Chapter Five

2550 Words
 Chapter Five CALOY PANSIN kong masama ang loob niya sa kaibigan niyang si Lance. Ang dinig ko ay iniwanan kasi ng huli si Kyla sa labas kanina at sa palagay ko ay naghihintayan talaga sila doon. Nauna akong pumasok sa kanilang lahat. Ako na ang nag-ayos at nagwalis ng aming nurses’ station dahil hindi pa yata ito napapasok ng mga tagalinis. Inayos ko rin ang mga nakakalat na mga mahahalagang papel sa mga mesa at saka naman dumating si Lance na nagrereklamo dahil masakit daw ang balikat. Agad naman siyang umupo sa kanyang pwesto. “Caloy, massage mo naman ako kahit saglit lang,” nagrequest pa siya. Ako naman yung taong walang kamali-malisya sa katawan kaya bakit hindi ko gagawin kung okay lang din naman sa akin. Pero kasalukuyan ang pagmamasahe ko nang may tumawag sa kanya mula sa kanyang cellphone. Medyo malakas naman ang boses ng nasa kabilang linya kaya nalaman ko ang pinag-uusapan nilang dalawa. Mukhang galit ang nasa kabilang linya dahil yata hindi naghintay si Lance mula doon. Iyon lang ang naulinigan ko kaya naman hindi ko na tatanungin pa kung ano iyon. Hanggang sa may pumasok na nga at si Kyla iyon. Padabog niyang isinara ang pintuan at hindi man lang bumati sa kaibigan niya. Expected naman na hindi siya papansin sa akin dahil mukhang hindi pa talaga siya okay mula sa mga sinabi ko kagabi sa group chat naming magkakasama. Sa totoo lang ay biro ko lang naman talaga iyon at wala akong intension na badtripin siya. Pero sadyang mainit nga yata ang dugo niya sa akin kaya ganon na lang siya kawalang gana sa akin. Pinansin pa siya ng kanyang kaibigan pero hindi talaga tumingin at pumansin man lang. Itinigil ko na rin ang pagmamasahe kay Lance dahil tila ba nakakadagdag pa ito ng iritasyon sa kanya. Hindi na lang ako kumibo. Isa isa namang dumating ang dalawa pa naming mga kasamahan at maging si Doc na ngayon ko lang makikilala. Habang nag-aasikaso kami ng mga outpatient ay nahahalata ko namang wala talaga siya sa mood dahil mababa ang boses niya at tila ba hindi siya focused sa mga pasyente niya. Nasa tabi ko kasi siya at pinagigitnaan nila ako ni Lance. Maya maya ay bumili si Doc ng meryenda mula sa pag-aalok ng isang ale. Bananacue ito at mukhang gusto naman iyon ng mga kasamahan ko. Gusto ko sana ng mas mabigat na meryenda dahil madalas akong magutom. Kaya naman nagpaalam ako kay Doc para pumunta saglit sa may canteen para kumain saglit. Sa labas ako bumili at napakadali ko lamang hinigop at kinain ang soup na tinda sa labas. Basta ganitong nagugutom ako ay mabilis lang akong kumain. Aalis na sana ako pagkatapos kong magbayad sa babaeng tindera nang makita ko ang vending machine. “May laman ito miss?” tanong ko sa babaeng may buhat na batang lalaki. “Oo sir, may laman po iyan,” sagot naman niya. Naghulog naman ako kaagad ng barya sa machine at saka lumabas ang kape na pinili ko. Ingat na ingat ako sa paglalakad habang dala dala ang kape na ibibigay ko kay Kyla. Nasabi niya kaninang gusto niyang magkape kaya naman ako na mismo ang magdadala para sa kanya. Magsisilbi na rin sigurong peace offering ko ito sa kanya kahit na sa murang halaga lamang. Pagdating ko sa OPD ay inilapag ko kaagad ang kape na dala ko sa may mesa sa tabi niya at halata namang nagulat siya na ako ang nagdala nito. Tila ayaw niya pa itong tanggapin kaya naman nahiya ako bigla. Gusto ko na lang bawiin pero pinigilan niya naman ako. Sa huli, akala ko ay okay na kami pero hindi pa pala. Mahirap i-please ang babaeng ito. Ipinaglihi yata sa sama ng loob kaya masyadong masamain ang loob. Naupo na lamang ako sa pwesto ko at nakita ko naman ang bananacue sa mesa kaya inupakan ko na lang din. Mabilis na lumipas ang oras. Nagsalitan kami sa pagkain dahil kahit tila mauubos na ang mga tao sa OPD ay may darating at darating pa rin. At dahil anim kami, kasama si Doc ay nagdivide kami sa dalawa. Si Doc na mismo ang nagdecide. Si Lance, Louisa at Mariel ang magkakasama. Samantalang kami ni Kyla at Doc ang magkakasama dahil gusto raw akong makilala ni Doc. Ayos lang naman sa akin dahil mukha rin talagang mabait si Doc. Easy lang siya at mukhang masarap kainuman. Parang tropa nga lang kung ituring niya kami eh. Sa buong araw ay nakikipagbiruan siya sa mga pasyente at sa tingin ko ay isa ito sa mga paraan niya para marelax ang mga chinecheck niya. Halos 15 minutes din ang nakalipas nang makabalik na sina Lance, Louisa at Mariel kaya naman agad na rin kaming nagtungo sa canteen ng opsital para kumain. Sabi ni Doc ay siya na raw ang magbabayad kaya naman orderin lang daw namin ang gusto naming kainin. Ako naman ay normal lang sa pagkain. Hindi gaanong matakaw sa kanin, pero sa ulam ako bumabanat. Habang kumakain ay nag-iinterview si Doc. “Ilang taon ka na Caloy? Caloy, tama ba?” tanong niya. Nasa tapat namin siya ni Kyla. “28 na po ako Doc,” sagot ko naman. “Abah, magka-edad kayo nitong si Kyla ah,” aniya. Napangiti naman ako sa kanya at bahagyang napalingon sa katabi ko na focus na focus lang sa pagkain. Napatingin lang din siya sa akin saglit saka bumaling kay Doc. “Ah, Doc kumusta nga pala ang lakad mo kahapon?” pagpapalit niya ng pinag-uusapan. “Maayos naman. Nakakita nga ako ng mas okay na lugar pero mukhang mas mahal kaya yung una na lang,” sagot ni Doc. Pakiramdam ko ay wala ako sa usapan na ito kaya nanahimik na lang ako. Nakahalata naman agad si Doc na tahimik lang ako kaya bumaling siyang muli sa akin. “Hijo, may asawa ka na ba?” nagulat pa ako sa tanong niya. “W-wala pa nga po akong nobya Doc eh. Baka may mairerekomenda ka?” biro ko. “Oh, eksakto, naghahanap itong anak anakan ko. Wala pa itong nobyo. Magka-edad din naman kayo at may trabaho,” seryoso lang si Doc sa sagot niya sa biro kong wika. Tsk. Tsk. Napakamot lang ako ng batok dahil sa mga narinig ko. Naghahanap pala siya ah. Pero bakit parang galit siya sa mga lalaki kung umasta siya? “Doc naman. Ibinebenta mo na naman ako,” galit galitang wika ni Kyla. “Malay mo, ito na yung hinihintay mo. Mukha namang mabait itong si Caloy. Tapos nurse pa,” talagang pursigido si Doc. “Doc, ayaw ko sa nurse,” agad namang sagot ni Kyla. “Bakit ayaw mo?” “Hindi na niya mabibigyan ng oras ang love life dahil puro pasyente na lang ang aasikasuhin niya,” aniya. Napatingin lang ako sa kanya. Tsk. Tinanong niya ba kung gusto ko rin sa nurse? Tinanong niya ba kung gusto ko rin sa kanya? Ibig kong sabihin ay, wala naman sa nature ng trabaho kung tinamaan ka na ng pana ni cupido. Kahit nga mayaman ay nahuhulog pa sa mahirap, ang masungit nahuhulog sa malambing, maarte sa hindi maarte. May mga bagay na salungat na nagiging swak. Pero sa nurse sa kapwa nurse? Hindi rin naman imposible dahil laging nagkikita at nagkakatrabaho pa. Kaya sana ay huwag siyang magsalita ng patapos. “So ayaw mo kay Caloy?” tanong pa ni Doc na mas ikinabigla ko. “Doc, wag ganyan.Baka hindi ko maubos ang pagkain ko,” saway pa ni Kyla. “Haha. Bakit kasi ayaw mong i-welcome ang idea ko Kyla?” napasandal naman si Doc sa kanyang kinauupuan. Napalingon muli si Kyla sa akin bago sumagot. “Doc, nakakahiya ka,” umirap pa siya. “Huwag ka nang mahiya,” dagdag pa ni Doc. “Hindi Doc. Hindi ako nahihiya pero kasi…,” halatang naiirita siya. “Pero kasi malay mo tama ang mga sinasabi ko? Tingnan mo nga itong si Caloy oh. Diba’t lagi mong bukang bibignung tayo tayo lang? Na sana kung may bago man tayong makakasama ay gusto mo gwapo at pwedeng maging nob…” hindi na niya pinatapos si Doc. “Doc, kain ka na. Gutom lang iyan,” sinubuan niya si Doc ng butchi sa bibig. Kinain na lang ni Doc ang isinubo ni Kyla sa bibig niya. “Doc ilang taon na po kayo?” tanong ko naman para maiba ang usapan. “Ako? Tanong mo sa babaeng ito,” baling niya kay Kyla. Napatingin naman ako sa katabi ko. “55,”hindi siya nakatingin pero sumagot siya. “Sus, grabe ka Kyla. Mukha na ba akong 55?” natawa pa si Doc. “Seryoso Doc?” tanong ko. “48 lang ako,” sagot niya. “Pinabata mo na naman. Bata pa lang ako sa San Lorenzo, doctor ka na e,” ani Kyla. “Tigilan mo nga ako,” sabad pa ni Doc. Masasabi ko talaga na mabait ang mga kasama ko. May kanya kanya lang na trip at ang ilan ay may masikip na turnilyo. Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa OPD. Masama ang tingin ni Lance sa aming tatlo nang dumating kami. “Feeling ko nag enjoy kayo. Sana lahat naman nadadamay,” wika pa niya. “Nag enjoy? Kumain lang kami,” sagot ni Kyla. “Kung kumain lang kayo, bakit ang tagal niyo?” “Kasi nga itong si Doc, napakwento,” Wala lang akong kibo. “Buti pa sila nagkwentuhan. Tayo, halos mabulunan sa pagmamadali para lang makabalik kaagad,” ani Mariel. “Simple lang iyan para wala nang inggitan,” singit ni Doc. Napatingin lahat sa kanya maliban kay Kyla. “Samgyeopsal tayo mamaya?” sigaw ni Doc. “Ayoko,” biglang sagot ni Kyla. Napaawang ang bibig ng tatlo. “Saan mo na naman gusto? Sa pancitan?” ang ending, ikaw na naman masusunod?” pagtataray ni Lance. “Gusto ko kasi talaga ng long life. Pero kung ayaw niyo, hindi na lang ako sasama,” simpleng wika ni Kyla. Mukha ngang siya ang basehan ng lahat. “Sige na Doc, sa pancitan na lang. Alam ko na naman ang ending nito mamaya kung nagpumilit tayo,” sabad pa ni Lance. “Gosh, ate purge na ako sa pancit,” reklamo ni Louisa. “Hindi ko naman kayo pinipilit,” sagot ni Kyla. “Order ka na lang ng iba girl,” ani Mariel. “Sige, sa dati na lang tayo mamaya. Libre ko na,” sabi pa ni Doc. “Yeeyyyyy,” sigaw pa nilang magkakasama bukod kay Kyla na siya na ngang pinagbigyan. Nang maging okay na ang lahat ay medyo inilapit ko ang upuan ko sa kanya. Napapatingin lang naman siya sa kawalan at napapatigil sa ginagawa sa tuwing nararamdaman niyang nakatingin ako sa kanya. Alam ko namang nahuhuli niya ako pero hindi ko talaga sinasadyang tingnan siya. Nagsusulat siya ng records at saka ako napapalingon ng mga limang segundo sa kanya. Saka siya titingala mula sa pagsusulat at titingin lang ng deretso. Ibabalik ang atensyon sa pagsusulat at saka ngingiti. Ako naman ay mapapangiti din at babalik sa aking ginagawa habang napapakagat sa ibabang labi para itago ang pagngiti ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na kausapin na lang siya. “Mahilig ka rin pala sa pancit?” bulong ko sa kanya. Napahinto naman siya sa ginagawa at dumeretso ng tingin saka dahan dahang lumingon sa akin. “Oo bakit?” mahina rin ang sagot niya. “Kahit pala ayaw mo sa akin, may gusto ka rin na gusto ko,” kinindatan ko pa siya. Wala lang siyang reaksyon. Seryoso ba siya? May kilig ba siya sa katawan? “Gusto ko lang talaga sa pancit at wala ng ibang dahlia kung bakit,” nagpatuloy siya sa ginagawa niya. Sumandal naman akong muli sa kinauupuan ko at nag-isip pa ng banat. Nang makaisip ako ay saka ako muling bumulong sa kanya. “Anong pancit ba yung gusto mo?” “Kahit ano,” “Walang kahit ano,” “LAhat ng klase ng pancit kinakain ko,” “Okay,” Hindi umubra yung balak ko kaya naman back to sandal ako sa upuan ko. Ang hirap niyang spellingin. Mabilis umusad ang pila ng mga nasa OPD at kasing bilis nito ang paglipas ng oras. Mag-aalas singko na naman ng hapon at wala na ring mga outpatient na nakapila kaya naman nagligpit na kami ng mga gamit. “Sinong sasabay sa akin?” tanong ni Doc. Agad namang nagtaas ng kamay sina Louisa at Mariel maging si Lance. “Sis, sabay ka na kay Caloy. May motor naman iyan,” wika ni Lance. Tila ba no choice lang siya at wala na ring nagawa kaya naman sumang-ayon na lamang siya. “Caloy, sundan mo na lang yung kotse ko,” ani Doc. “Sige po Doc,”pagsang-ayon ko naman. Nang handa na ang lahat ay saka kami nagtime-out at sabay sabay lumabas. Nasa lobby na kami nang sabihan ko si Kyla. “Hintayin mo na lang ako sa posting iyon, kukunin ko lang ang motor ko,” “Okay,” simpleng sagot niya. Nagmadali naman akong kunin iyon Pagkaandaer ng motor ay agad akong nagtungo sa lugar na sinabi kong tatayuan niya. Hindi naman ako nabigo sapagkat nandoon nga siya. Ang sasakyan ni Doc na itim na kotse ay nasa unahan din. “Sakay na,” wika ko sa kanya nang mapahinto ako sa harapan niya. Umangkas na rin naman siya at walang kibo kaming nakasunod kina Doc. Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa isang pancitan na tila ba bukirin ang pinapakitang kapaligiran. Kaya naman pala gusto niya rito. Bukod sa gusto niya sa mga halaman ay tila ba mukhang gusto niya ng mala probinsyang kapaligiran. Pagbaba namin ay agad din naman kaming nagtungo sa loob at si Doc na rin ang umorder ng kakainin. At dahil nga paborito ko ang pancit ay napakain talaga ako. Ito na rin ang magsisilbing hapunan ko kaya hindi na ako mag-aabala pang kumain sa labas mamaya. Masayang kasama ang mga katrabaho ko. At talaga namang napapasabay na rin ako sa kanila. Maliban na lang kung si Kyla ang nagbibiro dahil hindi rin talaga ako kumikibo kapag siya na ang nagsasalita. “Doc, ihanapan mo na kasi ito ng pwedeng maging man of her dreams. Baka tumandang tuyot ang kaibigan ko,” ani Lance. “Kung maka tuyot ka naman diyan. Tandaan mo, may pag-asa pa ang tulad ko. Ikaw ang wala na. Tatanda kang gurang na uugod ugod,” bwelta naman ni Kyla kay Lance sabay tawa. “Haler. Matagal ko nang natikman ang luto ng Diyos. Ikaw? Hanggang lamutak ka lang gamit ang mata. Hanggang lunok ka pa lang ng laway mo. Huwag ako Kyla, kilalang kilala kita since college,” itinuro turo pa siya ni lance. Aliw na aliw ako sa kanilang pag-aasaran. “Doc, yung anak mo, pogi, baka naman pwedeng ireto mo kay Ate Kyla,” ani Mariel. “Ayaw ni Kyla sa Nurse,” simpleng sagot ni Doc. “So, ayaw niya rin kay Caloy?” sabad ni Louisa. Napainom naman ako ng Coke sa baso nang tanungin iyon ng kasamahan ko. “Tigilan niyo nga ako sa mga pang-aasar niyo,” naiinis na naman si Kyla. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil gusto ko siyang tanungin sa bagay na ito. Bakit? Hindi ba ako kagusto gusto? Hindi sa gusto kong tanungin kung gusto niya ba ako pero wala bang bagay na makikita sa akin na dahilan para magustuhan niya ako? Para kasing ang tingin niya ay wala man lang maganda sa akin, kaya kung mainis na lang siya ng ganito sa mga katanungan nila ay wagas. Kahit pa isipin niya kung ano ang gusto niyang isipin ay bahala na. “Hindi ba ako kagusto gusto para mainis ka sa mga katanungan nila? Kanina ka pa ah,” kalmado lang ang tanong ko pero damang dama ko na nabigla sila dahil minsan lang akong magsalita. Agad naman siyang tumayo at uminom ng coke saka kinuha ang bag niya. “Doc, mauna na ako. See you tomorrow, nandyan na ang sundo ko,” hindi siya tumingin sa akin at saka agad na ring umalis. Tahimik ang lahat nang maglakad siya palabas. “Ikaw kasi eh,” wika ni Louisa na paninisi kay Mariel. “Bakit ako?” tanong niya. “Ito kasing si Lance,” paninisi naman ni Doc. Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain. Sa sasakyan na rin naman ni Doc sila sumakay at sinundo naman si Lance ng kanyang pamangkin gamit ang kotse nito. Ako ay nakamotor naman kaya ako na ang bahala sa sarili ko. Nang makarating ako sa kabayanan ay nakita ko ang babaeng nakapila sa may paradahan ng tricycle. Mabilis ko siyang nakilala dahil sa suot niya. Huminto ako at saka nagmadaling tinungo ang kanyang pwesto dahil nas adulo pa siya ng pila. Agad kong hinawakan ang kamay niya at hinila. Nabigla naman siya dahil sa ginawa ko. “Arraayyy,” reklamo niya. Napatigil ako at nilingon siya. “Ihahatid na kita,” simpleng wika ko at saka nagpatuloy sa pagkaladkad sa kanya. End of Chapter Five.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD