DYLAN went to visit Mikael in his office. Nang makarating siya sa palapag na kung saan ay naroon ang opisina ni Mikael nakita niya roon ang sekretarya nito. Nagtama ang mata nilang dalawa. They both nodded to each other and Leigh, Mikael's secretary, gestured her hand to Mikael's office.
Dylan nodded and knocked on Mikael's office.
"Come in." He heard Mikael's serious voice. Napailing na lang si Dylan dahil kahit kailangan talaga ay napakaseryoso ng kaibigan niyang 'to.
Itinulak niya ang pinto pabukas saka pumasok.
"Huh? Dylan?" Nagtatakang saad ni Mikael. Wala naman siyang maalalang pag-uusapan nila. "What brought you here?" He asked.
Inilapag ni Dylan ang hawak na paper bag sa lamesa ni Mikael saka siya umupo sa may visitor's chair kahit hindi pa siya pinapaupo ng kaibigan.
Tumaas ang kilay ni Mikael. "Ano 'yan?"
"Kape." Sagot ni Dylan. "I bought it for you. Mainit pa."
Mas lalo pang nagtaka si Mikael. "Anong masamang hangin ang pumasok sa 'yo at binilhan mo ako ng kape? Dylan, alam natin na kuripot tayong magkakaibigan lalo na ang kapatid mo."
Yeah, ayaw nilang malamangan kaya naging kuripot silang magkakaibigan. Ang mga babae lang yata na kaibigan at kapatid nila ang talagang galante pagdating sa pera.
"Gusto lang kitang kausapin."
"Kung kalokohan lumayas ka na lang wala akong oras." Ani Mikael sa walang emosyon na boses.
"Seryoso ako." Ani Dylan.
Itinigil ni Mikael kaagad ang ginagawa saka hinarap ang kaibigan. He knew Dylan. Hindi siya nito sasadyain sa opisina niya kapag wala itong sasabihing importante.
“Anong pag-uusapan natin?” tanong ni Mikael. Pinagsiklop niya ang kamay sa ibabaw ng kaniyang lamesa.
Tumikhim si Dylan.
“Bago ko sabihin ang sadya ko. May ibibigay muna ako.” Kinuha niya mula sa attache case na dala niya ang isang folder at inilapag sa ibabaw ng lamesa ni Mikael. “This is the last time na magbibigay ako sa 'yo ng impormasyon na kailangan mo."
Nagtaka si Mikael. “What do you mean?”
Dylan sighed. “I’m sorry, Mikael. But I can’t give you any more information. I was already part of an organization that deals with bad people. The Chief instructed me that I have to stop you from investigating and let them deal with the Mafia.”
Mikael looked directly into Dylan’s eyes. “What organization?” he asked.
“I’m sorry, but I couldn’t tell you.” Dylan apologized. “Mikael, I’m not going to stop, but I am here to persuade you to stop investigating the Mafia. Isang malaking sindikato ang Mafia at hindi sila basta-basta mapapabagsak. Marami silang koneksiyon sa mga matataas na tao ng gobyerno dito sa bansa natin at sa ibang bansa.”
Malalim na napabuntong hininga si Mikael. “Kilala mo ako, Dylan. Kung ano ang gusto kong gagawin, ginagawa ko.”
“Pero mapapahamak ka sa gagawin mo.” Seryosong saad ni Dylan. “Let us do the fight.”
Mikael stared at Dylan for a moment before he nodded his head. “I’ll stop investigating them, but I won’t if they don’t touch the Salazar Empire.”
Dylan sighed in defeat. Wala na talagang pag-asa na mabago niya ang isip ng kaibigan niya. “Okay.” Aniya. Tumayo na siya. “I have to go. May trabaho pa ako na kailangan kong tapusin.”
Tumango si Mikael. “See yourself out.”
Natawa naman si Dylan at napailing na lang. “I know.”
Umalis na si Dylan habang si Mikael naman ay napasandal sa kinauupuang swivel chair. He felt in his deep thoughts that he didn’t even notice Leigh entering his office.
“Sir?”
Pumitik si Leigh sa harapan mismo ng mukha ni Mikael nang makita niyang hindi siya nito pinapansin. Gumana naman dahil napakurap ang boss niya saka ito tumingin sa kaniya.
“Okay ka lang?” tanong ni Leigh sa binata.
“Leigh?”
Leigh sighed. Sinalat niya ang nuo ni Mikael. “Wala ka namang sakit.”
“Wala akong sakit. May iniisip lang ako.” Walang ganang sabi ni Mikael. “What’s that?” tanong niya nang makita ang hawak ni Leigh na folders.
“Kailangan mo itong pirmahan, sir. Kailangan na ‘yan mamayang hapon.”
Tumango si Mikael.
Inilapag naman ni Leigh ang folder sa lamesa ni Mikael. “Babalikan ko mamaya. And,” tinignan niya ang hawak na tablet, “may appointment ka mamaya kay Mr. Wayne Agustin. Exactly at five pm.”
Kaagad namang naalala ni Mikael ang usapan nilang dalawa ni Wayne. Kahit naman minsan nakakainis ang kaibigan niyang ‘yon isa naman itong totoong kaibigan na lagi mong maasahan. He nodded his head to Leigh. “Tell him to book a restaurant.”
“Ahmm, Sir, nakapag-book na raw po si Mr. Agustin ng restaurant.”
“Okay. Thank you for reminding me, Leigh.”
Leigh just smiled and left her boss’ office.
WHEN afternoon came, Mikael went to the restaurant. Hindi na niya isinama si Leigh dahil personal namang lakad ang pinuntahan niya. At baka may kalokohan na namang sasabihin si Wayne at marinig pa ito ni Leigh. Mahilig pa namang mang-asar ang kaibigan niyang ‘yon.
Pagpasok niya sa restaurant, kaagad niyang nakita ang kaibigan. Kinawayan siya nito.
Mikael walked towards Wayne.
“Anong sasabihin mo?” tanong ni Mikael sa kaibigan dahil halatang seryoso ang pag-uusapan nila.
Wayne pushed the coffee towards Mikael. “I’m going to Italy.”
Napatigil si Mikael sa pagkuha ng kape saka napatingin kay Wayne. “What did you say?”
“I’m going to Italy.” Pag-ulit ni Wayne sa sinabi nito.
“For Everly?”
Tumango si Wayne.
Everly was now in Italy and was training herself to take over the Bernardi Royal Real Estate someday.
Mikael sighed. “Wayne, you’re my friend, but Everly is my sister. Alam mong may tiwala ako sa ‘yo. But still, Everly is a woman, and you’re a man.’
Wayne smiled. “I would never disrespect your sister. I will respect her and I won’t do anything that will cross the line.”
Sandaling tinignan ni Mikael ang kaibigan bago siya dahan-dahang tumango. “Okay. Does my father know?”
Umiling si Wayne.
Muling napabuntong hininga si Mikael. “You’re really pissing me off.”
Ngumiti si Wayne. “Come on, Mikael. Help me on this one.”
Napailing na lang si Mikael saka kinuha ang kape at humigop. “I only want one thing, Wayne Agustin. Don’t you dare deflower my sister.”
Lumaki ang mata Wayne. “What the hell are you saying? Your sister doesn’t even like me.”
Tumaas lang ang kilay ni Mikael saka humigop ng kape. “Really? Coffee? Namumulubi ka na yata ngayon.”
Wayne rolled her eyes. “Nagtitipid lang ako. At isa pa hindi ka naman umiinom ng alak sa labas. Kaya nga dinadayo ka namin.”
Mikael clicked his tongue and finished his coffee.
“Order some food.”
Tumaas ang kilay ni Wayne. “For you or for your Leigh?”
Sinamaan ng tingin si Mikael si Wayne. “I have money to buy food for Leigh. I mean order food for me. I’m tired, and I think I don’t have any strength anymore to cook when I get home.”
Nagkibit ng balikat si Wayne saka nag-order ng pagkain para kay Mikael. Habang si Mikael naman ay nag-order ng pagkain para kay Leigh. Pina-take out na nila ang mga pagkain na in-order nila.
Lumabas silang dalawa ng restaurant, sumakay sa sariling kotse saka umuwi na. Habang nasa daan si Mikael biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Napabuntong hininga na lamang ang binata.
Isang oras ang napalipas niya bago siya nakarating sa kaniyang apartment dahil nagkaroon ng trapik sa daan.
Bago siya pumasok sa kaniyang apartment, binalak niyang i-check si Leigh. Tignan niya kung nakauwi na ito. He knocked on her door but no one answered. Tinignan niya ang oras sa suot na relo at nakitang pasado alas syete na ng gabi.
“Baka tulog na siya.” Sambit ni Mikael sa sarili dahil minsan maagang natutulog ang dalaga lalo na kung pagod ito sa trabaho. Na minsan naman niyang kinaiinisan na ugali ni Leigh dahil hindi na ito kumakain ng dinner dahil sa aga ng pagtulog nito.
He looked at the paper bag he was holding. He blew a loud breath. Hindi na bale. I-reheat na lang ito bukas.
Mikael just texted Leigh ‘good night’ and he entered his flat. Inalagay niya sa ref ang binili niyang pagkain upang hindi masira. Then he went to his room, took a shower, and lay down on the bed, naked.
Kaagad na nakatulog si Mikael dahil sa pagod sa trabaho. Hindi na nga siya kumain ng hapunan dahil gusto na lamang niyang magpahinga. Paggising niya kinaumagahan, bumalik na ang sigla ng katawan niya kaya naman si Leigh agad ang una niyang pinuntahan pagkagising niya.
He knocked on her door but no one answered. Kumunot ang nuo ni Mikael at nagtaka. Instead of waiting for Leigh to open the door for him. Kinuha niya ang duplicate key ng flat ni Leigh na binigay nito sa kaniya noon. Nakaramdam siya ng pag-aalala para sa dalaga.
“Leigh?” tawag niya sa dalaga ng makapasok siya sa loob ng apartment nito.
Tinignan niya ang dalaga sa kusina pero wala ito doon. “Leigh?”
Napatingin siya sa pinto ng kwarto ng dalaga. Wala siyang choice kundi ang kumatok sa pinto ng kwarto nito.
“Leigh?”
But still, no one answered.
Mabilis na pinihit ni Mikael ang doorknob at pumasok sa loob ng kwarto ni Leigh.
“Leigh?” Nag-aalala niyang nilapitan ang dalaga ng makita niya ang hitsura nito. Nakakumot ito at halatang may iniindang sakit.
“May masakit ba sa ‘yo?”
Sandaling nagmulat ng mata si Leigh saka rin lang agad ito pumikit.
“Leigh?” Sinalat ni Mikael ang nuo at leeg ni Leigh. “May lagnat ka.”
Sobrang init ng katawan ni Leigh.
“A-ang lamig…” Sambit ni Leigh pero pinagpapawisan naman ito.
Walang inaksayang oras si Mikael. Kumuha siya ng damit ni Leigh sa closet nito. Then he stilled, he looked at Leigh’s clothes in his hands, then he looked at Leigh. He sighed and blindfolded himself before he carefully took off the blanket from Leigh. Dahan-dahan ang bawat galaw ni Mikael sa pagpapalit ng damit ni Leigh. When he was sure that Leigh’s body was covered, he removed his blindfold.
Muli niyang kinumutan ang dalaga saka siya lumabas ng kwarto nito. He went to the kitchen and prepared some food for Leigh. Gumawa siya sa sopas. Then he prepared a medicine for fever and a glass of water. Bumalik siya sa loob ng kwarto ni Leigh.
Ginising niya si Leigh at pinakain ito ng sopas pero nakadalawang subo pa lamang ito, umayaw na ito. Kaya naman pinainom na niya ito ng gamot.
Natigilan bigla si Mikael nang hawakan ni Leigh ang kamay niya. “Huwag kang umalis…”
Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ni Mikael. “I won’t leave.” Aniya.
Then Mikael kissed Leigh’s forehead.