Chapter 5: Halik Ni Winston

2109 Words
“Ump!” sambit ko. Itinulak ko siya sabay sampal ko sa kanya. “Hindi ko nagugustuhan ang ginagawa mong ito, Winston!” matigas na saad ko pa sa kanya. “At ano ang gusto mo? Gusto mong ipahiga kita sa malambot na kama, ha. O, baka gusto mo ulit matikman ang calibre ko. Sabihin mo lang dahil isang kasa ko lang ito ay shoot to kill agad ‘yang butas mo,” ngisi niya sa akin. “Anong shoot to kill agad ang sinasabi mo? At hindi mo na ‘yan maipuputok sa akin dahil magtatago ako sa pader! Siguro naman ay hindi ‘yan tatagos dahil matigas ang hollow block!” gagad ko, dahilan upang matawa siya sa akin. “Anong nakatatawa sa sinabi ko?” irap ko. “May ipis, oh!” turo niya sa kisame at napadako ang tingin ko roon. “Wala namang ip—um. . . ” usal ko dahil ninakawan niya ako ng halik. At agad rin naman niyang pinakawalan ang labi ko. “Bastos!” gagad ko pa, ngunit muli na naman niya akong hinalikan sa pangatlong pagkakataon. “Magsalita ka pa at ang kasunod niyan ay huhubaran na kita,” pananakot niya sa akin, kaya naman tinakpan ko na ang bibig ko. “GOod girl ka naman pala, Honey, eh!” ngisi niya sa akin. “Saka, iyong pader na sinasabi mo, kahit anong tigas niyon, magigiba ko ‘yon dahil jack hammer itong hotdog ko. At lahat ng klase ng gamit ng karpintero, inhinyero, at pulis ay nasa akin na,” ngisi na naman niya sa akin. “Jack hammer? Katawa! Kung jack hammer ka, gibahin mo nga ‘yang pader!” segunda ko. “Iyang pader mo ang gusto kong gibahin, Honey. Pero, nagiba ko na pala nakaharang diyan. Kaso, gusto ko ulit magkarpintero At magiging magsasaka ako kung sakali dahil mag–aabono ako at magiging kalabaw rin ako,” sarkastiko na saad niya. “Kaya pala mukha kang kalabaw!” wala sa sariling sambit ko. “Ngayon mo lang alam na mukha akong kalabaw, Honey? Kalabaw na ako noong nakuha ko ang pagkabirhen mo. Nakain ko nga lahat ng halos damo mo. At mabuti na lang dahil organic ang iyong damo at hindi ako nalason,” natatawa na sambit niya. “Sana nga na nalason ka na lang,” mahinang sambit ko. “Tsk! May misyon pa ako sa mundo kaya hindi ako nalason. In fact, lalo akong lumakas. At sa lahat ng shell na natikman ko’y kakaiba ang shell mo dahil kusa ‘yang bumubuka at maalat–alat na matamis ‘yan,” aniya na dumako ang tingin sa aking harapan. “Oyster ang tawag sa kimerot ko, kaya huwag ka nang magsalita nang mahaba riyan,” gagad ko. Hindi siya nagsalita, kaya naman kinabahan na naman ako lalo na naramdaman ko na patigas nang patigas ang jack hammer niya. “Did you feel it, Honey?” malambing na tanong niya. “Hi—Hindi na, kasi naman hindi naman— shît!” usal ko dahil talagang matigas na ‘yon. At dahil manipis ang suot kong slacks ay ramdam na ramdam ko ang pagkalalakì niya. “Magsisinungaling ka pa ba, Honey? Dahil kung hindi ay papasok ‘yan sa loob mo at uunahan na naman natin ang undas!” natatawang sambit niya sa akin. “Ewan ko sayo, Winston! Kanina lang ay galit na galit ka, tapos ngayon ay mukha kang sinapihan ng—” “Poging demonyo? Demonyo naman talaga ako, lalo na pagdating sa kama. At dahil natikman ko na naman ang labi mo, kaya nagkaganito na naman ako. Kaya, pa–kiss nga ulit, Honey para mabait akong haharap sa mga empleyado rito,” ngiti na aniya sa akin. “Pero, Winston. . . ” “No more buts, Honey. Halikan mo na ‘ko kung ayaw mong maghumirentado ako rito, lalo na ang jack hammer ko,” matigas na sambit niya. Hindi ko alam kung ba’t napasusunod niya ako. At hindi na rin ako puwedeng makatanggi sa trabaho lalo na at tanggap na ako at baka rito na magkabubukuhan. “Si–Sige, pero pumikit ka muna,” sambit ko na agad naman niyang ginawa. Lumunok muna ako nang ilang beses. At idadampi ko na sana ang labi ko nang. . . “Uncle, Honey,” narinig naming tawag ni Jayson sa labas, kaya naman agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. “Istorbo!” inis na sambit ni Winston. Tumayo siya at tinungo niya ang pinto at ako naman ay bumalik sa kinauupuhan ko kanina. Subalit, nakita ko ang basong nabasag at baka mapansin ‘yon ni Jayson at baka magtaka ito. “I’m back, Uncle. Tapos na ba interview mo sa girlfriend ko?” ngiti na sambit ni Jyason nang buksan ni Winston ang pinto. “Oo, tapos na. Itri–train siya agad ni Ms. Flora Wax, kaya rito muna siya,” pahayag ni Winston. “Alright. Um, Honey, tawagan mo na lang ako mamaya if tapos na ang training mo para hindi naman ako makaistorbo sa trabaho mo,” ani Jayson nang lumapit ito sa akin. “Aalis ka? Kung hintayin mo na lang kaya ako at bantayan mo na lang ako rito para ganahan akong magtrabaho,” saad ko, ngunit napansin kong pinanliitan ako ng mata ni Winston. “Nakahihiya naman kay uncle kung nandito lang ako sa restaurant niya at hihintayin ka. Pero, kung okay lang sa kanya na bantayan kita rito. . . then, babantayan kita, Honey,” ngiti ni Jayson, sabay gagap sa kamay ko. “Ehem! Um, excuse me. Puwede mo naman siyang hintayin dito, Hijo. Pero, ang bantayan ay hindi puwede. At mahigpit na ipinagbabawal ang pda rito lalo na at bago pa lang siyang waitress,” nakangiti, pero nang tumingin ito sa akin ay tumaas ang isang kilay niya. “Okay, Uncle at naiintindihan ko. So, sa labas na tayo, Honey at itri–train ka na nila,” ani Jayson sa akin. “Um, ba’t may nabasag na baso?” tanong pa nito nang mahagilap ng dalawang nito ang nagkapirasong baso. “Nasagi ko ‘yan kanina,” depensa ni Winston. “Ah, okay. Sa labas na tayo, Honey,” ani Jayson at magkaholding–hands kaming lumabas nang hindi ako tumitingin kay Winston. Nakasunod lang siya sa amin. Pero, wala akong pakialam kung anong sasabihin niya. “That way,” aniya sa likuran namin at pumasok kami sa loob kung saan ang kitchen. “Um, Honey, hanggang dito na lang ako at doon lang ako sa mesa na ‘yon,” turo ni Jayson sa sulok na mesa. “Okay, Honey,” ngiti na sagot ko. “Galingan mo para lalong ma–impress si Uncle Winston sa ‘yo,” saad pa nito sa akin. Hinagkan pa ako nito sa labi, kaya naman nakita ko ang paggalaw ng lalamunan ni Winston. “Kasasabi ko lang na ipinagbabawal ang pda rito, Jayson. Dahil baka, sabihin ng ibang empleyado na may pinapaburan ako kapag lagi kayong gan’yan. At baka, gumaya na rin sila sa inyo,” sermon niya. “My bad, Uncle,” hinging paumanhin ni Jayson at naglakad na ito palayo sa amin. “Kahit anong gawin sa ‘yong panghahalik ng pamangkin ko, lamang pa rin ako sa kanya. Dahil ako? Lahat ay nakuha ko na at natikman ko na sa ‘yo,” mahina, ngunit dinig na dinig ko ‘yon. Pumasok na si Winston sa loob ng kusina. At tumingin ako sa gawi ni Jayson at kkumaway ito sa akin. Pakiramdam ko ay napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. Pumasok si na ako sa loob at ilan ang empleyado rito. May dalawang chef, limang staff, limang waitress at dalawang janitor. “Hello,” bati ko sa mga ito. May pangalang nakadikit na. . . Hi, I’m Lena. At ganoon din ang ibang mga empleyado. “Hello rin sa ‘yo,” ngiti ng mga ito sa akin. “Ms. Flora Wax, ikaw na mag–explain kay Ms. Rodriguez kung anong mga dapat niyang gawin at ikaw na rin ang magtrain sa kanya. Balik ako sa opisina ko. At huwag mo siyang pagpahingahin hangga’t hindi ako lumalabas,” matigas na sambit ni Winston. “Masusunod, Sir Winston,” saad naman ni Ms. Flora Wax at iniwan na kami ni Winston. Ngunit bumalik siya at tinawag niya ang isang janitor. Hindi na siya tumingin sa akin dahil halatang naiinis siya. “Um, Ms. Rodriguez, sila ang ating mga ka–trabaho,” pag–uumpisa ni Ms. Flora Wax. “Sila ang ating chef dito. Si Chef Mar Moll at si Chef Che Menterio. Sila naman ang mga staff natin at kahera, Sina Ms. Belle Lapida, Ms. Mae Ondas, at Ms. Phine Tura. Sila naman ang mga makasasama mo sa pagwi–waitress. Si Ms. Malou Phet, si Ms. Fe Lingan, at si Ms. Gandara Xia. Ang atin namang mga dishwasher ay sina Ms. Joy at Si Ms. Foamy. At ang dalawa namang janitor ay sina Kuya Teddy Bareta At Kuya Surfy Pawder. So, ready ka na bang sa training mo?” ngiti na tanong nito sa akin. Hindi agad ako nakasagot dahil sa pangalan ng mga kasama ko. “Wala ho bang shampoo sa kanila?” wala sa sariling tanong ko. “Wala naman, Ms. Rodriguez,” sagot na saad ni Ms. Flora Wax. “So, labas na tay,” anito sa akin. Lumabas na kami at itinuro nito sa akin kung paano ang tamang pagserve. Alas diyes ng umaga magbubukas ang restaurant na ito at magsasara ng alas diyes ng gabi. 10am to 10pm. At over time na ang two hours. Minimum ang sahod at 450 ang isang araw. Alam kong hindi ito sapat para sa pamilya ko, pero mag–iinarte pa ba ako? Pangiti–ngiti si Jayson, kaya naman ginaganahan akong magtrabaho. “You can do that, Honey,” pagpalalakas loob niya sa akin. Nagflying kiss pa ito sa akin, kaya kinilig ako. Ngunit, natigilan ako dahil nasa gilid pala si Winston, habang nakasandal siya at nakatingin sa akin. Nanginig tuloy ang kamay ko. Natapos ang training dahil alas diyes na at pararating na ang mga kakaing kustomers dito. “Tingnan mo, Ms. Flora kung kaya na ni Ms. Rodriguez na magserve mag-isa,” utos ni Winston. Tinanguhan naman ako ni Ms. Flora, kaya nilapitan ko ang bagong upo na grupo ng mga estudyante. “What’s your order, Sir/Ma’am,” tanong ko. Sinabi naman ng mga ito ang kanilang order at ibinigay ko iyon sa chef sa kitchen. Nakapapagod pala ang ganitong trabaho, pero kaya ko pa naman. Alas dose nang matapos ako sa pagserve dahil nakaramdam ako nang gutom. Sabay kaming kumain ni Jayson at sweet nito sa akin dahil may pasubo effect pa at pa–kiss pa siya. Pero, dahil hanggang alas kuwatro pa ako rito, ayon kay Ms. Flora ay nagpaalam muna ito sa akin dahil naiinip na rin ito. At tatawagan na lang daw niya ako kapag susunduhin niya na ako mamaya. “Ms. Rodriguez,” tawag sa akin ni Ms. Flora nang lumabas ako galing sa banyo. “Yes, Ms. Flora,” ngiti na sambit ko. “Ipinatatawag ka ni Sir Winston,” magiliw na saad nito sa akin. “Ba–Bakit daw ho?” tanong ko. “Huwag ka nang magtanong, Ms. Rodriguez dahil boss natin ang nagpatatawag sa ‘yo,” sambit nito. Huminga ako nang malalim. Kumatok ako at hindi ko naman narinig si Winston na nagsalita, kaya pumasok na ako sa loob. “Pinatawag n’yo raw ako, Sir,” saad ko. “Lock the door,” utos niya sa akin. Heto na naman tayo sa lock. “May trabaho pa ‘ko sa labas, kaya sabihin mo na kung ano’ng sasabihin mo.” Tumayo siya at naglakad siya palapit sa akin. Kita ko na galit na naman siya. “Anong pakiramdam na sinusubuhan ka ng pamangkin ko, ha! Tapos, may pahalik pang nalalaman ang putik na ‘yon!” gagad niya. “Natural dahil boyfriend ko siya at sweet kami sa isa’t isa. Alangan namang mag–iyakan kami habang kumakain kaming dalawa. Ano ‘yon, crying while eating?” segunda ko. “Shît!” asik niya at sinipa niya ang pinto. “Sige, magalit ka lang dahil tutal naman ay gurang ka na!” gagad ko. “What did you say?” untag niya sa akin. “Ay gurang na nga dahil bingi na! Ang sabi ko’y—ump!” sambit ko dahil sinakop niya ang labi ko, kasabay ng paghaplos niya sa aking pagkababaé.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD