Chapter Three
CALOY
AKO na nga itong nag-offer sa kanya ng sasakyan pauwi tapos ako pa itong parang napahiya dahil sa kanyang pagtanggi. Sana hindi na lang ako nag magandang loob na mag-alok na maghatid.
Pero binawi niya naman kaagad dahil sinabihan siya ng kanyang kaibigan.
Nagbayad na ako sa aming mga kinain at tiningnan ko ang aking relo dahil parang maliwanag pa naman ang kapaligiran.
Mag-aalas sais na pala ng gabi. Umuupa lang naman ako sa isang apartment dito sa San Lorenzo kaya hindi ko rin iisipin ang aking pag-uwi dahil nakakain na rin naman ako sa labas kasama ang aking mga bagong katrabaho.
Pinaandar ko na ang motor ko at halos ayaw niya pang sumakay. Halos itulak pa siya ng kanyang mga kasamahan dahil hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan.
"Ooyyyy bukas ah maaga kayo at baka ma+late na naman kayo, maabutan pa tayo ng mga bosses natin," wika niya pa habang palingon-lingon sa mga kasamahan namin na wala namang kibo at nakatingin lang sa akin.
Halata namang hindi siya komportable dahil panay ang palusot niya sa pamamagitan ng pagpapaalala sa mga kasamahan namin tungkol sa kanilang oras bukas.
Pagkasampa niya sa motor ay tinanong ko muna siya kung handa na ba siya.
"Okay ka na po?" Tanong ka sa kanya at bahagyang lumingon sa likuran ko.
"Yes okay na ako, pwede na," sagot naman niya.
Hindi siya kumapit sa kahit anong parte ng likuran ko kaya naman dinahan-dahan ko na lang.
"Saan po ang sa inyo?" Tanong ko sakanya habang binabaybay namin ang daan sa bayan.
"Sa Calle Adonis ako," sagot niya naman sa akin.
Alam ko ang Calle Adonis dahil dinadaanan ito palabas papuntang San Luis. Naka tatlong beses na rin ako na nagpunta sa lugar na iyon dahil may mga kaklase ako dati doon.
"Saan po kayo doon ma'am?" May paggalang na tanong ko sa kanya.
"Sa ikaapat na kanto, kahit hanggang doon mo na lang ako ihatid," tila ba ayaw niyang ihatid ko siya mismo sa kanilang bahay.
Hindi ko rin naman siya masisisi dahil baka konserbatibo ang kanyang mga magulang at hindi pa nila ako nakikita. Kaya naman susundin ko na lamang ang sinabi niya.
Binabaybay namin ang daan papasok sa Calle Adonis at katulad pa rin ito ng dati na mukhang tahimik at payapa.
Wala pa rin siyang kibo sa likod ko at maging ako ay nahihiyang magsalita o magtanong man lang sa kanya.
Ngunit napakatahimik lang at parang awkward ang presensya ng bawat isa kaya naman binalak ko nang magsalita pero naunahan niya ako.
Maya maya ay nagsalita siya ngunit hindi ko masyadong narinig kaya naman ipinaulit ko ito sa kanya.
"Ano po ulit iyon?" dinaganan ko pa ng kaunti ang takbo saka medyo lumingon sa likuran.
"Ilang taon ka na ulit?" Pag-uulit niya.
Hindi niya ba narinig kanina ang sinabi ko nang magpakilala ako sa kanila?
"Ah, bata pa po ako ma'am. Twenty Eight," nakangiting sagot ko.
Bata pa para sa akin ang edad na ito. At medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil tila ba nakahanap na rin siya ng tyempo para kausapin ako.
Mahirap kasi sa isang team kung may isa kang kinahihiyaan o kaya naman ay kinakatakutan. Sa ngayon, sumusubok akong lumapit sa kanila para naman maging close ako sa kanila kahit papaano. Upang sa ganon ay maging komportable na ako sa susunod pang mga araw at maging sila sa akin.
"Bakit ma'am ang tawag mo sa akin eh hindi naman ako mukhang matandang babae, hindi mo rin naman ako boss at hindi rin naman ako leader ng team," sunod-sunod niyang turan patungkol sa pagtawag ko sa kanya ng ma'am.
"Syempre, ginagalang po kita," sagot ko
"Ttssss, ngayon lang iyan," aniya.
Hindi na lang ako kumibo.
Hindi ko maintindihan ang mga babae. May mga babae kasi na kapag iginagalang mo sila ay hindi nila nagugustuhan. Para bang naninibago sila kapag naging maginoo ang lalaki sa kanila. Mayroon din namang mga babae na kapag hindi mo iginalang at sinungitan mo ay mas maiin-love pa. Iyon bang kahit hindi mo sila pansinin eh hahabol habulin ka pa rin nila.
Kaya't napapailing na lang ako sa mga sandaling iyon.
Dinaanan na namin ang unang kanto at sunod-sunod na rin naman ito dahil magkakalapit lang talaga at halos nasa 100 meters lamang ang layo ng bawat kanto ng Calle Adonis.
Maya-maya ay pinahinto niya sa akin ang motor dahil may nakita siyang kakilala.
"Wait wait ihinto mo, mukhang ito na ang sundo ko," tinapik-tapik niya pa ang balikat ko kaya naman ginawa ko agad ang iniutos niya.
Saka niya pinara ang parating na motor na kinalululanan ng isang lalaking may makapal na kilay at halos balbas sarado ngunit medyo ahit ang mga ito.
Huminto naman ito sa tapat namin at mukhang tama siya. Ito nga siguro ang kuya niya.
"Sige ha salamat, mag-ingat ka," wika niya pa sa akin pagkababa ng motor.
Hindi muna ako umalis at pinakinggan ko ang sinabi niya sa lalaki habang nakatingin lamang sa kanila.
"Nasaan si kuya? Kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya hindi man lang siya sumasagot," tila ba galit niyang tanong sa lalaki.
Mali ako sa aking naisip. Hindi niya nga talaga kuya ito. Mukhang nobyo niya ito dahil sa tono pa lang ng kanyang katanungan ay parang komportable siya sa lalaki. Mukhang hindi naman nagkakalayo ang edad nilang dalawa kaya kung titingnan ay parang nobyo nga niya ito.
"Nasa shop ang motor ninyo at kasalukuyang vinu- vulcanize ng tauhan ko kaya hindi siya nakasagot sayo kanina," sagot naman ng lalaki.
Pinaandar ko na ulit ang motor at saka naman tumingin ito sa akin at nagsabing:
"Salamat tol," kumaway pa ito kaya naman tumango na lamang ako.
Hindi na ako pinansin at kinausap pa ni ma'am Kyla dahil siguro naiilang siya sa paghahatid ko sa kanya at dahil nandito na ang sundo at nobyo niya.
Nauunawaan ko na kung bakit ayaw niyang ihatid ko siya sa mismong bahay nila. Siguro ay nagli-live-in na sila o kaya naman ay asawa niya na ito kung hindi naman nobyo.
Kaya naman naisip ko na mas magandang hindi na lamang makipag close dahil baka magkaroon pa ng isyu lalong-lalo na sa kanya at sa mga kasamahan ko sa outpatient department.
Kung kanina ay mabagal ang takbo ko papunta sa Calle Adonis ngayon ay medyo bumilis na dahil magdidilim na at hindi ko pa gaanong kabisado ang daan dito.
Tumitira ako ngayon sa isang apartment sa San Lorenzo dahil medyo looban ang aming bahay sa San Gabriel. Malapit na ito sa mga bukirin at lubak-lubak pang daanan kaya naman nagdesisyon akong kumuha na lamang ng matitirahan sa bayan dahil sarili ko lang naman ang isipin ko.
Maliit lamang ang kinuha kong kwarto dahil hindi rin naman ako masyadong mahilig sa mga magarbong at malaki o malawak na lugar. Sapat na sa akin ang may higaan at may lamesa na pwede kong pagkainan sa tuwing tinatamad akong lumabas. Swak din naman sa bulsa ang bayad nito kaya naman kinuha ko na kaagad sa nagpapaupa.
Pagdating ko ay agad na akong nahiga sa aking maliit na kama. Sa mga panahong ganito ay gusto ko na lamang magpahinga ng maaga kaysa naman gumala o kaya ay gumawa ng kung ano-ano.
Minsan dahil natutulog ako ng alas sais ng gabi ay nagigising ako ng pasado alas nuebe dahil nakadarama ako ng pagkagutom.
Sa ibabang bahagi ng aking tinitirahan ay mayroong karinderya na kung saan ay kinakainan din ng mga umuupa sa malaking apartment na ito.
Kaya naman tinanggal ko na lang muna ang uniform ko na pang-itaas at nagpalit ng t-shirt saka ko kinuha ang wallet ko at ang aking cellphone.
Alas nuwebe pa lang naman kaya bukas pa iyon.
Mag-oorder lamang ako ng lomi dahil gusto ko lang mainit ang aking sikmura. Habang iniintay ang aking order ay nagbukas ako ng aking mobile data upang tingnan ang aking Messenger.
Wala naman akong masyadong inaasahang mga mensahe dahil wala rin naman akong nakakausap bukod sa aking mga barkada noong college.
Ngunit biglang may mga mensahe na nakalagay sa aking message request at tiningnan ko ang mga ito isa-isa.
Ang una ay si Sir Lance at ang sumunod ay ang ilan sa mga katrabaho ko sa outpatient department.
Ang kanilang mensahe ay gusto raw nila akong isali sa group chat nila kaya naman nagreply ako kaagad. Maya maya ay nakasali na nga ako sa kanilang group at bago ko buksan iyon ay nagreply din muna ako sa dalawa pa naming kasamahan na sina Mariel at Louisa.
Team OPD.
Ito ang pangalan ng kanilang group chat at tiningnan ko ito. Si sir Lance pala ang nag-add sa akin dito kaya naman nagpasalamat agad ako sa kanya sa group chat namin.
Isa-isa naman silang nag-send pati na rin si ma'am Kyla.
Silang lahat ay nag-react sa aking pasasalamat at nagsimula na ang pag-uusap. Ngunit sadyang tahimik yata si ma'am Kyla dahil siya lang itong hindi nag-react at nakikipag-usap sa akin.
Sinubukan ko namang tingnan ang kanyang profile at nakita ko nga na mahilig pala siya sa selfie. At upang makausap ko siya ay nag add friend ako sa kanya at nag send ng mensahe.
"Hi ma'am. Nice meeting you. Pa accept naman po sa sss. Salamat," ito ang sinend ko sa kanya sa private message.
Pero dahil hindi pa kami friends ay natitiyak kong hindi niya pa iyon makikita pera na lamang kung titignan niya ang kanyang message request.
Pero hindi niya pa rin ito nakikita kaya naman sinubukan ko na lamang siyang i-mention sa aming group chat.
"Hello po Ma'am Kyla, nag-message po ako sa inyo,"
Naseen naman ng lahat ito.
Pero hindi pa rin siya nag-reply. Sunod-sunod naman ang pagrereply ng aming mga kasamahan na ang tanging sinabi lamang ay "Sana all inaadd friend."
Natawa na lamang ako sa mga sinabi nila at tinignan ng kanilang mga profile sa f*******: at nakita kong sila pala ang nag add friend sa akin. At bilang mga bago kong kaibigan ay inisa-isa ko na silang in-accept.
KYLA
SHOCKS. In-add friend niya ako?
Ito na nga ba yung sinasabi ko kanina eh. Kung hindi niya kukunin ang number ko ay hindi ko siya i-entertain. pero hindi ko naman na-realize na meron pa lang ang f*******: at pwede na lamang akong hanapin doon.
Ako na lamang ang hindi nagrereply sa group chat at panay ang misyon nila sa akin dahil para hindi naman ang aking seen sa kanila.
Paano ba naman kasi hindi ko alam ang irereply ko sa group chat lalong lalo na at nandun siya.
Naalala ko bigla ang mga pinagsasabi ko sa group chat na iyon dahil noong wala pa siya ay napag-usapan namin ang tungkol sa bago naming makakasama.
At once na mag back read siya ay makikita niya na ang mga inexpect kong dapat naming makasama. Sinabi ko rin kasi doon na dapat gwapo at ok na maging jowa ang aming makakasama.
Hindi naman iyon seryoso at part lamang ng biruan dahil nga sa aming apat ay laging ako ang sinasabihan nilang nangangailangan ng jowa.
Minsan talaga hindi ko narerealize ang aking mga pinagsasabi. Kaya naman nagmadali akong mag back read at isa-isang idelete ang aking mga sinabi.
Sana lang talaga ay hindi niya nabasa ito kanina nang in-add siya.
Tiningnan ko naman ang mga message requests ko at nakita kongnagme-message din pala sya sa akin.
Sinabi niya na nag add friend siya sa akin at kung pwede ay i-accept ko siya.
Naggdadalawang isip ako kung accept ba o delete ang aking pipindutin dahil gusto ko pa ring magpakipot.
Ano ba Kyla hindi naman siya nanliligaw bakit ka nag papakipot?
Gusto kong sabunutan ang aking sarili kaya naman walang anu-ano ay pinindot ko agad ang accept.
Pagkatapos nito ay naglakas loob akong mag-send ng message sa aming group chat.
"Sorry guys busy kasi ako sa pag-check ng sales ko sa aking Kyla's garden," ito ang message ko sa aming group chat.
"Okay lang sis. Medyo nanibago lang ako dahil usually ikaw ang pinakamaingay sa group chat na ito," tila ba nang-aasar pa si Lance sa akin.
"Trruuueee,"
"Agreeee,"
Magkasunod namang messages nina Louisa at Mariel.
Habang si Caloy naman ay nag send ng mga emoji na tumatawa.
Aba? Pinagtatawanan niya ba ako? Eh paano kaya kung i-unfriend ko siya?
Gusto kong mag-send ng Emoji na make face pero pinili ko na lang mag-send ng like.
May mga bagong dating pala akong Cactus. Nauuso ito ngayon lalo na sa mga ina at mga kababaihan. Kaya naman nag offer na ako kaagad sa group chat para maiba ang usapan.
"Anyway, may mga cactus ako ngayon. Baka gusto ninyong bumili? May discount na kasi friends ko naman kayo,"
"Wow. Sige, patingin sis?" Si Lance.
"Gusto ni mama, pwede patingin te?" Ani Mariel.
"Tignan ko nga ate," si Louisa.
"Nabebenta na pala ang cactus? Nauulam ba yan? XD," so Caloy.
"Ibili niyo na lang ng mahahalagang bagay o kaya naman ay mga pagkain, mabubusog pa kayo," dagdag pa niya.
Biglang naging tahimik ang lahat at walang gustong sumagot sa kanila.
Halos gusto kong mag-alburoto sa group chat namin dahil sa huling nabasa ko.
"Excuse me Mr. Dimapilis, kung hindi ka bibili, pwedeng huwag mong badtripin ang nagnenegosyo," hindi ko na talaga napigilan ang aking mga daliri sa pagta-type nito kaya naman nasend kaagad.
"Ayy pasensya na po. Di ko kasi alam kung bakit masyadong pinagkakagastusan ang mga ganyan," aba at sumagot pa.
"Para sa amin na mga gustong bumili nito ay nakakatanggal ito ng stress kapag aming nakikita. Pero dahil sa mga nakikita ko na messages mo ay parang gusto kong ma-stress ngayong gabi," Sabi ko pa sa GC.
"Relax lola," alam kong tumatawa si Lance ngayon.
Yung bruha na iyon.
Kaya naman hindi na lamang ako nag-reply at nagpatuloy sa aking ginagawa.
Maya-maya ay tumunog ang aking Messenger at nakita ko si Caloy ang nag-message sa akin.
Hindi ko sana ito papansinin ng pero sunod sunod ang kanyang mga messages kaya naman naiirita ako sa aking ginagawa.
Iniisa-isa kong tingnan ang mga messages niya at isa lamang ang aking nabasa.
Sorry po.
Sorry.
Sorry talaga.
Sorry po ulit.
Sorry na.
Sorry ma'am.
Basta sorry.
Sorry po, God bless.
Ewan ko kung matatawa ako pero napangiti ako ng very very slight sa mga nabasa ko. Parang hindi mensahe mula sa isang 28 year old na gwapong lalaki at nurse.
Kaya naman nag isip ako na ang pwede kong a reply sa kanyang mga sinabi.
Halos three minutes na akong nag-iisip pero wala pa rin akong maisip na sasabihin sa kanya ng mga sorry.
Ang ginagawa ko ay nagta-type saka ko ito buburahin dahil hindi maganda ang pasok nito sa aking pandinig.
Hanggang sa mag send siya ulit ng mensahe.
Sorry po. Good night.
Wala na hindi niya na mababasa ang aking sasabihin.
Pero akala ko ay tapos na ang lahat. Hindi pa pala dahil nag-send siya ng kanyang litrato habang nakahiga sa kanyang kama at walang damit pang-itaas.
"Busog na po ako. Good night."
Ito ang mga nakasulat sa kanyang litrato habang todo ngiti siya sa kanyang sinend sa'kin.
At dahil naka antabay lamang ako ay na seen ko na ito.
Nagulat pa ako at saka ko binuksan ang litrato. Napatitig lang ako sa kanyang sinend na picture dahil napakaganda at napakatamis ng kanyang ngiti.
Ewan ko ba at pinupuri ko na naman siya matapos niya akong badtripin ngayong gabi.
Pagbalik ko sa aming conversation ay may mga messages na naman siya.
Huy.
Luh.
Seen lang?
Galit ka pa po?
Kulang pa ba yang sinend ko? Haha
Dagdagan ko pa po?
Inuuto nya ba ako? Dahil kung Oo ay aaminin ko sobrang effective ng kanyang pang uuto.
Kaya naman hindi na kagulat-gulat ng mag-send siya ulit ng kanyang litrato na sobrang pa cute.
Gusto kong tumalon mula sa aking kinauupuan at sumigaw ng:
SIYA NA NGA KAYA? WOOOHHH, SANA SIYA NA NGA!
Pero dahil pakipot ang lola niyo ay nanatili akong behave sa aming conversation.
"Sige na matulog ka na at may ginagawa pa ako," ito lamang ang sinabi ko sa kanya sa kabila ng napakarami niyang mensahe sa akin.
"Sabihin mo muna na hindi ka galit para matulog na ako at hindi na ako mangulit," aba at nangulit pa talaga.
Pakiramdam ko ay natatawa siya ngayon.
"K," reply ko.
"K for Kyla and Kaloy. Tahahaha," aniya.
Namilog ang mga mata ko dahil sa kanyang sinend sa akin.
"Anong pinagsasasabi mo uyyy?" Kunwari ay nagagalit ako sa aking tono sa aking mensahe.
" Alam mo po yung nauuso na Tahong ni Carla?" out of tangent niyang katanungan.
"Yes. At anong kinalaman nun dito?" Curious kong wika.
"Iba kasi ang lyrics nun para sa akin. Ganito oh,
Caloy ni Kyla (Tahong ni Carla)."
Hindi ko maidedeny na napangiti ako sa kanya.
"Ttssss, corny," reply ko.
"Pero natawa ka," aniya.
"Ewan," reply ko.
"Sus. Deny pa. Sige na. Baka mapagdiskitahan ko pa ang Tahong Ni Kyla. Hahahaha,"
Luh? Manyak mode?
End of Chapter Three.