FLORDELIZA invited Leigh to her house. Of course, she asked for her husband’s consent and he agreed. Maganda na rin daw ‘yon para may kasama siya dahil wala naman ito sa bahay. Papasok ito sa firm.
Now, Flor was waiting for Leigh while she was preparing and cooking their lunch. Nagmamamdali siyang lumabas ng bahay nang makarinig siya ng busina ng sasakyan. Napangiti na lamang siya saka binuksan ang gate saka pinapasok si Leigh.
“I didn’t know that you had a car.” Sabi ni Flor ang maka-park at makalabas si Leigh ng sasakyan nito.
Nagkibit naman ng balikat si Leigh. “Pinahiram ni Mikael ang kotse niya. Wala naman daw siyang pupuntahan since weekend naman. Well, hindi ko lang alam kung uuwi siya o pupunta siya sa mga kaibigan niya.” Aniya.
Nanunudyong nginitian ni Flor ang kaibigan. “So, kayo na ba? Deny pa ba ‘yan?” tanong niya kay Leigh.
“We don’t have labels.”
“Huh?”
Umiling si Leigh saka yumakap sa braso ni Leigh. “May dala pala akong pagkain.”
“I’m cooking our lunch. My husband isn’t at home.” Ani Flor. “Pumasok siya sa firm dahil may kaso siyang inaasikaso.”
Napatango si Leigh saka binuksan ang pinto ng kotse. Kinuha niya ang dala niyang pagkain at tinulungan naman siya ni Flor. Pumasok sila sa loob ng bahay nila Flor. Leigh was welcomed with a cozy and homey house. Simple lang ang disenyo at furnitures na nasa loob pero halatang mamahalin naman ang mga ito.
“That’s my husband.” Ani Flor saka itinuro ang malaking larawan nila ng asawa noong ikinasal sila. It was just a civil wedding. Pinili niya ang civil wedding para hindi masyadong magastos.
Leigh stilled and stared at the photo of Flor’s husband. She was dumbfounded at the man’s picture. Tumingin siya kay Flor. “Siya ang asawa mo?” tanong niya sa kaibigan.
Tumango si Flor. “Oo, siya nga. Bakit?”
“Anong pangalan niya?” tanong ni Leigh. She wanted to confirm something.
Nagtaka man si Flor kung bakit tinatanong ni Leigh ang pangalan ng asawa niya pero sinagot niya pa rin ito. “Gabriel Alonzo.”
Natawa ng mahina si Leigh pagkarinig ng pangalan ng asawa ni Flor saka napailing. Tumango siya. “I thought it was him. Iba pala.” Aniya saka ngumiti.
Flor nodded her head and guided Leigh into the kitchen. Huminga ng malalim si Leigh. Hindi siya maaaring magkamali. Walang kakambal ang kapatid niya. Kaya naman pala hindi nila ito mahanapan nang bigla na lang itong mawala tatlong taon na nakakaraan pagkatapos nitong mag-undercover spy sa Mafia. Her brother disappeared without any trace. Kaya naman pala kahit anong gawin nilang paghahanap rito ay hindi pa rin nila mahanap kung nasaan ito. Nagpalit naman pala ito ng pangalan.
Napailing si Leigh. Maraming katanungan si Leigh sa kapatid niya pero wala naman ito. Her brother probably used his work as an excused para makaalis ito ng bahay nito at para hindi sila magkita.
Leigh let out a breath. Matalino ang kapatid niya. Kunsabagay hindi ito naging Chief para lamang sa wala. Her brother could disappear without any trace, and you could never track him unless he wanted to be tracked.
Then she realized something. Rhett. Napailing na lamang siya dahil alam niyang nalaman ni Rhett ang tungkol sa dating Chief pero hindi nito sinabi sa kaniya. Ito ang inutusan niyang magbantay kay Flor kaya malamang ay malalaman nito kung sino ang asawa ni Flor.
The whole afternoon, Leigh and Flor pampered themselves. Pagkatapos nilang mananghalian napagdesisyon nilang pumunta sa isang salon upang mag-relax. Habang nasa salon silang dalawa pinakuwento ni Leigh kay Flor kung paano nito nakilala ang asawa nito.
Nagkwento naman si Flor pero hindi na niya dinetalye ang buong pangyayari kung paano sila nagkita ni Gabriel. Sinabihan siya ng asawa niya na huwag niyang ikukuwento ‘yon kahit kanino. Syempre nangako naman siya kahit pa mabait si Leigh at totoong kaibigan. She respects her husband's wishes.
Pagkatapos ihatid ni Leigh si Flor ng hapon na ‘yon, umuwi na rin siya. Pero habang nasa daan siya, nakatanggap siya ng tawag mula sa hindi kilalang numero. Iilan lamang ang nakakaalam sa personal niyang numero at hindi niya ito binibigay sa mga taong hindi niya kilala. Kinutuban si Leigh kaya naman iginilid niya ang kotse saka sinagot ang tawag.
“Hello. May I know who this is?” she asked in a cold voice.
The other line chuckled. “Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Leigh.” Saad ng pamilyar na boses mula sa kabilang linya.
Leigh stilled. “K-kuya?”
“Yes, it’s me, princess. How are you?” tanong ng kapatid ni Leigh na para bang normal lamang na nangungumusta kahit pa hindi ito nagparamdam ng tatlong taon.
Leigh took a deep breath. “Where are you?” tanong niya sa kapatid.
“Nasa paligid lang ako, Leigh. You don’t have to worry. I just want to thank you for making my wife happy today.”
Naipikit ni Leigh ang mata. “Come back, Kuya.”
Leigh’s brother smiled. “I will, but not now. By the way, Mikael Eathan Salazar has nothing to do with my disappearance three years ago. And I gave him the Black Book. And one more thing, don’t blame Rhett. I told him not to tell you about me.”
Tanging buntong hininga lamang ang naitugon ni Leigh. “Kuya…”
“Leigh, I have my reason why I disappeared three years ago without any trace.”
“I know.” Sabi ni Leigh. “Kuya, kailan ka babalik? I can’t be the Chief of the Crimson Rose until I die.” Aniya.
“Alam ko pero salamat dahil hindi mo iniwan ang Crimson Rose. Malapit na akong bumalik. May kailangan lamang akong asikasuhin. Okay. Umuwi ka na at baka hinihintay ka na ni Mikael mo. Leigh, Mikael is a good man. If he will be your husband, then I don’t have any worry anymore.” Seryosong saad ng kapatid ni Leigh.
Kumunot ang nuo ni Leigh. “Anong ibig mong sabihin, Kuya?”
“Leigh, we both know how stubborn you are. Pero sa tingin ko kaya ka naman ni Mikael. Hmm.”
“Kuya, huwag mo akong asarin.” Inis na saad ni Leigh. “Kuya, bumalik ka na. Maaawa ka naman sa magulang natin na palaging nag-aalala sa ‘yo. Hindi sila naniniwala na patay ka noong bigla ka na lamang nawala. They told me to find you and I did, but it’s you who didn’t want to be found.”
“Sorry, princess. Babawi na lamang ako pagbalik ko.”
“Take back your position, Kuya. Iyon lang ang paraan upang makabawi ka.” Seryosong saad ni Leigh.
“Okay.”
Leigh smiled. The call ended and, at that moment, Leigh felt her heart was at ease. Narinig na niya ang boses ng kapatid niya. Ibig sabihin ay buhay pa talaga ito at humanda ito kapag nagkita sila.
Sunod na tinawagan ni Leigh si Rhett. Rhett was her assistant but he lied to her. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag niya.
“Chief?”
“Did my brother ask you to keep this from me?” Leigh asked.
“Chief.” Uh-oh, Chief knew about his brother.
“Rhett, I told you to protect Flor. You saw my brother, and you didn’t tell me.” Seryosong saad ni Leigh.
“Chief, hindi mo rin sinabi sa akin ang tungkol kay Flor.”
Tumaas ang sulok ng labi ni Leigh. “Then we’re quits.” Aniya. “But I am the Chief of the organization. My brother was the former Chief. You will still answer for me, Rhett.” Naging malamig ang boses ni Leigh.
Kinabahan naman si Rhett nang marinig ang malamig na boses ng Chief.
“I’m sorry, Chief.”
Leigh sighed. “Forget it.” Aniya. Wala na rin naman siyang magagawa dahil tapos ng nangyari. “What’s your plan about Flor?”
“Sasabihin ko ito sa magulang ko, Chief.”
“Okay. If you need help, just tell me.” Saad ni Leigh. About Rhett and Flor, it’s a private matter. Hindi siya pwedeng makialam dahil may sariling buhay naman si Rhett at Flor. But she will support them no matter what happens.
“Yes, Chief. Thank you.” Rhett said with gratitude.
Leigh just smiled and ended the call.
Napasulyap siya sa kaniyang braso. Kusang gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. Naghihilom na ang sugat niya. All thanks to her ‘doctor’, Mikael. Ito ang laging naglalagay ng gamot at pinapalitan nito ang benda ng sugat niya. And speaking of that handsome man, she wondered kung anong ginawa nito buong maghapon.
Thinking of Mikael, Leigh drove to go home. Pagdating niya sa apartment, sa flat agad ni Mikael dumeretso si Leigh. Pagpasok niya sa flat ni Mikael hinanap niya agad ang binata ngunit hindi niya ito nakita.
“Mikael?”
Nasaan ang unggoy na ‘yon? Tanong ni Leigh sa sarili.
Pagpasok niya sa kwarto ni Mikael, hindi niya nakita ang binata pero ramdam niyang may tao sa loob ng kwarto. Ngumiti siya saka humarap pero eksaktong pagharap niya, siya din ang pagyakap sa kaniya ni Mikael. They balanced out and fell on the bed.
Pareho silang natigilan at nagkatitigan.
“My love…”
“Mikael…”
Kumunot ang nuo ni Mikael at nanatili sa ibabaw ni Leigh. “I just realized now. I have an endearment to you, but you don’t have an endearment for me.” Aniya. “How about you give me too?” he asked Leigh.
Kinagat ni Leigh ang pang-ibabang labi. “We’re not a couple.”
Bahagyang natigilan si Mikael. He coldly chuckled. “Damn. That hurts.” Aniya saka umalis sa ibabaw ni Leigh. Humiga siya sa tabi ng dalaga saka tumitig sa kisame. Ipinikit niya ang kaniyang mata.
“Mik, I didn’t mean to hurt you. I like you, but I’m not really ready to enter a relationship with you.” Ani Leigh. “But if you want, I can give you an endearment. What do you want? Darling? Hon? Sweetheart? Baby? Ano?" tanong niya sa binata.
Natawa na lamang si Mikael at nagmulat ng mata. Tumagilid siya ng higa paharap kay Leigh. “Saan ka ba komportable?” tanong niya.
Nag-isip naman si Leigh. Tumingin siya kay Mikael. “Wala.”
Nawala ang ngiti ni Mikael.
“Daddy?” Leigh said. “Can I call you that?” she asked.
“Leigh, we’re just one year apart.” Sabi naman ni Mikael.
Leigh pouted. “Eh doon ako komportable. At syempre tatawagin lamang kitang ganun kapag gusto ko. I can’t call you ‘daddy’ all the time.”
Napailing na lamang si Mikael saka hinayaan na lamang si Leigh sa gusto nitong itawag sa kaniya. “How was your bonding with Flor?” tanong niya saka ipinatong ang kamay sa beywang ni Leigh.
Nagkibit ng balikat si Leigh. “Good.”
Mikael nodded. “Nag-enjoy ka ba?”
Tumango si Leigh. “Masayang kasama si Flor.” Nakangiti niyang saad.
“That’s good. Mabuti naman at nag-enjoy ka.”
“Ikaw? Anong ginawa mo buong maghapon?”
Mikael also shrugged. “I slept the whole day. I wanted to rest so, yeah…” aniya.
Napatango si Leigh.
Napansin naman ni Mikael ang buhok ni Leigh. “Did you dye your hair?”
Leigh smiled. “Yeah.”
“You look pretty.”
“Lagi naman.” Confident na saad ni Leigh na ikinailing na lamang si Mikael.
“What?” Natatawang tanong ni Leigh. “Maganda naman talaga ako.”
“Oo na. Maganda ka na. Pakiss nga.” Sabi ni Mikael saka akmang hahalik nang biglang bumangon si Leigh.
“Gutom ka na ba? Magluluto ako.” Aniya saka nagmamadaling bumaba ng kama para makaiwas kay Mikael.
Bumangon rin si Mikael. “Let’s cook together.”
Tumango si Leigh. And with that, they headed to the kitchen.