THIRTEEN: TORMENTED

2515 Words
I clearly heard him say love and sweetheart to someone who called him that night. Hanggang ngayon ay bumabagabag iyon sa aking isipan. Siguro nga ay may iba na ang lalaki. Siguro nga ay may ibang babae na ang nakaagaw ng kanyang atensiyon. The fact that he left me in that spot without uttering a single word, it was enough reason to completely forget the man. The problem was, I didn’t know how gayong bukambibig ni Darren ang lalaki. Lagi itong hinahanap sa akin ng bata at hindi ko na alam kung ano pa ang aking isasagot. Ilang gabi na akong walang tulog. Minsan natutulala na lang ako pero madalas ay umiiyak sa tuwing naiisip ko ang lalaki. Hindi ko maiwasang sisihin ang aking sarili dahil naging duwag ako. Dahil natakot akong sumugal sa panibagong pag-ibig. “Ubusin mo ang laman sa plato mo, Ahreum.” Ani ko sa panganay ko isang umaga. Tumayo na kasi ito kahit hindi pa ubos ang kanyang pagkain. “Kailangan kong magmadali, Mommy. Baka ma-late ako sa usapan namin. Nakakahiya.” “Sunday ngayon, ano bang gagawin mo?” Naglagay pa ako ng sinangag sa plato ni Darren. Natigilan si Ahreum at nilingon ako gamit ang mga matang bakas ng gulat. “My? Okay ka lang? Kagabi at kanina ay binanggit ko sa’yo ang lakad ko today. I told you, pupunta kami sa mall ng mga kaklase ko at mamimili ng supplies para sa project namin. Nakalimutan mo? Are you okay, Mom? You’re not acting like yourself today. No, actually, ilang araw ka nang ganyan. Dapat ko na bang tawagan sila tita Bomie?” I sighed. “I haven’t been feeling myself lately, anak. Pagod lang siguro.” “Take a rest. I don’t want you to get sick. What will happen to me and Darren, Mommy? Can’t afford to lose you.” She said as she rounded the table to kiss me on my forehead. “Can we ask Uncle Matt to come and play with me, Mommy?” Darren intervened. I almost wanted to cover my face in frustration. I don’t want to hear his name in this household. “Uncle Matt? The who? Hindi ako aware na may Uncle Matt pala tayo?” Nakataas ang kilay ni Ahreum. “He’s Mommy’s good friend. I’m his friend, too. And he’s super rich. You see my Lego toys in my room? Si Uncle Matt bumili nun!” Proud na pagkakasabi ng aking bunso. Ahreum rolled her eyes. “Whatever. Kikilatisin ko yan pag nagkita kami ng harapan. Anyway, gotta go! See you later!” She kissed me and Darren on our cheeks before she sprinted to the main door. Bumaling sa akin si Darren. “Mommy, I want to talk to tita Bomi. Please, please, Mommy. Call her, please.” He pouted. It made me smile. “Ano naman ang sasabihin mo sa tita Bomi emo? Busy yun sa kanyang boyfriend.” Sabi ko pero inabot pa rin ang cellphone at hinanap ang number ni Bomie sa aking Contact. I pressed the call button. Binaba ko ang phone sa table since naka-loudspeaker naman iyon. Habang nagriring ay marahan kong nilagay ang mga pinggan sa lababo. “Beshy, wazzup.” Bungad ni Bomi makalipas ang ilang beses na pag ring. Tiyak akong nadistorbo namin ang kanyang tulog. “Tita! Tita!” Si Darren na agad tumalon mula sa kanyang upuan at kinuha ang cellphone mula sa mesa. Nanakbo ang bata patungong sala at ako naman ay natatawang nakasunod sa kanya. He probably missed his tita Bomie. “Yes, my love? Do you miss me?” “No! I mean, yes! But please call Uncle Matt and tell him to pick me up!” He was jumping from here to there looking so excited. Ako naman ay napako lang sa aking kinatatayuan at alam kong pati si Bomi ay nagulat din. “Hahaha.” Alanganin itong tumawa sa kabilang linya. “Darren, anak. Ano kasi….” “Please, please, please, tita Bomi.” “How about if I come there and we all go to the mall, Darren? It’s Sunday! Dapat ay nasa labas tayo at nagba-bonding.” “Gusto ko po si Uncle Matt.” He was about to cry. “Hindi masarap ka-bonding yun, bunso. I mean, busy si Uncle Matt.” “Kahit Sunday po?” “Especially Sunday. You know, Uncle Matt has a family, too. Tiyak akong magkakasama yun sila ng kanyang mga kapatid at pamangkin.” Binaba ni Darren ang aking cellphone sa center table na bagsak ang balikat. “Bye po, tita Bomi.” He said before he headed to his room upstairs. Kahit tinawag ko ito ay hindi ako tinapunan ng tingin. “Bomi.” “What the f**k is happening, Porsche?” Singhal nito sa kabilang linya. Buti nalang at hindi na naka-loudspeaker ang tawag kundi ay maririnig sa buong kabahayan ang mura ng aking kaibigan. Nanghihinang umupo ako sa sofa. “Hindi ko rin alam, Bomi. Ang alam ko’y hinahanap sa akin palagi si Matteo. Ano naman ang gusto mong sabihin ko sa bata? Na hindi na nagpaparamdam sa akin ang lalaki? Na may iba na itong karelasyon?” Sa bawat salitang namutawi sa aking bibig ay parang mga punyal iyon na tumutusok sa aking dibdib. “Ay, ewan. Wala rin akong alam kong anong ganap ni Sir Matt o ng pamilya niya. Wala naman akong nahahagip na tsismis mula sa taas. Ewan ko ba sa inyong dalawa. Bakit hindi kayo magkaintindihan.” “I was willing to open everything to him, Bomi. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng worries at insecurities ko. But just when I was about to tell him everything, siya naman ang lumayo. I have no idea what happened that night. We were supposed to talk but he left without saying a single word from me.” “And he never contacted you since then?” Umiling ako kahit hindi ako nito makikita. “Hindi na ito nagparamdam pa. What do you think, Bomi? Dapat ko bang tawagan ulit ito at alam mo na…kumustahin?” “Gaga ka talaga.” Singhal nito. I grimaced. Masakit ang kanyang salita pero alam kong totoo iyon. Yeah, I was being shameless. “Bakit kailangan mo pang itanong yan? Dapat gawin mo na agad-agad, bessy! Malay mo, nagpapakipot o nagpapalambing lang yun?” What? “Talaga? You won’t judge me kung gagawin ko nga?” “Susuportahan pa kita! Kow, kung andito lang si Zuri, kanina ka pa nakakuha ng talak mula dun. Sa panahon ngayon, di na uso na ang lalaki pa ang unang susuyo sa babae. Ano ka ba naman. Kung gusto mo talaga si Sir Matt, then you should do the first move.” “Ginawa ko na nga, di ba? I approached him by calling his number at napagkasunduan nga namin na magkikita sa hotel pero ang nangyari, ayon…. walang nangyari.” “Hay naku! I’m disappointed of you! Try and try until you succeed, mare! Dapat consistent tayo!” I shook my head at her antics, pero siguro nga may point ito. “Okay. I will try to contact him again.” “Good, Anyway, I’ll be there in an hour. I’m serious when I said mag mall tayo. Sunduin ko kayong mag-ina diyan.” “Okay.” “K. Bye. See you.” “See you.” Sa maikling usapan na iyon, gumaan kahit paano ang aking pakiramdam. Sana lang din, sa paggala namin sa mall ay gumaan din ang pakiramdam ni Darren. *********** “Gusto mo bang manood ng movie, Darren? I’ll buy you popcorn.” Ani ko sa aking bunso. Hindi naman na ito mukhang matamlay pero hindi rin mababakas ang excitement sa kanyang mukha. “Ayoko po.” “We’ll shop toys na lang? Kahit may kamahalana ng Lego, ibibili kita anak kahit malayo pa ang pasko.” Si Bomi. Umiling ulit si Darren na patingin-tingin lang sa paligid. “Ayoko po.” Nagtinginan kami ni Bomi. Hindi na namin alam kung ano pa ang gagawin para naman sumigla ng konti si Darren. “Kumain na lang tayo sa paborito mong fastfood, Darren.” “Uhmm… okay po.” “Pero alas onse pa lang naman. Hanap muna tayo ng t-shirts mo sa department store at marami ka nang maliliit na t-shirt.” Marami-rami na rin ang mga tao sa mall pero buti naman at hindi gaanong siksikan. Siguro ay halos isang oras din kaming nagpaikot-ikot para makahanap ng mga damit kay Darren at may napili din akong blouse para sa aking dalagita. Nang makakita kami ng t-shirt na may Lego print sa harap ay nabakasan ng tuwa ang mukha ni Darren. Kaya ang nangyari, tatlong t-shirt with the same print but different colors ang binili ko. Kahit medyo pricey ay okay lang. Malaking bagay sa akin na makita ang ngiti sa mukha ng aking anak. Finally. Nasa escalator na kami para bumaba sa 3rd floor nang may itinuro si Darren. “Mommy, si Uncle Matt!” Natigil kami sa pag-uusap ni Bomi at bumaling sa direksiyon na tinuro ng bata. Sa kabila ng maraming tao, madali mo lang mamataan ang lalaki dahil bukod sa matangkad ito sa karamihan, ang kanyang kakisigan ay talaga namang kapansin-pansin. Lalo na’t simpleng white t-shirt na hapit sa kanyang matipunong katawan at kupasing pantalon ang suot nito. “Uncle Matt! Uncle Matt!” Kumaway-kaway si Darren at bago ko pa mapigilan ito ay nanakbo na ito pababa ng escalator. Ako naman ay natarantang sinundan ang bata sa kaba na baka mahulog ito. The man was obviously unaware because his focus was on the phone. He was typing something there. Si Darren ay hindi nagpa-awat at patuloy sa pagtakbo sa direksiyon ng lalaki. He was there standing at the corner of the bookshop. Tila ba may hinihintay ito. “Uncle Matt!” Darren couldn’t help it. He jumped into the man unexpectedly at kung hindi lang mabilis ang reflexes ng lalaki ay baka mapasama ang bagsak ni Darren sa tiled floor ng mall. Kaso, ang cellphone nitong hawak ang nahulog sa sahig. “Woah! Darren!” Matt was totally appalled. “How did you…?” And then his eyes searched for something until they found mine. My heart instantly did a back flip that I almost stopped breathing. Bomi did a little push on my back, so I was left with no choice but to come forward. Hindi ko na rin pinigilan pa ang aking best friend na kunin mula sa aking mga kamay ang paper bag kong hawak. I swallowed hard before I found my tongue. “Hi.” “Hello, Porsche. It’s good to see you.” His tone was icy that I felt shivers down my spine. Why is he being cold to me? Sobrang sakit ba ng ginawa ko sa kanya para tuluyan itong manlamig sa akin? “Uhm. Yeah.” Halos makagat ko pa ang aking dila. Hindi ko alam kong bakit ninerbiyos ako. Sobrang lakas talaga ng epekto ng lalaki sa sistema ko pero ang lalaki, parang wala lang ata sa kanya ang aming pagkikita. Hindi man lang mababakasan ng pagkamangha o galak sa ekspresiyon ng kanyang mukha. “Uncle Matt, I missed you!” Nangunyapit si Darren sa leeg ni Matt. Matt laughed genuinely laughed as he patted my son’s back. “I missed you too, kiddo.” “You do?” “You have no idea.” He chuckled once again when Darren kissed him on the cheek. Umiwas ako ng tingin. Pinulot ko sa sahig ang cellphone nitong nahulog dahil sa pagtalon ni Darren sa lalaki. “Thanks.” Kinuha niya iyon ibinulsa sa kanyang pantalon. “Darren, anak, bumaba ka na. Nabibigatan na si uncle Matt mo sa’yo.” Si Bomi na hindi ko pansing nakatayo na pala sa aking gilid. “Hi, Bomi. Kumusta?” Bati ni Matt. “I’m good, Sir Matt. Thank you for asking. Okay naman ako. Ito, ginala ang mag-ina at parehong may namimiss.” She smiled sheepishly and I wanted to roll my eyes at her. Matt cleared his throat. Thankfully, bumaba na si Darren pero nakahawak pa rin sa kamay ng lalaki. Ayaw talaga paawat ng batang ‘to. “Ano pala ginagawa mo dito, Sir Matt? May bibilhin ka ba?” “Oh.” Kumunot ang kanyang noo kasabay ng pag-lingon sa entrance ng bookshop. “Actually, may hinihintay ako—” “Matteo! Nakaalis na mga kaibigan ko—” Ang ngiti sa mga labi ni Ahreum ay unti-unting nawala nang makita niya kung sino-sino ang mga taong nakapaligid kay Matteo. “Mommy—” She stuttered. “What are you all doing here?” Kaming lahat ay napatda. That moment, pakiramdam ko’y pinagsakluban ako ng langit at lupa. Biglang nagdilim ang aking paningin. Malalakas na bisig ni Matt ang humawak sa aking magkabilang braso. “Porsche. Porsche.” I blinked a couple of times and when I finally managed to catch my breath, nanlilisik na mga mata ang binigay ko sa kanya. “You’re an asshole.” I choked. And even though my knees were starting to become weak, lumayo ako sa kanila at tinahak ang exit ng mall. I needed space. I needed to be alone. I needed everyone to be gone. I felt like there were strong hands gripping my neck so tight it made me breathless. But at the same time, I wanted to throw up. My stomach was in deep turmoil. Suddenly, Matt grabbed me by the waist and hugged me so tight. “It’s not what you think, Porsche. It’s not what you think.” I kept pushing him and would sometimes hit him on the chest. “You, bastard! How dare you!” “Porsche, babe.” He pushed me against the wall. Kahit anong tulak ko ay hindi ito natitinag. Perhaps, I was too weak against him. I was powerless and there was nothing I couldn’t do about it. “Saktan mo ako sa ibang bagay, Matt. Pero hindi ito. Please, hindi ito. Hindi ko kakayanin.” I cried, getting tired from fighting to be freed from him. Matt cupped my nape and buried my head against his chest. My arms hang limply on my sides. “Baby, please calm down.” Umiiling lang ako at patuloy na umiiyak sa kanyang dibdib. I didn’t know what to think anymore. “It’s not what you think, cupcake. God, It’s not what you think, baby.” “What do you want me to think, Matt!” I yelled. Matt held both my cheeks and tilted my head up. My hurtful eyes met his tormented eyes. “Me. Only think of me, Porsche. Because all I can f*****g think of is you. Only you, baby.” Matt dipped his head down to give me feverish kisses. And all I could do was to answer his kisses as I felt myself melted against him. AUTHOR'S NOTE: LAWRENCE, THE HOTELIER WILL BE PUBLISHED UNDER POP FICTION. WILL SOON BE AVAILABLE AT SUMMIT BOOKS ON LAZADA, SHOPEE AND IN BOOKSTORES NATIONWIDE. MARAMING SALAMAT PO!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD