“Na–Nandito si Jayson,” kabado na sambit ko, sabay tulak ko kay Winston. “Damn!” inis na sambit niya. “Kailangan kong magbihis, Winston dahil baka maabutan ako ni Jayson na ganito ang hitsura ko, lalo nating dalawa,” natataranta na saad ko. "And so? Ano ngayon kung maabutan ka niyang gan'yan?" ngisi niya. "Hibang ka ba? Balak mo ba 'kong ibuko sa pamngkin mo, ha?" gagad ko. “Why?Are you afraid that he will find out the truth, huh?" muling ngisi niya sa akin. "Kung may binabalak ka man, alalahanin mo na pamangkin mo siya," gagad ko. "Tsk! Pumasok ka sa tabi nang kuwarto ko at may damit doon sa cabinet. It’s up to you kung anong gusto mong suotin," matigas na aniya sa akin. Kaya, nagmadali akong pumasok doon. Mabuti na lang at nakasarado ang pinto sa sala. Siguro’y isinarado iy