ISANG mahigpit na yakap ang iginawad ni Leigh sa kaniyang anak pagdating niya sa mansyon nila sa Spain. Ace clings to her neck as if she will leave again. Ngumiti si Leigh saka hinalikan ang nuo ng kaniyang anak.
“I’m here, baby.” Saad niya sa anak niya na sobra niyang namiss. Ilang buwan rin silang hindi nagkita at talagang namiss niya ito ng sobra.
Sometimes because of her mission, hindi niya nakakasama ang anak niya lalo na kung ang misyon niya ay sa ibang bansa.
“I miss you, mommy.”
“I miss you too, baby.” Malambing na saad ni Leigh sa kaniyang anak. Muli niya itong hinalikan sa nuo.
“You’re alone, Mommy?” Ace asked.
“Yes, I’m alone. Bakit may inaasahan ka bang kasama ko?” tanong naman ni Leigh.
“I thought he was with you.”
“He?” Nagtaka si Leigh.
“Yes, si Tito Mikael po.”
Natawa ng mahina si Leigh saka napailing. “You will meet him when you go to the Philippines. Hindi ba pinangako ko naman sa ‘yo na ipapakilalala kita sa kaniya kapag natapos ang academic school year mo. He also wanted to meet you.” Pinisil niya ang ilong ng anak saka ito binuhat. “Let’s go. Mommy was tired because of the long flight.”
Kapagkuwan napatingin si Leigh kay Maeve, her lady butler.
“Milady.” Maeve bowed her head.
“Just greet me. No need to bow.” Ani Leigh.
Maeve just slightly bowed her head, making Leigh to shake her head.
Pumasok sila sa loob ng mansyon.
“Milady.”
“Milady.”
“Milady.”
Leigh was greeted by the servants.
Then she meets her parents in the living room.
Relief was shown in her parent’s faces. Ibinaba niya si Ace at niyakap niya ang kaniyang magulang.
“I’m glad you’re okay.” Saad ng kaniyang ina.
Leigh smiled.
“Parang hindi mo naman kilala ang anak natin.” Sabi naman ng kaniyang ama. “Our daughter was a tough woman. She could easily handle things on her own.” Dagdag pa nito.
Tinignan naman ni Sofia ng masama ang asawa. “Eh, kung sakalin kaya kita riyan?”
“I love you, mi amor.” Malambing na saad ni Logan, ang ama ni Leigh.
Umismid lang naman si Sofia.
Natawa na lamang si Leigh dahil sa kaniyang magulang.
“Anak, magtatal ka ba rito o babalik ka rin ba agad sa Pilipinas?” tanong ni Sofia sa kaniyang anak.
Umupo silang lahat sa sofa at nagpahanda naman si Sofia ng meryenda para sa kanila.
Habang nagmemeryenda sa may living room, nagkukwento si Leigh sa mga nangyari. And her family was listening to her attentively, especially her son.
“Let us meet that man.” Sabi ni Logan. “I want to see if he is really a good man.”
“Grandpa, let me meet him first.” Sabad ni Ace.
Nginisihan ni Logan ang apo. “Well, let’s see who will go to the Philippines first.”
Kaagad na bumaling si Ace sa ina. “Mommy, take me with you.”
Ngumiti si Leigh saka hinaplos ang buhok ng anak.
Kapagkuwan naalala ni Leigh ang tungkol sa kapatid niya. “About Kuya Levi, he’s in the Philippines. Doon po siya nagtago sa loob ng tatlong taon.”
Natahimik ang magulang ni Leigh dahil sa balitang sinabi ng dalaga. Ngunit si Sofia ang unang nakabawi.
“Your brother was alive?” naluluhang tanong ni Sofia.
Tumango si Leigh. “He’s already married. At naging kaibigan ko pa ang asawa niya. Maybe everything was not just a coincidence,” Aniya. As if it was designed to happen. I know my brother. He had a manipulative mind.
“Ayaw ba niyang bumalik rito?”
Nagkibit ng balikat si Leigh. “Hindi ko po alam, Mommy. Pero sa tingin ko may ginagawa si Kuya o may plano siya. Ayaw nga niyang magpakita sa akin, eh.” Aniya.
“Your brother has always been like that.” Ani Logan. “Hayaan na natin. Ang mahalaga ay ligtas siya.”
“But I miss him,” Sofia said in a soft voice.
“I miss him too,” Logan said as he comforted his sad wife.
“We all miss him.” Sabi ni Leigh. “Pero nasa katayuan tayo ng buhay na may mabigat po tayong responsibilidad. Kailangan nating magsakripisyo para sa pamilya natin at para sa ibang tao.”
“Totoo ‘yon, anak.” Logan said and looked at his wife. “Narinig mo ba ang sinabi ng anak mo? Kaya huwag ka ng malungkot. Magsama-sama rin tayo isang araw. Pero sa ngayon kailangan nating magtiis.”
Tumango si Sofia. Wala siyang magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan na hindi pa niya makikita ang panganay niyang anak. Tumabi siya sa anak niyang babae saka ito niyakap. Ilang buwan niya itong hindi nakita at sobra niya itong namiss.
“Mommy…”
“Just let your mother hug you, Princess. She misses you.”
Ngumiti naman si Leigh. “Mom, I already have a son, but you’re still hugging me like a kid.” Aniya habang natatawa.
“You will always be my baby.” Sabi naman ni Sofia.
“Not to me, princess. Let’s have a spar.” Hamon ni Logan sa prinsesa niya.
Sa sinabi ni Logan, sinamaan ni Sofia ng tingin si Logan. “Tumigil ka nga diyan, Logan. Kakabalik lang ng anak mo, eh.”
“It’s okay, Mom. Hindi rin naman po ako magtatagal. Pupunta ako mamaya sa Greece para sa misyon ko.”
“What? Mission again?”
Leigh apologetically looked at her mother. “Sorry, Mom. But I need to do this mission.” Aniya saka bumaling sa anak. “After my mission, let’s go out.”
Namilog ang mata ni Ace saka pumalakpak. “Talaga, Mommy?”
Hinaplos ni Leigh ang buhok ni Ace. “Pasensiya ka na, baby. Kailangan ko talagang gawin ang misyon ko. But promise, I’ll stay here for two days to be with you.”
Tumango si Ace. “Yes po, mommy.”
Napabuntong hininga na lamang si Sofia. Kung siya ang tatanungin ayaw niya sana na maging Chief si Leigh ng Crimson Rose pero ito pa rin ang pumalit pagkatapos mawala ang kapatid nito na inakala nilang patay na.
AS LEIGH boarded the plane, she was greeted by the Crimson Rose.
“Milady.” They greeted and bowed to her.
Palihim naman na napangiwi si Leigh dahil hindi siya sanay na niyuyukuan. “Just greet. No need to bow.” Aniya saka deretsong umupo sa sofa.
Nakahinga naman ng maluwang ang mga Crimson Rose dahil sa malumanay na pagsasalita ng Chief nila. Minsan lamang nilang nakakasama ang Chief sa misyon. Kadalasan kasi ay nag-uutos lamang ito. At sumama ito ngayon sa kanila ibig sabihin ay delikado ang misyon na pupuntahan nila.
There are ten Crimson Roses who will accompany her to Greece. Three of them are women.
“Milady.” Ian Blanco, the head tracker of Crimson Rose had just entered the plane. “Sorry for being late.”
“It’s okay.” Saad ni Leigh. “Let’s go. Saka na ang briefing kapag naka-angat na tayo sa ere.”
“Yes, Chief.”
Tumikhim si Leigh. “From now on don’t call me ‘Chief’ anymore. Soon, the Former Chief of Crimson Rose, Levi Alexander Velasquez will come back and take back his position.”
Nagkatinginan ang mga Crimson Rose. Everyone thought that the eldest son of Velasquez died three years ago. No one thought that he was still alive.
“Yes, he was still alive.” Ani Leigh nang makita niya ang pagtataka sa mukha ng mga Crimson Rose.
Everyone took their seats and as the plane rose up in the sky, Leigh looked outside. This mission is dangerous and they could die there. Pero desidido na siya sa gagawin niya. Sa gagawin niyang ‘to, uuntiin niyang tatanggalin ang pundasyon ng Mafia. If Sebastian Gordon losses his heir, he would lose power and authority. Hindi niya alam kung paano gumalaw ang Mafia pero sa tingin niya ay napakahalaga sa kanila ang isang tagapagmana.
Nang makaangat sila sa ere kaagad na tumayo si Leigh at lumapit sa mesa na nasa gitna ng eroplano.
“Report, Ian.” Saad niya.
Lahat sila ay pumalibot sa lamesa.
“Milady, Amelia Gordon was on a private island in Greece. She’s been there for almost twenty-five years. Kahit kailan ay hindi siya lumabas. Bantay-sarado rin siya ng mga tauhan ng asawa niya. Though she could move freely around the island with bodyguards. Mahigpit rin ang seguridad ng buong isla. There were hidden cameras and visible CCTV. No one could get in and out without being detected by their advanced defense system.” Imporma ni Ian.
Inilapag ni Leigh ang hawak na katana sa gilid ng lamesa. “Like what I had thought.” Aniya. “Show me the visual of the island.”
“Yes, milady.”
Mula sa kulay puting lamesa, nagbago ang ibabaw nito. Sa ibabaw kasi ng mesa ay salamin ito at isa itong makabagong teknolohiya na nagawa ng Crimson Rose. The screen showed the visuals of the island.
Sandaling pinagmasdan ni Leigh ang isla. Hindi ito gaanong kalaking isla ngunit malinaw niyang nakikita na hindi basta-basta ang makakapasok roon maliban na lamang kung tahimik silang lalapit. May mansyon na nakatayo sa gitna ng isla at may landing area doon ng helicopter.
“Milady, forgive me, but I couldn’t hack into their defense system. So, be careful. Hindi ko alam kung anong klaseng defense system mayroon ang isla.” Hingi ni Ian ng paumanhin.
“It’s okay.” Ani Leigh. Tinignan niya ang mga kasama. “I only want one thing from you. No playing of hero. Once you are there. Kill the enemies, rescue Amelia, and leave that place alive. I don’t want to lose any of you. I don’t want to mourn your death. So, you must stay safe.”
“Yes, Milady.”
Then Ian showed the picture of a woman. “She’s Amelia Gordon. Wife of the Mafia Leader Sebastian Gordon.”
Leigh sighed. “If you see her, get her. We need to rescue her from that island. And bring her to a safe place.”
“Yes, milady.” Sagot ng Crimson Rose. Walang nagtanong sa kanila kung bakit nila ililigtas ang asawa ng Mafia Leader na kalaban nila. They all knew that the Chief had her reason, and they needed to trust her.
“Aisha.” Tawag niya sa isang Crimson Rose na babae.
“Lead the other group. We would split into two groups. One group will travel by air to the island and one group will travel by water. Anyone who will come with me?” Leigh asked.
Kaagad na nagtaas ng kamay ang lahat maliban kay Aisha na siyang mamumuno sa isang grupo.
“I’ll travel by air.”
Lima ang agad na nagbaba ng kamay. Those five people who dropped their hands were Vicky, Ronan, Dex, Nate and Cyril. They know what will happen if they go with the Chief. Alam nila na magaling itong makipaglaban pero laging katana ang gamit nito. So, probably it will be a bloody fight.
Sa grupo naman ni Leigh ay may sasama sa kaniyang apat. They are Lex, Zephyr, Yosef and Xander.
“Then it’s settled.” Saad ni Leigh saka ngumiti. Pero ang ngiti niya ay hindi katulad ng mga ngiti na ipinapakita niya kay Mikael. Her smile when she was with Mikael was always gentle and sweet. Pero kapag ibang tao siya ngumingiti alam niyang may dalang panganib ang ngiti niya kaya kadalasan ay iniiwasan niyang ngumiti dahil natatakot sa kaniya ang Crimson Rose.
Pagdating nila sa airport ng Greece, bumaba sila sa eroplano at sumakay si Leigh ng helicopter na may tatak ng mismong hitsura ng Crimson Rose sa may buntot nito at sa ibaba ng Crimson Rose ay may dalawang espada na nakaukit at nakakorte ng letrang ‘V’. It was the symbol of their organization. Lahat ng kasapi ng Crimson Rose ay may tattoo ng kanilang simbolo. Kahit siya ay mayroon din sa mismong balikat niya. Kasama niyang sumakay ang apat na Crimson Rose na sasama sa kaniya patungo sa isla. Habang ang grupo ni Aisha kasama si Ian ay sumakay ng van.
Isinuot ni Leigh ang earpiece at narinig niya agad ang boses ni Ian.
“Coms in, check.”
“Coms in.” Saad ni Leigh at sinundan naman ito ng mga kasamahan nila.
They rode to the private island of Gordon using a helicopter and yacht.
Hindi kinakabahan si Leigh pero sa tingin niya ay madugo ang labanang magaganap sa mga susunod na oras.