MIKAEL was busy with his work. And because he will inherit his father’s position, he needs to double his time to learn the things he needs to learn. Pero seryoso ang ama niya na saka lamang siya magiging Chairman kapag nagpakasal na siya.
“Mom, Dad was serious.” Sabi ni Mikael. Nasa bahay siya ng kaniyang magulang at kasalukuyan silang kumakain ng lunch.
“Yep, my darling wife. That’s my condition.”
“And do you think your eldest son will get married before thirty?” tanong naman ni Evelyn sa asawa.
Ngumiti si Maverick. “It depends on his performance.”
Sa sinabi ni Maverick, tumingin si Evelyn sa panganay niya. “Kailan mo pala ipapakilala sa amin ang girlfriend mo?”
Tumikhim si Mikael. “Soon, mom. Huwag kayong atat.” Saad niya at uminom ng tubig. Wala pa nga kaming label, eh.
Evelyn raised her eyebrows. “Hindi ako atat. I just wanted to meet the woman you like. Nasabi mo na may anak siya hindi ba? Being a single mother doesn’t bother me. Gusto ko lang malaman kung mabait ba siya at hindi siya katulad ng ibang babae diyan na ganda lang ang puhunan.” Seryoso niyang saad.
Ngumiti naman si Mikael. “Huwag po kayong mag-alala, mom. Mabait po si Leigh. Well, she’s a beautiful woman.”
Tumango si Evelyn saka umingos. “Bakit parang ako ang sinasabihan mo noon ng maganda ngayon may iba na.”
Pasimpleng ngumiwi naman si Mikael.
“I have already seen her a few times.” Ani Maverick. “Disente naman siyang babae.”
Evelyn looked at her husband.
“Parang ikaw lang.” Dagdag pa ni Maverick.
Tumaas ang kilay ni Evelyn. “Anong parang ako?”
“Na maganda.” Saad ni Maverick.
Mabilis na inabot ni Evelyn ang braso ng asawa saka ito kinurot.
Natawa na lamang si Mikael sa magulang niya. Matanda na ang mga ito pero parang bata talaga ang mga ito minsan na mag-asaran. Itinuloy niya ang pagkain hanggang sa matapos siya at hinayaan niya ang kaniyang magulang na mag-asaran. Sanay na siya. Mabuti na lang at wala si Mikhail at Everly sa bahay nila dahil siguradong hihingi ng tulong ang ama niya kay Mikhail while Everly will side their mom. Ang ending siya ang tagasaway dahil hindi naman siya kumakampi lalo na kung kasama nila ang kanilang magulang.
Nagpaalam na si Mikael sa kaniyang magulang at umalis na siya. He went to the Salazar Empire. Hindi siya pumasok ng umaga dahil pumunta siya sa bahay ng kaniyang magulang dahil tinawag siya ng kaniyang ama. May pinag-usapan silang importante patungkol sa mga project ng kumpanya.
Pagdating niya sa parking lot ng Empire, nagparada siya sa naka-reserve na spot para sa kaniya. Lumabas siya ng sasakyan at natigilan siya nang maramdaman niyang may nagtutok sa kaniya ng baril mula sa likuran.
“Huwag kang kumilos kung ayaw mong sumabog ang bungo mo.” Banta ng taong nasa likuran niya.
Then a van approached them. Tumigil ito sa mismong harapan nila at nang bumukas ang pinto ng van. Itinulak siya ng taong nasa likuran niya papasok sa loob ng van pero naramdaman niya na may humawak sa kaniya saka siya hinila palayo sa pinto ng van.
It was fast. Nakita na lamang ni Mikael na nakahandusay sa sahig ang taong nagtutok sa kaniya ng baril. Then he saw a woman holding a katana. Nakipaglaban ito sa mga kalalakihan na nasa loob ng van. Walang narinig si Mikael na putok ng baril. Nakatingin lamang si Mikael sa kilos ng babae na tumulong sa kaniya. She was fast, like lightning. She skillfully took down the five men inside the van. Halatang hindi man lang ito nahirapan. She slashed and stabbed them using her katana and when she stepped out of the van, they stared at each other.
“Leigh…” Mikael muttered.
“Mikael.”
Natigilan si Mikael dahil sa nakikita niyang ekspresyon ni Leigh. Her face was blank, and she was completely different from the Leigh he knew.
“Are you okay?” masuyong tanong ni Leigh. Napalitan ng pag-aalala ang blangko nitong mukha.
Wala sa sariling napatango si Mikael. Nagulat siya dahil sa anakita niyang galing ni Leigh na makipaglaban. He was amazed by how quick she was, but at the back of his mind, he was confused about Leigh. Parang habang patagal ng patagal ay unti-unti niyang nakikita na hindi isang ordinaryong babae ang isang Leigh Clemente. Sa mga nakikita niya kay Leigh parang nagiging misteryoso na ito sa kaniya.
“Let’s go.” Sabi ni Leigh.
Napatingin si Mikael sa hawak ni Leigh na katana na may tumutulo pang dugo roon. He saw that there was no worry and fear in Leigh’s face.
“Sorry about that.” Leigh apologized, wiped the blood off her katana, and put it back in its scabbard.
“S-should I call the police?” Mikael asked.
Umiling si Leigh. “No need. Someone will clean this mess.” Aniya saka hinawakan ang kamay ni Mikael. “Let’s go.” Pero sa paghawak niya sa kamay ni Mikael ay nakaramdam siya ng kaba dahil baka iiwas ni Mikael ang kamay nito pero nakahinga siya ng maluwang ng hindi binawi ni binata ang kamay nito na hawak niya.
Mikael just saw how she killed those scumbags who wanted to kidnap him. She wondered what Mikael thought about her.
Habang nasa elevator sila, walang nag-iimikan sa kanilang dalawa. Ang pag-ingay na lamang ng cellphone ni Leigh ang bumasag sa katahimikan nilang dalawa.
“Hello, Rhett.”
“Chief, it’s clean.”
Tumango si Leigh. “Okay. Thank you.”
“It’s my duty, Milady.”
Leigh ended the call and called Dylan. “Make sure that the Mafia won’t access the Salazar Empire.”
“Yes, Chief.”
Leigh sighed and ended the call. Tumingin siya kay Mikael at nakita niyang nakatingin ito sa kaniya. Alam niya kung paano ang bumasa sa kilos at isipan ng isang tao pero sa pagkakataon na ‘yon hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Mikael. Nakatingin lamang ito sa kaniya at wala siyang mabasa na kahit na ano sa mata nito.
Hanggang sa dumating sila sa loob ng opisina ni Mikael, wala pa rin silang imikan.
Is he regretting liking me? Leigh asked herself while observing Mikael.
Mikael was just sitting on the sofa and didn’t say anything. Nakatitig rin ito sa sahig.
Humugot ng malalim na hininga si Leigh at hindi na nakatiis. “I’m sorry. I’m leaving.”
Baka kailangan ni Mikael ng space para makapag-isip ito.
“Leaving? What do you mean?” tanong ni Mikael na ngayon ay nakatingin na kay Leigh. At dahil nasa malapit niya ang dalaga mabilis niyang nahawakan ang kamay nito saka ito hinila. Napaupo sa kandungan niya si Leigh. Mabilis niyang ipinalibot ang braso niya sa beywang ng dalaga para hindi ito makaalis.
“Mikael, I…”
Kaagad na pinigilan ni Mikael si Leigh. “Don’t bother to explain, my love. If you’re not comfortable telling me, then don’t.”
Nagbaba ng tingin si Leigh. “Anong iniisip mo tungkol sa akin? You saw me killing them.”
“Why did you kill them?” ang tanong naman ni Mikael.
Doon nag-angat ng tingin si Leigh. “They wanted to kidnap you.”
“Then they deserved it.” Ani Mikael. Hinalikan niya sa nuo si Leigh. “Honestly, I’m shocked, but I am amazed at the same time. Ang galing mong makipaglaban, ah. Though I know martial arts, your skill was superior to mine.”
Ngumiti lang si Leigh.
“I have a question.” Sabi ni Mikael.
Leigh looked at Mikael.
“You’re not really a secretary, are you?” Mikael asked.
Kinagat ni Leigh ang pang-ibabang labi. Matalino si Mikael. At observant rin ito. “Sorry. I was here to protect you from the Mafia.” Aniya. “So, I applied to be your secretary.”
“Do you think you should be punished?” Mikael asked. Seryoso niyang tinignan si Leigh.
“Ahmm, how will you punish me?” she asked.
Kinabig ni Mikael ang batok ni Leigh saka niya ito siniil ng halik sa labi. Leigh immediately responds to Mikael’s kiss.
For Mikael, it doesn’t matter to him if Leigh lied, and he doesn’t care who she is. All he knew was that Leigh was the woman he loved.