CHAPTER 22

1752 Words
NAPANSIN ni Mikael ang pagngiwi ni Leigh habang may hawak itong folder. Kasalukuyan silang papunta ng conference hall na kung saan ay may magaganap na pulong. Dadaluhan ito ng lahat ng board of directors, shareholders, investors, CEOs, siya bilang vice-chairman at ang Chairman. "Are you okay?" Masuyo niyang tanong sa dalaga. Tumango si Leigh at hindi umimik. Kaya naman ang ginagawa ni Mikael, kinuha niya ang hawak ni Leigh na ilang folders bago sila nagpatuloy sa paglalakad. Leigh just smiled inwardly. They chose to keep their relationship private. They kept their professionalism at work and lovey-dovey at their home. But still, they don't have any label. She's not ready yet to be in a serious relationship. Hindi dahil sa hindi niya ito mahal. Mahal niya si Mikael. She wanted to have a serious relationship with Mikael, but she was not ready yet. Pagpasok nila sa loob ng conference hall. Halos lahat ng mga kasama sa pulong ay naroon. Tanging ang upuan na lamang ng vice-chairman at chairman ang bakante. Mikael was greeted by everyone as he sat in his designated seat. Umupo naman si Leigh sa mga upuan na nasa likuran mismo ni Mikael. Mikael glanced at Leigh while one of the board of directors are talking to him. He smiled to Leigh. Leigh just gives Mikael a serious look and Mikael chuckled. Napailing na lamang si Leigh dahil sa ginawa ng binata. "So, Vice-Chairman, any plan on getting married?" Tanong ng isang board of director. Medyo malakas ang pagkasabi nito kaya naman napatingin ang ilan kay Mikael. Mikael remained his stoic face as he answered the director's question. "Soon. If my girl agrees to marry me." Aniya sa seryosong boses. Natigilan naman si Leigh na nakarinig sa sinabi ni Mikael. Tinignan niya ang binata pero abala ito sa pakikipag-usap sa mga kasama nito sa lamesa. Ilang sandali pa ay dumating na ang Chairman. Ilang beses ng nakita ni Leigh ang ama ni Mikael pero talagang hindi na matanggal ang unang impresyon niya rito. Mikael's father was an intimidating man. They all stood up and acknowledged the presence of the Chairman. "Chairman." Tumango ang Chairman. Natuon ang atensiyon ni Maverick sa anak at pati na rin sa sekretarya nito. Binigyan niya ng mapang-asar na ngiti ang anak niya. Mikael just let out a small sigh. Alam na niyang aasarin na naman siya ng ama niya pagkatapos ng conference meeting na 'to. The conference meeting has started. Of course, they talked about the Empire and how to expand and raise profits. As the Chairman, Maverick let the vice-chairman, his son Mikael, preside over the meeting. After all, ito rin naman ang papalit sa kaniya kapag nagretiro na siya. He can't help but to be proud of his eldest son. Mikael was oozing with confidence and exuded authority while talking. Nakikita niya ang sarili niya kay Mikael noong panahong nasa edad siya nito. His eldest son has really grown-up. Bago matapos ang meeting, nagsalita si Maverick. "My son, the vice-chairman, Mikael Eathan Salazar, will soon replace me as the Chairman. When will it happen," he smiled, "it depends on when he will get married." Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Mikael pagkarinig sa sinabi ng ama. Sinulyapan niya si Leigh at nakita naman niyang nakatingin ito sa kaniya. Umiling siya sa dalaga saka tumingin sa ama pero wala sa kaniya ang atensiyon nito. After the conference meeting, nag-usap ang mag-ama. "Dad, ano pong ibig niyong sabihin kanina?" Tanong ni Mikael nang makarating sila sa opisina ng ama. "Alin doon?" Tanong naman ni Maverick kahit alam naman niya kung ano ang sinasabi ni Mikael. He only wanted to tease his eldest son a little bit. Mikael sighed. "About inheriting your position. Will I only inherit it once I get married?" "Oh. That..." Napaayos ng upo si Maverick sa sariling swivel chair. He smiled at his son innocently. "That was your mother's decision. Sumunod lang ako. Your mom...I mean we are worried that you won't get married, so, yeah." "Dad, hindi madali ang sinasabi niyo." Wika ni Mikael. Nagkibit lang naman ng balikat si Maverick. Napabuga ng hangin si Mikael. "Honestly, Dad, Leigh and I..." Hindi na niya itinuloy ang gusto niyang sabihin dahil sa kanilang dalawa na lamang 'yon ni Leigh. "Wala pa sa isipan namin 'yon ni Leigh." Tumaas ang kilay ni Maverick. "Girlfriend mo na siya?" Hindi sumagot si Mikael. Tumayo na lamang siya sa kinauupuan saka nilapitan ang ama at niyakap ito. Nagpaalam siya saka bumalik na siya sa kaniyang trabaho. Napailing naman si Maverick nang makalabas ang panganay niya sa kaniyang opisina. Namumula ang dulo ng tainga ni Mikael. He chuckled. Tumingin siya kay Mateo. "Where's Gabriel?" Tanong niya. Umiling si Mateo. "Hindi ko alam, Boss, kung nasaan ang batang 'yon. Ang huling paalam niya ay may pinapagawa sa kaniya si Young Master Mikael na importanteng bagay. Hindi naman niya sinabi kung ano 'yon." Maverick sighed. "Mafia again." Aniya. "My son was really stubborn." "Parang ikaw din lang, boss, noon." Sabi ni Mateo na binuntutan ng tikhim. Maverick glared at Mateo. "I may be old now, but I can still kick you out, Mateo." "Well, Madam Evelyn will surely kick you out of the room." Hindi na napigilan si Mateo ang sarili na tumawa. Maverick tsked. Mateo was loyal to him and Mateo's wife was Evelyn's friend. Hindi na siya nagtataka kung mangyari nga ang sinabi ni Mateo. His wife, Evelyn, was generous to the people who were loyal and true to them. MEANWHILE, Leigh was busy inside the restroom changing the dressing of her wound. May daplis ng bala ang kaliwang braso niya. Nakuha niya ito mula sa huling misyon na pinuntahan niya. Mabuti na lang at daplis lang. Hindi sa dibdib niya tumama ang bala ng baril ng sniper na 'yon. Napabuntong hininga siya. Good thing that Mikael didn't t notice her pain earlier or else hindi niya alam kung paano magpaliwanag rito. Pagkapalit niya ng benda ng kaniyang sugat, lumabas siya ng restroom saka siya bumalik sa kaniyang lamesa. Hindi napansin ni Leigh na hindi niya naisuot ang suot niya kaninang umaga na white cardigan kaya naman nakalitaw ang benda ng kaniyang braso. "Leigh." Tumingin si Leigh kay Mikael. Nagsalubong ang kilay ng binata habang nakatingin sa braso ni Leigh na may benda. It was too late for Leigh to cover her arm because Mikael saw it already. "What is this?" Salubong ang kilay na tanong ni Mikael. Halatang hindi nito gusto ang nakita nito. "Wala 'yan." Tugon naman ni Leigh. Hindi niya pwedeng sabihin kay Mikael kung saan niya nakuha ang sugat niyang 'yon. "Someone hurt you?" He asked in a serious voice. "Wala." "Leigh," Mikael said sternly, as if he was warning Leigh. Leigh sighed. "Just a small wound." Mikael looked at Leigh and raised one of his eyebrows. Nag-iwas naman ng tingin ang dalaga. Hindi niya kayang salubungin ang seryosong tingin sa kaniya ni Mikael. Sa lahat ng mga nakaharap na niyang tao, she could look directly into their eyes, but not Mikael. He was different. Mayroon kasing ibang dating sa kaniya ang mata ni Mikael. "Come into my office." Seryosong saad ni Mikael saka masuyo niyang hinawakan ang isang braso ng dalaga na walang sugat at dinala niya ito sa loob ng kaniyang opisina. Pinaupo niya ito sa sofa. "Wait for me." Nakasunod lang naman ng tingin si Leigh kay Mikael. Pagbalik nito ay kay dala na itong first aid kit. Kaagad na umatras si Leigh nang umupo sa tabi niya si Mikael. "Let me clean your wound." "It's okay. Napalitan ko na ng benda ang sugat ko." Ani Leigh. "Leigh," Mikael said in a stern voice. Natahimik naman si Leigh saka hinayaan si Mikael na linisan nito ang sugat niya. Mikael was gentle and careful while cleaning Leigh's wound. Ingat na ingat ito sa paggamot sa sugat ni Leigh na para bang babasaging vase ang hawak nito. Napangiti na lamang si Leigh. Hinihintay niyang magtatanong ulit sa kaniya si Mikael tungkol sa sugat niya pero walang tanong ang nagmula kay Mikael na labis namang pinagsasamat ni Leigh dahil hindi niya rin alam kung anong isasagot niya rito. Walang silang imikan hanggang sa matapos na malinis ni Mikael ang sugat ni Leigh. But deep inside, Leigh felt guilty. She couldn’t tell the real reason why she had a wound. “Done.” Tipid na saad ni Mikael at tatayo na sana ito nang hawakan ni Leigh ang braso niya. Tinignan niya ang dalaga. “May problema ba?” Kinagat ni Leigh ang pang-ibabang labi. “I…” Tipid na ngumiti si Mikael. “It’s okay. Hindi mo na kailangang sabibin sa akin kung saan mo nakuha ang sugat mo na ‘to. If you’re not comfortable telling me, it’s okay. I understand. Basta mag-iingat ka na sa susunod.” “Mikael…” “My love…” Hinaplos ni Mikael ang pisngi ni Leigh. “I just want you to know that I love you and I would never let you feel uncomfortable with me. I want you to feel safe and comfortable.” Nagbaba ng tingin si Leigh. “Paano kung iba ako sa pagkakakilala mo?” tanong niya at medyo kabado siya. She looked at Mikael. Kumunot naman ang nuo ni Mikael. “Anong ibig mong sabihin na iba ka sa pagkakakilala ko?” tanong niya nang may pagtataka. Leigh sighed. “What if this is not the real me? Paano kung nagpapanggap lamang ako sa harapan mo?” tumingin siya ng deretso sa mga mata ni Mikael. Ngumiti naman si Mikael at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Leigh. “Whoever you are, I am willing to accept you. No one is perfect in this world, my love. I’m not perfect, and I have my flaws and so are you. Pero kung ang sinasabi mo na nagpapanggap ka, alam kong may rason ka kung bakit mo ‘yon ginagawa. Like I said, pipiliin ko ang intindihan ka kaysa ang mawala ka sa akin.” “Ganoon mo ako kamahal?” tanong ni Leigh sa seryosong boses. Mabilis na tumango si Mikael. “Mahal kita at matagal ko ng tinanggap na ang lahat ng tao ay may nakaraan. Para sa akin, tanggap ko at tatanggapin ko kung anu at sino ka man.” Aniya saka hinalikan si Leigh sa nuo. Hindi naman napigilan ni Leigh na halikan si Mikael sa labi. Siniil niya ito ng halik at pareho nilang naramdaman ang bugso ng kanilang damdamin at ramdam nila ang pagtibok ng puso ng isa’t-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD