OPD.
Gusto kong huminga ng malalim at magbuga ng hangin dahil sa nerbyos. Paano ko matatagalan ang pagstay sa aming nutse station kung lagi siyang nakatingin lang sa akin kapag nagsasalita ko.
Napakaperfect lang ng kanyang mukha. Parang nilikha para magpalaglag ng panty at ng mga panga. Well, hindi naman halatang gustong tumiklop ng mga tuhod ko pero gusto ko lang magpakatatag dahil hindi maaaring mahalata na nasa loob lang ang kulo ko.
Pagdating ko sa may tanggapan ng mga out patient ay mahaba na ang pila.
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kaya gusto ko na talagang lumabas kanina.
It is Monday kaya naman aarangkada talaga ang work namin ngayon sa OPD.
Fighting!
CALOY
MAAYOS naman ang mga opisina at nurses’ station sa San Lorenzo Medical Center. Walang duda, kilala ito sa buong distrito.
Dahil araw ng lunes ay napakaraming tao sa pila. At dahil baguhan ako ay iyong Kyla ang magiging guide ko sa lahat ng gagawin. Medyo nahihiya lang ako sa kanya dahil parang masungit siya at hindi gaanong namamansin. Pati kanina ay siya lang din ang halos ayaw kumausap sa akin.
Ewan ko pero may kaunting hiya ako sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Pero siguro kung makakausap ko siya ng matagal ay magiging magaan din ang loob ko sa kanya.
“Mister…,” hindi niya masabi ang pangalan ko dahilo parang hindi niya pa naisaulo.
“Caloy na lang po,” lumapit ako sa kanya.
“Huwag kang mag-opo sa akin, magka edad lang tayo,”
“Opo, ah este ma’am,” nauutal ako sa kanya.
Tiningnan niya lang ako saka ibinaba ng bahagya ang salamin.
“Ma’am? Mukha ba akong 50 years old?”
Tsk. Masungit nga. Napahilot ako sa batok ko habang nakatingin lang sa kanya. Nahihiya ako.
“Kyla,” aniya.
Tumango na lang ako para hindi ako magkamali.
“Bali, susunod ka na lang muna sa mga sasabihin ko. Total ay first day mo, mag observe ka na lang muna sa mga gagawin namin. Maupo ka diyan,” saka niya itinuro ang upuan sa kanyang tabi.
Mabilis pa sa kidlat ang ginawa kong pag-upo sa tabi niya.
Gusto niya lang akong mag-obserba? Hindi niya baa lam na nurse ang tinapos ko at alam ko rin ang mga procedures sa ospital? Pero kung sa bagay ay ibang iba na kapag nasa talagang trabaho na. Kaya hindi na rin lang ako umimik.
Isa isa nang lumapit ang mga nakapila. Tig-iisa ang mga kasama ko ng kinokonsulta. Samantalang ako ay nakaupo lang sa tabi ni Kyla, nag-oobserba.
“Nay, ano po ang nararamdaman ninyo?” tanong niya sa matandang babae na may kasamang dalaga. Baka apo niya ito.
“Hindi sumasagot ang matandang babae,”
“Lola, ano raw po ang nararamdaman ninyo?” tanong ng apo nito.
“Ha? Ano kamo?” sigaw ng matanda.
Naku po. Mukhang bingi pa ang matanda.
“Lola, may masakit po ba sa inyo? Bakit po kayo nandito?” medyo napasigaw na si Kyla pero malumanay pa rin ang pagkakasabi nito.
“Ha? Bakit mo ako sinisigawan?” sigaw ng matanda.
Halata naman ang pagkabigla ni Kyla sa ginawa ng matanda.
Tiningnan lang ako ni Kyla saka napangiti at ibinalik ang tingin sa matanda. Halatang naiinis at pigil na pigil lang talaga siya. Naisip ko naman na tulungan siya pero baka sabihin niya ay nakikialam ako sa ginagawa niyang consultation.
Tumayo siya at saka ipinwesto ang stethoscope sa tamang pwesto nito at inilagay sa likod ng matanda.
Ngunit biglang nag-alburoto ang matanda.
“Ano iyang ginagawa mo?” sigaw ng matanda na agad namang ikinabigla muli ni Kyla.
Saka siya tumingin ulit sa akin, ngayon ay wala nang ngiti sa kanyang mukha.
“Naku pasenysa na po kayo nurse,” paumanhin ng apo nito.
“Ako na lang muna sa kanya,” sabi ko naman saka tumayo at akmang makikipagpalit ng pwesto.
“Sure ka?” aniya.
“Oo naman. Tignan mo ako,” parang nagyabang pa ako.
Saka ko inilagay sa tenga ko ang stethoscope.
“Lola, checheck lang po natin ang paghinga ninyo ha? Ako po si Caloy lola, ngiti naman po diyan,” pinilit kong pakalmahin ang matanda.
Wow. Ngumiti. Mukhang effective nga. Tumingin pa saako Kyla sa pagkakabigla.
“Oh, lola, hinga po ng malalim,” utos ko.
Saka naman niya iyon ginawa.
“Wow, very good naman si Lola. Ngayon naman po ay kukunan ko po kayo ng Blood Pressure lola ha? Kalma ka lang po. Smile nga po ulit,” nagmumukha na akong clown dahil panay ang pagpapangiti ko sa matanda na mukhang nagiging effectrive naman.
Tumingin ako sa paligid at nakita ko na nakatuon ang atensyon sa akin ng halos lahat ng tao sa OPD station. Nakita ko rin na parang namamangha ang mga kasamahan kong nurse.
Pagkakuha ko ng BP ng matanda ay agad koi tong inirecord at tinanong ang kasama nitong apo sa pangalan nito at ang mga nasasabing nararamdaman.
Sa huli, ay hindi naman masyadong seryoso ang karamdaman ng matanda kaya considered siyang Non-Urgent sa Triage.
Maya maya ay umalis na ako sa pwesto na iyon para hayaan siyang asikasuhin ang mga susunod na pasyente.
Ang susunod na pasyente ay mag-ina. Ewan ko kung sino ang magpapaconsulta.
“Ano po ang sa inyo ma’am?”tanong naman ni Kyla.
“Ipapatuli ko sana itong anak ko,”
“Wow, big boy na si totoy. Ilang taon na po siya?” tanong ni Kyla.
“Eleven na siya ma’am,” sagot ng Ale.
“Ma’am, mukhang wala pa pong available na doctor ngayong oras. Pero check ko po ha?” tatayo n asana siya nang magsalita si Louisa.
“Ate, wala pa pong available ngayon,” siya na ang sumagot.
“Sure ka?” paniniguro niya naman.
“Yes ate,”
“Naku ma’am, ischedule na lang po natin,”
“Ma’am, sa September na kasi ang pasukan, baka may iba pa kayong marunong diyan,” sabi pa ng Ale.
Lumingon lingon si Kyla sa paligid.
“Sino sa inyo ang gamay magcircumcise?” tanong niya sa mga kasamahan namin.
Nagtinginan ang lahat.
“Ako gusto ko lang talaga nakakaita ng circumcised pero ang magcircumcised hindi ko talaga gamay,” nilaro laro pa ni Lance ang kanyang ballpen na hawak.
Maya maya ay napatingin sa akin ang lahat.
Itinuon nilang lahat ang atensyon sa akin.
Tsk. Mukhang may idea na ako kung ano ang nasa isipan niloa.
“Mr. Carlito Dimapilis,” wow, alam niya pala ang buong pangalan ko.
“Po,” mas lumapit ako sa kanya.
“May training ka ba sa circumcision?” tanong niya.
Tumangu tango lang ako.
“Dapat lang dahil lalaki ka,” umirap pa siya.
Napangiti lang ako sa kanya.
“So, ano, kaya mo ba ito?” tanong niya sa akin.
“Kailangan ko ng assistant,” sabi ko naman.
“Bakit? Dahil hindi mo gaanong gamay?” tanong niya.
“Hindi naman sa ganon,”
“Ano? Kinakabahan ka?”
“Hindi rin?”
“Huwag mo sabihing hindi mo talaga alam at sinasabi mo lang na alam mo?”
“Alam ko,” sagot ko kaagad.
“Kasi kung hindi moa lam ay mapagkakamalan kong supot ka pa,” napangiti siya.
Nainis ako sa sinabi niya.
“Tuli ako uuyyy,” sabad ko.
“Weh? Anong style? High? Low? Loose?” natatawa niyang wika na parang hindi naniniwala.
“Tara sa CR at ikaw na mismong ang magcheck kung ano ang style,” tumayo ako at hinawakan siya sa kanyang kamay.
Nagulat naman siya bigla at binawi ang pagkakangiti.
Huli ka!
End of Chapter One.