Chapter Seven
KYLA
NANG MAKARATING KAMI sa canteen ay pinagtitinginan kami ng iba pang mga empleyado ng hospital lalong lalo na ang mga empleyadong nakakakilala sa akin.
Paano ba naman kasi ay nakaakbay pa rin siya sa akin. Tila ba napaka komportable lang niya sa mga ganyang bagay. Kaya naman unti unti kong tinatanggal ang kanyang mga kamay sa aking balikat.
"Bakit? Nabibigatan ka na ba sa kamay ko?" tanong niya nang makarating kami sa tapat ng tindahan ng mga pagkain.
"Oo mabigat, pero hindi lamang iyon ang dahilan dahil pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito sa loob," sagot ko sa kanya.
"Ano lang kung pinagtitinginan nila tayo? May masama ba sa ginagawa natin?" Tanong niyang muli.
"Basta, hindi mo kilala ang mga tao dito," sabi ko.
"Masyado ba silang konserbatibo?' tanong pa niya.
"Ayaw ko lang na magkaroon ng issue kaya sana bawasan mo ang pagdikit sa akin," medyo lumayo pa ako.
"Ayaw," lumapit pa siya.
"Caloy ha?" Umiwas pa ako.
"Bakit?"napakunot naman ang noo niya.
"Basta, pag nasa public place bawal kang lumapit sa akin," sabi ko pa.
"Bakit bawal e magkatrabaho kaya tayo,"
"Kasi nga hindi pwede. Basta explain ko sayo soon,"
"Pero pag nasa OPD? Pwede?" Aniya.
"Kahit pa kumandong ka sa akin," natatawa kong wika.
"Ikaw ang kakandong sa akin, tapos lulundag ka," natatawa niyang wika.
"Eeewwww, so gross," nandiri ako sa naimagine ko.
"Haha. Iba kasi naiisip mo. Putukan lobo kasi yun, diko lang naexplain mabuti," nagkamot siya ng batok.
Ganyan siya, nagkakamot sa batok kapag nahihiya, naiinis, napapalusot at hindi ko pa alam kung ano ang susunod.
"Nakakatawa ka," kunwari ay natawa ako.
"Anong gusto mong kape, ililibre na lang kita," aniya.
"May pera ako," tanggi ko.
"Ako na kasi," sabi pa niya na tinataboy ang kamay ko sa pag-aabot ng pera.
Wala naman akong nagawa dahil mapilit ang loko.
"Okay, gusto ko ng cappuccino,"
Meron kasing coffee shop sa loob ng Hospital. Kompleto kung tutuusin ang Medical Center na ito dahil napakalaki nito. Pero minsan, mas gusto ng mga nurses at mga bantay ng mga pasyente na sa labas bumili dahil mas mura.
Eh mukha namang mayaman ang isang ito kaya mukhang ayos lang din sa kanya.
"Okay, hintayin mo na lang ako sa table," utos niya.
"Si Lance ay Americano ang gusto nun," wika ko sabay lakad papunta sa pinakamalapit na table.
Saka siya naglakad papunta sa pwesto ko.
"Sana sinabi mong take out," wika ko.
"Isa lang ang pinatake out ko," aniya.
"Ha? Bakit?" Napatingin naman ako sa orasan ko at nakitang 7:45 na.
"15 minutes pa. Madali lang naman tayong magkape," wika pa niya saka nagbukas ng cellphone niya.
Sa tingin niya ba, bakal ang bibig at lalamunan ko para higupin ng deretso ang kape sa loob ng 15 minutes?
"Take out na lang kamo," sabi ko pa.
Hindi niya ako pinapansin. Sa halip ay itinapat niya sa akin ang cellphone niya.
"Smile ka," utos niya.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"Smile, sabi," aniya.
"Bakit ba?"
Ibinaba niya na ang cellphone at saka natawa.
"Ang pangit mo sa litrato," saka niya ibinulsa ang cellphone.
What? Kinunan ako ng litrato?
"Burahin mo iyan," utos ko.
"Paano pag ayaw ko?" Sinubukan niya ako.
"Bakit kasi hindi ka nagpapaalam?"
"Eh kung ngumiti ka kasi agad, e di sana mas okay pa,"
"Eh kung sinabi mo kasing kukunan mo ako eh di ginawa ko,"
"Eh ano bang akala mo pag tinatapat ang cellphone sa tao? X-ray lang? Kaya kahit di ngumiti ay ayos lang?" Pamimilosopo niya.
Wala na akong maisagot. Mabuti naman at dumating na ang aming kape.
“Ayan, kape na. Para hindi ka antukin sa trabaho,” napangiti pa siya bago humigop.
Tiningnan ko lang siya ng masama saka nagtry na humigop. Ngunit dahil napangiti ako sa hitsura niyang nagduling-dulingan ay halos matapon ko ang kape na hawak ko and worst, napaso ako sa sobrang init nito.
“Ano ba iyan Caloy? Nakakainis ka,” sabi ko pa habang hawak ang labi ko.
Inabutan naman niya ako ng tissue dahil nabasa pa ang baba ko.
“Hahaha, ikaw naman kasi. Napakaseryoso mo masyado,”
“Kailangan bang tumawa ako habang humihigop ng kape? Sige nga?” hawak ko pa rin ang ibabang labi ko.
“Oooww, sorry naman,” sumandal pa siya at humalukipkip.
“Miss, take out na itong dalawa,” tinawag ko ang nagtitinda para itake out ang mga kape naming dalawa.
Naglalakad kami pabalik sa Nurses’ Station nang makasalubong namin si Dr. Bernardo Queroda, ang director ng San Lorenzo Medical Center. Siya ang may pinakamataas na posisyon sa buong ospital kaya naman iginagalang siya.
Bukod doon ay naging propesor namin siya sa isang subject sa college at napakagaling niya. Bukod dito ay napaka down to earth ng doctor na ito kaya siguro pinagpapala siya ng maraming blessings sa buhay.
“Good morning Doc,” bati ko sa kanya nang mapatapat kami sa kanya.
Nakakagulat naman na wala lang kibo ang katabi ko. Hindi niya ba kilala si Dr. Queroda?
Nilingon ko naman siya at sinenyasang bumati pero wala pa rin siyang kibo.
“Oh, good morning Ms. Garcia,” ani Doc Queroda kaya naman napalingon ako.
“Hello po Doc,” wika ko.
“Hindi ba’t sabi ko na kapag nakakasalubong mo ako dito sa labas ay Prof ang itawag mo sa akin? Saka mo na ako tawaging Doc kapag kasama mo ako sa operating room,” natatawa niya pang wika.
Naalala ko nga. Pero kasi, kasama ko si Caloy kaya nahihiya akong tawagin siyang Prof.
“Sorry Prof. Kumusta na po kayo? Balita ko po nagkalagnat daw po kayo noong isang araw,” concern naman ako sa kanya.
“Ah oo, sinat lang naman iyon hija. Maayos na ako. Tingnan mo nga ako oh,” buong lakas niyang wika.
“Ang healthy niyo nga pong tingnan Prof,” complement ko naman.
“Oh, may bago ka palang kasama ngayon?” napansin niya pala si Caloy.
Tiningnan kong muli si Caloy na ayaw pa rin mag greet. Agad ko namang inapakan ang paa niya at nakahalata nga yata ang tukmol.
“Magandang umaga po, Doc,”yumuko naman siya.
“Ah Prof, siya si Caloy, bagong kasama namin siya sa OPD,” pakilala ko.
“Napakakisig na bata. Sana ay magustuhan mo at maenjoy mo ang pagtatrabaho dito hijo,” nakangiti pang wika ni Doc.
Tumangu tango lamang si Caloy.
“Oh siya hija, mauuna na ako at may meeting pa ako ng alas otso. Mukhang late na ako,” paalam ni Doc.
“Sige Prof, ingat po kayo,” magiliw kong paalam sa kanya.
Kumaway pa siya nang makalayo na.
I am so happy na close kami ng director ng ospital na ito.
“Ikaw ha? Napakabait nun, hindi mo ba iyon kilala?” tanong ko sa kanya.
“Kilala,” simpleng sagot niya.l
“Eh bakit para kang natalian sa dila? Ni ayaw mong bumati?”
“Eh kasi ayaw ko,”
“Meron bang ganon? Gagi, director iyon ng SLMC. Alam mo ba iyon?”
“Alam ko,”
“Helllooo, naririnig mo ba ang sinasabi ko? Director. Siya ang may pinakamataas na posisyon dito sa SLMC kung saan ka nagtatrabaho,”
“Tapos?”
Ayaw ko nang mag-explain dahil tila ayaw niya akong pakinggan. Nakakainis lang dahil ni hindi siya marunong gumalang sa nakakataas sa kanya. Hindi niya naiisip na nagtatrabaho siya dito.
Hmp. Basta hindi na lang ako nagsalita pa.
Pagdating naming dalawa sa Nurses’ Station ay nandoon na rin ang mga kasamahan namin.
“Napakatagal naman ng kape. Baka naman softdrinks na iyan ngayon,” sita sa amin ni Lance na ngayon ay parang matronang nakaabang sa aming dalawa.
“Oh heto na yung kape mo,” abot sa kanya ni Caloy.
“Kanino ako magbabayad?” tanong ni Lance.
“Sa kanya,” wika ko naman.
“Libre ko na iyan,” sabad naman ni Caloy habang inihahanda ang mga gamit niya.
HINDI ko maiwasang titigan si Caloy habang nakikipag-usap sa isang pasyente at nakatalikod ito sa amin. Kaya naman napagmamasadan ko ang likod niya ng mabuti. Malapad ang likod niya at yung tipong masarap sandalan. Napapailing na lang ako dahil pinupuri ko na naman siya.
“Matutunaw iyan, bahala ka,” biglang wika ni Lance na ngayon pala ay nakatingin sa akin.
“Anong pinagsasasabi mo diyan?” kunwari ay nagfocus ako sa ginagawa ko.
“Iyang ice cream, matutunaw,” aniya.
Bumili nga pala si Doc ng ice cream at ang sa akin ay hindi ko pa nagagalaw.
“Pinatutunaw ko talaga para madaling kainin,” palusot ko.
“Bakit? Matigas ba?” tanong niya ulit.
“Che,” alam ko na naman ang tumatakbo sa isipan ng baklang haliparot na ito.
“Che ka rin,” saka siya nagfocus sa ginagawa.
MAKALIPAS ang ilang sandal ay uwian na naman. Nagpaalam na ang bawat isa maliban lang kay Caloy na parang may hinihintay.
“Sis, mauna na ako, nandyan na ang sundo ko,” wika ni Lance.
Lately, hindi na siya gumagamit ng kotse niya dahil natrauma na siya noong nasagi niya ang isang tricycle at nagkaroon ng gasgas ang kotse, nakabayad pa siya ng tricycle. Kaya naman, ang pamangkin na lamang nito ang ginawang driver na nakatira naman sa bahay niya.
Pansin ko namang nakatayo lamang si Caloy sa gilid at parang kumukuha lamang ng tyempo.
“Mauna na ako ha? Ingat,” paalam ko naman sabay kuha ng bag ko.
“Ihahatid na kita,” humabol siya sa akin.
Hindi ko pa naman nakokontak ang aking kuya kaya naman okay lang siguro na magpahatid akong muli. Pero bakit nga ba ako magpapahatid?
“Bakit mo pa ako ihahatid? Alam ko naman ang daan pauwi?” pamimilosopo ko sa kanya.
“Ihahatid na kita, sabi eh,” abah at demanding pa ang mokong.
“Fine,” ang tangi ko na lang sinabi.
Pero hinawakan niya ako sa kanang kamay at saka kami naglakad palabas ng Nurses’ Office.
“Alam kong ihahatid mo ako pero huwag mo akong kaladkarin,” napahinto naman kami sa paglalakad dahil sa sinabi ko.
“Huwag mo na lang akong ihatid. Nagbago na ang isip ko,” naglakad ako palabas ng hospital at iniwan siya mula sa kinatatayuan niya.
Sinabi ko kasi kanina na pag nasa labas kami ay huwag siyang dikit ng dikit. May pinangangalagaan akong imahe dahil may goal ako para sa sarili ko and sa career ko. And kung mababahiran ng mga katagang ‘love life’ ang bagay na iyon ay baka ito pa ang maging isa sa mga dahilan para hindi ako umangat sa karera.
Pero humabol pala siya sa labas.
“Huuyy, anong mali? Bakit ka ganyan?” hinawakan niya ako sa balikat kaya naman napalingon ako sa kanya.
“Uuyyy,” aniya.
Hindi pa rin ako nagsasalita at nakatingin lang sa gwapo niyang mukha. Saka niya ako hinawakan sa kanang kamay.
“Hindi mo ako kailangang hawakan Caloy,” bumitaw ako sa kanya.
“Ayaw mo kasi akong kausapin, eh. Ano ba kasi ang problema mo sa akin?”
“Wala,”
“Eh bakit ka ganyan?”
“Eh kasi nga ganito ako,” umiwas ako ng tingin sa kanya.
“Tingnan mo ito, napakapilosopo,”
“Parang ikaw rin naman ah,”
“So, bakit ka nga nagkakaganyan?” tanong pa niyang muli.
“Sinabi ko naman na kasi sayo kanina diba? Kapag nasa labas tayo ay bawal akong lapit lapitan lalo na kapag may mga ibang empleyado at big bosses,”
“Kung ganon, nahihiya kang kasama ako?”
“Hindi sa ganon. Basta, hindi mo kasi maiintindihan dahil hindi naman tayo close friend,”
“Eh di makikipagclose ako sayo para maintindihan ko,”
“Bawal nga,”
“Bakit?”
“Kasi lalaki ka,”
“Dapat ba bakla din ako?”
“Oo, pwede,”
“Sis, tell mo na sa bokin. Pliiiitttt,” umasta siyang parang bading.
“Tumigil ka nga,” natatawa pa ako sa hitsura niya.
Napakamot lang ulit siya sa batok.
“Sige, pwede ba tayong maging magkaibigan?” maya maya ay tanong niya.
Napakaseryoso ng kanyang mukha at tila ba umaasa talaga ng matinong kasagutan.
“Hindi ako nakikipagkaibigan sa mga lalaking kakikilala ko pa lang. Maliban na lamang sa mga tropa ng kuya ko na nambubugbog ng mga siga,”
“Bakit? Mukha ba akong siga?”
“Hindi naman,”
“Eh bakit ayaw mo akong maging kaibigan?”
“Dahil ayaw ko,”
Sa totoo lang ay ayaw ko talaga dahil baka mafall lang ako sa kanya.
“Please Kyla?”
“Pag-iisipan ko,”
“Hanggang kailan?”
“Basta,”
“Mamaya?”
“Hindi,”
“Mamayang gabi?”
“Hindi nga,”
“Bukas ng umaga?”
“Ang kulit,”
“Ngayon,”
“Tse,”
“Tse ka rin,” saka niya ako hinila papunta sa kinaroroonan ng motor niya.
“Masakit ah,” kalmado pa rin ako.
“Ihahatid nga kasi kita. Huwag makulit,”
Wala na akong magagawa dahil makulit talaga siya at hindi magpapatalo sa mga ganitong usapan.
Haaayyy.
“GOOD MORNING Kyla. Coffee for you,” ipinatong niya ang kape sa ibabaw ng mesa ko pagdating ko sa nurses’ station kinaumagahan.
Kaya pala walang tao dito kanina pagdating naming dalawa ni Lance.
“Wow ha? Siya lang may coffee?” ani Lance na kasalukuyang nagreretouch.
“Syempre, mawawalan ban g kape ang kaibigan ng kinakaibigan ko?” naglapag din siya ng kape nan a-take out sa table ni Lance.
“Wow naman. Panunuyo 101 na ba yan?” masayang tanong ni Lance.
Hindi ako sumagot. Maya maya ay lumapit siya sa akon at binuksan ang kape ko saka unti unting ini-angat para makahigop ako.
“Anong ginagawa mo?” tanong ko.
“Lalamig kasi yung kape. Hindi mo na naman ako pinapansin, pati kape na dala ko idadamay mo pa,” nakangiti pa rin siya.
“Hihigupin ko iyan mamaya. Inaayos ko lang ito,” kahit naman wala akong inaayos ay ginugulo ko lang ang laman ng bag ko.
Ibinaba naman niya ang kape saka tumayo lang sa tabi ko. Napalingon lang ako sa kanya dahil nakatingin lang siya sa akin.
“Ano?” pagtatakang tanong ko.
“Napag-isipan mo na ba?” aniya.
“Ang alin?”
“Yung usapan nating dalawa kahapon,”
Halos matapon naman ang kape ni Lance at napaso ang bibig niya dahil nakikinig pala siya sa usapan naming dalawa dahilan para mapalingon kami sa kanya.
“Maaga pa Caloy kaya please lang, huwag ka munang mangulit,” nagpatuloy ako sa pagkalkal ng bag ko.
“Okay, magtatanong ulit ako mamayang lunch break,” saka siya tumalikod.
Hmp. Akala niya naman madadaan niya ako sa mga pakape kape niya. Idinamay niya pa ang kaibigan ko. Akala niya naman makokombinsi nila akong dalawa?
Napatingin naman ako sa kape at tila ba napalunok pa ako dahil kahinaan ko rin talaga ang kape.
Napakasweet din naman kasi na umaga pa lang ay naasikaso niya na akong bilhan ng kape. Nata-touch ako pero hindi ko gustong ipahalata sa kanya. Pasimple kong hinigop ang kape at the same flavor ito mula kahapon.
Alam niya na ang gusto ko sa kape.
Wala lang akong kibo pero kilig na kilig na talaga ako, promise.
Hoy, Kyla, tumigil ka nga sa kahibangan mo. Focus. Sabi ng isang bahagi ng isipan ko.
Bakit ba? Hindi ba ako pwedeng kiligin? Eh diba nga matagal ko nang pangarap na may magcare sa akin na guy maliban sa kuya at mga kaibigan ko? Sabi pa ng isang bahagi ng isipan ko.
“Basta, ayoko,” napahawak ako sa aking dalawang tenga dahil sa mga naiisip ko.
“Anong ayaw mo sis?” tanong ni Lance.
“Ah eh wala,” sabi ko pa.
Para na pala akong tanga na nagsaalita mag-isa.
Kaya naman, dala dala pa rin ang kape at mga kagamitan ay lumabas na ako at nagtungo sa OPD sa labas para simulan ang trabaho.
MABILIS lumipas ang araw at Friday na naman. Salamat at makakapagpahinga din ako at makakapagfocus sa aking business.
Mula Martes ay hinahatid na ako ni Caloy hanggang kanto. Hindi ko pa rin sinasabi sa kanya kung saan ako nakatira dahil ayaw kong magkaroon siya ng idea tungkol dito.
Pero Byernes ng hapon ay pinauna niya akong maglakad bago raw siya umalis. Naglalakad na ako papasok sa amin nang mapalingon ako dahil nakasunod pala siya.
“Hindi ba’t sabi kong umuwi ka na?” pagtataray ko.
“Nauuhaw kasi ako. Bibili lang ako ng maiinom. Kung may tindahan diyan,” aniya.
“Sa labasan ka bumili. Wala nang tindahan dito,” sabi ko naman.
Mga ganitong oras kasi ay natitiyak kong nasa tindahan ang kuya ko at ang mga barkada niya kaya mas maigi nang pigilan ko siya.
“Ah ganon ba? Sige, kita na lang tayo bukas,” saka siya umikot at nang maisgurong hindi na siya babalik ay naglakad na akong muli.
ARAW ng Sabado, wala akong pasok sa trabaho kaya naman nakafocus lamang ako sa aking business.
Nakaupo ako sa may bungaran dahil may kubo doon na aking nagsisilbing counter para sa mga mamimili ng halaman. Para itong isang bar na kung saan ay may mga upuan din.
Kasama ko si Beatrice, ang aking kasa-kasama sa Garden at siyang nagbabantay din dito kapag wala ako. May lima naman akong care taker na nag-aalaga sa mga paninda ko.
Kasalukuyan kong ina-update ang record ko nang mag-angat ako ng tingin ko pagkarinig ko sa tinig na iyon.
Pamilyar sa akin ito dahil halos araw araw ko itong napakikinggan kaya naman nakakasanayan ko na siya.
“Hi,” bati niya.
“Anong ginagawa mo rito?” natataranta akong tumayo at lumapit sa kanya.
Nagulat naman si Beatrice sa akin kaya napatayo rin siya at saka isinandal ang mga kamay sa may counter.
“Itatanong ko lang sana kung napag-isipan mo nang maging kaibigan ako?” nagkamt siyang muli ng kanyang batok dahil tila ba nahihiya siya sa akin.
Nang muli siyang mag-angat ng tingin ay ang nakangiting mukha niya ang sumalubong sa akin.
Shocks, ang gwapo naman.
“Caloy, ano na namang trip ito? Paano mo nalaman na nandito ako?” pagtataka ko sa kanya.
“Sa kuya mo,” sagot niya.
Wwwhhhaaaatttt?
End of Chapter Seven.