BENJAMIN GORDON was the leader of the Mafia Group that Mikael was investigating. A syndicate that was operating around the globe. He has many connections, and can do anything he wants. Ang Mafia ang pinamakalaking sindikato na gumagalaw sa loob at labas ng bansa.
Pinaglaruan ni Benjamin ang hawak na wine glass. “Kumusta? May balita na ba tungkol sa Black Book at sa espiya na kumuha noon?”
“The black book went missing three years ago. It was taken away by that spy, but until now we didn’t know about that spy’s identity. At hindi rin natin alam kung saan niyang itinago ang Black Book.” Anang tauhan ni Benjamin. “Pero Boss, hindi kaya may kinalaman ang Crimson Rose Organization? O hindi kaya ang espiya na ‘yon na nagnakaw ng Black Book ay kasapi ng Crimson Rose Organization? Sila lang naman ang malakas nating kaaway.”
Sumimsim si Benjamin ng alak. “Kung nasa kamay ng Crimson Rose ang Black Book, noon pa sana ay marami na sa atin ang nalagas. Lahat ng kasapi ng Mafia ay nakalagay sa Black Book pero wala pa sa mga kasamahan natin ang hinuhuli at wala pang aksyon ang Crimson Rose.”
“Pero nandiyan lang sila sa paligid, Boss. At balita ko mas nakakatakot ang babaeng lider ngayon ng Crimson Rose kumpara sa kapatid niya.”
Ngumisi ang boss ng Mafia. “Alamin mo kung sino ang Chief ng Crimson Rose. Noon pa ako nacu-curious kung sino siya. She had already taken down a lot of our opponents, which was a favor, to our side, but it was still suspicious. Hindi siya nakikialam sa atin. Baka nag-iiisip na siya ng plano kung paano tayo pabagsakin ng minsanan.”
“Yes, Boss. Aalamin ko ang tungkol sa kaniya.” Tugon ng tauhan.
Aalis na sana ang tauhan nang pigilan ito ni Benjamin. “Sandali.”
“Boss?”
“Kumusta pala ang tungkol sa tagapagmana ni Maverick Salazar? Patuloy pa rin ba siya sa pag-iimbestiga?” tanong niya.
“Oo, Boss. Katulad ng utos niyo araw-araw akong nagpapadala sa kaniya ng mga banta pero hindi niya ito pinapansin. Sinubukan na rin naming takutin ang pamilya niya pero sadyang magagaling ang mga tauhan nila.”
Tumaas ang sulok ng labi ni Benjamin. Sa loob ng dalawang dekada nakilala ang Salazar Empire sa loob at labas ng Asya. Gusto niyang kunin ang Chairman ng Salazar Empire upang maging kakampi nila pero matigas ang Chairman kaya naman binalak niya ito ipapatay pero ang anak nito ang pumalit. Sinubukan na rin nilang pasukin ang Salazar Empire pero sadyang mahigpit ang seguridad ng kanilang data system.
At isa pa gusto niyang kunin ang Salazar Empire, malaki ang asset ng Empire at makakatulong ‘yon sa grupo nila.
“Kung ayaw niyang tumigil puwes gumawa ka ng paraan upang matakot ang Mikael Salazar na ‘yon.”
Tumango ang tauhan. “Masusunod, Boss.”
Ngumisi si Benjamin. “Tignan natin kung hanggang saan ang tapang ng anak ni Maverick.”
“Boss.” Nilapitan niya ng kaniyang kanang-kamay na tauhan. “Boss, kailangan niyong tignan ang mga shipment na darating. Darating ang shipment mamayang gabi.”
Tumango si Benjamin. “Sige. Sabihin mo sa anak ko na kailangang nandoon rin siya.”
“Yes, Boss.”
Nang sumapit ang gabi, nagtungo si Benjamin at Blaire na anak nito sa pantalan upang personal na suriin ang dumating shipment. Kailangan itong maideliver sa mga kliyente nila bago sumapit ang umaga.
“Blaire, tignan mo ang mga container.” Utos ni Benjamin sa anak.
Tumango si Blaire at walang imik na sinuri isa-isa ang mga container. Walang emosyon na sinuri niya ang mga illegal shipment. There are three containers. One is full of drugs, and the second container contains high-caliber illegal arms, explosives, and ammunition. But what he didn’t expect was the contents of the third container. He looked at his father. “Women?” he asked.
Maraming mga babae at ilang dalagita ang lamang ng pangatlong container. When they saw him, they looked scared and they were pitiful. Sino ba naman ang hindi matatakot sa ganitong sitwasyon nila?
Ngumisi si Benjamin. “Of course. It’s for prostitution, but if you like them, you can have them.”
Hindi nagpakita si Blaire ng emosyon saka isinara ang pangatlong container. “Done checking. It’s all good. Pwede na itong i-deliver sa mga kliyente natin, Pa.”
Benjamin smiled. “Okay. You can personally escort them to our valued clients. It’s time to make a name, Blaire. You are my heir, so you need to be the son I wanted.”
Tumango si Blaire. “Okay.”
Tumango si Benjamin. Tinapik niya ang balikat ng anak. “After you’re done, you can visit your mother. She wanted to see you.”
Hindi pa rin nagpakita ng emosyon ang mukha ni Blaire at tumango lang.
Pero bigla na lang yumanig ang paligid at kasabay nito ang malakas na pagsabog. The two containers containing the drugs and illegal arms were blown away by someone. Bahagya naman gumalaw ang ikatlong container dahil sa impact ng pagsabog.
Tumilapon ang mga tauhan ng mag-ama na malapit sa sumabog na container at wala ng buhay ang mga ito na bumagsak. Nasugatan naman ang iba at ang mag-ama, nakalayo na sila sa mga container nang sumabog ang mga ito.
Then two shadows came out of the dark.
On the left side of the port, a woman was skillfully swinging her dagger and killing her opponents and was seen by Benjamin and Blaire.
Sumugod naman ang ibang tauhan ng mag-ama upang labanan ang dalawang sumugod sa kanila.
“Dammit! Kill her!”
But then, on the right side of the port, they heard gunshots. A man was skillfully shooting his opponents directly in their heads or chests.
“Kill him!” Benjamin pointed to the man.
Maliksing nakipaghand to hand combat ang babae sa mga kalaban. She throws her dagger skillfully at her opponents. She was agile and skillful. Mabilis ang bawat galaw nito at hindi man lang ito mahawakan ng kalaban.
Habang ang lalaki naman na nakikipaglaban sa kanang bahagi ng pantalan, napatay na nito ang mga kalaban nito.
At the same time, the two skillful individuals quickly climbed to the top of the containers. Pareho silang natigilan nang makita nila ang isa’t-isa. Pareho silang nakasuot ng itim na kasuotan at pareho pa silang nakasuot ng maskara.
Nagtaka ang babae kung sino ang lalaking kapareho niyang nakatuntong sa itaas ng container. Pero hindi ang lalaki, dahil kilalang-kilala niya ang babaeng kaharap. Ito ang Chief ng Crimson Rose Organization. The woman that many syndicates feared. In just three years since she became the Chief after her brother went missing, she became well-known because of her ruthlessness towards bad people.
The Chief of the Crimson Rose Organization glanced at the man before she quickly threw her dagger in the direction of the leader of the Mafia.
Blaire saw the dagger and blocked it. Kaya naman sa katawan niya tumama ang dagger imbes na sa kaniyang ama.
“Blaire!” Nag-alala si Benjamin sa anak nang makita ang lumabas na dugo mula sa sugat nito.
Benjamin ordered his men to leave. Nagmamadali silang sumakay sa kotse.
“Ideretso mo sa hospital. Kailangang magamot ang anak ko!” Sigaw niya sa tauhan na nagmamaneho.
“Yes, Boss.”
Sinapo ni Blaire ang dibdib kung saan tumama ang dagger. Then he closed his eyes.
“Blaire, huwag mong ipikit ang mata mo.” Pakiusap ni Benjamin sa anak.
But Blaire lost consciousness.
Meanwhile, back to the port. Mabilis na bumaba mula sa container ang Chief ng Crimson Rose saka binalak na lapitan ang lalaki upang kausapin pero pagbaba niya ay wala na ito.
Dumating naman ang kaniyang mga tauhan.
“Clean this place and those women in the third container, treat them well. Bring them to our medical facility. And bring them back to their family.”
“Yes, Chief.” Tugon ng kaniyang mga tauhan.
Habang gumagalaw ang mga tauhan ng Chief at naglilinis sa paligid. Habang ang ilan naman ay inaalalayan ang mga babae at isinakay sa van, pumunta si Chief sa sariling kotse saka umupo sa hood nito. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman nang makita niya kanina ang lalaki. Hindi niya nakita kung paano ito makipaglaban kaya hindi siya sigurado kung ito ba ang taong matagal na niyang hinahanap. Pero kung ang lalaking ‘yon ang kaniyang hinahanap, sana hindi na ito umalis at kinausap siya.
Bumuntong hininga si Chief saka napatingin sa kalangitan. Sandali siyang tumingin sa kalangitan bago niya inilabas ang cellphone at tinawagan si Dylan. Ang bagong miyembro ng Crimson Rose in the tech department.
“Chief?”
“Persuade Mr. Mikael Salazar to stop investigating the Mafia.” Utos niya. “From today onwards, don’t give him any information about the Mafia. It’s for his own good, and we need to protect him and his family. And starting from now, I’ll destroy the Mafia’s illegal businesses.”
“Yes, Chief.”
Sapat na ang mga ebidensiya na nakuha ng Crimson Rose. Matagal na rin nilang hinahanap ang Black Book pero hindi nila ito makita. Kaya naman inutusan niya ang Crimson Rose na imbestigahan ang Mafia kaya wala silang ginalaw kahit ni isa mga kasapi ng Mafia sa loob ng tatlong taon mula ng siya ang pumalit bilang Chief ng Crimson Rose Organization. Pero ngayon sapat na ang ebidensiya na kailangan nila upang simulan nilang lipulin ang Mafia.
At batid niya na magiging madugo ang labanang ito. Ngunit wala siyang magagawa dahil kailangan niyang gawin ang responsibilidad niya at panindigan ang layunin ng Crimson Rose.
Protect the weak and innocent. And kill the violent.