Chapter Six

2490 Words
Chapter Six KYLA GUSTO kong mabanas sa mga kasamahan ko dahil kanina pa nila ako trip asarin. Nagsimula kay Doc kaninang lunch break pero mild lang iyon. Masasabi ko talagang ang pinaka nakakaasar na tao kung mang-aasar ay ang mga close friends mo dahil kilala ka nila mula ulo hanggang paa. Pinili ko na lang na umalis para makatakas ako sa mga katanungan nila. “Hindi porket single ako ay kailangang kailangan ko nang magkajowa. Hindi ako ganon ka easy,” nagdadabog pa ako habang naglalakad palabas sa pancitan na kinainan namin. Kahit wala pa ang sundo ko ay wala akong pakialam. Sinabi ko na lang na meron na kahit wala pa. Mas nadagdagan pa ang inis ko nang wala palang susundo sa akin dahil may importanteng bagay daw siyang gagawin. “Gaano kaimportante iyon sa kapatid niya? My Goodness,” nagpamewang na lang ako sa inis at saka nag-isip. “Okay, magcocommute,” wika ko habang naglalakad palabas ng kanto. Inhale, exhale. Gusto kong sumigaw pero magmumukha akong timang sa daanan kapag ginawa ko iyon. Mas nadagdagan pa ang inis ko nang makitang napakahaba ng pila ng mga pasahero pauwi ng Calle Adonis. “Kung minamalas ka nga naman,” napasapo na lang ako sa noo ko dahil wala talaga akong magagawa. Naiinis na talaga ako sa araw na ito. Mas naiinis pa ako nang makita kong may sumisingit pa sa pila. “Ate, ito yung dulo ng pila oh,” hindi ko talaga mapigilan ang pagiging atribida sa mga panahong ganito. “Dadaan lang ano miss, hindi ako sumisingit,” palusot pa ng babae. Abah, sumasagot pa siya. Baka gusto niyang isako ko siya. “Abah, ang luwag luwag ng daraanan sa kabila, sisingit ka pang dadaan sa pila. Palusot ka girl,” hindi ko na rin mapigilan ang bibig kong walang kapreno preno. Mukha namang nag agree ang babae sa harapan ko kaya sumang-ayon na rin sa sinabi ko. “Pumila kasi kayo ng maayos. Lahat naman tayo makakasakay din,” sabad ng babae. Walang kibong umalis ang babae. Hmp. At least, kung hindi man kay bruhang Lance ako nakaganti, naibaling ko naman sa iba ang galit ko. Pero hindi pa iyon sapat dahil gusto ko pang mandamay ng iba sa kainisan ko sa araw na ito. Ano ito, sila masaya tapos ako hindi? Sila na nga itong masaya ang love life tapos ako single? Alam kong walang koneskyon pero ang tanging nasa isip ko ay, wala dapat lumigaya. Walang liligaya. Bitter kung bitter. “Ate, usad naman diyan, mamaya na iyang pagtetext baka masingitan pa,” sita ko sa babaeng nasa pila dahil ayaw pa niyang mag move, mas inaasikaso ang pagtetext. Lumingon naman siya sa akin at masama pa ang tingin. Abah, sige, sumagot ka at dadanak ng dugo. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay at wala naman siyang maisagot dahil tama ako. “Move,” sabi ko pa, saka siya nagstep forward. “Ayan, very good,” wika ko pa. Natawa pa ang mga ale na nasa harapan ko sa mga pinagagawa ko. Well, dapat lang silang matawa at matuwa dahil hindi uusad ang pila kung mag-iinarte ang babaeng iyon na nasa harapan nila. Pakiramdam ko ay wala pa ring pagbabago ang pila dahil antagal dumating ng mga tricycle. Naiinip na ako. Gusto ko nang makita ang mga stress relievers ko. Ang baby kambals na favorite kong paiyakin sa tuwing nacucutan ako. MAdalas naman akong sawayin nina mama at papa dahil iniistress ko raw sila. Hmp. Kaunting iyak, may kibot kaagad. So kapag wala akong access sa kambal dahil super kontrabida ang lolo at lola nila ay tutungo ako sa mga halaman ko at kakausapin sila na mamukadkad na. Pero hanggang imagination ko lang muna ang mga iyon dahil mas nadadagdagan ang pila pero di pa umuusad. Hanggang sa mabigla ako sa kamay na humila sa kanang pupulsuhan ko. “Aarrraaayyy,” daing ko nang masaktan ako sa mahigpit na kapit ng kung sino sa kamay ko. Pamilyar ang bracelet na iyon dahil parehong kamay ang naglagay ng kape ko kanina sa mesa at ang kamay na ngayon ay humihila sa akin. Si Caloy. Tumigil naman siya at nilingon ako. “Ihahatid na kita,” aniya. Wala naman akong kibo habang hila hila niya lang ako. Para akong batang walang saplot na pinalo sa pwet habang pianuuwi ng magulang dahil naglalaro sa putikan sa hitsura ko. Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao. Well, ako lang naman yung babae kanina na super ang pagtataray dahil sa mga taong pasaway pero heto ako, parang basang sisiw dahil sa paghila sa akin ng mokong na ito. Nang makarating kami sa kinaroroonan ng kanyang motor ay tumigil na rin siya. Hinarap niya ako at saka kinausap. “Sabi mo nandyan na ang sundo mo. Tapos makikita kitang nakatayo dito at parang naiinis na naghihintay,” yung tono ng boses niya, pinagagalitan ba niya ako? Wala lang akong kibo habang nakatingin sa kalsada. Ubos na ang lakas ko sa pagtataray. “Bakit ba kasi nagdedeny ka pa? Ano pang idinedeny mo bukod sa katotohanang wala ka pang sundo kanina?” tanong niya. Anong ibig sabihin niyang nagdedeny ako? “Magsalita ka. Sa totoo lang, sa lahat ng mga katrabaho ko ngayon ay ikaw yung pinakahindi ko maintidihan. Pinipilit kong maging malapit sayo pero para akong hangin sayo,” wika pa niya. Napakadali kasi ng two days para maging close na kaagad kami diba? “Alam kong kahapon niyo pa lang ako nakasama pero sana naman bigyan mo ako ng chance na maging kaibigan ka dahil nahihirapan din akong kumilos kapag may isa sa inyong parang ayaw akong makasama,” aniya. Nakonsensya naman ako sa mga sinabi niya. Shocks. Ganon na ba talaga ako kaharsh? Kailan ko ba siya hindi pinansin? Well, lagi pala. Papansinin ko lang siya sa tuwing kakausapin niya ako. Pero necessary ba talaga na mag-usap kami? “Alam kong may boyfriend ka na. Pero hindi naman kita balak ligawan dahil hindi ako manunulot. Kaya hanggang kaibigan na lang muna ang pwede mong ibigay sa akin. Pero hindi mo pa maibigay. Naiintindihan mo ba yung punto ko?” tanong niya. “Ano ba kasing problema mo sa akin? Kung hindi kita papansinin mamamatay ka ba?” tanong ko naman. At sa wakas ay natagpuan ko na ang tamang salitang sasabihin sa kanya. “Napaka – insensitive naman ng tanong mo. Ikaw kaya ang baguhan tapos hindi ka papansinin o kaya naman ay isnobin ng mga kasama mo? Hindi ka ba magkakaroon ng ibang pakiramdam sa workplace?” aniya. Hindi naman ako nakakibo. Medyo may kaunting katahimikan na namutawi sa pagiotan naming dalawa dahil sa mga sinabi niya. “So, ano, ihahatid mo ba ako o sesermonan mo na lang?” maya maya ay tanong ko. Napatingin lang siya sa akin at saka wala na ring sinabi. Sumakay na siya sa motor at inantay akong umangkas doon. Kumapit lang ako sa bandang balikat niya at walang kibo siyang nagdrive papuntang Calle Adonis. At nang makarating kami sa may arko ay nagtanong siya. “Sa ika apat na kanto ay papasok ako doon? Tapos ilang metro pa ang tatakbuhin para makarating sa bahay niyo?” tanong niya. “Kahit sa kanto mo na lang ako ibaba. Maglalakad na lang ako papasok. Dadaan din kasi ako sa mga kumara ko,” sagot ko. Sa totoo lang ay ayaw ko naman kasi talagang malaman niya kung saan ako nakatira. “Ah oo na pala. Baka makita ako ng nobyo mo, awayin ka pa,” aniya. Kanina pa siya nobyo ng nobyo eh wala nga akong jowa. Hindi ba siya naniniwala kay Doc na wala akong jowa at naghahanap ako? Ewan ko na talaga sa kanya. Ayaw ko na lang kumibo at hinayaan na lang siyang isipin ang dapat isipin. Nang marating na namin ang ikaapat na kanto ay huminto na rin siya. “Salamat,” wika ko naman pagkababa ko. “Marunong ka rin palang magpasalamat,” aniya. Ha? Anong akala niya sa akin? Walang utang na loob? Matapos niya akong ihatid ay tatalikuran ko na lang siya? My goodness. “Syempre naman,” ang tanging naisagot ko na lang sa kanya. “Sige. Alis na ako. Kitakits bukas,” pinaandar na niya ang motor. “Bye,” ang tanging nasabi ko na lang. Tinanaw ko pa siya at ihinatid ng tingin. Actually mukha naman talaga siyang mabait. Masyado lang talaga akong pabebe at hesitant na magpalagay ng loob dahil baka mahulog lang ako sa kanya. Alam kong attractive siya lalung lalo na ang kanyang mga mata na kapag tumitig ay parang nang-aakit pero ayaw ko talagang maging bihag ng mga tingin na iyon. Ayaw ko rin naman sa masyadong gwapo at sinaabi ko lang talaga n asana magkaroon na kami ng bagong kasama na pogi at pwedeng maging nobyo para naman magkaroon na kami ng bagong atmosphere sa OPD. Puro babae na kasi ang kasama ko at gurang na binabae. Meron din namang lalaki, si Doc pero masyado nang thunder para makipagsabayan sa trip naming magkakasama. Although nagtatry naman talaga siya pero ayun nga, kulang pa sa kakalugan. So, pag may lalaki na, mababalanse na ang lahat. Hindi ko lang inexpect na ite-take nila ng seryoso ang gusto kong mangyari. Matapos kong tumitig lang sa kawalan ay naglakad na ako papasok sa kanto. Habang naglalakad ako papasok ay siya namang pagja-jogging ng mag-asawang Kristine at Macky. “Oh, mards, bakit naglalakd ka?” tanong ni Kristine na napahinto sa pagjogging. “Hindi ka ba sinundo ni pinsan?’ tanong ni Macky. “Ayon, may impotanteng bagay daw na gagawin,” sagot ko. “Ako na sana ang tinawag mo. Sinundo ko si Mahal kanina, sayang,” ani MAcky. “Okay lang. May naghatid naman sa akin,” sagot ko. “Iyon bang naghatid din sayo kahapon?” nakangiti si pinsan sa tanong niya. “Oo,” sagot ko. “MAnliligaw mo/” tanong pa niya. “Wait wait. Anong hindi ko nalalaman?” sabad ni mareng Kristine. “Nagkakamali ka pinsan. Hindi siya nanliligaw. Nagmamagandang loob lang talaga siya,” sagot ko. “Naks, diyan nag-uumpisa iyan,” wika ni Kristine. “Eh bakit hindi ka nagpaderetso sa bahay niyo?” tanong pa ni Macky. “Ayokong puntahan niya ako sa bahay soon,” sagot ko. “ahhh okay. Inaasahan mo palang pupuntahan ka niya sa bahay niyo?” mapanudyong wika ni Macky na agad ko namang ikinagulat. Awts. Huli ka Kyla. “Hindi sa ganon. Basta,” wika ko naman. “Masaya ako para sayo mards,” hinawakan pa ako ni Kristine sa kamay. Anong trip ng mag-asawang ito? Nakakabanas. “Oh siya, magsitakbuhan na kayo at baka habulin ko kayo ng injection,” natatawa kong wika. “Hahaha, sanay na akong matusok ng injection,” sagot pa ni Kristine. “Luka luka ka mards,” natatawang wika ko. “Sige na. Amg enjoy kang maglakad mag-isa,” pang-aasar pa ng pinsan ko. Kainis. Bago ako makauwi sa bahay ay nadaanan ko ang water station na may mga trabahador at kasalukuyang nagkukumpuni. Ito siguro iyong tinutukoy ni Kuya Kiel na mahalaga. Okay. Hindi na ako magtatampo sa kanya. Pagdating ko sa bahay ay abala ang mga lolo at lola na mag-alaga ng kanilang mga apo. Si Sav naman ay kasalukuyang naglalaba ng mga damit ng bata. “Hello mga babies,” pagkababa ko ng bag ko ay lumapit na kaagad ako sa mga babies na kasalukuyang karga ng mga grandies. “Ops, marumi pa ang mga kamay mo. Maligo ka muna,” pigil ni mama sa akin. So, banas na banas ako. “Ma, nag-alcohol ako kanina,” sabi ko pa. “Galing ka pa rin sa hospital. Kung sino sinong nakasalamuha mo,” sabad ni papa. So, ang ending, hindi ko talaga nahawakan ang mga chikitings. Nakakainis naman ang mga magulang na over protective. Mamaya sa akin ang mga chikiting na iyan. Itatakas ko. KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil hindi na rin ako nakatulog ng bandang alas kwatro. Maaga rin kasi akong natulog dahil wala akong kina-istressan magdamag kundi ang magbasa ng novels. Nakatulugan ko na nga an g binabasa kong Lover Awakened ni J.R. Ward eh. Isa ito sa mga serye ng Black Dagger Brotherhood niya. Hooked na hooked naman ako sa kanyang mga nobela kaya binili ko lahat sa shopee noong isang linggo. Two thousand five hundred din ang sampung libro na iyon kaya masyado kong dinibdib nang mabuklat ko ang bawat pahina. Nasa lobby na ako at nakakagulat lang na nasa dating pwesto si Lance at mukhang hinihintay ako. “Oh sis, andyan ka na pala,” tumayo na siya at saka sumabay sa akin. Alam ko namang inuuto niya lang ako dahil alam niyang galit ako sa kanya mula pa kahapon. “Hindi, picture ko lang ito,” wika ko. “Ang ganda mo pala sa picture ha?” aniya. Natawa naman ako sa pamimilosopo niya. “Alam ko na, nang-uuto ka lang bruha,” wika ko naman sabay nag-time in sa biometrics. “Ikaw naman kasi, hindi ka na mabiro. Masyado kang seryoso at masyado kang masungit. May dalaw k aba kahapon? Ay wala ka nga pala non,” wika pa niya. “Hoy anong akala mo sa akin? Walang ovaries?” baling ko sa kanya. “Sorry na. Alam ko talagang galit ka sa akin kaya nagsosorry na ako,” wika niya naman sabay yakap pa sa akin. “Ano ba? Nakakairita ka,” reklamo ko. “Iutos mo na lahat ng gusto mong iutos, gagawin ko naman,” wika niya. “Para makabawi?” tanong ko naman. “Yes naman. Kahit magpamanicure ka pa sa akin. Gagawin ko. Gusto mo kulutin pa kita?” “Ang gusto ko lang gawin mo sis ay tumahimik ka at itigil mo ang pang-aasar mo sa akin dahil nakakahiya na kay Caloy,” sabi ko pa habang naglalakad kami papuntang OPD. “Sure. Si Caloy pala ang iniisip mo. Akala ko naman ay iyang feelings mo,” sabad pa niya. “Ayan ka na naman,” pinanlisikan ko pa siya ng mata. Para naman niyang izinipper ang bibig niya at saka tumahimik na. Pagpasok naming dalawa sa OPD ay naabutan naming nakaupo na si Caloy at parang hinihintay lang kami. “Hello,” bati ko sa kanya na tila ba ikinagulat pa niya. Napag-isip isip ko naman ang mga ito kagabi. Hindi ko naman talaga dapat gawin iyon sa kanya. Ayaw kong magmukhang beast kaya pipilitin kong pansinin siya katulad ng sinabi niya. I don’t want to be harsh on him. “Hello,” bati niya. Nasa mukha ni Lance ang kagustuhang magcomment pero nang tiningnan ko siya ay naupo na lang siya. “Ang aga mo naman beh,” wika pa niya sa lalaking ngayon ay nakatayo na. “Maaga rin kasi akong nagising. Ahm, magkakape ako, gusto niyo ikuhanan ko kayo?” nagkamot pa siya ng batok saka napatingin sa akin. Ano bang dapat kong isagot? “Sure,” si Lance ang sumagot. “Nakakhiya naman. Kami na lang mamaya ang kukuha,” sabi ko. “Maaga pa naman. Sama na lang tayo sa kanya sis,” ani Lance. “Walang maiiwan dito,” “Sige, kayo na lang dalawa. Ako na lang maiiwan dito,” wika pa ni Lance na agad kong ikinatahimik. “Tara?” titig na titig si Caloy sa mga mata ko nang papalapit na siya. Ewan ko kung titiklop ang mga tuhod ko or agad na lang akong hihimatayin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanyang mga mata. Napalunok pa ako at saka ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit sa mesa. “Ahm, kayo na lang ni Lance, may gagawin pa kasi ako,” wika ko. “Sis, ang sakit ng mga buto ko. Munggo kasi ulam namin kagabi kaya ayaw ko munang maglakad lakad. Sige na, ako na ang bahal dito,” sabad pa ni Lance. “Halika na,” yaya ulit ni Caloy habang nakatayo lang sa tabi ko. Mahina ang boses niya at baritono iyon. Pati ba naman boses niya ay gwapo pa rin. Teka, pinupuri ko na naman siya. “S-saglit lang tayo ha,” wika ko. “Oo naman. Bibili lang naman tayo ng kape. Wala naman na tayong ibang gagawin diba?” ngumiti pa siya ng ubod ng tamis. Shocks, bukas magsusuot na ako ng masikip na panty dahil mukhang mahuhulog na ang suot ko ngayon. Naka skirt pa man din ako. “Sige, tara na,” sabi ko pa. Ngunit akala ko ay maglalakad lang kaming dalawa papuntang canteen. Iyon pala ay aakbayan pa niya ako habang naglalakad kaming dalawa. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa pagkakagulat. Lumingon lang siya sa akin saka ako nginitian at nagpatuloy sa paglalakad. Wala na akong reklamo pa kaya nagpaubaya na lang ako sa trip niya. Shocks, ang bango bango niya. End of Chapter Seix.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD