CHAPTER 27

1605 Words
It’s two days since the sniper accident. The hitman was interrogated. He was a professional sniper and the Mafia hired him. Leigh visited the man last night, and she put him in the cell in the meantime. Mikael decided not to move and Leigh doubled the security of the building. Hindi niya hahayaan na may masamang mangyari kay Mikael habang pinoprotektahan niya ito. If something bad happens to Mikael, then her promise to herself will be broken. But the Mafia was persistent. Talagang gusto nilang bumagsak ang Salazar Empire. They would do anything to destroy it and steal the assets of the Empire. Because of the Mafia, Mikael became super busy. Napabuntong hininga na lamang si Leigh habang nakatingin kay Mikael na nakaharap sa mga tambak na gawain nito. Ito na rin kasi ang gumagawa sa mga trabaho ng ama nitong Chairman. Inuuwi na rin ni Mikael ang ibang trabaho nito at minsan isa pang sakit sa ulo ni Mikael ang Mafia dahil sa pinapadala nilang death threats sa kaniya na ikinaiinis naman ni Leigh. Marami ng ginagawa si Mikael at dumagdag pa ang Mafia sa mga problema nito. Lalapitan niya sana si Mikael nang mapatingin siya sa cellphone niya nang tumunog ito. Leigh answered the call. “Report, Ezekiel.” “Milady, she was on a private island in Greece.” Imporma ni Ezekiel. Hindi naman kailangang tanungin ni Leigh kung sino ang tinutukoy ni Ezekiel dahil iisang tao lang naman ang pinapahanap niya rito. “The island has tight security. No one could get in and out. As for the situation inside the island, I have no information about that.” “Okay. I get it.” Ani Leigh. “Milady, why do you want to get her?” tanong ni Ezekiel. Tumaas ang sulok ng labi ni Leigh. “She’s the only reason why Blaire Gordon was following in her father’s footsteps.” Hindi masyadong nakuha ni Ezekiel ang ibig sabihin ng Chief kaya naman tinanong na lamang niya ito. “What’s your plan, Milady?” “Rescue her.” Tugon ni Leigh saka pinatay ang tawag. Sunod niyang tinawagan si Rhett. “Send ten Crimson Rose.” “A new mission, Milady?” Rhett asked. So, he could find out what to prepare. “Yes, I need to rescue a woman. It’s a private island, so I probably need transportation.” Seryosong saad ni Liegh. “Yes, Chief. I’ll prepare everything for you.” Leigh ended the call and went to the kitchen. She prepared a snack for Mikael, then went to him. “Kumain ka muna at magpahinga. Mamaya mo na ituloy ‘yan.” Aniya. Mikael looked at Leigh and smiled. “Come here.” Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya. Umupo naman agad doon si Leigh. “Here.” Kinuha ni Leigh ang sandwich saka sinubuan si Mikael. Kaagad namang kumagat si Mikael sa sandwich. “I have to leave in a few days.” Paalam ni Leigh. “It’s confidential and it’s important.” Dagdag pa niya. “Mission?” Mikael asked. Tumango si Leigh. “Yes.” Mikael sighed. Tumingin siya kay Leigh saka hinalikan ito sa nuo. “Be careful then.” “Next week ‘yon pero pinagpapaalam ko na ngayon. Rhett will be your bodyguard for the mean time. I will probably leave for two or three days.” Kumunot ang nuo ni Mikael. “Who is Rhett?” he asked. “My assistant.” “Your assistant is a male?” mas lalong lumalim ang gitla sa nuo ni Mikael. Halatang hindi nito nagustuhan na ang lalaki ang assistant ni Leigh. Tumango si Leigh. “Yeah.” Mikael narrowed his gaze to Leigh. “What?” natatawang tanong ni Leigh dahil alam niya kung bakit ganun na lamang ang pagtingin sa kaniya ng binata. “Jealous.” “Yes.” Deretsang sagot ni Mikael na mas lalo pang ikinatawa ni Leigh kaya naman sinapo ni Mikael ang mukha nito at siniil ng halik sa labi. “Ang cute mong magselos.” Sabi ni Leigh saka pinisil ang magkabilang pisngi ni Mikael dahil namumula ito. Mikael clicked his tongue. “Huwag ka ng magselos. Mabait naman si Rhett, eh. Tiyak na magkakasundo kayong dalawa.” Umiling si Mikael. “That would be impossible. Masama ang ugali ko sa ibang tao lalo na sa mga hindi ko kakilala.” Aniya. Leigh chuckled. “It’s just two days, okay? Si Rhett muna ang sekretaryo mo.” Mikael sighed. “Do I have a choice?” Leigh smiled and shook her head, saying ‘no’. “Then that’s it.” Sabi ni Mikael. The following day, nasunog ang isang factory ng Salazar Empire. Malaki ang nasira at nawala. May mga nadamay rin sa sunog, ang mga kabahayan malapit sa Salazar Empire. Mikael became busier because of it. Kailangan niyang asikasuhin ang pansamantalang panunuluyan ng mga nasunugan lalo na at ang Salazar Empire ang sinisisi ng mga ito. The Salazar Empire also needed to compensate those families affected by the fire. “Report, Rhett.” Kaagad na sabi ni Leigh nang tumawag si Rhett sa kaniya. She instructed him to investigate the cause of the fire at the factory. May kutob kasi siya na may kinalaman ang kalaban sa nangyaring sunog. “Chief, it was the Mafia. Sila ang dahilan kung bakit nasunog ang isang factory ng Salazar Empire.” “Then do something for me.” Malamig na saad ni Leigh. “Ian informed me that the Mafia will be having a black auction next week. Stole the goods and returned them to the owners legally. Then burn or blow down their factories in Russia, but make sure that no innocents will be harmed.” Utos niya. “Yes, Milady.” Tumaas ang sulok ng labi ni Leigh. Matagal na tumahimik ang Crimson Rose dahil sa paghahanap nila ng mga ebidensiya laban sa Mafia. Maraming mga impormasyon ang kailangan nila patungkol sa mga illegal transactions ng mga ito. The Crimson Rose spent long years just for this day. Ang Mafia rin ang dahilan kung bakit personal na pumasok ang kapatid niya sa Mafia – para nakawin nito ang Black Book. Uuntiin ng Crimson Rose na pabagsakin ang Mafia. Hindi man magagaging madali ang lahat pero kailangan nila itong gawin para sa mga inosenteng tao na nadadamay at nabibiktima ng Mafia. But Mikael’s case was different. Ibinabalik niya lamang ang ginagawa ng mga ito. The Salazars only wanted to protect their Empire. Naiintindihan niya ang plano ni Mikael, ang tungkol sa pag-iimbestiga nito sa Mafia pero kailangan niyang pumagitna dahil buhay na nito ang nakataya. Hindi niya hahayaan na mapahamak si Mikael lalo na at nangako siya sa anak niya na magkikita ito at si Mikael. Her son badly wanted to meet Mikael, and she promised her son that he would meet Mikael soon. Ayaw niyang baliin ang pangako niyang ‘yon sa anak niya. Napabuntong hininga si Leigh. Tinignan niya ang oras, malalim na ang gabi pero wala pa rin si Mikael. Pinauna siya nitong umuwi kanina para raw makapagpahinga siya. Gusto na niya sanang hintayin ang binata but Mikael insisted her to go home. Sumandal siya sa sofa na kinauupuan habang hinihintay si Mikael hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. “CAN you handle it?” tanong ni Maverick kay Mikael nang tawagan niya ito. Pagod man pero alam ni Mikael na kaya niya ang kinahaharap ngayon ng Empire. “I can do it, Dad. You don’t have to worry about me. Gabriel was the one who was coordinating with the police and firefighters. Siya na rin ang umaasikaso sa mga napinsala ng nasunog na factory. Huwag po kayong mag-alala, kaya ko ‘to.” “I’m worried, son.” Ngumiti si Mikael saka umakyat ng hagdan patungo sa kaniyang apartment habang kausap ang kaniyang ama. “Always be careful.” “Yes, Dad. Don’t worry. Lagi po akong nag-iingat para sa inyo…” at para kay Leigh. Aniya. “That’s good. Ayaw kong mas mauna ka pa sa akin sa sementeryo.” Seryosong saad ni Maverick. Shaking his head, Mikael chuckled. “Dad, hindi natin alam ang buhay.” Sabi naman niya. “Enough of the talk about this. Basta lagi kang mag-iingat at kung kailangan mo ng tulong magsabi ka lang.” “Yes, Dad.” When the call ended, Mikael let out suck a deep breath and blew it afterward. Binuksan niya ang pinto ng apartment niya. Bahagya pa siyang natigilan nang makita niya si Leigh na nakatulog sa may sofa. Kusang gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. Nilapitan niya ang dalaga saka ito maingat itong pinangko at dinala sa kama upang makatulog ito ng komportable. Mikael sat on the edge of the bed while staring at Leigh. He leaned to her and kissed her on her forehead. “I love you,” he whispered. Tatayo na sana siya pero hindi niya napansin na nakahawak pala si Leigh sa laylayan ng suot niyang coat kaya naman hinubad na lamang niya ito. Then he took a shower, wore his shirt and sweatpants before going to bed. Niyakap niya ang dalaga at dahil na rin siguro sa pagod kaya siya agad nakatulog. Unbeknownst to Mikael, Leigh was awake the whole time. Nagmulat lamang ng mata si Leigh nang masiguro niyang tulog na si Mikael. Dahan-dahan siyang umikot paharap sa binata. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Nakita na niya ang pagod na hitsura ni Mikael pero ang nakikita niya ngayon ay sobra itong pagod na pagod. Leigh kissed Mikael’s forehead. “I promised, I will always be with you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD