Chapter Four

2635 Words
Chapter Four KYLA MAAGA akong nagising dahil sa schedule ng pick up ng mga halaman sa Kyla’s Garden. Alas otso pa naman ang aking pasok at nagpapahatid naman ako palagi sa kuya ko kaya hindi ko na poproblemahin ang sasakyan. Maagang kong ipina-pipick up ang mga halaman sa aking mga customers na mostly ay teachers. Don’t judge me, nakabase sa records ko ang mga ito. “Kuya patulong naman muna ako magkarga ng mga halaman sa sasakyan ni ng bibili. Wala pa kasi si Manong Robert,” request ko sa kuya ko na kasalukuyang nagkakape sa balkonahe. Hindi pa gising ang mag-ina niya dahil mukhang puyat si Sav sa pagpapatulog ng mga babies nila. Boy and girl ang mga pamangkin ko. Yes. Kambal sila at angcu-cute lang talaga nila. Dalawang taon ang tanda sa akin ng Kuya Kiel ko at ako na lang ang naiiwan pa ring single. Ayaw ko mang isipin pero mukhang nasa lahi yata namin ang late mag-asawa dahil maging sina mama at papa ay late na rin nag-asawa. Well, okay lang din naman dahil biniyayaan sila ng masisipag, mababait at magagandang anak. Nasa lahi naman kasi iyon. “Ang aga naman ng pick up na iyan,” wika pa niya habang inuubos ang kape sa kanyang mug. “Sinabi ko kasi sa kanila na ganitong oras nila kunin ang kanilang orders dahil available pa ako sa ganitong oras at alas otso pa naman ang pasok ko,” naglakad na ako patungo sa Kyla’s Garden at sumunod naman siya. Ang kuya ko ay nagmamay-ari ng isang water station na natatangi sa Calle Adonis. Minana niya pa ito sa mga magulang ko at maging ako ay nagmana kay mama sa pagkahilig niya sa mga halaman. Nag-aaral pa lamang ako ay tinutulungan ko na si mama sa kanyang garden na noon ay hindi pa negosyo. Hanggang sa maka-graduate ako at naisip ko na gawing pagkakakitaan ang paghahalaman dahil marami namang nahihilig sa ganito. Magkatabi lamang ang aming negosyo ng kuya ko. Ang TwoBig Water Station niya ay kumikita rin naman at ito na rin ang source of income niya. Lalo na at nagsisimula na siya ng kanyang pamilya. Kami na ang nagtataguyod sa aming mga magulang dahil sapat na rin naman ang kinikita namin sa aming mga businesses. “Wala pa ba si Patrick?” Tanong ko naman sa kanya habang nakasunod lamang siya sa akin. “Maaga pa. Kalalabas pa lang ng araw,” aniya. Nakasuot pa ang kuya ko ng luma at malaking putting t-shirt at maikling shorts at gulu gulo pa ang buhok. “Tulungan mo na lang ako kung ganon,” request ko pa. Mabuti na lamang at hind mareklamo ang kuya ko dahil sadyang napakabait lang niyang tao. “Ma’am salamat po sa orders. Always available po ang garden namin kung may kailangan pa po kayo,” sabi ko pa sa umorder ng mga halaman ko. “Salamat din. Ang gaganda kasi ng mga ito,” komento pa ng matandang babae. Pagkatapos niyang magbayad ay siningitan ko pa sa bulsa ng shorts niya si Kuya Kiel ng dalawang daan. “Oh ano yan?” Tanong niya. “Tip mo kuya,” ngumiti pa ako. “200? Ano namang mabibili nito?” Luh. Choosy pa siya. Siya na nga itong binigyan. “Akin na kung ayaw mo,” binabawi ko na. “Binigay mo na, babawiin mo pa. Sige na, okay na ito pang gas ng motor,” kinuha na niya ang pinagkapehan at pumasok sa loob ng bahay. Ako naman ay nagmadali nang maligo at magbihis para sa pagpasok ko. Paglabas ko ng kwarto ay nakahain na si mama at kumakain na si papa at kuya. “Kain na,” si mama habang ipinagtitimpla ng kape si papa. “Ma, patimpla din ako,” request ko. “Sige, maupo ka na dine at ako na ang bahala,” sabi pa ni mama. Kumuha na ako ng kanin at ulam saka nagsimulang kumain. “Kyla, tandaan mo yung bilin ko,” maya maya ay wika ni papa. Alam ko na iyon at ako na ang nagtuloy ng gusto niyang sabihin. “Mag-uwi ng lalaking papakasalan ako at bibigyan na kayo ng apo,” malakas ang boses kong nagsabi nito. Iyan naman palagi ang sinasabi ni papa. “Huwag mong apurahin iyang anak mo. Tingnan mo nga itong panganay mo oh, dalawa na kaagad ang baby,” sabad naman ni mama. “Mahal, gusto ko nang makapag-alaga ng maraming bata. Tumatanda na tayo at wala na tayong masyadong pinagkakaabalahan. Ayaw mo bang makapag alaga ulit ng bata?” Seryosong wika ni papa habang kumakain. “Gaspar, yung dalawa na nga lang ay hindi na tayo magkanda-ugaga, gusto mo pa ng marami? Ang ibig kong sabihin ay, hinay hinay lang. Nilalaro mo lang naman sila at hindi ikaw ang nag-aalaga kaya relax ka lang,” ani mama. “Eh kung gumawa na lang kasi kayo ulit,” pamimilosopo ng kuya. “Abah kung pwede nga lang bakit hindi,” nakangiti pa si papa habang nakatingin kay mama. “Tigilan mo nga ako, Gaspar” pagpapabebe ni mama. “Si mama napakapabebe,” natatawang komento ko. “Kyla, mag asawa ka na nga rin kasi,” ani mama. At napunta na naman sa akin ang usapan. Tinatakasan ko na nga eh. “Huwag nga kasing mag-apura. Mamaya sa kaaapura ko ay kung anong klaseng lalaki lang ang mapulot ko. Relax lang tayo okay. Bata pa ako. Okay pa ang matres ko,” the usual na sinasabi ko kapag ganito ang usapan. “Hanggang kailan mo sasabihing huwag mag-apura?” Nilingon pa ako ni kuya. “Abah. Nagsalita ang hindi late nagkajowa. Hoy kuya. Magkape ka nga ulit para malaman mo yang sinasabi mo,” kinalabit ko pa siya ng maraming beses sa kanyang braso habang nagsasalita. Kinuha pa niya ang katitimpla ni mama na kape ko at saka humigop. “Akin iyan,” hinampas ko pa siya sa balikat. “Matatapon oh. Ito naman, makikihigop lang,” inilayo niya pa ang mug sa akin. “Uubusin mo na naman kasi,” reklamo ko sa kanya. Hinayaan ko na lamang siya. Yung higop niya ay kakalahatiin na niya ang laman ng baso. Sanay na ako dahil ganyan siya lagi. Parang hindi pa rin siya nagmamature kahit na 30 years old na siya. “Kiel anak, baka gising na ang misis mo. Tingnan mo at baka nagugutom na,” utos ni mama kay Kuya na ngayon ay tila patapos na sa pagkain. As usual, nauna siyang natapos kumain dahil magbibihis pa siya para ihatid ako sa hospital. Habang naghihintay ako sa kanya sa labas ay nag-ayos muna ako ng hitsura ko. Nag apply ako ng kaunting foundation at naglipstick na rin ng hindi gaanong mapula. Teka, bakit ako nagpapaganda eh hindi ko naman ito ginagawa dati dahil syempre naman, natural naman na talagang maganda ako, dati pa. Agad kong tiniklop ang lalagyan ng foundation ko at saka ko iyon biglang inilagay sa aking bag at tumingin pa sa paligid dahil ang awkward lang sa feeling na ginagawa ko na ang mga bagay na hindi ko naman gawain talaga. Para pa akong napahiya sa sarili ko pero dahil palaban ako ay tumayo ako ng matuwid at taas noo pang nag-abang sa kuya ko. Para lang akong timang pero timang na talaga ako sa palagay ko. Well, hindi ko makakalimutan ang nambash ng benta kong cactus kagabi. Magbaon kaya ako at saka ko ipamamalo sa kanya mamaya? Ewan ko lang kung hindi siya umaray sa mga tinik. Bagay lang iyon sa kanya, basher siya. May pasorry sorry pa siya. Matapos niya akong badtripin kagabi ay nakuha niya pang mag-pm sa akin? Nakatatak na sa isipan ko ang ginawa niyang iyon at hindi ko na siya makakalimutan. I mean yung ginawa niya. Kahit pa lagi niya akong ihatid ay matagal talaga akong makalimot. Bigla ko namang naalala ang Tahong ni Carla na version niya. Natatawa na lang ako bigla kaya naman napapatadyak pa ako nang lumabas si kuya mula sa loob ng bahay. “Mukhang maganda ang araw mo bata,” aniya habang inihahanda ang motor. Napansin niya sigurong nakangiti ako paglabas. “Syempre, may benta kaagad,” sagot ko naman. Pinaandar na niya ang motor saka nagsuot ng helmet. Iniabot niya sa akin ang isa at saka ako umangkas. Halos limang minuto lamang ay nasa may San Lorenzo Medical Center na kami. Swabe naman siya magmaneho at siya lang ang lagi kong pinagkakatiwalaan sa pagmamaneho kahit sa kotse. Bumaba na rin ako pagtapat namin sa SLMC. “Oh baka hindi ka na naman mamaya sumagot kapag tinawagan kita,” sabi ko pa nang maiabot ko sa kanya ang helmet pagbaba ko sa tapat ng hospital. “Mag-hire ka na kasi ng driver mo o kaya ay magboyfriend ng may sasakyan para may maghatid sayo palagi. Hindi yung kuya mo na may dalawang anak na inaasikaso,” “Wow ha,” mukhang sa huli ay ako ulit ang dehado kaya hindi na lamang ako sumagot pa matapos nito. Tumalikod na ako at naglakad papasok sa hospital. Narinig ko naman ang pag-alis niya at lumingon na lamang ako sa kanya. Hmp. Kahit ganon ang kuya ko, the best pa rin siya for me and proud ako sa kanya dahil nagawa niyang maghintay para lang sa taong kanyang tunay na minamahal. Ako kaya? May hihintayin din kaya ako? Katulad ng dati ay hinintay ko na muna si Lance sa may Lobby. Ang tagal ni bakla ha? Madalas siyang maghintay sa akin tapos ngayon ay halos 10 minutes na ako sa lobby ay wala pa siya. Marami pa man din akong sasabihin sa kanya. Naiinip na ako kaya naman kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko para tawagan siya. Nagdial na ako at nagring naman iyon kaagad. Maya maya ay sumagot na ang bruha. “Bakla, nasaan ka na ba?” tanong ko. “Ayyy sorry sis. Nasa Nurses’ Station na ako kanina pa. Hindi kita nasabihan,” sinabi niya ikinainit ng ulo ko. “Wow ha? Wow na wow. Naghintay ako dito sa labas ng halos sampung minuto. Nauna ka na pala. Iwanan besh?” nagawa ko na siyang pagtampuhan. “Pasensya ka na sis. Nawala sa isip ko,” mas ikinainit pa ng ulo ko ang sinabi niyang ito. Hindi na lang ako nag-abalang sumagot pa at pinatay ko na ang tawag. Inayos ko ang composure ko at huminga ng malalim. Naglakad na ako papasok nang makasalubong ko si Gretchen, kapwa ko nurse na nagwowork din dito sa SLMC. “Ky, nakita ko post mo. Daan kami mamaya ni kuya Paeng sa inyo. Titingin sana ako ng halaman,” wika niya. Wow, may pumawi sa aking pagiging badtrip. At least. Si Gretchen at Paeng ay parehong nurse sa SLMC at sila ay magkapatid. Lagi na rin siyang bumibili sa akin kaya naman medyo close na kami. “Hanggang five ako beh. Anong oras ba out mo? Kung mas maaga ay nandoon naman si Kuya o kaya ay si Mang Robert,” “Baka mga pass three kami pupunta. Pang gabi kasi si kuya, susunduin niya muna ako tapos saka siya babalik,” aniya. “Kung ganon tatawagan ko na alng sila mamaya sa bahay. Pili ka lang,” wika ko. “Pwede three months to pay ulit?” tawad niya. “Ssshhhh, quiet, ikaw lang ang ganyan sakin haha. Sure,” sabi ko pa. Good payer naman si Gretchen at lagi siyang namimili sa akin kaya why not pagbigyan diba. “I love you na talaga. Lagi kasing inuuwi ng mga amiga ni mama ang mga halaman ko. Halos gusto ko na nga ilock para naman makaramdam. Buti sana kung hindi ko binibili diba?” sabi pa niya. “Awts. Kaya naman pala nakakabili ka ng marami. Tapos inuuwi ng mga friendship ni maderrr,” natawa pa ako. “Kaya nga eh. Oh siya sige sis. Salamat ha,” paalam niya. “Sure,” sagot ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakd. At kung kanina ay mabait akong kuting, ngayon ay gusto kong magtransform into wild lion dahil sa naalala kong pang-iiwan sa akin ng baklitang Lance na iyon. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng aming station at laking gulat ko nang makitang si Lance, prenteng nakaupo sa kanyang upuan habang si Caloy, minamasahe pa siya sa balikat. “Ayan sige. Uhhmm. Nangawit kasi ako kagabi sa pagtulog. Iisang posisyon lang kasi ako kaya siguro ganyan,” naabutan ko pang wika ni Lance. Halos napatayo naman siya nang makitang ako ang nagbukas ng pintuan. Alam kong napahinto sila pero hindi na lang ako pumansin. Gusto kong madama ng baklitang ito na nagtatampo ako sa kanya. Kahapon pa siya ganito porket may gwapo kaming kasama. At maaabutan ko pa talaga silang ganito? Kaya naman pala. Gusto kong balatan siya ng buhay. “Oh sis, nandiyan ka na pala,” aniya. Wow ha? Parang hindi ako tumawag sa kanya kanina kung maka ‘nandiyan ka na pala sis’ siya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Imbes ay pinagtuunan ko ng pansin ang mga bagong dating lang na sina Mariel at Melissa. Buti pa sila ay strong ang friendship. “Ate Kyla, nasend ko na yung order ko sayo. Pinapili ko pa kasi si nanay,” ani Louisa. “Ako naman ay nasabi ko na kagabi te,” sabi pa ni Mariel. Speaking of orders, naalala ko na naman ang pambabash ng lalaking ito sa akin kagabi. Hindi ko talaga iyon makakalimutan. “Salamat sa support. Sige, dadalhin ko bukas,” sabi ko naman. Ibinaba na nila ang mga gamit nila at naghanda. Maging ako ay handa na rin naman kaya nagyaya na ako. “Marami nang tao sa labas. Tara na,” sabi ko pa. Isa isa na kaming lumabas at as usual dagsaan na naman ang mga tao. Halos hindi maubos ubos ang mga dumarating na out patient. Si Dr. Benito Dela Cruz ang kasama naming doctor sa OPD at kahapon ay wala siya dahil sa isang importanteng bagay. “Doc, may nagbebenta ng banana cue. Gusto mo?” tanong ko kay Doc na kasalukuyang nagchecheck ng isang pasyente. “Kumuha na kayo ng para sa ating lahat. Ako na ang bahala sa bayad,” ani Doc. “Wow, bait naman ni Doc today!” pumalakpak pa si Lance. “Naks. Para namang hindi ako mabait palagi,” natawa si Doc. Good vibes kami kay Doc dahil palabiro siya at hindi ka makakadama ng intimidation sa kanya. Down to earth siya kahit na sasabihing isa siya sa mga pinakamayayaman sa ospital na ito. “Ate, kuha kami ng anim,” sabi ko pa sa nagtitinda. Ini-abot naman ni Doc ang buong 200 pesos. “Sayo na iyan hija,” aniya. Sabi ko nga, mabait na, generous pa. Nasa edad 40s na si Doc at hinahayaan niya lang na mamuti ang kanyang buhok. Bagay na nakakadagdag karisma sa kanya. “Salamat po Doc,” makikita naman sa mata ng babae ang labis na kasiyahan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pinapansin si Lance kaya naman alam niyang nagtatampo ako sa kanya. Mabuti naman at kaunti na lamang ang naiwang pasyente. “Louisa, may tinda kaya silang kape sa canteen? Gusto ko talagang magkape,” wika ko pa. “Tignan namin mamaya ni Mariel ate. Ikukuhanan ka na lang namin kapag meron,” ani Louisa na ngayon ay unang nawalan ng pasyente. Tatlo pa ang nakapila sa akin. Si Lance ay nasa lima, si Mariel ay isa at si Caloy ay isa na lang din. Maya maya ay nagpaalam itong si Caloy kay Doc. “Doc, may bibilhin lang ako saglit,” aniya. “Oh sige sige,” pagsang-ayon ni Doc. Agad naman siyang umalis. Habang inaasikaso ko ang mga pasyente at naga-identify ng triage sa kanila ay bigla akong nagulat nang may kamay na nagpatong ng kape sa aking mesa. Mula sa kanyang kamay ay sinundan ng paningin ko ang taong naglagay nito. Nakangiti pa siya habang nakatayo sa aking likuran. “Diba sabi mo gusto mo ng kape?” yung boses niya at ang tono nito ay parang komportable na siya sa akin. Hindi ako makapagsalita o makasagot man lang. “Ayan. Humigop ka na at baka lumamig pa,” aniya sabay kamot sa kanyang batok. Bigla siyang napatingin sa kung saan dahil para bang nahihiya pa siya sa kanyang ginawa. “Ku-kung h-hindi mo gusto ay…,” akma niyang babawiin pero pinigilan ko na lang siya dahil bigla kong naalala ang pagtanggi ko sa kanyang offer kahapon na ihatid ako. Alam kong binadtrip niya ako kagabi pero hindi rin naman ako masamang tao para hindi maka appreciate ng goodness ng iba. “Hindi na. Okay na. Salamat pala,” sa wakas ay natagpuan ko ang tamang salita para hindi ako magmukhang pipi. “At ano kasi ahmmm,” nagkamot siyang muli ng ulo. Nakatitig lang din ako sa kanya. “Ahmm peace offering iyan dahil sa nasabi ko kagabi,” ngumiti pa siya at parang iyon lang ay sapat na para gumaan ang loob ko sa kanya. Sa totoo lang ay hindi na ako galit. Pero dahil hindi ako marupok at dakilang pabebe pa rin ako na mana kay mama ay balik pagtataray ako. “Ah basta, hindi pa tayo okay,” saka ko siya inirapan at napangiti pa ako ng palihim nang makitang muli ang kape na nasa table ko. Humigop naman ako nito at dahil sa pagiging pabebe ko ay bigla akong napaso dahil sobrang init pala nito. Sige, pabebe pa nga. Kape pa nga! End of Chapter Four.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD