“WHERE did you go, Leigh Clemente?” seryosong tanong ni Mikael kay Leigh habang magkaharap silang nakaupo sa may sofa.
Napasimangot naman si Leigh nang marinig niya ang buo niyang pangalan na binigkas ni Mikael. Tumingin siya rito. “Galit ka?” tanong niya rito.
Umiling si Mikael. “No. But I want to know where you go. And why are you dressed like that?”
Nag-iwas ng tingin si Leigh. “Can’t tell you.”
Tumaas ang kilay ni Mikael. “Should I punish you then?” tanong niya ulit sa dalaga. Ramdam niya na hindi pwedeng sabihin sa kaniya ni Leigh kung saan man ito pumunta. Kaya naman hindi na niya pinilit pa ang dalaga na sabihin sa kaniya kung saan ito pumunta. Ang mahalaga ay nasa maayos itong kalagayan.
“How would you punish me?” tanong ni Leigh.
Tumaas ang sulok ng labi ni Mikael saka tumayo. Lumapit siya sa dalaga saka humawak sa sandalan ng sofa para suportahan ang kaniyang katawan, sa mismong kinauupuan ni Leigh saka niya hinawakan ang baba ng dalaga at hinalikan ito sa labi.
Leigh closed her eyes and responded to Mikael’s kiss. Ipinalibot niya rin ang braso sa leeg nito at mas lalong diniinan ang halikan nilang dalawa. Hanggang sa bumaba ang kamay niya sa butones ng suot nitong pajama. She unbuttoned Mikael’s upper garment.
Mabilis namang hinawakan ni Mikael ang kamay ni Leigh at pinutol ang halikan nilang dalawa. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. “My love, are you that eager to see my body? Don’t worry, it’s yours.”
Inirapan ni Leigh ang binata saka niya ito hinila paupo sa kaniyang tabi. Then she went to sit on his lap.
Mikael could only chuckle and let Leigh do her way.
Hinubad ni Leigh ang suot na jacket saka siniil ng halik si Mikael.
They kissed passionately until their hands started to roam over each other’s bodies. Hindi namalayan ni Leigh na nahubad niya ang suot ni Mikael na pang-itaas. Then her lips went down to Mikael’s jaws, downward to his neck and she suddenly bit it.
Medyo nabigla si Mikael sa ginawa ni Leigh pero hindi siya nagreklamo. He just enjoyed Leigh sipping his skin. He even closed his eyes, savoring the moment.
“Leigh…”
Napangiti si Leigh dahil sa nararamdaman niyang malaki ang epekto ng ginawa niya sa binata. “Yes?” she asked in her sweet voice.
“That was good.” Ani Mikael.
Leigh smiled and looked at Mikael. Yumakap siya sa leeg ng binata pero bumaba ang tingin niya sa katawan nito. “Sorry about your upper clothes.” Aniya saka inayos ang suot nitong damit pero hindi niya ibinutones na ikinailing na lamang ni Mikael.
Yumakap si Leigh sa leeg ng binata. “Sorry for going out. May pinuntahan lamang akong importante.”
“Hindi mo ba pwedeng sabihin sa akin?” Mikael asked.
Umiling si Leigh. “I’m sorry.”
Tumango na lamang si Mikael saka humawak sa beywang ni Leigh. “Don’t be offended but I was curious. Who really are you, Leigh?” he asked.
Leigh let out a small sigh. “I’m sorry, but I couldn’t tell you right now, Mikael. But I was here to protect you. I entered your company and became your secretary to protect you. As you know, you are investigating the Mafia, but they aren’t the kind of people who are easy to deal with. The Mafia is a dangerous syndicate.”
“I know.”
Umiling si Leigh. “Kaunti lang ang alam mo tungkol sa kanila. Sorry for lying, but I want you to know that what I feel for you was real. I lied, yes. Pero totoo na gusto kita.”
Ngumiti si Mikael. “Thank you for protecting me, and thank you for liking me.”
Leigh chuckled. “I’ll tell you about my identity when the right time comes.” Aniya saka hinalikan si Mikael.
Mikael smiled between their kisses. Leigh’s identity was still mysterious to him but her feelings for him were real. That matters the most.
HINDI ALAM ni Mikael kung ano ang sumapi sa kaniya at sumama siya kay Wayne at Odysseus na pumunta sa isang charity event. Kakauwi lang ni Wayne galing Italy kasama si Everly noong nakaraang linggo at heto siya, hinatak siya ng dalawa sa isang charity event at ginawa pa siyang driver. Well, ang kotse niya kasi ang ginamit kahit ayaw niya sana. Sayang daw ang gas. Kumusta naman kaya siya? Nagga-gas rin naman siya, ah. Buti sana kung nag-contribute ang dalawa sa gas pero wala, eh.
“I saw Dylan and the love of your life the other day at the restaurant. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.” Ani Wayne habang may ka-chat ito sa cellphone nito.
Sandaling sinulyapan ni Mikael si Wayne. Hindi na niya sana papansinin ang sinabi nito dahil baka wala ring kwenta pero…
“But Dylan was smiling. Hindi naman palangiti ang isang ‘yon.” Sabi ni Wayne.
Humigpit ang hawak ni Mikael sa may manibela.
Napailing naman si Odysseus na nakaupo sa backseat saka tinapik ang balikat ni Wayne para patigilin ito pero sige pa rin sa pagsasalita si Wayne.
“Hindi nila ako napansin. So, I observed them. Mukha kasing seryoso ang usapan nila.”
“Narinig mo ba ang usapan nila?” tanong ni Mikael ngunit seryoso na siya.
Umiling si Wayne. “But I think they are close.” Kapagkuwan nakangisi siyang bumaling kay Mikael. “Ngayon ko lang naisip. Paano kaya kung hindi ka nakilala ni Leigh? They looked good together.” Patuloy siya sa pang-iinis kay Mikael.
Padilim naman ng padilim ang mukha ni Mikael habang si Odysseus naman ay natampal na lang ang nuo. Akala niya titigil na si Wayne nang makita nitong madilim na ang ekspresyon ni Mikael pero ginatungan pa. “Imagine Dylan having baby with Leigh. Imagine they were kissing and doing intimate…”
Biglang nagpreno si Mikael at muntikan ng mapasubsob si Wayne sa dashboard.
Muntikan ring mapasubsob si Odysseus sa likod ng kinauupuan ni Wayne.
“May unggoy na dumaan.” Seryosong saad ni Mikael saka muling pinaharurot ang kotse.
Binatukan ni Odysseus si Wayne. “Tumigil ka na, Wayne.”
Wayne chuckled. “I’m just making fun of Mikael.”
Tinignan ni Mikael ng masama si Wayne. “It’s not funny, Agustin.”
Napailing lang si Wayne saka nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Everly through chat.
Naging tahimik na ang biyahe ng tatlo hanggang sa maihatid ni Mikael ang dalawa niyang kaibigan. He was in a bad mood because of Wayne. Pagdating niya sa apartment at pagpasok niya, kaagad siyang nagtungo sa kusina. Nasa kusina niya si Leigh at kasalukuyan itong nagluluto. Kaagad siyang naglakad palapit rito. Walang sabi-sabi na pinangko niya ang dalaga saka ito pinaupo sa lamesa.
“Mikael, bakit?” nagtatakang tanong ni Leigh. Napansin niya ang mukha ni Mikael. “You’re in a bad mood?”
Hindi nagsalita si Mikael at hinalikan niya si Leigh. Siniil niya ng mapusok na halik ang labi nito.
Alam niyang may nangyari kung bakit nagkakaganito si Mikael kaya naman kahit gusto niyang tugunin ang halik ni Mikael pinilit niya itong itulak para maghiwalay ang labi nilang dalawa. But Mikael was persistent about kissing her, and she didn’t succeed.
“Kiss me back, Leigh,” Mikael commanded in a serious yet deep and husky voice.
Ibinuka ni Leigh ang bibig ang tinugon ang halik ni Mikael. Hanggang sa gumalaw ang kamay ni Mikael. Sandali nitong pinutol ang halikan nila at hinubad niya ang suot ni Leigh na apron. Then he went back kissing Leigh and started to unbutton her blouse.
Bumaba ang halik niya sa leeg ng dalaga.
Napadaing naman si Leigh dahil sa sensasyong kaniyang nararamdaman. Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang maramdaman niyang bumaba ang halik ni Mikael sa itaas ng kaniyang dibdib.
“Mikael…” she softly called out his name. “Hmm…”
Natanggal lahat ni Mikael ang pagkakabutones ang suot ni Leigh na blouse. Akala niya ay ibababa ni Mikael ang suot niyang blouse pero ibinaon ng binata ang mukha nito sa leeg niya. Humugot ito ng malalim na hininga sa leeg niya.
Wala sa sariling napatingin si Leigh sa kabilang gusali at may kumislap na pulang ilaw. Then she saw a red dot on Mikael’s back. Mabilis siyang kumilos at itinulak si Mikael papunta sa kaniyang gilid.
“Dapa!” Aniya saka mabilis na bumaba ng lamesa. She launched at Mikael and they both fell on the floor.
Bago pa man makapagtanong si Mikael kung ano ang nangyari, narinig niyang may nabasag sa kusina.
“Sniper.” Seryosong saad ni Leigh at may tinawagan.
Nakatingin lang naman si Mikael kay Leigh habang may inuutos ito sa kausap nito sa kabilang linya. “There’s a sniper on the other building. Malapit lang ito sa apartment ni Mikael. Find him and make sure he won’t get away. Then interrogate him. Kapag hindi siya nagsalita sabihin niyo sa akin at ako ang kakausap sa kaniya. I will show him what mercy is.” Malamig niyang saad.
“Yes, Milady.” Tugon ni Rhett.
Maverick was taken aback to hear Leigh’s cold voice but couldn’t help but feel amazed by her. Leigh looked dashing and full of authority while speaking.
“No one dares to hurt what’s mine.”
Bumilis ang t***k ng puso ni Mikael matapos marinig ang sinabi ni Leigh. Ngumiti siya saka hinawakan ang leeg ni Leigh saka inilapit ito sa mukha niya. He started to kiss Leigh’s neck while she was talking on the other line.
Leigh remained her composed exposure kahit pa gusto niyang mapadaing dahil sa ginagawa ni Mikael.
“Strengthen the security of the building and make sure no enemy can get in.”
“Yes, Milady.”
Mabilis na tinapos ni Leigh ang tawag saka hinarap ang binata. “Pilyo ka.”
Ngumiti naman si Mikael. “Only to you, my love.”
Napailing naman si Leigh. “Ayos ka lang ba?”
Tumango si Mikael. “How about you?”
Umiling si Leigh. “I’m fine. You’re not safe here. How about looking for a new place?” she suggested.
Tumango si Mikael. “Okay.” Hindi na niya tinanong kung bakit. Alam niyang inaalala ni Leigh ang kaligtasan niya. Alam niyang malaki ang responsibilidad ni Leigh sa pagpoprotekta nito sa kaniya at ayaw naman niyang maging matigas ang ulo lalo na at seguridad na niya ang pinag-uusapan.
“I know a place.” Sabi ni Leigh. “It’s safe there. Malapit lang ito sa Salazar Empire.”
“Let’s visit tomorrow.”
Leigh nodded. “Sige.” Aniya saka tumayo. Ibinutones niya ang suot na blouse.
“Damn.” Bulalas ni Mikael nang makita kung ano ang nabasag. “That’s my mom’s gift.” Aniya nang makita ang nabasag na baso.
Leigh sighed. Tinapik niya ang balikat ni Mikael. “Goodluck explaining to your mother.” Aniya saka parang wala lang na nagpatuloy sa pagluluto.
Napailing naman si Mikael. He cleaned the broken glass and went to call his mom to update her about her gift to him that was broken by the sniper.