Prologue
HAWAK ko ang appointment ko bilang bagong empleyado ng San Lorenzo Medical Center habang nakatayo ako sa harapan nito.
Matagal kong pinangarap na makapasok sa ospital na ito dahil una sa lahat, gusto kong tuparin ang pangarap ni nanay na magiging nurse ako baling araw. Bukod dito ay ginusto ko rin talagang maging isang nurse upang sana ay maalagaan siya, pero bago pa man ako makapagtapos ay nawala na siya sa piling ko.
Ngayon at wala na siya ay nag-iisa na lamang ako sa buhay. Kaya’t papasok ako sa ospital na ito dala dala ang pangarap sa buhay at ang kaisa isa kong lihim na gusto kong ibunyag pagdating ng araw.
Ang lihim na ito ang tanging dahilan kung bakit ginusto kong magtrabaho sa ospital na ito. At kahit pa inaalok ako sa ibang mga lugar upang magtrabaho at i-practicce ang propesyon ko ay tinanggihan ko para lang dito.
Muli akong tumingin sa Appointment ko, medyo nalulukot na ang dulong bahagi nito dahil sa pagkakahawak ko. Nadala ako sa emosyon na halos araw araw kong naiisip sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang pagkawala ng nanay ko.
Pero masyado pang maaga para ibunyag ang lahat at para magpadala ako sa emosyon ko. Tumayo ako ng matuwid at huminga ng malalim. Naglakad ako papasok sa ospital at sumalubong sa akin ang kakaibang pakiramdam na matagal ko nang pinapangarap.
Nasa loob na talaga ako ng San Lorenzo Medical Center, at dito na ako magtatrabaho bilang nurse. Kaya naman bukod sa dinadala kong sama ng loob ay nandito ako para sa sarili ko, para sa pangarap, at para sa aking kinabukasan.
Hinanap ko ang HR Office upang ibigay ang aking appointment at pagkatapos ay dinala ako ng in-charge sa isang department. Ngayon ang unang araw ko bilang nurse sa pagamutang ito at dati na pala nila akong inaasahan sa pagdating ko.
“Sa OPD ka ha? Naghihintay na ang mga makakasama mo doon ngayon dahil nasabihan na sila last week,” wika ng isang matandang babae na sa palagay ko ay nasa 50s na.
“Sige po. Doon po ba ang assignment ko ma’am?” tanong ko habang kasabay ko siya sa paglalakad patungo sa OPD o Out Patient Department.
“Yes, sa OPD Department ka. At nandito na tayo,” aniya.
Tiningnan ko ang paligid at may mga babae at binabaeng nurses na nagsitinginan sa pagdating ko.
“Everyone, siya si Mr. Dimapilis, siya ang bagong makakasama ninyo dito sa OPD. Be good to him. Enjoy your first day,” tinapik pa nito ang balikat ko saka umalis.
“Salamat po,” pahabol kong sabi sa kanya.
Lahat sila ay nag-abalang makipagkamay sa akin at isa isa ko namang inalam ang mga pangalan nila.
Isa lang ang halos ayaw akong kausapin sa kanila, at nakita ko sa chart, Kyla Garcia ang kaniyang pangalan.
Tsk. Mukhang mahihirapan akong makisama sa babaeng ito. Pero susubukan ko pa ring makisama sa kanila dahil wala naman akong magagawa, sila ang makakasama ko ng matagal.
Sana maging madali ang lahat sa workplace ko. At sana magawa ko ang mga dapat kong gawin habang nandito ako.
Pero higit sa lahat, gusto kong mag-enjoy muna bago ko tuparin ang isa sa mga misyon ko. Matagal na ring wala akong nobya. Susubukan kong makipagkilala sa isa sa mga nandito.
Libangan? Sige. Pero kung may masusumpungan, bakit hindi, diba?
Sana may mahanap ako, nang may maturukan naman ang injection ko.
Naks! Tarantado!