CHAPTER 16

1830 Words
LEIGH woke up in the afternoon feeling better. Nagtaka siya nang maramdaman niyang may nakalagay na bimpo sa kaniyang nuo. Nagawi ang tingin niya sa bedside table at nakita niyang may pitcher doon na may lamang tubig. Sinalat niya ang sariling nuo at leeg, wala na siyang lagnat. Hindi kagaya kagabi pagdating niya ay sobrang taas ng lagnat niya. Napahawak siya sa kaniyang nuo dahil may gustong alalahanin ang kaniyang isip pero wala siyang maalala. “Pumunta ba dito si Mikael?” tanong niya. Kapagkuwan tinignan niya ang kaniyang sarili at nakita niyang iba na ang suot niyang damit. Natigilan siya bigla. Alam niyang hindi ito ang suot niyang damit kagabi. Nagpalit siya ng damit bago siya natulog. “Sinong nagpalit sa akin?” Nagtatakang tanong niya sa kaniyang sarili. “Si Mikael ba?” Lumaki ang mata ni Leigh nang may marealized siya. “Did he…” Hindi pa man natatapos ni Leigh ang tanong niya sa mismong sarili nang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok si Mikael na basa pa ang buhok. Mukhang katatapos lamang nitong naligo. Mikael’s face was relieved to see Leigh being awake. “Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?” Kaagad niyang nilapitan ang dalaga saka sinalat ang nuo nito at leeg. Nakahinga siya ng maluwang nang maramdaman niyang wala na ang lagnat ni Leigh. Natigilan bigla si Mikael nang makita niyang nakatingin lang sa kaniya si Leigh. “Bakit?” “Ikaw ba ang nagpalit sa akin?” tanong ni Leigh sa mahinang boses at halatang nahihiya. Tumango si Mikael. “Ako nga.” Mabilis na umigkas ang kamao ni Leigh patungo kay Mikael pero mabilis ang naging reaksiyon ni Mikael. Nailagan niya ang suntok ni Leigh saka nagtatakang tinignan ang dalaga. “Bakit?” Kumuyom ang kamay ni Leigh. “You saw my body!” Galit niyang saad. “I didn’t.” “But…paanong napalitan ang damit ko? Hindi ito ang damit ko kaninang umaga.” Mikael sighed and explained his side. “Ako ang nagpalit sa ‘yo. I blindfolded myself. Wala akong tiwala sa mismong sarili ko kung pipikit lang ako kaya nagsuot ako ng blindfold. Huwag kang mag-alala. Hindi ko naman pagnanasaan ang katawan mong pang-elementary.” Natahimik si Leigh. Halata naman kasi sa boses ni Mikael na taliwas ang sinasabi nito sa tunay nitong nararamdaman. Mikael only wanted her to become comfortable. Without saying much, she only said, “Thank you.” “Thank you?” Mikael raised his eyebrows. “Is that how you say thank you? I took care of you.” Nagtaka si Leigh. “Thank you.” Ulit niya. Then she asked, “paano kita papasalamatan?” Ngumiti si Mikael. Though Mikael’s smile was not playful, Leigh was good at reading people. Kaya naman alam niyang may ibang ibig sabihin ni Mikael sa ngiti nito. “Kiss me?” Bahagyang lumaki ang mata ni Leigh. “Kiss you?” Mikael nodded. Leigh blushed when she remembered the kiss she shared with Mikael before. And she must admit it, it was good. “So, can I kiss you?” Mikael asked Leigh. Inilapit niya ang mukha niya sa dalaga. Napalunok na lamang si Leigh dahil sa biglang pagbilis ng t***k ng kaniyang puso. “Mikael…” Unti-unting lumapit ang mukha ni Mikael kay Leigh. Naglapat ang kanilang labi. Naipikit ni Leigh ang kaniyang mata at tinugon ang halik ni Mikael. Kusang gumalaw ang kaniyang mga braso at pumalibot ito sa leeg ni Mikael. Leigh deepened their kiss and while kissing, she realized something. I won’t let him kiss me if I don’t like him, right? Bumaba ang labi ni Mikael sa leeg ni Leigh at saka niya kinagat ang balat ni Leigh. “Mikael!” Kinagat ni Leigh ang pang-ibabang labi dahil kakaibang sensasyon ang dumaloy sa katawan niya dahil sa ginawa ni Mikael. Sinipsip ni Mikael ang parte ng leeg ni Leigh na kinagat niya bago siya umayos ng tayo. Leigh saw the desire in Mikael’s eyes. Mikael even rolled his tongue over his lips as if he tasted something delicious. Ngumiti si Mikael. “Gutom ka na ba? May gusto ka bang kainin?” Tinignan ni Leigh ng masama si Mikael saka napahawak sa parte ng leeg na kinagat nito. “You bit my skin.” “Sorry.” Naningkit ang mata ni Leigh kay Mikael. “You’re not really sorry, are you?” Muling ngumiti si Mikael. “What do you want to eat?” Umiling si Leigh. “Wala akong gana.” “Kailangan mong kumain.” Ani Mikael. Then he walked towards the door. “Oh, saan ka pupunta?” tanong ni Leigh. Pilyong ngumiti si Mikael. “Shower.” Hindi kaagad nakuha ni Leigh ang ibig sabihin ng sinabi ni Mikael. “Pero kakaligo mo lang. Basa pa ang buhok mo.” “Magbabawas lang ako ng init." Nakakalokong sabi ni Mikael saka nginitian si Leigh. Leigh blushed and threw the pillow at Mikael. Tumatawa lang naman ang binata na umalis. Nahiga na lang muli si Leigh. Gusto pa niyang mautlog pero hindi na siya dinalaw ng antok. Naalala niya ang halikan nilang dalawa ni Mikael. Mikael wasn’t drunk, and she knew that Mikael knew what he was doing. After he kissed her last time, she avoided him because she got confused about her own feelings. Ngunit ngayon mukhang may ideya na siya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para kay Mikael. Mikael has confessed to him that he likes her. And she told him she didn’t like him. Leigh could only sigh and stare at the ceiling. After thirty minutes, Mikael came back with food. Kaagad na napabangon si Leigh nang makita niya si Mikael. “Kahit sinabi mong wala kang gana, kumuha pa rin ako ng pagkain. Kailangan mo ‘to.” Tinignan ni Leigh ang pagkain. Wala siyang gana sa pagkain pero ayaw naman niyang ma-disappoint si Mikael kaya naman pinilit niya ang sarili na kumain. Hindi naman solid food ang hinanda ni Mikael. Asikasong-asikaso ni Mikael si Leigh. Leigh’s feeling was touched, and she couldn’t help herself smiling. “Mikael, your wife will be lucky to have a husband like you someday.” Aniya pagkatapos niyang kumain at uminom ng gamot. Natigilan si Mikael sa pagbalat ng saging saka napatingin kay Leigh. “What do you mean?” “You’re a caring person, Mikael.” And I wish that you could only be like this to me but… I knew it wasn’t going to happen because we have a different world. Ngumiti si Mikael. Yeah, and I hope that we will be together so that I can continue to take care of you. Suddenly, the smiling face of Mikael turns into irritation. “Bakit parang iniiwasan mo ako pagkatapos kitang halikan?” Hearing those words, Leigh glared at Mikael. “You kissed me.” “You kissed me back.” Balik ni Mikael. “Argh!” “What?” natatawang tanong ni Mikael. Nawala na ang iritasyon sa mukha nito. “Pero walang magkaibigan ang naghahalikan.” Seryosong sabi ni Leigh. Nagkibit lang ng balikat si Mikael sa sinabi ni Leigh. Umupo siya sa gilid ng kama. “Magkaibigan ba talaga tayo? Leigh, aminin mo man o hindi alam kong nakapasok na ako sa sistema mo at kahit hindi mo sabihin alam kong may puwang na ako sa puso mo.” “Mikael…” Nasambit na lang ni Leigh ang pangalan ng binata dahil hindi maikakaila na totoo ang sinabi ni Mikael. Nasapol siya sa mga sinabi nito. Humugot ng malalim na hininga si Leigh and stared straight into Mikael’s eyes. “You like me, right?” Mikael stared back at Leigh’s amber eyes and nodded his head. “I do.” “Let’s not enter a girlfriend and boyfriend relationship. Masasabi nating mutual understanding tayong dalawa pero hindi ako handa na pumasok sa isang seryosong relasyon, Mikael. As you know, I have a son and my son is my priority over my own happiness. So, please let’s not put a label on our relationship.” Mabilis ang naging pagtibok ng puso ni Mikael dahil sa mga sinabi ni Leigh. Ito na ang matagal niyang hinihintay. Ngumiti siya. “Okay. I agree.” Tumango si Leigh. “Salamat.” Hinawakan ni Mikael ang kamay ni Leigh saka inilagay doon ang saging na kanina pa niya hawak. “Kainin mo na ‘yan. Kailangan ‘yan ng katawan mo.” Leigh pouted. “Ayaw ko ng saging. Sa ‘yo na.” Napailing si Mikael. “You need it for your stamina.” “Malakas naman ako, ah. Sadyang nagkasakit lang ako ngayon.” Sabi ni Leigh saka napipilitang kinain ang saging kahit ayaw niya sana. Tumayo si Mikael saka hinalikan ang nuo ni Leigh. “Huhugasan ko lang ang pinagkainan mo.” “Bumalik ka rito.” Ngumiti si Mikael. “Mamiss mo ako?” Leigh glared at Mikael. Mikael just chuckled and went out of the room. Napapailing na lang siya habang lumalabas ng kwarto ni Leigh. Dala niya ang pinagkainan ni Leigh at pumunta siya ng kusina. Hinugasan niya ito at pagkatapos niyang maghugas pabalik na sana siya sa kwarto ni Leigh nang makatanggap siya ng mensahe mula sa Mafia. It was just a threat, so he deleted it and went back to Leigh’s room. Nasa pintuan pa lamang siya nang marinig niyang may kausap si Leigh. Narinig niyang sinambit ni Leigh ang salitang ‘anak’ kaya alam niyang ang anak nito ang kausap. Tumuloy siya sa loob ng kwarto at umupo sa gilid ng kama. “Your son?” Mikael asked when Leigh finished talking over the phone. Tumango si Leigh. Ngumiti si Mikael. Pinagmasdan ni Leigh ang mukha ni Mikael. “Okay lang ba talaga sa ‘yo na may anak ako? I mean we don’t have a label, but are you comfortable with it?” Sinapo ni Mikael ang tapat ng kaniyang puso. “Huwag mo ng sabihin na wala tayong label. Ang sakit, eh.” Though Mikael doesn’t mean what he said, it causes Leigh to bite her lip because she’s guilty. “Sorry.” Umiling si Mikael. “It’s okay. Anyway, for your questions, I actually admire that you raised your son on your own. Hanga ako sa ‘yo dahil kahit wala ang ama ng anak mo which I was wishing na hindi na siya bumalik,” tumikhim siya, “sorry about that.” Leigh smiled mysteriously. Hinawakan ni Mikael ang kamay ni Leigh. “I actually wanted to meet your son. But you don’t have to be pressured, hindi naman kita minamadali. Just do it when you’re comfortable.” Yumakap si Leigh kay Mikael. “Thank you.” Mikael smiled and gently tapped Leigh’s back. “I just want you to be happy and comfortable with me.” Leigh closed her eyes and smiled. I’m happy and comfortable with you, Mikael. And I was looking forward to you meeting Ace soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD