PROLOGUE
"s**t! s**t! s**t!"
Kanina pa ako natataranta. Male-late na kami! Kung bakit naman kasi nagkaproblema pa ang sasakyan na ginamit ni Zuri sa pagdeliver ng cake sa isa naming client kaninang tanghali. Hindi tuloy ito nakabalik agad kaya mag-isa ko lang inasikaso ang paggawa ng order na chocolate cupcake.
"Porsche! Nakagayak ka na ba?!" Hiyaw ni Zuri mula sa unang palapag ng bahay namin.
I rolled my eyes as I was trying to zip up my new black dress. "Umakyat ka kaya dito!" Sigaw ko pabalik. Agad kong narinig ang mga naglalakihang yabag nito.
"Jusko naman, anong petsa na!" Maarte nitong sabi nang makapasok sa aking kwarto. Pumwesto ito sa aking likod at tinulungan akong isarado ang zipper ng aking dress.
"Ipag-pray mong hindi traffic para makaabot tayo sa hotel bago mag-umpisa ang party."
"Kanina pa ako nagdadasal, neng. Kasalanan talaga ito ng bulok mong sasakyan. Palitan mo na kasi."
I scrunched up my face. "Sure. Pengeng budget."
"Yun lang. Kahit ibenta ko pa ang lahat ng lamang loob ko mukhang di pa rin sasapat." Hinila ako nito at pinaupo sa harap ng aking tokador. Zuri was fixing my hair as I was putting my make-up.
"Ang mga cupcake?" Tanong ko habang naglalagay ng lipstick.
"Nasa sasakyan na." Kita ko ang paggulong ng kanyang mga mata mula sa salamin. "At alam ko na ang sunod mong sasabihin. Oo, maayos ang pagkaka-pack ko kaya tiyak akong hindi iyon masisira."
Kabado ako. Sa ilang taon ko sa negosyo ng pastries, ito ang unang beses na malaking kliyente ang kumuha sa amin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagustuhan ng mag-asawang Salvatore ang sample ng chocolate cupcake na gawa ko. Salamat sa kaibigan kong si Bomi, naisama kami sa listahan at nabigyan ng ganitong opurtunidad.
"Alam mo...."
Nag-angat ako ng tingin kay Zuri. Saglit na nagtama ang mata namin sa salamin. "Kung mag-asawa ka kaya ulit—"
"Shut up." Putol ko sa kanyang sasabihin.
"You're still young, Porsche. You're only thirty-five—"
"Thirty-six." I corrected him.
"Whatever. You're so damn pretty, sexy and hot as f**k!"
"Alam mo..." Nagtitimpi akong murahin ito. We've been friends from God-knows-when at alam nitong ayaw na ayaw kong pag-usapan ang ganitong bagay. "Male-late na tayo. Wag mo nang gandahan ang pagkakaayos sa buhok ko."
He made a tsk sound. Ang nakakainis kay Zuri, hindi ito takot sa akin at hindi rin ito takot na masaktan ako sa mga salitang binibitawan niya. He's just too frank and that's probably why I like him as a person. Pareho sila ni Bomi. They don't sugarcoat. They speak up what's on their minds. Silang dalawa ang naging sandalan ko nung minsang sinubok ako ng kapalaran.
Sandali ko pang sinuri ang aking sarili sa harap ng salamin. Pinasadahan ng aking daliri ang damit at natigil ako nang tumama ang mata ko sa singsing na aking suot. Limang taon na rin pala ang nakalipas. Pero sa akin, parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Maluwag na sa daliri ko ang singsing dahil bumagsak ang katawan ko buhat nung mamatay si Ben. Mabigat man sa aking loob, inalis ko yon sa aking daliri at maingat na nilagay sa aking jewelry box.
I sighed as I reached my cheap perfume. Nag-spray ako sa likod ng aking tainga at palapulsuhan. Pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Zuri. Ako, mag-aasawa ulit? Napapailing na lamang ako. Kinikilabutan ako sa tuwing nasasagi ang ideyang iyan sa aking isipan. Hindi ako naghahanap ng panibagong pag-ibig dahil tiyak akong hindi na ako iibig pa.
Pero mas tiyak akong walang lalakeng iibig sa isang balong katulad ko.
Bago ako bumaba ng hagdan, dumaan muna ako sa katabing silid. I opened the door and found my two kids sleeping soundly in their beds.
Lumapit ako sa aking panganay at banayad na tinapik ang kanyang pisngi. "Darling..." Pukaw ko sa kanya.
"Mom?" Ungol nito na may kalakip n ainis sa boses. Gusto kong matawa. Nagpuyat na naman tiyak ito kaya siguro maghapong tulog.
"Nakapagluto na ako ng hapunan. Initin mo na lang."
She moved and buried her face against the pillow. "K."
"Mag-aalas singko na ng hapon. Wala kang balak bumangon diyan?"
"Inaantok pa ako."
"Si Darren paliguan mo bago kayo maghapunan ha."
Nagkamot ito sa kanyang ulo. "Alam ko, mommy."
"Alis na ako. Gagabihin ako ng uwi. Alagaan mo yang kapatid mo ha. Tawagan mo ako kung may kailangan ka."
"Uhm." Ungol lamang ang isinagot ng aking kinse anyos na babaeng anak. Napapailing akong yumuko para halikan ito sa ibabaw ng kanyang ulo. Umikot ako patungo sa kabilanhg panig ng kama.
Nangingiti akong inayos ang kumot ng aking otso anyos na bunso. Nakataas kasi ang kanyang t-shirt at kita ang matambok nitong tiyan. Hinalikan ko ang kanyang noo. Napagod ito sa paglalaro sa labas ng bahay habang busy naman ako sa pagbe-bake ng orders. Sa gabi ay sa sarili niya itong silid natutulog. Pero kapag weekends, sa silid ng kanyang ate ito natutulog kapag tanghali.
Bago ko binuksan ang pintuan para lumabas, tinawag ako ni Ahreum.
"Mom?"
"Hmm?"
Bahagyang inangat nito ang ulo para tignan ako. May ngiti sa kanyang labi. "I love you."
My heart melted. "I love you more."
"You look pretty by the way." Pinasadahan nito ang aking kabuoan.
Natawa ako. Bihira lang kasi ako makarinig ng compliments galing sa kanya. "Thank you, nak. Pero wag kang mag-alala, mas maganda ka pa rin sa akin."
"Hmmp. Wag kang magboyfriend ha."
I rolled my eyes. Here we go again. "Sa tanda kong 'to magbo-boyfriend pa ako? Wala na nga akong time sa inyong dalawa ni Darren, magdadagdag pa ako ng isa pang iintindihin? Wag na 'oy."
"Si Daddy lang Mommy ha. Mahal na mahal ka nun. Wala ka nang mahahanap na kagaya ni Dad."
Malungkot akong ngumiti. "Of course, anak. Sige na at rinig ko na ang talak ng tito Zuri mo sa baba. Sinara ko na ang bakeshop. Siguraduhin mong nakasara ang mga bintana at pintuan dito sa taas. See you later, nak."
"Hmm. Take care." The reply I heard before I closed the bedroom door.
"Namuti na mata ko." Bungad agad na reklamo ni Zuri nang makaupo ako sa passenger seat ng van.
"Sorry naman, ina kasi ang kaibigan mo." Irap ko sa kanya.
"Friday the thirteenth ngayon." Pinaandar na nito ang sasakyan.
Nilingon ko si Zuri na may kunot sa noo. "And? Malas na araw ba ito para sa atin?"
"Naku, hindi. Iba ang nava-vibes ko."
"Ano pa ng aba ang bago, Zuri? Tuwing may okasyon tayong pinupuntahan, lagi kang nakakahanap ng ka-one night stand." Umiling akong nilingon ang labas ng bintana.
"Ang vibes na nasasagap ko ay hindi para sa akin, Porsche girl." His teasing voice did not escape my ears. Nagpatay-malisya ako.
"Hindi mo itatanong kung ano ang nava-vibes ko?"
"I'm not interested, Zuri. Pwede ba, magfocus ka nalang sa pagmamaneho." Maldita kong tugon.
"Don't be a killjoy, Porsche. Tanungin mo ako, dali!"
"Lakompake."
"Bilis na kasi! Babagalan ko 'tong pagda-drive, sige."
"Gagang 'to. Takutin pa ba ako. Edi lagot ka kay Bomi. Kanina pa yun tawag ng tawag di ko lang sinasagot." Si Bomi ang isa sa mga event organizers ng party na dadaluhan namin. Dahil din sa kanya kaya nabigyan kami ng ganitong uportunidad.
"Tanungin mo kasi ako kung ano ang nava-vibes ko!" Singhal pa nito sa akin.
Nangggigil akong nilingon ito. "Kung di lang talaga naninigas yang buhok mo dahil sa gel, kanina pa kita malamang sinabunutan! Sige, anong nava-vibes mo!" I finally gave up.
He laughed out loud. "Oy, interesado siya. Alam mo namang kalahi ako ni Madame Auring, di ba?"
Pinilantik ko lang ang aking kilay. He wasn't bluffing though. May mga pagkakataon na tumatama ang kanyang pagiging Madame Auring. Bomi and I used to tease him and call him foreteller dahil madalas sa hindi ay tumatama ang kanyang mga pinagsasabi. His intuitions were almost accurate.
"Ewan ko sa'yo." I replied as I sat back.
"Sige na sasabihin ko na."
Pinahinga ko ang aking ulo at pumikit. Ang totoo'y naghihintay ako sa kanyang sasabihin.
"Bago matapos ang gabing 'to, you'll be satisfied."
I c****d my eyebrow, eyes still closing. "Kindly elaborate."
"I don't know. Pero nakikita ko ang kakaibang aura mo. Yung glow mo as if you were..." He trailed off.
I snapped my eyes open. "As If I were...gaga, wag mo akong bitinin."
"As if you were.... hmmm...how will I say it. Basta ang alam ko you will meet someone tonight and he'll satisfy you. Ang glow na nakikita ko sa mukha mo, it's like an after-s*x glow. It was as if you were thoroughly f****d, girl."
Sandali akong natameme bago ko ito binigyan ng suntok sa kanyang braso. I hollered so loud the people on the streets could hear it. Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway. Maiyak-iyak ako sa kakatawa.
Yapos ang sarili kong tiyan, binara ko ito. "Oh Zuri! Your prediction is going to fail this time and I'll make sure you're going to fail miserably!"
He smirked. "We'll see about that."
Humagikhik akong umiiling habang binalik ang atensiyon sa labas ng bintana.
Binalewala ko ang kanyang sinabi. I never had s*x for five years now. Nakalimutan ko na ang pakiramdam na para bang may pumipintig sa aking puson. Yung pakiramdam na pinapanuyuan ang aking lalamunan. Ang pakiramdam na maabot ang sukdulan. I mean, I can reach my climax on my own at aware naman ako na iba pa rin kapag may kaniig ka sa kama.
Pero ang isiping ipapaubaya ko ang aking sarili sa ibang lalake maliban sa aking asawa? Na may ibang hahalik at aangkin sa akin? Hindi ko iyon magagawa kahit ba matagal na itong namaalam sa mundo.
Five years ago, when my husband died, kasabay din nitong namatay ang puso ko.
********
"s**t, we're late." Bulalas ko nang makapasok sa banquet hall ng The Queensland Hotel.
"No, you're just on time." Singit ni Bomi na sumalubong sa amin. May kasama itong dalawang staff ng kitchen at tinulungan kami sa mga dala naming kahon ng cupcake.
"Sure ka?"
She nodded. Nilingon nito ang staffs. 'Paki-ayos na lang ang mga yan sa pastries section."
"Yes, Ma'am."
Hinila kami ni Bom sa kamay. Kasalukuyang may nagsasalita sa harap. "That's Senyor Arturo Salvatore." She said, tila nabasa niya ang nasa aking isipan. After his speech, saka pa lang mag-uumpisa ang kainan kaya tamang-tama lang ang dating ninyo."
Tumigil kami sa mesa sa bandang likuran. Palagay ko'y inilaan niya iyon para sa amin ni Zuri. Hindi dapat kami narito dahil hindi kami employee ng kompanya pero naisingit pa rin ni Bomi ang mga pangalan namin ni Zuri sa guest list.
"Sino yung dalawang lalakeng nakaupo sa kanan?" Tanong ni Zuri pagkaupong-pagkaupo namin.
"Sino?" Sinundan namin ng tingin ang kanyang tinitignan.
Bomi snorted. "Hindi 'nyo kilala si Romano Salvatore?"
"Oh... yung singer. Hindi ko na siya namukhaan. Ilang taon na rin buhat nang mag-retire siya sa mundo ng showbiz."
"At matagal na rin siyang kasal. May dalawang anak na nga at buntis sa pangatlo ang asawa."
Tumango ako. "Asawa niya tiyak ang katabi."
"Yung isa naman sino? Pasensiya na kung matanong ako dahil hindi naman ako updated sa mga buhay ng mga mayayaman sa lipunan. Maliban na lang kung may ambag sila sa buhay natin." Depensa ni Zuri.
"Me too." I was busy running my small business kaya ang makichismis pa sa buhay ng buhay ay hindi ko na magawa. Heck, I did not even know when the last time I watched TV.
"That's the eldest son, Sir Alejandro Salvatore, and he just got married this year. His wife is sitting beside him, obviously. Kakapanganak lang din nito about two months ago, ang pagkakaalam ko ha. Nagustuhan ni Ma'am Bea ang cupcake na gawa mo, beshywaps." Baling sa akin ni Bomi.
Nahihiyang ngumiti ako. "Sana makadaupang-palad ko ito at makapagpasalamat ng personal."
"Hmm... if there's a chance, why not. Pero tingin ko'y malabo. Lalo na't napaka-overprotective ni Sir Alejandro. Hindi yan naalis sa tabi ng asawa."
"Then, can I send a letter nalang or gift? Maybe a box of assorted cupcakes? Or cake perhaps."
"Shoot."
"Holy fuck." Bulalas ni Zuri. "The brothers are insanely hot. Please, sister of mine, tell me one of their cousins, if there is, prefers c**k over p***y. I need to get laid tonight after the hell Porsche put me through today."
Humagikhik kaming pareho ni Bomi. "Marami silang pinsan sa mother's side. Pero puros barako, sis. I don't think papatol sila sa kapwa lalake. I'm sorry."
"Well." He squared his shoulders. "One of the waiters just winked at me while we were arriving. I'll settle for that."
"You slut. Keep it in your pants at least while the first family are still here. Mamaya ka na magkalat kapag nagsialis na mga yan. Hindi yan sila magtatagal." Pabulong na sambit ng kakambal.
"Maraming hombre dito. Ihanap natin si Porsche. Hindi pwedeng hindi mangyari ang nava-vibes ko." Sinabi ni Zuri sa kanyang kakambal ang nava-vibes niya kuno sa akin.
"Goodluck to that." Ang tanging reaksyon ni Bomi. She knew hindi ako pumapatol sa kung sino man. She knew me too well.
Nag-umpisa na ang kainan. Pero taliwas sa sinabi ni Bomi, nanatali ang unang pamilya at nakihalubilo sa kanilang empleyado at ibang kakilala. Pansin ko ang panay na bulungan ng mag-amang Arturo at Alejandro. Panay ang sulyap sa kanyang relo ang huli at bakas ang inis sa kanyang mestizong mukha.
Ma'am Bea touched her husband's face and his expressions instantly softened. May binulong ito sa asawa na ikanatawa ng huli. They're flirting in front of everyone. Napailing ako. Hindi dahil nakakainis silang tignan kundi may naramdaman akong inggit.
Watching the couple who were insanely loved each other made me feel so single and alone—and I never felt so alone all my whole life.
"Here, drink." Inabot sa akin ni Zuri ang champagne glass. Kanina, namataan ko itong nilalandi ang waiter.
Umiling ako. "Parang hindi mo ako kilala, Zuri. Alam mong madali akong tamaan ng alak."
"So? Nandito kami ni Bomi. You're safe with us."
"Safe with you? E, isang oras pa lang tayo dito nakikipaglandian ka na?"
"Selos yern?"
"Tse."
"C'mon, Porsche. Just a glass or two. This is champagne, hindi ka malalasing dito."
Dahil kanina pa ako nakaramdam ng uhaw, kinuha ko sa kanyang kamay ang kopeta. Ininom ko iyon ng dahan-dahan.
"Good girl." He said while looking at me.
"I trust you." I glared at him.
"I will give my life to you, you know that." He winked. Even though he was teasing me, I knew he meant it. Magkababata kaming tatlo ni Bomi at hindi ko na mabilang sa aking mga daliri ang mga pagkakataong sinalba ako ng magkapatid—literally and figuratively.
Nagustuhan ko ang lasa ng champagne at dahil diyan kumuha pa ako ng isa mula sa dumaang waiter. Hindi ako nakaramdam ng hilo kaya tingin ko'y hindi nga ganun katapang ang siniserve nilang drinks.
Natutuwa akong tignan ang pastries section sa mahabang buffet na iyon. Mauubos na kasi ang cupcakes na gawa ko. Mukhang nagugustuhan ng mga bisita at empleyado ang lasa nito. Dapat lang dahil sobrang paghahanda ang ginawa ko para maperpekto ang minana ko pang recipe mula sa aking ina.
Nang puma-ere ang upbeat song, hinila ako ni Zuri patungo sa gitna ng dancefloor. Ang harot talaga ng lalakeng ito.
"Why are you dragging me?!"
"Because I want us to dance. Duh?"
"Nakakahiya."
He rolled his eyes deliberately. "C'mon, let's show these bunch of rich kids how to shake booties!"
"We're not even invited here." Pabulong kong kastigo kay Zuri. We were supposed to just deliver the cupcakes and head home, but Bomi pulled some strings hence, we're here.
"Sus, sa dami ng empleyado, mapapansin pa ba nila kung sino-sino ang nandito?" Nagtatalon-talon ito nang magbago ang tugtog. "f**k! This is my vibe! 'Roses' from Chainsmokers!" Hiyaw pa nito. Napapailing na lang ako sa kanya. Gayunpaman, napapaindayog ako sa tempo. Dahil sa alak, tuluyang nawala ng kahihiyang natira sa aking sarili. Dahil siguro sa buong araw na stress, I let my guards down and let the feelings of being...free consume me.
I began to move as the song bumping through the speakers. The twins danced with me, and we laughed together trying to out dance the other.
Lumapit si Bomi sa aking tainga at bumulong. "Did I say you look so f*****g hot tonight, girlfriend?"
Kinurot ko ito sa tagiliran. "You say that all the time. And look who's talking?" Pinadausdos ko ang aking palad mula sa kanyang likod patungo sa kanyang malapad na balakang.
"Trust me, you look ravishing. Feeling ko magkakatotoo ang sinabi ni Zuri."
"I highly doubt it." I smirked.
Nagpatuloy kami sa pagsayaw. Dahil sa alak, parang may sariling isipan ang aking katawan. My hands were everywhere. I brushed them over my stomach, to my chest and up to my neck as I closed my eyes allowing the music to take over my soul.
Then I felt something. A feeling as if someone was watching me. Binuka ko ang aking mata at tumingin sa paligid. There's nothing unusual but why does the hair on my skin stand up?
"What's wrong?" Si Zuri nang mapansing tumigil ako.
"Wala. Bathroom lang ako." I excused. Lasing na siguro ako dahil kung ano-ano na lang ang nararamdaman ko.
"Samahan kita." Hinawakan ni Bomi ang aking braso.
Inalis ko iyon. "What am I? A kid? I'm fine, Bomi."
"Are you sure?"
"Sure na sure." Iritado kong tugon. Minsan, nakakainis ang pagiging protective nila. Pakiramdam ko tuloy ang weak kong tao. I'm thirty-six years old, for Christ's sake!
Umalis ako sa dagat ng mga tao at imbes na tahakin ang daan patungo sa bathroom, umakyat ako sa grand staircase. Gusto kong magtungo sa veranda at magpahangin. I need air. It's too crowded downstairs.
Suminghap ako ng malalim nang makarating sa veranda. Tinukod ko ang mga braso sa baluster. Tumingala ako at pinikit ang mga mata. It's so refreshing here.
Someone cleared a throat and I jumped in fear. Dahil sa hilong nararamdaman, nawalan ako ng balanse. A pair of strong hands wrapped around my tiny waist from behind and I froze, feeling hot breath in my hair.
"Stay still, cupcake." His baritone voice sent a chill up my spine and goosebumps crawled on my skin. Hindi ako makagalaw. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. He turned me around to face him.
When his intense gaze met mine, I got lost in his eyes.
"You smell so sweet."
Bumaba ang mukha nito sa aking leeg. Nanginig ako. I felt something hot touch my skin. What was that?
"You taste so f*****g sweet. I bet every part of your body tastes like this." He inhaled sharply. Did he just lick my neck?
"What.... what are you doing?" I felt so weak I couldn't find strength to push him. His presence alone was crowding me.
"You were great at dancing, too. I couldn't get my eyes off you." His tone. There was something sultry and sexy with the tone he's using. It was low and sweet I could almost taste it.
His breath smelled like liquor and mint combined. It was intoxicating. It made me feel hot inside out.
"How about I get a taste of you, cupcake?"
*********
"Porscheska! Where have you been?" Pasinghal na salubong sa akin ni Bomi. "Kanina ka pa namin hinahanap. Akala ko'y napaano ka na." I couldn't respond. My legs were still shaking.
"Holy f**k, Porsche." Hinila ni Zuri ang aking braso. "Please tell me you did what I think you did?"
Umiling lang ako. Hindi ko mahanap ang aking dila. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko iyon.
"I'm sorry for interrupting the fun, everyone." Senyor Arturo's voice filled the speakers. Humina ang tugtog at unti-unting bumukas ang mga ilaw. Nagliwanag ang malawak na bulwagan.
"Bukod sa anibersaryo ng Salvatore Group of Companies kaya tayo nagtitipon-tipon ngayong gabi, gusto ko sanang kuhanin ang pagkakataong ito para ipakilala sa inyo ang isa ko pang anak. Ladies and gentlemen, please welcome my other son, Matteo Sigrid Salvatore."
Sinundan ko ng tingin ang direksiyon na tinatanaw ni Senyor Arturo. Halos mawalan ng dugo ang buo kong mukha nang mamataan ko kung sino ang lalakeng naglalakad patungo sa gitna para samahan ang pamilyang masayang hinihintay ang pagdating nito.
My pulse was hammering in my throat as I felt all my blood in my face going down.
Did I just f**k with one of the hottest men on earth, Matteo Salvatore?